Learning Activity Sheets in Arts .

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

1

Grade Level: 1
Quarter: 3
Learning Area: ARTS
MELC No. & Competency: A1PR-IIIf
Stencil a design ( in recycled paper, plastic, cardboard, leaves
and other materials) and prints on paper,cloth,sinamay,bark or a wall

Writer: Mylen R.Lopez T-II Mavil ES


Layout/Illustrator: Mylen R.Lopez T-II Mavil ES
Development Team: Noe M.Villamartin SP-I/OIC-PSDS
Maria Luz G.Bautista MT-1 BCES

District: Bagamanoc North District


LEARNING ACTIVITY SHEET IN ARTS-1
Worksheet No.___ Quarter 3

Pangalan: _____________________________________________
Baitang/Seksiyon: ______________________________________
Petsa: __________________________________________________

I.KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Stencil a design ( in recycled paper, plastic,


cardboard, leaves and other materials) and prints on paper, cloth,
sinamay, bark or a wall
(A1PR-IIIf)

II.INTRODUKSYON

Ang stencil design ay pag-imprenta ng disenyong pauli-ulit sa


pamamagitan ng paglalagay ng krayola,water color,pintura,tinta
o waks sa butas pagkatapos itong gupitin o alisin ang disenyo sa
isang matigas na karton, cardboard o plastik.

Ang isang stencil ay pwedeng maggamit ng ilang beses para


makagawa ng magandang disenyo

Tingnan ang halimbawa ng stencil design.


Tanong:

1.Anu-anong hugis ang inyong nakita?

2.Naipakita ba ng maayos ang mga hugis?

III.MGA GAWAIN
Gabay para sa magulang o tagapagturo.

Gawain1:(Paggawa ng Disenyo ng Stencil)

Panuto: Gumawa ng ibat-ibang disenyo ng


Stencil gamit ang mga hugis.
Kagamitan: mga lumang folder o cardboard,gunting
at lapis.

Mga Dapat Gawin

1.Gumuhit ng ibat-ibang hugis sa lumang folder


o cardboard.
Halimbawa ng mga hugis: bilog,parisukat,
trayanggulo,parihaba
2.Gupitin ang ibat-ibang hugis na ginawa.Ang
maiiwan nalang ay ang mga butas sa cardboard.
Ang mga butas ang magsisilbing stencil na lalagyan ng kulay.
3.Sundin ang ibinigay na rubriks.
4.Gabayan ang bata sa paggamit ng gunting.

RUBRIKS SA PAGBIGAY NG ISKOR/PUNTOS

PAMANTAYAN PUNTOS
Nakagawa ng malinis at nagupit ng maayos ang 5
mga hugis.

Nakagawa ng ibat-ibang hugis pero hindi nagupit 3


ng maayos.

Hindi gumawa ng aktibity. 1


GAWAIN 2: ( Stencil ning Ibat-ibang Hugis)

Panuto: Gumawa ng stencil gamit ang ibat-ibang


hugis.

Kagamitan: bond paper,ginupit na cardboard na may ibat-ibang


hugis,krayola

Mga Dapat Gawin

1. Ilagay ang cardboard na may stencil ng ibat-ibang hugis sa


ibabaw ng bond paper.

2. Gumamit ng krayola sa pag stencil ng hugis.

3. Ulitin ang pag stencil ng mga hugis upang makagawa ng


naiibang disenyo.Pwede namang gumamit ng ibat-ibang
kulay ng krayola.
4. Sundin ang ibinigay na rubriks.
5. Gabayan ang bata sa paggawa ng stencil design.

RUBRIKS SA PAGBIGAY NG ISKOR

PAMANTAYAN PUNTOS
Nakagawa ng maganda at malinis na stencil 5
design.

Nakagawa bg stencil design pero hindi 3


masyadong maganda at malinis.

Hindi gumawa ng aktibity. 1

Gawain 3: ( Stencil ng Bulaklak)

Panuto: Gumawa ng stencil na may disenyong


bulaklak.
Kagamitan: cardboard na may disenyong
bulaklak,bond paper,water color o
krayola

Mga Dapat Gawin

1.Gumawa ng disenyo ng bulaklak sa cardboard.


Gayahin ang nasa larawan.

2 .Gupitin ang disenyo ng bulaklak.Butas nalang ang


maiiwan sa cardboard.Ang butas na nasa cardboard
ang lalagyan ng water color o krayola.
3.Ilagay ang cardboard na may stencil ng bulaklak
sa ibabaw ng bond paper.
4.Gumamit ng water color o krayola sa pag stencil
ng bulaklak.
4.Sundin ang ibinigay na rubriks.
5.Gabayan ang bata sa paggawa ng stencil.

RUBRIKS SA PAGBIGAY NG ISKOR

PAMANTAYAN PUNTOS
Nakagawa ng maganda at malinis na disenyo. 5
Nakagawa ng disenyo pero hindi masyadong 3
maganda at malinis.
Hindi gumawa ng aktibity. 1

PAGTATAYA: ( STENCIL NG BAHAY)

Panuto: Gumawa ng stencil na may disenyong


bahay.

Kagamitan: bond paper,water color o krayola,


cardboard na may disenyong bahay

Mga Dapat Gawin

1.Gumawa ng disenyo ng bahay sa cardboard.


Gayahin ang nasa larawan.
2.Gupitin ang disenyo ng bahay para butas nalang
ang maiiwan sa cardboard. Ang mga butas sa
cardboard ang lalagyan ng water color o krayola.

3.Ilagay ang cardboard na may disenyo ng bahay


sa ibabaw ng bond paper.

4.Gumamit ng water color o krayola sa pag stencil ng bahay.

5.Sundin ang ibinigay na rubriks.

6.Gabayan ang bata sa paggawa ng stencil lalo na


sa paggamit ng gunting.

Gamiton ang rubric para mabigyan ng marka ang ginawang


stencil design ng mga bata.

RUBRIKS SA PAGBIGAY NG ISKOR

PAMANTAYAN PUNTOS/
ISKOR
Maganda at malinis ang pagkagawa ng Stencil 5
Design (90-100%)
Hindi masyadong maganda at malinis ang 3
pagkagawa. (81-89%)
Hindi natapos ang ginawang art aktibity 1
(80% pababa)
Pag-usapan natin:

1.Ano ang masasabi mo sa ginawa mong Stencil


Design?

2.Maipapakita ba ang tamang hugis ng mga


bagay kung gagamit tayo ng stencil?

IV.REPLEKSIYON
Nakita mo na gumugupit ng ibat-ibang hugis ang iyong kapatid.
Ano ang pwede mong gawin sa mga ginupit na hugis ng iyong
kapatid?

V.SANGGUNIAN

DLP sa Arts Quarter 3 pahina 26-29


LM sa MAPEH 3 pahina 171-178
Disenyo ng bulaklak kinuha sa www.pinterest.com
SUSI SA PAGWAWASTO

Gawain 1: ( Paggawa ng Disenyo ng Stencil)


Depende sa ginawa ng bata.

Gawain 2: ( Stencil ng Ibat-ibang Hugis)


Depende sa ginawa ng bata.

Gawain 3: ( Stencil ng Bulaklak)


Depende sa ginawa ng bata.

Pagtataya ( Stencil ng Bahay)

Depende sa ginawang Stencil Design ng bata.

Inihanda ni:
MYLEN R.LOPEZ
Teacher-II Mavil Elem.School
Bagamanoc North District
Division of Catanduanes

You might also like