Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA TLE VI

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng 45 minutong talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Tukuyin ang iba’t ibang parte ng kompyuter.


b. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng kompyuter.
c. Nakagagawa ng mga bagay sa tulong ng kompyuter.

II. PAKSANG ARALIN

PAKSA: Computer Basics

SANGGUNIAN: https://cws.web.unc.edu/wp-content.com

KAGAMITAN SA PAGTUTURO: powerpoint presentation

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. Panimulang gawain
1. Pagbati

Magandang araw mga bata! Magandang araw din po sa inyo sir!

Kumusta kayong lahat? Maayos naman po ang aming lagay.

2. Panalangin

Tayong lahat ay magsitayo at sabay sabay na


manalangin. (Tumayo ang lahat.)

Chrizza, maaari mo bang pangunahan ang


pagdadasal ngayong araw? (Pumunta si Chrizza sa harap at sinimulan
ang pagdadasal ng buong klase)
Maraming salamat Chrizza maaari ng magsi
upo ang lahat. (Nagsi upo na ang mga bata)

3. Pagtatala ng lumiban sa klase

Mga bata mayroon ba sa inyo na wala sa ating


klase ngayong umaga?
Wala po
Mabuti naman kung ganoon.

4. Pagpapasa ng takdang aralin

Nagbigay ako ng takdang aralin nung huli


nating pagkikita diba mga bata?
Maaari niyo bang sabihin kung tungkol saan
ang inyong takdang aralin? Sir, kami po ay inatasan niyong
magreseaerch patungkol sa computer.
Maaari niyo nang ipasa ang inyong takdang
aralin. (pinasa ang mga takdang aralin.)

B. Balik aral

Bago tayo magpatuloy sa ating aralin mayroon


bang makapagsasabi sa klase kung tungkol
saan ang ating naging huling talakayan?

Yes, Mark. Ang huling tinalakay po natin ay tungkol sa


pamamaraan ng pananahi

Magaling Mark! At ngayon naman


magtatanong ako patungkol sa ating inaral na
natin patungkol iba’t ibang pamamaraan ng
pananahi.
Ano-ano ang iba’t ibang pamamaraan ng
pananahi?

Maaari ka bang tumayo Christine at banggitin (nagtaas ng kamay ang mga bata.)
ang mga nalalaman mong pamamaraan ng
pananahi.

Ang mga pamamaraan ng pananahi ay


Maraming salamat Christine sa napakaganda ginagamitan ng kamay at makina,
mong sagot maaari ka nang umupo. embroidery, crochet at iba pa.

Natutuwa ako at talagang natutunan niyo ng


mabuti ang ating huling inaral mga bata.

C. Paggaganyak

Ngayon naman mga bata ay magkakaroon tayo


ng simpleng aktibidad.

Dahil kayo ay nasa panahon na kung saan ang


halos lahat ay mayroong gadgets o computer at
naipagawa ko na rin ng takdang aralin
patungkol dito ay inaasahan ko na mayroon na
kayong kaalaman patungkol sa computer.

Kaya ngayon mga bata ay magakakaroon tayo


ng simpleng gawain na kung saan ay huhulaan
niyo ang mga parte ng kompyuter na nasa
larawan.

Naintindihan ba mga bata?

Mabuti kung ganoon ngayon gusto ko sabay


sabay kayong lahat na sumagot pag pinakita ko Opo, sir
na ang mga larawan.
Para sa unang larawan ano ito?

Para sa susunod na larawan ano naman ito?


Monitor. (sabay sabay na sagot ng mga
estudyante)

Para naman sa huling larawan ano naman ang


Keyboard. (sabay sabay na sagot ng mga
tawag dito?
estudyante)

Magaling mga bata! Bigyan natin ang mga Mouse. (sabay sabay na sagot ng mga
sarili natin ng limang palakpak. estudyante)

D. Pagbabasa ng layunin (pumalakpak ng limang beses ang lahat.)

Bago natin simulan ang talakayan alamin muna


natin ang inyong mga layunin sa araw na ito.
Handa na ba kayo mga bata?

Ang inyong layunin ngayong araw ay tukuyin


ang iba’t ibang parte ng kompyuter,
maipaliwanag ang kahalagahan ng kompyuter.
At makagagawa ng mga bagay sa tulong ng
kompyuter.
E. Paglalahad ng paksa

Ngayong araw tatalakayin natin ang paksa


patungkol sa basics ng computer.

F. Pagtatalakay ng paksa

Ang kompyuter ay isang electronic device na


ginagamit para sa pagproseso ng impormasyon.
Ito ay binubuo ng iba't ibang bahagi tulad ng
processor, memorya, at imbakan ng datos. Sa
pamamagitan ng keyboard, mouse, at iba pang
mga input devices, maaari itong kontrolin ng
user para magamit ang iba't ibang software at
aplikasyon. Karaniwang ginagamit ang
kompyuter para sa trabaho, edukasyon,
komunikasyon, paglalaro, at marami pang iba.
Ang kompyuter ay isang makabagong tool na
nagbibigay-daan sa mga tao na gawin ang iba't
ibang mga gawain ng mas mabilis at mas
maayos.
Ito ang larawan ng isang kompyuter.

Ang monitor ay isang output device sa isang


kompyuter o iba pang mga aparato na
nagpapakita ng mga visual na impormasyon o
data. Ito ang aparato kung saan makikita ng
user ang mga larawan, teksto, video, at iba
pang mga elemento na lumalabas mula sa
kompyuter.

Ngayon naman ay dumako tayo sa kung ano


ang tinatawag na keyboarad maaari niyo bang
sabay sabay na basahin kung ano ang keyboard.
(sabay sabay na nagbasa ang mga
estudyante.)
Magaling mga bata! Ang keyboard ay isang input device na
karaniwang ginagamit sa mga kompyuter at
Ang keyboard daw ay binubuo ng mga iba pang mga electronic device.
pindutan o mga key na may mga letrang may
kaukulang tunog, numero, simbolo, at iba pang
mga command. Ang keyboard ay ginagamit
upang ipasok ang teksto, komando, at iba pang
mga uri ng datos sa kompyuter sa pamamagitan
ng pag pindot sa mga key.

Ngayon ay dumako naman tayo sa mouse ito ay


isang input device na karaniwang ginagamit sa
mga kompyuter at iba pang mga electronic
device. Ito ay isang maliit na kagamitang
mayroong mga pindutan at sensor na
nagpapahintulot sa user na kontrolin ang galaw
ng cursor o pointer sa screen. Karaniwang
ginagamit ito para sa pag-navigate sa interface
ng kompyuter, pagpili ng mga elemento sa
screen, at iba pang mga gawain tulad ng
paglalaro at disenyo.

Ang operating system (os) ay isang programa o


software na nagpapatakbo at nagpapamahala sa
iba't ibang bahagi ng isang kompyuter o
electronic device. Ito ang nagbibigay-daan sa
mga user na mag-interact at gumamit ng
kanilang device sa pamamagitan ng pagbibigay
ng interface o paraan ng komunikasyon. Ang os
ay responsable sa pagpapatupad ng mga basic
na function tulad ng pag-proseso ng datos, pag-
access sa memorya, pag-handle ng input at
output, paggamit ng network, at pagpapanatili
ng seguridad. Kumbaga, ang os ay parang
sentro ng kontrol na nagbibigay-daan sa iba't
ibang bahagi ng isang device na gumana nang
maayos at magkasama.

Ang desktop sa kompyuter ay ang unang bagay


na makikita mo sa screen pagkatapos mong
mag-log in. Ito ay isang virtual na workspace
kung saan makikita mo ang mga icon ng mga
programa at shortcut sa iyong mga paboritong
file. Maaari mong i-customize ang desktop mo
sa pamamagitan ng paglalagay ng mga shortcut
para sa madaling access sa iyong mga
kinakailangang application at file. Ang desktop
ay parang digital na mesa kung saan maaari
mong i-organize ang iyong mga bagay para sa
madaling pag-access at paggamit.

Dito nagtatapos ang pagtatalakay sa ating


paksa.
Kayo mga bata alam ko na karamihan sa inyo
ay meron o nakagamit na ng isang computer
ano ang madalas na ginagawa niyo kapag kayo
ay gumagamit nito?

Maaari ka bang tumayo Stephany at ibahagi


samin ang iyong sagot.

Salamat Stephany maaari ka nang maupo muli. (nagtaas ng kamay ang mga bata.)
Ang sagot ni Stephany ay madalas daw siyang
naglalaro gamit ang kanilang computer sa
kanilang bahay tama dahil marami ang kayang Sir, madalas po akong naglalaro gamit ang
gawin ng isang computer at isa na dito ang computer naming sa bahay.
paglalaro.
Naintindihan ba ng lahat ang ating paksang
tinalakay?

May mga katanungan ba kayo patungkol dito?

G. Paglalapat
Opo, sir
Ngayon ay magkakaroon tayo ng isang gawain
patungkol sa ating paksang tinalakay. Wala po
Handa na ba kayo?

Tukuyin ang mga parte ng kompyuter na nasa


hanay a at hanapin at ikonekta kung anong
pangalan nga mga ito na matatagpuan sa hanay
b. Gawin ito sa isang buong papel. Opo, sir

Hanay a
___1. Ito ang aparato kung saan makikita ng
user ang mga larawan, teksto, video, at iba
pang mga elemento na lumalabas mula sa
kompyuter.
___2. Ito ay binubuo ng mga pindutan o mga
key na may mga letrang may kaukulang tunog,
numero, simbolo, at iba pang mga command.
___3. Ginagamit ito para sa pag-navigate sa
interface ng kompyuter, pagpili ng mga
elemento sa screen, at iba pang mga gawain
tulad ng paglalaro at disenyo.
___4. Ang sentro ng kontrol na nagbibigay-
daan sa iba't ibang bahagi ng isang device na
gumana nang maayos at magkasama.
___5. Isang virtual na workspace kung saan
makikita mo ang mga icon ng mga programa at
shortcut sa iyong mga paboritong file.
Hanay b
A.mouse
B. Keyboard
C. Operating system os
D. Monitor
E. Desktop

Tapos na ba ang lahat? Kung tapos na ay


maaari nang ipasa ang inyong mga papel.

H. Paglalahat

Natutuwa ako na talagang naunawaan at (nagsagot na ang mga bata.)


naintindihan niyo ang ating paksa ngayong
araw at ngayon bago tayo pumunta sa
panibagong gawain o aktibidad ako ay
magtatanong muna patungkol sa ating naging (Pinasa na ang mga papel)
paksa ngayong araw.

Mga bata ano ang ating paksa ngayong araw?

Erika maaari ka bang tumayo at sagutin ang


aking katanungan?

Magaling Erika maaari ka nang maupo muli.


(Nagtaas ng kamay ang mga estudyante)
Para sa huling tanong ano ang kahalagahan ng
computer?

Joshua maaari ka bang tumayo at sagutin ang Sir, ang ating paksa ay tungkol sa computer.
tanong?

(Nagtaas ng kamay ang mga estudyante.)


Magaling Joshua maaari ka nang maupo muli
maraming salamat.
Ang computer po ay isang teknolohiya na
may malaking tulong sa atin katulad nalang
ng paggawa ng mga documents,
pagcompute, at marami pang iba.

IV. PAGTATAYA

Ikaw ay isang manunulat. Ikaw ay inaatasan na gumawa ng isang sanaysay na patungkol sa kahit
na anong paksa na iyong mapili at ito ay gagawin mo gamit ang isang computer.

PAMANTAYAN
ORIGINALIDAD 50%
EKSPRESYON 30%
PAGKAMALIKHAIN 20%
TOTAL

V. TAKDANG ARALIN

Magsaliksik patungkol sa hardware at software ng kompyuter

INIHANDA NI: DHREXLER GUIAN SANTOS

BEED 2-B

You might also like