FS 101-Action Research RRL

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Paggalugad sa Pag-unlad ng Kasanayan sa Pagsulat ng Sanaysay sa Filipino ng mga

Estudyante ng Sekondarya ng Mati National Comprehensive High School


Review of Related Literature
Ang pagsulat ng sanaysay ay isa sa mga kasanayan na dapat malinang ng isang
indibidwal. Mahalaga ang pagsulat dahil ito ay tinatawag na lundayan ng lahat ng iniisip,
nadarama, nilalayon at pinapangarap ng tao. Maaari itong gawin upang ipadama ang
mga bagay na hindi kayang sabihin. Sa pang-araw-araw na gawain sa paaralan, isa
ang pagsulat sa mabisang paraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral maliban sa
pakikinig, pagsasalita, pagbabasa at panunuod. Gayundin naman ang isang manunulat,
sila ay nagsusulat tungkol sa kanilang karanasan sa buhay. Pinatunayan ng maraming
pag-aaral na malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog ng isang tao. Sa
pamamagitan ng pagsulat, naipapahayag ang paniniwala, mithiin, pangarap,
nararamdaman, bungang-isip at nakikilala ng tao ang kanyang kahinaan at kalakasan.
Ang pagsulat ay nakatutulong sa paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral sa lohikal
na pag-iisip at paglutas ng mga suliranin. Napapaunlad ang ibang kasanayang
pangwika tulad ng pagbabasa, pagtatala, pakikipagtalakayan at iba pa. Isinagawa ang
pag-aaral na ito upang matukoy ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay ng mga mag-
aaral sa ikaapat na taon ng kursong Batsilyer ng Pangsekondaryang Edukasyon midyor
sa Filipino sa Davao Oriental State University at matukoy ang antas ng kalinawan ng
mga pangungusap na may kamalian ayon sa pagtataya ng mga guro ng Filipino at;
masuri ang kaugnayan ng unang wika, kasarian at eksposyur sa midya ng mga mag-
aaral sa kanilang kamalian sa pagsulat.
Ginamit ang modelo ni Hendrickson sa pagsusuri ng kamalian ng mag-aaral. Sa
pamamagitan ng pagpapasulat ng sanaysay sa mga mag-aaral, lumabas sa pag-aaral
na may mga pagkakaiba ang kamalian ng mga mag-aaral sa aspektong morpolohikal,
sintaktikal at leksikal. Ang unang wika at eksposyur sa midya ay may kaugnayan sa
kanilang kamaliang nagawa sa morpolohikal, sintaktikal at leksikal, samantalang ang
kasarian ay walang kaugnayan o di makabuluhan. Ang layunin ng pagsulat ay makikita
sa pagdaloy ng paghahanay nga mga ideya o kaisipan sa isang teksto. May tatlong
pangunahing uri ng teksto, ito ay ang mga a.Pagsulat na impormatibo, Pagsulat na
Mapanghihikayat, at Pagsulat na Malikhain. Ang layunin ng pagsulat na Impormatibo ay
maglahad, magbigay impormasyon at mag linaw o paliwanag sa paksa ng isang teksto.
Ang Paguslat na Mapanghikayat naman ay layunin nito na makaakit, mapaniwala, at
mapasang-ayon ang mambabasabatay sa ideya na ipinapahayag ng teksto. Pagsulat
na Malikhain ay layunin nito upang magpahayag ng maguni-guni, makulay, matayutay,
matalinghaga, masimbulo na mga pangyayari batay sa mayamang imahinasyon ng may
akda.
Sa mga araw ngayon mas dumadami pa ang mga mag-aaral ng Mati National
Comprehensive High School ang hindi sanay sa pagsulat ng sanaysay. Ang pag aaral
ng ito ay upang maintindihan kung paano mahasa ang mga mag-aaral sa pagsulat ng
sanaysay ng Mati National Comprehensive High School
Mula pa noong panahong sinauna, ang unang lumabas at siyang pinag-ugatan
ng sanaysay ay ang Ethics na isinulat ni Aristotle at Characters ni Theoprastus. Ang
mga ito ay nagsilbing inspirasyon sa mga sumunod na mananaysay. Subalit ang
kinilalang unang naglabas ng pormal na sanaysay ay si Michel Eyquem de Montaigne
(1533-1593). Siya ang nagpakilala ng salitang Essay bilang isang
anyongpampanitikan nang pinamagatan niyang Essais ang kalipunan ng mga
kaisipan,opinyon, pananaw at damdamin na kanyang isinulat. Sa mga nagdaang siglo,
mataposlumabas ang iba’t-ibang mananaysay lalo na bago sumapit ang ika-19
siglo namasasabing may apat na naging kapuna-punang katangian ang sanaysay. Ito
ay ang:kumbersasyunal, himig-nakikipag-usap, personal, masaya at masiste. Hindi
nalalayosa mga unang isinulat ni Montaigne. Sa panahon ng pananakop ng mga
Espanyol sa Pilipinas, nagsikap ang mga mananakop, sa tulong ng mga pari na
magsulat ng mga sanaysay ukol sa relihiyon at wika na maaring ituro sa mga katutubo.
Ilan sa mga ito ay ang “Declaracion delosmandamientos de la ley de dios”, isang
paliwanag ukol sa sampung utos at ang “Arte y reglas de las lengua tagala” na
nagsaad ng mga batas sa pagsulat at pagsasalita ng wikang Tagalog. Si
Padre Modesto de Castro rin ay nagsulat ng “Colleccion de Semones en
Tagalog”, ito ay pagsusulatan ng dalawang binibini na sina Urbana at Feliza at ang
“Platicas”. Sa panahon ng kastila, nakilala sina Jose Riza,Marcelo H. Del Pilar,
Graciano Lopez-Jaena, Jose A. Burgos sa kanilang mga sanaysay na karaniwang
pagsusuri o pagtutuligsa sa lipunan o pamahalaan bagkusito’y nakasulat sa wikang
Kastila. Isa sa mga kilalang sanaysay ay ang mga isinulat ni Jose Rizal. Isang
halimbawa nito ay ang “Sobre La Indolencia de los Filipinos”, tinalakay ni Rizal ang mga
sanhi ng katamaran ng mga Pilipino. Ipinahiwatig niya na ang mga Kastila ang dahilan o
sanhi ng katamaran ng mga Pilipino. Sa kanyang sanaysay naman na “Filipina, Dentro
de Cien Años,” inilahad niya rito ang maaaring mangyari sa Pilipinas pagkaraan ng
isandaang taon kung hindi magbabago ang
pamamalakad at pagtrato ng mga Kastila. Maituturing na unang sanaysay na sinulat ng
isang Pilipino ay ang librong “Pag-aaralan nang mga Tagalog nang Uicang Castila” ni
Tomas Pinpin. Dito ay sunod-sunod nang natuto ang mga tao ng mga prosa, tulad ng
apuntes (memoirs) at informes (accounts). Kahit na pangpersonal lang ang mga ito
kadalasan, mababasa din dito ang ilang mga isyu sa pulitika, relihiyon atekonomiya.
Sa panahon ng propaganda, dito nangibabaw ang mga naisulat na sanaysay
kasabay ang paggamit ng panudyo at parodi. Sa pagsisimula ng
Samahang Repormista, nagsimula ang mga manunulat na magsulat ng mga
sanaysay na naglalabas ng mga pang-aabuso ng mga mananakop. Ilan sa
mga nakilalang manunulat noon ay si Fr. Jose Burgos, Pedro Paterno at Marcelo H.
del Pilar. Naging popular na bayaning repormista si Marcelo H. del Pilar dahil sa
kanyang akdang sanaysay na “Caiigat Cayo” at “Dasalan at Tocsohan”. Si Jose Rizal ay
nagsulat din ng mga sanaysay na naging batayan sa kanyang mga pampubikong
pananalita. Sa panahon ding ito lumabas ang La Solidaridad na naglilimbag ng mga
sanaysay at artikulo ng mga repormista. Nang nagsimula ang rebolusyon, naiba ang
hangarin ng mga manunulat patungo sa pagkakaisa ng mga Pilipino sa paglaban sa
mga Kastila. Nagsimulang isulat ang mga salaysay gamit ang mga katutubong wika.
Una sa mga ito si Andres Bonifacio, ang lider ng Katipunan, sa kanyang maalab na mga
akdang “Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog”, “Sa Aking mga Kababayan” at
“Katungkulang Gagawin ng mga Anak ng Bayan”. Si Emilio Jacinto ay may sariling
koleksyon ng mga sanaysay na pinamagatan niyang “Liwanag at Dilim” at “Kartilyang
Katipunan”. Sa pagdating ng mga Amerikano, nauso ang paggamit ng wikang Ingles
bilang wika sa pagsusulat ng mga sanaysay. Madalas itong impormal at
sentimental, ngunit ang iba'y nanatili sa pagsusulat tungkol sa kalayaan ng bansa.
Nakilala sina Carlos Romulo, Fernando Marang, Maria Paz Mendoza Guanzon at
Vicente Hilario.

References:
https://www.google.com/url?
sa=t&source=web&rct=j&opi=89978449&url=https://www.studocu.com/ph/document/
ateneo-de-davao-university/pagbasa-at-pagsulat-tungo-sa-pananaliksik/sanaysay-
pagsusuri/
56039177&ved=2ahUKEwiWucbutKCDAxWdslYBHXueC48QFnoECDAQAQ&usg=AOv
Vaw1gA3MppBXMlS3htZzgivoE
https://www.google.com/url?
sa=t&source=web&rct=j&opi=89978449&url=https://www.coursehero.com/file/
56214708/Kabanata-I-II-III-IVdocx/
&ved=2ahUKEwiH9aPsuKCDAxUx1jQHHTqeAp4QFnoECC4QAQ&usg=AOvVaw3ofJF
xo1kMUp01ByPC5xf-

You might also like