Liham Aplikasyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

APRIL 10, 2024

Zaldy O. Alvarez

Manager

Roboy Workshop

Ino, Mogpog, Marinduque

Mahal na Ginoong Alvarez,

Napagkaalaman ko po sa aking kaibigan na nangangailangan kayo ng isang mekaniko sa inyong talyer.


Akin pong hinihiling na sana ay maging isa ako sa mga iyong empliyado. Naniniwala po ako na ang
kwalipikasyon at katangian na inyong hinahanap ay tinataglay ko, kung kaya'y ako po ay nag-aaplay sa
naturang trabaho.

Ako po ay labing siyam na taong gulang at nagtapos sa Marinduque National High School. Ako po ay
masipag, mabilis makatuto at marunong makipagkapwa tao. May karanasan din po ako sa lahat ng
gawaing pang sasakyan dahil ako po ay nag aral ng Teknikal Boaksyunal. Sana po ay matanggap niyo po
ako sa nasabing trabaho dahil malaking tulong po ito saakin at sa aking pamilya upang panggastos
saaking pag-aaral.

Maraming salamat po!

Sumasainyo

Karl John Paul B. Lacerna

Aplikante

You might also like