Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

9

8
ARALING PANLIPUNAN
KUWARTER 4 : LINGGO 1-2

CapSLET
Capsulized Self-Learning
Empowerment Toolkit

Schools Division Office of Zamboanga City


Region IX, Zamboanga Peninsula
Zamboanga City

“Unido, Junto avanza con el EduKalidad Cree, junto junto puede!”


1
AP8–K4-L1-2

CapSLET
Araling Panlipunan
ASIGNATURA AT AP KUWAR- ______
4 LINGGO 1-2 ARAW
BAITANG G8 TER PETSA
Mga Dahilan; Mga Mahahalagang Pangyayaring Naganap at
NILALAMAN
Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig
KASANAYANG Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang pangyayaring naga-
PAMPAGKATUTO nap at bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig

Pangkalahatang Panuto: Huwag sulatan ang kagamitang ito. Isulat ang inyong
sagot sa sagutang papel para sa pagsasanay at pagtatasa.

ALAMIN AT UNAWAIN
PAMANTAYAN PANGNILALAMAN:
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng pakikipag-
ugnayan at sama-samang pagkilos sa kontemporaryong daigdig tungo sa pandaigdi-
gang kapayapaan , pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran.

TUKLASIN: Ano-ano ang mga dahilan; mga mahahalagang pangyayaring na-


ganap at mga bunga ng Unang Digmaang Pandaidig?
Panuto: Basahin at suriin ang teksto upang maunawaan ang mga
mahahalagang kaalaman tungkol sa :
 Mga Dahilan ng Unang Digmaang Pandaigdig
 Mga Mahahalagang Pangyayaring Naganap sa Unang Digmaang Pandaigdig
 Mga Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig
Unang Digmaang Pandaigdig
Ang mga pandaigdigang digmaan ay naganap noong 1914 hanggang 1918 na
kinakasangkutang ng mga makapangyarihang bansa na noon ay nagpapangkat sa
dalawang magkalabang alyansa: Ang Triple Alliance at Triple Entetne

 MGA DAHILAN NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG

1. Nasyonalismo - Tumutukoy sa

masidhing pagmamahal sa sariling bayan

o bansa. Ito rin ang ideolohiyang pampo-

litika na bumubugkos sa isang tao at sa iba httpswww.google.comsearchq=NASYONALISMO&tbm=isch&source=iu&ictx


=1&fir=GbliwjudeeY4AM%252CA_BCBPqgwdN7hM252C_&vet=1&usg=AI4_-

pang mga taong may pagkakapareho sa kRWH3MPAbVOml3StbdtYPQktt4HA&sa=X&ved=2ahUKEwjO8_Sp3LrrAhXK-


GEKHWCqCnsQ9QF6BAgJEC0&biw=1280&bih=610#imgrc=GbliwjudeeY4AM

kanyang wika, kultura at iba pa.


Inihanda ni:

VIVIAN LAMPAYAN CASABA, T-III


Don Pablo Lorenzo Memorial JHS
2
AP8–K4-L1-2
Isa sa mga nagpapakita ng masidhing pagmamahal sa kanilang bansa ay ang mga

Junker - sila ang mga aritokrasyang militar ng Germany, na naniniwala na sila ang

nangungunang lahi sa Europe.

Mga bansang may masidhing paniniwala sa karapatan nilang pangalagaan ang

mga kalahi kahit na ito ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng ibang bansa:

1. Pagnanais na angkinin ang Bosnia at Herzegovina na nasa ilalim ng Austria;

2. Ang pagkamuhi ng Serbian dahil sa mahigpit na pamamahala ng Austria;

3. Pakikialam ng Russia sa Balkan;

4. Nais angkinin ng Russia ang Constantinople upang magkaroon ng daungan na

ligtas sa yelo;

5. Nais angkinin ng Italy ang Trent at Triste na sakop ng Austria;

6. Ninais ng France na maibalik sa kanila ang Alsace-Lorraine na inangkin ng Ger-

many noong 1871.

2. Imperyalismo - Isang patakaran o paraan ng

pamamahala kung saan ang malalaki o maka-

pangyayarihang bansa ang naghahangad upang

palawakin ang kanilang kapangyarihan sa pama-

magitan ng pagsakop o pagkontrol ng pangkabuha-

https://www.google.com/search? yan o pampolitika sa ibabaw ng ibang mga bansa.


q=imperyalismo&tbm=isch&ved=2ahUKEwiDzuyd37rrAhULb5
QKHQi7BLkQ2cCegQIABAA&oq=imperyalismo&gs_lcp=CgNpb
WcQAzICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgQIABAYMgQIABAY Ang pag-uunahan ng mga bansa sa mga maka-
MgQIABAYMgQIABAYMgQIABAYOgQIABBDOgUIABCxAzoICA
AQsQMQgwE6CAgAEAUQChAeOgQIABAeOgYIABAKEBhQiZCo
AVi6u6gBYK_AqAFoAHAAeASAAfYBiAGvGZIBBjAuMTMuNJgB pangyarihang bansa na sumakop ng mga lupain at

magkaroon ng kontrol sa pinagkukunang - yaman at kalakal ng Africa at Asia ay lu-

mikha ng samaan ng loob at pag-aalitan ng mga bansa.

3. Militarismo - Ito ay ang pagpapalakas o pagpapaigting ng sandatahang

lakas ng isang bansa sa pamamagitan ng pagpaparami ng mga armas at mga sun-

dalo nito.

Inihanda ni:

VIVIAN LAMPAYAN CASABA, T-III


Don Pablo Lorenzo Memorial JHS
3
AP8–K4-L1-2

Nagsimulang magtatag ng malalaking hukbong

pandagat ang Germany. Ipinalagay na ito’y tahasang

paghamon sa kapangyarihan ng England bilang Reyna

ng Karagatan.
https://www.google.com/search?
q=militarismo+ng+germany&tbm=isch&ved=2ahUKEwji
_5PD6brrAhVNxYsBHaA1By8Q2cCegQIA-
BAA&oq=militarismo+ng+germany&gs_lcp=CgNpbWcQ

4. Pagbuo ng mga Alyansa - Ito ay isa o higit pang kalipunan o kasunduan ng

mga bansa o partido na sumusuporta sa isang programa, paniniwala o pananaw.

Dahil sa inggitan, paghihinalaan, at lihim na pangamba ng mga bansang maka-

pangyarihan, dalawang magkasalungat na alyansa ang nabuo - ang Triple Entente

at Triple Alliance.

Ang Triple Alliance - Binubuo ng Germany, Austria-

Hungary , at Italy. Sa ilalim ng alyansa nangako ang

bawat kasapi na magtulungan kung sakaling may

magtangkang sumalakay sa kani - kanilang bansa.

Nais din ng alyansa na pantayan ang Triple Entente. Samantala, sumali ang Ger-

many sa grupo dahil nais nilang mapigilan ang impluwensiya ng Russia sa Balkan.

Ang Triple Entente - Resulta ito sa di-

pagkakaunawaan ng Russia at France noong 1884

(Dual Alliance), ng France at Great Britain noong

1904 (Entente Cordiate) at ng Great Britain at Russia


https://www.google.com/search?
q=Triple+Entente+image&tbm=isch&ved=2ahUKEwiY5M2k77
rrAhW0xosBHcb_DOgQ2cCegQIABAA&oq=Triple+Entente+im
noong 1907. Bilang ganti, sumali ang France sa Triple

Entente. Ang Russia naman gaya ng nabanggit na, ay karibal ng Germany at Aus-

tria sa rehiyon ng Balkan. Noong 1899 naganap ang unang pagpupulong sa Hague

na pinangunahan ni Zcar Nicholas II ng Russia at ang ikalawang pagpupulong

noong 1907 sa mungkahi ni Pangulong Theodore Roosevelt ay kapwa nabigo.

Inihanda ni:

VIVIAN LAMPAYAN CASABA, T-III


Don Pablo Lorenzo Memorial JHS
4
AP8–K4-L1-2

Theodore Roosevelt. Nabigo rin ito. Layunin nitong magpabawas ng armas ngunit

nagkaroon ng unawaan tungkol sa lalong makataong paglalabanan. Sa kasamaang

palad, ang mga kasunduang ito ay nabalewala nang sumiklab ang Unang Dig-

maang Pandaigdig.

 MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARING NAGANAP SA UNANG DIG-

MAANG PANDAIGDIG

1. Digmaan sa Kanluran - Dito naganap ang pin-

akamainit na labanan noong Unang Digmaang Pan-

daigdig. Ang bahaging nasakop ng digmaan ay mula

sa Hilagang Belhika hanggang sa hangganan ng

Switzerland. Lumusob sa Belhika ang Germany at

ipinagwalang bahala nitong huli ang pagiging neutral

sa bansa nito. Ito ang paraang ginamit nila upang


https://www.google.com/search?
q=digmaan+sa+kanluran&source=lnms&tbm=isch&sa
=X&ved=2ahUKEwjxuaGm4bzrAhVZA4gKHd5jBgMQ_ malusob ang France, Ngunit sila’y inantala ng ma-
AUoAX-

giting na pagsanggalang ng mga taga - Belhika sa Leige.

2. Ang Digmaan sa Silangan - Lumusob ang

Russia sa Prussia (Germany) sa pangunguna ni

Grand Duke Nicholas, pamangkin ni Czar Nicho-

las II. Ngunit nang dumating ang saklolo ng Ger-

many, natalo ang hukbong Russia sa Digmaan ng


https://www.google.com/search?
q=digmaan+sa+silangan+world+war+1&source=lnms&tbm= Tannenberg. Nagtagumpay ang hukbong Russia
isch&sa=X&ved=2ahUKEwjsyoWi5bzrAhVHc3AKHZ2xAKsQ_
AUoAX-
sa Galicia. Ngunit hindi nagtagal ang tagumpay
Sila ay pinahirapan ng mga German sa Poland. Dito tuluyang bumagsak ang huk-

bong sandatahan ng Russia. Upang makaiwas ang Russia sa digmaan ,

nakipagkasundo si Lenin sa ilalim ng pamahalaang Bolshevik sa Germany sa pa-

mamagitan ng paglagda ng Treaty of Brest-Litovsk . Iniwan ng Russia ang mga Al-

yado at sumapi sa Central Powers.

Inihanda ni:

VIVIAN LAMPAYAN CASABA, T– III


Don Pablo Lorenzo Memorial JHS
5
AP8–K4-L1-2

3. Ang Digmaan sa Balkan - Lumusob ang Aus-

tria at tinalo ang Serbia pagkaraan ng ilang buwan.

Upang makaganti ang Bulgaria sa pagkatalo, suma-

pi ito sa Central Powers noong Oktubre, 1935.

Noong 1916, karamihan sa mga estado ng Balkan


https://www.google.com/search?
ay napailalim na ng Central Powers. Ang Italy naman q=digmaan+sa+balkan&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2
ahUKEwiM0P7c_rzrAhWGfXAKHQ32AtwQ_AUoAXoECA0QAw
&biw=1280&bih=610#imgrc=aP8nCB9j4yyyuM&imgdii=U1Icq
ang tumiwalag sa Triple Alliance at nananatiling nSMaItS_M

neutral. Noong 1915, sumali ito sa magkaanib na bansa. Hinangad na maangkin

ang mga teritoryong Latin na hawak ng Austria (Italy Irrendenta) at ang mga kolonya

nito sa Africa. Ang Turkey ay kumampi sa Germany upang mapigilan ang Russia sa

pag-angkin sa kanyang bansa sa Dardanelles.

4. Ang Digmaan sa Karagatan - Sa

unang bahagi ng digmaan ay

nagkasubukan ang mga hukbong

pandagat ng Germany at Great Britain .

Naitaboy ng mga barkong pandigma ang


https://www.google.com/search?
q=digmaan+sa+karagatan+ng+WW1&tbm=isch&ved=2ahUKEwjDicDg_rzrAhVJz Germany mula sa Pitong Dagat o (Seven
YsBHbD6BqwQ2cCegQIABAA&oq=digmaan+sa+karagatan+ng+WW1&gs_lcp=Cg
NpbWcQAzoECAAQGDoCCAA6BggAEAUQHjoGCAAQCBAeUK_oNlj8yjdgvdQ3aA
Seas) ang lakas pandagat ng Great Britain.

Dumaong ang bapor ng Germany sa Kanal Kiel at naging mainit ang labanan.

Makapangyarihan ang mga hukbo ng mga alyado sa dagat. Sa kabilang dako,

ang mabibilis na raider at mga submarinong U - boats ng kanilang kalaban ay nak-

agawa ng malaking pinsala sa kalakhang pandagat ng mga alyado. Ang pinaka-

mabagsik na raider ng Germany ay ang Emden. Sa dakong huli, napalubog ito ng

Sydney, isang Australian Cruiser.

Inihanda ni:

VIVIAN LAMPAYAN CASABA, T– III


Don Pablo Lorenzo Memorial JHS
6
AP8–K4-L1-2

 MGA BUNGA NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG

1. Maraming bansa ang itinatag sa Europa mula sa labi ng mga Imperyong Ale-

man, Austro-Unggaryo, Otomano at Ruso.

2. Itinatag ang Liga ng mga Nasyon upang pigilan ang anumang tunggaliang

maaaring maganap sa mundo.

3. Nabuo ang kasunduan sa Versailles. Ito ay ang pinakamahalagang kasunduan

sa lahat ng kasunduang pangkapayapaan na nagdulot ng katapusan ng Unang

Digmaang Pandaigdig. Ipinahinto ng kasunduang ito ang digmaan sa pagitan ng

Alemanya at ng mga Alyado ng Unang Digmaang Pandaigdig.

4. Pag-usbong ng pasismo sa Europa. Ito ay ang dating awtoritaryang kilusang

politikal na namayani sa Italya mula 1922 hanggang 1943 sa ilalim ng pa-

mumuno ni Benito Mussolini.

5. Pag-iisa-isa ng dating maliliit at magkakahiwalay na mga estadong Aleman na

kalaunan ay tinawag bilang Imperyong Aleman.

6. Lumakas at umunlad ang industriya't ekonomiya ng bagong tatag na Imperyong

Aleman.

7. Napasakamay ng bagong imperyo ang Alsasya at Lorena - mga teritoryong

Pranses,

8. Pinasinayahan ng mga imperyong Aleman, Austro-Unggaryo at Ruso ang isang

alyansang tinawag na Liga ng Tatlong Emperor.

9. Lumakas ang ideolohiyang Nazismo. Ang Pambansang sosyalismo, na higit na

kilala bilang Nazismo ay ang ideolohiya at gawaing kaugnay ng ika-20 siglong

Partido Nazi sa Alemanya at estadong Nazi pati na rin ng iba pang mga sukdu-

lang-kanang grupo.

10.Lumakas ang idea ng pasipismo o pagpapatahimik. Ito ay ang pagtanggi sa

pagkakaroon at paggamit ng digmaan o karahasan bilang kasangkapan sa pag-

sasaayos ng hindi pagkakaunawaan o pagkakamit ng kapangyarihan o

Inihanda ni:

VIVIAN LAMPAYAN CASABA, T– III


Don Pablo Lorenzo Memorial JHS
7
AP8–K4-L1-2

pansariling kabutihan at kalamangan.


11. Pagkawala ng maraming buhay.

Bilang ng mga nasawi na militar ng entente- 36%, sentral na kapangyarihang

militar- 22%, sentral na kapangyarihan sibilyan-22%, at entente sibilyan 20%

12. Iba’t ibang uri ng kanyon tulad ng howitser, mortar at kanyong daam

bakal ang naimbento gaya na lamang ng Minenwerfer at ng Kanyong Paris na

ginamit upang bombahin ang Paris sa layo ng 100 kilometro (60 milya).

13. Naimbento ng mga Briton ang tangke na may kakayahang tumawid sa mga

bambang at wasakin ang mga alambreng bakod.

14. Nagkaroon ng pagbabago sa disenyo't kalidad ng mga daambakal at tren

sapagkat dito mabilis na naipapadala ang mga sundalo, armas, munisyon,

pagkain at tubig sa mga pinaglalabanang lugar.

15. Pinaunlad ng mga Alemanya at ang nagkakaisang kaharian ang mga barkong

pandigma, krusero, submarino at barkong panghatid-eroplano.

16. Ang mga eroplanong panlaban, pambomba at pampamatyag ay nilinang at

nilikha rin ng mga pangunahing bansang sangkot sa digmaan.

17. Ang iba’t ibang uri ng helmet tulad ng Adrian ng mga Pranses, Brodie ng mga

Amerikano, Briton at kolonya at Stahlhelm ng mga Aleman ay naimbento upang

protektahan ang ulo ng bawat sundalong lumalaban.

18. Pagtatatag ng mga bagong bansa sa Europa at Gitnang Silangan,

19. Paglilipat ng mga kolonya ng Imperyong Aleman at mga rehiyon ng Imperyong

Ottomano sa mga nagwaging bansa .

Inihanda ni:

VIVIAN LAMPAYAN CASABA, T– III


Don Pablo Lorenzo Memorial JHS
8
AP8–K4-L1-2

MAGAGAWA MO. . .
Nasusuri ang mga dahilan, pangyayari at bunga sa Unang Digmaang Pandaig-
dig

Simulan Natin!

Gawain 1. Hula - rawan


Paalala: Isulat ang sagot sa nakalaang sagutang papel (Answer Sheet)
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na mga larawan at ipaliwanag ang mga kaga-
napan kung ito ba ay mga pangyayaring naganap o bunga ng Unang Digmaang
Pandaigdig.

______________________________________________
1.
______________________________________________
1. ______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________

____________________________________________
____________________________________________
2. ____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________

___________________________________________
3. ___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________

Inihanda ni:

VIVIAN LAMPAYAN CASABA, T– III


Don Pablo Lorenzo Memorial JHS
9
AP8–K4-L1-2

4.
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________

5.
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________

Kaya Mo ‘To!

Gawain 2. Islogan Ko!

PANUTO: Pagkatapos masuri ang mga dahilan, pangyayari at epekto ng


Unang Digmaang Pandaigdig, gumawa ng islogan na nagpapahiwatig ng matinding
pagtutol sa mga kaguluhan at digmaan sa daigdig.

Rubrik sa pagbibigay ng puntos sa Islogan:

Nilalaman 20 pts.

Malikhaing Pagsulat 20 pts.

Wastong gamit ng mga salita 10 pts.

Kabuuan 50 pts.

Inihanda ni:

VIVIAN LAMPAYAN CASABA, T– III


Don Pablo Lorenzo Memorial JHS
10
AP8–K3-L1-2

TANDAAN MO!
Tulong-Kaalaman

 World War I o Unang Digmaang Pandaigdig ay tinaguriang “ the war to end all

wars” o digmaang wawakas sa lahat ng iba pang digmaan.

 Karaniwang sinsabi na ang dagliang dahilan ng pagsabog ng WWI ay ang

pagpatay kay Archduke Franz Ferdinand ng Austria-Hungary sa Sarajevo noong

July 28, 1914.

 Ang salarin ay si Gavrilo Princip, na kaanib ng Black Hand, isang militanteng or-

ganisayon sa Serbia.

 Ang kaganapan na ito ay nagpasimula ng isang “chain reaction” na humantong

sa pagkaroon ng sigalot sa pagitan din ng Germany na kaanib ng Austria-

Hungary, at ng Russia na kaanib ng Serbia. Opisyal na nagsimula ang WWI

noong August 4,1914.

 Ang Treaty of Versailles ang kasunduan ng kapayapaan sa pagitan ng Germany

at Allied Powers ay nalagdaan noong June 28, 1919 at ang opisyal na pagtata-

pos ng WWI.

 Ang WWI din ang dahilang ng pagkakabuo ng League of Nations noong 1920,

(paunang bersyon ng UN)

Inihanda ni:

VIVIAN LAMPAYAN CASABA, T– III


Don Pablo Lorenzo Memorial JHS
11
AP8–K3-L1-2

NATUTUHAN KO . . .
Subukin natin kung kaya mo!

Panuto: Suriing mabuti ang mga tanong tungkol sa mga dahilan,


pangyayari at epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig. Isulat ang inyong
mga sagot sa inyong sagutang papel.

1. Ang mga sumusunod ay mga dahilan ng Unang Digmaang Pandaigdig


MALIBAN sa;
A. Nasyonalismo B. Imperyalismo C. Militarismo D. Teritoryo
2. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang naging hudyat o dahilan sa pagsisi -
mula ng Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Pagkamatay ni Adolf Hitler matapos sumalakay ang Allied Forces
B. Pagpapalabas ng labing-apat na puntos ni Pangulong Woodrow Wilson
C. Pagpaslang ni Archduke Francis Ferdinand ng Austria sa Seravejo, Bosnia
D. Pagwawakas ng mga imperyo sa Europe tulad ng Germany, Austria, Hungary,
Russia at Ottoman
3. Ang mga bansang ito ay kasapi sa Triple Alliance MALIBAN sa;
A. Germany B. Italy C. Rome D. Austria-Hungary
4. Ang mga bansang ito ay kasapi sa Triple Entente MALIBAN sa;
A. Japan B. Russia C. France D. Great Britain
5. Suriin ang isa sa mga dahilan ng Unang Digmaan Pandaigdig. Ito ay ang pagbuo
ng alyansa. Ano ang dahilan at may mga alyansang nabuo?
A. Dahil gusto nilang magparami ng mga teritoryong makontrol.
B. Dahil sa inggitan, paghihinalaan, at lihim na pangamba sa mga bansang maka-
pangyarihan
C. Dahil sa gusto nilang mas malaki ang impluwensiya nila sa ibang karatig na
bansa
D. Dahil sa gusto nilang yumaman
6. Suriin ang ilan sa naging bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig. Alin sa mga ito
ang walang katotohanan?

A Maraming bansa ang itinatag sa Europa mula sa labi ng mga Imperyong Ale

man, Austro-Unggaryo, Otomano at Ruso.

B. Itinatag ang Liga ng mga Nasyon upang pigilan ang anumang tunggaliang

maaaring maganap sa mundo.

Inihanda ni:

VIVIAN LAMPAYAN CASABA, T– III


Don Pablo Lorenzo Memorial JHS
12
AP8–K4-L1-2
C. Napasakamay ng bagong imperyo ang Alsasya at Lorena - mga teritoryong
Pranses,
D. Pagtutulungan kung sakaling may magtangkang sumalakay sa kanila.

7. Ang mga sumusunod ay mga pangyayari sa Unang Digmaang Pandaigdig


MALIBAN sa;
A. Digmaan sa Kanluran B. Digmaan sa Silangan
C. Digmaan sa Kalupaan D. Digmaan sa Balkan
8. Pangulo ng Amerika ang nagmungkahi sa ikalawang
pagpupulong sa Hague noong 1907 na kung saan layunin nitong magpabawas ng
armas at pagkaroon ng unawaan tungkol sa makataong labanan?
A. Theodore Roosevelt B. Ronald Reagan C. George Bush D. Donald Trump

9. Sa mga tekstong sinuri, alin sa mga pangyayari noong Unang Digmaang Pandaig
dig ang pinakamahigpit at mainit?
A. Digmaan sa Balkan B. Digmaan sa Kanluran
C. Digmaan sa Silangan D. Digmaan sa Karagatan
10. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging nasyonalismo?

A. Pagmamahal sa bayan B. Pagbibigay galang sa matanda

C. Pagrespeto sa batas D. Pagtangkilik ng produkto

Rosemarie C. Blando, Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz,


Angelo C. Espiritu, Edna L. DeJesus, Asher H. Pasco, Rowel S.
Padernal, Yorina C. Manalo at Kalenna Lores S. Asis, Kasaysa-
yan ng Daigdig , Vibal Group Inc.Pasig City, 2014,
SANGGUNIAN https://www.slideshare.net/eliasjoy/unang-digmaang-pandaigdig-world-war-1
Nakuha Aug. 27, 2020
https://brainly.ph/question/1229639
Nakuha August 28, 2020
https://brainly.ph/question/287752
Nakuha August 28,2020

DISCLAIMER

This learning resource contains copyright materials. The use of which has not been
specifically authorized by the copyright owner. We are making this learning resource
in our efforts to provide printed and e-copy learning resources available for the learn-
ers in reference to the learning continuity plan for this division in this time of pandem-
ic. This LR is produced and distributed locally without profit and will be used for edu-
cational purposes only. No malicious infringement is intended by the writer. Credits
and respect to the original creator/owner of the materials found in this learning re-
source.
Inihanda ni:

VIVIAN LAMPAYAN CASABA, T– III


Don Pablo Lorenzo Memorial JHS
13
AP8–K4-L1-2

SUSI SA PAGWAWASTO
Gawain 1. Hula - rawan

1. Pangyayaring naganap
2. Pangyayaring naganap
3. Dahilan o sanhi
4. Dahilan o sanhi
5. Dahilan o sanhi

Gawain 2. Islogan Ko!

Rubrik sa pagbibigay ng puntos

Nilalaman 20 pts.

Malikhaing Pagsulat 20 pts.

Wastong gamit ng salita 10 pts.

Kabuuan 50 pts.

Subukin natin kung kaya mo!

Mga Kasagutan

1. D 6. D

2. C 7. C

3. C 8. A

4. A 9. B

5. B 10. A

Inihanda ni:

VIVIAN LAMPAYAN CASABA, T– III


Don Pablo Lorenzo Memorial JHS

You might also like