Third Periodical Test EsP

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-MIMAROPA
Division of Oriental Mindoro
Mansalay District
LEONARDO TUGADE ELEMENTARY SCHOOL
110462

THIRD PERIODICAL TEST


Edukasyon sa Pagpapakatao 6

Name: ______________________________________________ Score: _________________


Grade and Section: __________________________________ Date: __________________

Panuto: Suriin ang mga larawan at impormasyon na nasa ibaba. Tukuyin kung anong
katangian ang ipinamalas ng mga sumusunod na Pilipino.

1. Pinahusay ng Pambansang Kamao Manny Pacquiao ang kaniyang kakayahan sa


pagboboksing upang matulungan ang kaniyang pamilya at maipagmalaki ang
Pilipinas.
A. Masikap B. makasarili C. matapang D. mapagpakumbaba

2. Bago kinoronahan si Pia Wurtzbach bilang Miss Universe 2015, tatlong


beses siyang sumali sa Bb. Pilipinas at nakaranas ng pagkatalo.
A. masipag B. determinado C. makabansa D. makabayan

3. Si Fernando Poe Jr. ay kinilala bilang “Da King” at tinaguriang “Hari ng


Takilya” dahil sa kaniyang malaking kontribusyon na mahigit 200 pelikula sa
bansa.
A. makabayan B. mapagmahal C. produktibo D. matulungin

4. Si Ninoy Aquino ay matapang na nanindigan sa kaniyang prinsipyo na


ipagtanggol ang kalayaan ng Pilipinas mula sa pamahalaang diktatoryal.
A. Makabayan B. maka-Diyos C. makakalikasan D. masipag

5. Ilang taong nagsanay si Carlos Yulo bago niya naiuwi ang kauna- unahang
gintong medalya ng Pilipinas sa Gymanstics World Championships.
A. masayahin B. matiyaga C. maaruga D. mapagmahal

6. Si Mang Mario ang Barangay Chairman ng inyong lugar. Ipinatupad niyang bawal mangisda sa inyong
tabing dagat dahil ito ay ginagawang sanctuary. Nahuli ni Mang Mario na lumabag si Dado na pinsan
niya. Ano ang nararapat niyang gawin?
A. Unawain na lang si Dado
B. Aawayin ni Mang Mario si Dado
C. Bigyan si Dado ng nararapat na parusa
D. Sabihan si Dado na umalis na sa kanilang lugar
7. Si Dr. Jose Rizal ay nagbuwis ng buhay para sa kalayaan ng ating bansa. Ano ang ipinapakita nito sa
atin bilang mga Pilipino?
A. Pagkamalikhain C. Pagkamakabayan
B. Pagkamakalikasan D. Pagkamakadiyos

8. Sa ibang bansa na nagtratrabaho ang kapatid ni Nora bilang isang nurse. Natanggap siya agad dito
sapagkat matataas ang kanyang marka at nakapasa sa Licensure Exam. Masayang-masaya si Nora sa
kapatid at nais niyang maging tulad nito. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Kaiinggitan ang kapatid.
B. Makikisama sa mga taong matatalino upang maging matalino rin ako.
C. Mag-aaral nang mabuti at iwasan muna ang sobrang pagbabarkada.
D. Magpagawa ng mga takdang-aralin at proyekto sa kaibigan upang masiguradong
makakuha ng mataaas na marka.

9. Ano ang kabutihang naidududlot kung ang mga tao ay gumagawa ng kaniyang mga gawain nang
naaayon sa pamantayan?
A. Kopyahihin ang gawa ng iba para lalong maganda ang kalalabasan ng gawain.
B. Darami ang magiging kaibigan kapag ang gusto mo ang laging nasususnod.
C. Huwag ipakita ang iyong gawain upang maiwasan ang pangit na sasabihin ng ibang tao.
D. Sikaping maging original sa mga gawain nang ayon sa mga pamantayan.

10. Kilalang kilala na sa bansa si Vhong Manuel, ang mahusay na mananayaw na iniidolo ni Greg. Nais
niyang maging magaling na mananayaw gaya ng kanyang idolo. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Makipagbarkada, at matutong uminom at manigarilyo upang maging astig.
B Tumigil sa pag-aaral at mag-ensayo na lang palagi sa pagsasayaw.
C. Kumain ng masustansiyang pagkain, at mag-ensayo sa pagsasayaw tuwing libreng oras.
D. Kumain ng wastong pagkain at huwag nang mag-ensayo dahil magaling ka na sumayaw.

11. Naglunsad ang inyong paaralan ng tree planting activity sapagkat nauubos na ang mga puno sa inyong
lugar dulot ng walang tigil na pagputol nito. Ano ang dapat gawin?
A. Makiisa sa proyektong ito.
B. Magkunwari akong walang alam.
C. Pabayan na ang mga matataas na posisyon sa paaralan ang makiisa rito sapagkat ito ay
kanilang ideya.
D. Huwag pansinin ang proyektong ito sapagkat nagpapasikat lamang ang inyong paaralan
sa mga opisyales ng mga lugar.
12. Ang Philippine Clean and Air Act ay tungkol sa_________________________________.
A. Pagpapanatili ng Ecological Diversity
B. Pagkilala sa kalinisan ng tubig para sa mamamayan
C. Pananaliksik upang mapanatili ang biological diversity ng bansa
D. Pagpapanatili ng malinis at ligtas na hanging nilalanghap ng mga mamamayan at
pagbabawal sa mga gawaing nagpapadumi sa hangin

13. Ang Batas Pambansa 7638 at ang pagtatag ng Department of Energy (DOE)ay naglalayong ______.
A. Pagpapanatili sa natural at biological physical diversities
B. Ipagbawal ang mga gawaing nagpapadumi sa hangin
C. Mapanatili at masuportahan ang buhay at pag-unlad ng tao
D. Isaayos, subaybayan at isakatuparan ang mga plano at programa ng pamahalaan sa
eksplorasyon, pagpapaunlad at konserbasyon ng enerhiya.
14. Bakit kailangang ipatupad ang quality control ng isang Gawain o produkto?
A. Upang madali itong masira
B. Upang maipagbili ito ng napakamahal
C. Upang masiguro na ang gawa at produkto ay nasa mababang kalidad
D. Upang matiyak na ang gawa at produkto ay naaayon sa mataas na kalidad

15. Paano ang wastong pangangalaga sa ating pinagkukunang yaman?


A. Magtanim ng mga puno at halaman
B. Itapon ang mga basura at patay na hayop sa ilog at dagat
C. Gumamit ng lambat na may maliliit na butas sa paghuli ng isda
D. Putulin ang mga puno at gamitin sa paggawa ng bahay
16. Ikaw at ang iyong mga kaibigan ay aakyat sa isang bundok para mag hiking. Bago ka
umalis ay nagbilin ang iyong ate na ikuha mo siya ng halamang ligaw sa bundok.Alam mo na
bawal ang pagkuha ng halaman doon. Ano ang iyong gagawin?

A. Ikukuha ko pa rin ang aking ate ng mga halaman sa bundok.


B. Sasabihin ko sa kaniya na ipinagbabawal ang pagkuha ng mga halaman s a
bundok.
C. Itatago ko na lang sa aking bag upang walang makakita na kumuha ako ng
halaman.
D. Magsawalang bahala na lamang.

17. Ang batas na ito ay may layuning bigyan ng malinis na hangin ang mga mamamayan
at mabawasan ang polusyon sa hangin.

A. RA 8749 B. RA 9275 C. RA 7586 D. RA 9147

18. Anong batas ang naglalayong magkaroon ng tamang pagkolekta at pagsasaayos ng


mga basura ayon sa uri nito?

A. RA 9147 B. RA 9003 C. RA 9275 D. RA 8749

19. Dahil madalang ang pagkolekta ng basura sa inyong lugar, sinusunog ng iyong nanay
ang inyong mga basura. Natandaan mo ang itinuro ng inyong guro na may batas na
nagbabawal sa pagsusunog. Ano ang iyong gagawin?

A. Hahayaan ko na lang si nanay na magsunog.


B. Ipapaliwanag ko sa aking nanay na tigilan na ang pagsusunog at sasabihin na
may batas tungkol dito.
C. Tutulungan ko si nanay sa pagsusunog upang hindi kami mahuli.
D. Magkuaring walang nakita.

20. Anong batas ang nangangalaga at nagpoprotekta sa mga maiilap na hayop?

A. RA 9147 B. RA 9275 C. RA 9003 D. RA 8749

21. Mahilig kang mag-alaga ng mga kakaibang hayop na nahuhuli lamang sa mga kagubatan.
Minsan nagpunta ka kasama ang iyong kaibigan sa isang kuweba upang humuli ng ahas
para alagaan. Nakakita kayo ngunit nagbabala ang iyong kaibigan na ipinagbabawal ang
paghuli nito. Ano ang iyong gagawin?

A. Hindi ko siya papakinggan at kukuhanin ko pa rin ito.


B. Kukuhanin ko na lang pagtalikod ng aking kaibigan.
C. Makikinig nalang ako sa kaniya.
D. Huwag pansinin ang sinsabi.

22. Dahil ikaw ay bata at nag-aaral pa, dapat bang sundin mo ang mga batas na
naglalayong pangalagaan at protektahan ang kalikasan?

A. Hindi dahil bata pa ako at gagawin ko kung ano ang gusto ko.
B. Oo dahil kahit bata pa ako ay susunod ako sa mga batas dahil ito ay ipinag-
uutos at para na rin sa kapaligiran.
C. Hindi dahil wala akong pakialam.
D. Bahala na.
23. Ang isang manggagawa ay dapat maging malikhain. Bakit?
A. Para masaktan ang damdamin ng iba
B. Ito ay maaaring pagsimulan ng pag-unlad
C. Para hangaan ng iba at maging mayabang
D. Lahat ng nabanggit

24. Anong katangian ang ipinapakita ng isang bata na gumagamit ng mga patapon na
bagay?
A. Pagkamatipid C. Pagkamasinop
B. Pagkamalikhain D. Pagmamalasakit sa kapwa

25. Si Jane ay inatasan ng kanilang guro ng proyekto kung saan gagawa siya ng parol
na yari sa tanzan ng coke. Pinaalala ng kanyang guro na sariling gawa ang dapat ipasa
sa tinakdang petsa. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin ni Jane?
A. Ipinagwalang bahala ni Jane ang proyekto
B. Bumili na lang ng parol si Jane sa palengke
C. Ipinagawa ni Jane sa iba ang proyektong parol
D. Masayang ginawa ni Jane ang proyekto at ipinasa sa takdang oras
26. Papasok ka na sa paaralan ng may dumaang kotse at natalsikan nito ng putik ang suot
mong damit. Malapit ng tumunog ang bell hudyat sa pagpasok.
A. Uuwi na lang at liliban sa klase
B. Uuwi muna at magpapalit ng uniporme. Ipaliliwanag sa guro kung bakit ako nahuli.
C. Babatuhin ko ang dumaang kotse.
D. Gagasgasan ang ang dumaang kotse.

27. Linggo at magsisimba kayo, wala kang magagamit na sapatos dahil nasira ang suwelas
nito.
A. Iiyak ako para maawa sa akin ang aking nanay.
B. Manghihiram muna ako sa kapatid ko o sa aking pinsan.
C. Hindi na lamang ako magsisimba.
D. Maglaro na lamang kasama ng aking kaibigan
28. Sa pagmamadali mo ay naihulog mo ang proyektong ipapasa mo sa iyong guro.
Labis itong narumihan.
A. Ipapaliwanag ko sa guro ko ang nangyari at gagawa na lamang ako ng panibago
B. Uuwi ng bahay at babaguhin ko ang aking gawa.
C. Kukunin ko ng palihim ang gawa ng kamag-aral ko.
D. Kopyahin ang gawa ng kamag-aral
29. Gabi na at ihahanda muna ang iyong mga kailangan para sa iyong iuulat kinabukasan
nguni’t nagamit na pala ng ate mo ang Manila Paper na itinabi mo.
A. Bibili na lang ako ng Manila Paper sa palengke.
B. Gagamitin ko ang lumang Manila Paper na maaari pang sulatan.
C. Hindi na lang ako mag-uulat sa klase.
D. Lumiban na lamang sa klase kinabukasan.

30. Napunit ng pinsan mo ang mga pahina ng aklat na ipinahiram sa inyo. Alam mong
marami pang bata ang gagamit dito.
A. Susuntukin ko ang pinsan ko.
B. Ididikit ko ng Scotch Tape ang mga pahina at manghihingi ng paumanhin sa guro.
C. Isasama ko siya sa paaralan at papagpapaliwanagin sa guro.
D. Isumbong agd sa magulang.
31. Bilang tagaluto sa inyong kantina, paano mo ipapakita ang pagsunod at pagtupad sa batas para sa
kaligtasan at kalusugan?
A. Huwag lagyan ng takip ang mga nilutong pagkain
B. Gumamit ng hair net paminsan minsan kapag nagluluto
C. Parating gumamit ng gloves sa pagsandok ng pagkain
D. Hayaan lang na dapuan ng mga langaw ang nilutong pagkain

32. Bilang isang bata, paano ka makakatulong sa pamahalaan na maipatupad ang programa nila laban sa
karahasan sa mga hayop?
A. Pagsasabong ng manok sa tupadahan
B. Pagbaril ng ibon sa gubat para ulamin
C. Pagkatay ng aso upang pulutanin sa inuman
D. Alagaan ang mga aso at huwag itong katayin at gawing pulutan

33. Bilang isang mag-aaral, ano ang nararapat gawin kung may sigalot o kaguluhang nagaganap sa klase?
A. Panoorin silang nag-aaway sa klase
B. Sigawan sila at sabihing tumigil na sila
C. Awatin sila at pagsabihang tama na at kapag hindi nakinig sabihin agad sa guro
D. Awatin sila at pagsabihang mamayang uwian na lang nila ituloy ang kanilang away
34. Sa paanong paraan ka makakatulong upang mabigyang solusyon ang mga suliraning nararanasan ng
bansa?
A. Pakikipagtulungan sa bansa
B. Pagbibigay ng ideya o opinion
C. Pagtupad sa malaya at reponsableng pamamahayag
D. Lahat ng nabanggit

35. Naglunsad ang inyong paaralan ng isang programang naglalayong makatulong sa mga kapus palad, sa
bilanggo at naulila. Ano ang iyong maitutulong o maibabahagi?
A. Magsasawalang – kibo lamang
B. Tutulong sa mga gawain sa programa
C. Lalahok sa programa na walang ginagawa
D. Liliban muna sa pagpasok sa paaralan para makapagpahinga

36. Si Ana ay nakakita ng isang krimen na kinasasangkutan ng mga batang kalye. Sila ay nagnakaw sa
isang bahay na walang tao. Kung ikaw si Ana, ano ang gagawin mo?
A. Ipakulong ang mga ito sa kinauukulan
B. Hayaan na lang ang ginawa ng mga batang kalye
C. Pagalitan ang mga batang kalye dahil hindi tama ang kanilang ginawa
D. Isumbong sa pulis o DSWD ang mga bata para sila ay mapagsabihan at mabigyan ng tamang
aksyon

37. Nais ng iyong kaibigan na magsagawa ng School Feeding Program sa liblib na bahagi ng inyong lugar
kung saan marami ang nakatira na mahihirap. Ngunit nais mo na isagawa ito sa malapit lang na lugar.
Sasang-ayon ka ba sa kanilang pasya?
A. Oo, dahil wala na akong magagawa
B. Oo, dahil ito ang napagpasyahan ng nakararami
C. Hindi, malayo ang lugar na kanilang napili
D. Hindi, dahil hindi ko nagustuhan ang kanilang pasya

38. Niyaya ka ng iyong kamag-aral na lumiban sa gawaing Clean Up sa inyong paaralan upang mamasyal
sa kalapit na mall.
A. Sasama ako sa kanya
B. Hindi ko siya papansinin
C. Isusumbong ko siya sa guro
D. Ipaliwanag ko sa kanya ang responsibilidad sa Clean Up sa paaralan
39. Dahil sa sobrang kasiyahan mo ay nagtatalon ka sa tuwa at nagsisigaw nang pagkalakas-lakas at
naabala mo ang kabilang silid na nagklaklase. Ano ang gagawin mo?
A. Lalabas ako ng silid at doon magtatalon at magsisigaw.
B. Hindi ko sila papansinin at ipagpapatuloy ko ang pagtatalon.
C. Ititigil ang ginagawa at hihingi ng paumanhin sa naabalang silid.
D. Ipagpapatuloy ang ginagawa sapagkat karapatan mong gawin ang nais mo.
40. Alam mong may nalaman si Dina sa nangyaring kaguluhan sa paaralan. Kitang-kita mong natatakot
siyang magsalita. Ano ang gagawin mo?
A. Magmumukmok na lamang si Dina sa kanyang silid at hindi na lalabas.
B. Sasang-ayunan, na lamang and desisyon ni Dina na huwag magsalita.
C. Pagbawalan na lamang si Dina na huwag nang magsalita para hindi siya madamay sa gulo.
D. Ipaliwanag kay Dina na huwag matakot magsabi ng totoo sapagkat marami siyang matutulungan.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-MIMAROPA
Division of Oriental Mindoro
Mansalay District
LEONARDO TUGADE ELEMENTARY SCHOOL
110462
TABLE OF SPECIFICATION
THIRD PERIODICAL TEST
EDUASYON SA PAGPAPAKATAO 6
TEST ITEM PLACEMENT

REMEMBERING

UNDERSTANDING

APPLYING

ANALYZING

EVALUATING

CREATING
Actual Total
LEARNING COMPETENCIES Weight
Instructio No. of
(Include Codes if Available) (%)
n (Days) Items

Difficult
Most Essential Learning Easy Average
Competencies (MELC) 60% 30% 10%

6. Napahahalagahan ang magaling at


matagumpay na mga Pilipino sa
pamamagitan ng:
6.1 pagmomodelo ng kanilang
pagtatagumpay;
1,2,
6.2 kuwento ng kanilang pagsasakripisyo at 6,
10 25% 10 3,4, 7,8 9
pagbibigay ng sarili para sa bayan; 10
5,
6.3 pagtulad sa mga mabubuting katangian
na naging susi sa pagtatagumpay ng mga
Pilipino

EsP6PPP- IIIcd–35
7. Nakagagamit nang may pagpapahalaga
at pananagutan sa kabuhayan at
5 13 11
pinagkukunang-yaman 5 12.5% 12 14
15

EsP6PPPIIIe–36
8. Nakapagpapakita ng tapat na pagsunod
sa mga batas pambansa at pandaigdigan 17
7 16
tungkol sa pangangalaga sa kapaligiran 7 12.5% 18 21 22
19
20
EsP6PPPIIIf–37
9. Naipagmamalaki ang anumang natapos
na gawain na nakasusunod sa pamantayan
at kalidad 3 7.5% 3 24 23 25

EsP6PPPIIIg–38
10. Naipakikita ang pagiging malikhain sa
paggawa ng anumang proyekto na
makatutulong at magsisilbing inspirasyon 26
tungo sa pagsulong at pagunlad ng bansa 5 12.5% 5 28 27 30
29

EsP6PPPIIIh–39

11. Naisasakilos ang pagtupad sa mga batas


pambansa at pandaigdigan:
11.1 pagtupad sa mga batas para sa 31
kaligtasan sa daan; pangkalusugan; 32
pangkapaligiran; pagabuso sa paggamit ng 33
ipinagbabawal na gamot; 34
11.2 lumalahok sa mga kampanya at 10 35
10 25%
programa para sa pagpapatupad ng batas 36
tulad ng pagbabawal sa paninigarilyo, 37
pananakit sa hayop, at iba pa; 11.3 38
tumutulong sa makakayanang paraan ng 39
pagpapanatili ng kapayapaan 40

EsP6PPPIIIh-i–40
TOTAL 40 100% 40 4 20 6 6 3 1

Prepared by: Noted:


EDEN V. TUGADE ROMMEL M. TUGADE,PhD
Teacher III Master Teacher I/TIC
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-MIMAROPA
Division of Oriental Mindoro Mansalay District
LEONARDO TUGADE ELEMENTARY SCHOOL
110462
THIRD PERIODICAL TEST
Edukasyon sa pagpapakatao 6

Key to Correction

1. A 11. A 21. A 31. C


2. B 12. D 22. C 32. D
3. C 13. D 23. B 33. C
4. A 14. D 24. B 34. D
5. B 15. D 25. B 35. B
6. C 16. A 26. D 36. D
7. C 17. B 27. B 37. B
8. C 18. A 28. B 38. D
9. D 19. B 29. A 39. C
10. C 20. B 30. B 40. D

You might also like