Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

GRADE Paaralan IBAYO ELEMENTARY SCHOOL Baitang III

1 TO 12
Guro MELANIE P. ORDANEL Asignatura FILIPINO
DAILY
LESSON Petsa October 9 Markahan 1
PLAN
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Napapalawak ang mga kasanayan sa pag-unawa, pagpapakahulugan,
Pangnilalaman pagsusuri at pagbibigay-halaga sa mga kaisipan o paksang napakinggan.

B. Pamantayan sa Pagganap Naisusulat ang mga salita ng may wastong baybay


Knowledge: Natutukoy ang pagkakaiba ng pangngalang pambalana at
A. Mga Kasanayan sa
pantangi.
Pagkatuto
Skill: Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng
Isulat ang code ng bawat mga salitang natutunan sa aralin, salitang dinaglat, salitang hiram,
Kasanayan parirala, pangungusap, at talata; F3PU-Ig-i-4, F3PU-IId-4
Affective: Naipapakita ang pagiging aktibo sa talakayan.
Approach: Constructivist
Strategy: Direct Instruction
Activity: Tell, Guide, Act
Integration: Araling Panlipunan
Paggamit ng Maliliit at Malalaking Letra sa mga Pangngalan
II. NILALAMAN
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng MELC Filipino pahina 150
Guro CLMD BOW 4A Filipino 3 – Q1 pahina 20

2. Mga Pahina sa Kagamitang PIVOT4A SLM FILIPINO 3 pahina 28-29


Pang-mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa Portal ng
Learning Resource
5. Iba pang Kagamitang Powerpoint presentation, flashcard
Panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin Balik-Aral:
at/o pagsisimula ng bagong Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagisipi ng talata?
aralin
Sa pagsipi sa talata dapat tandaan ang mga tuntunin, gaya ng tamang
gamit ng malaking letra, ng mga bantas.Dapat din tandaan kung saan
isinusulat ang pamagat ng talata, kung paano dapat simulan ang pagsulat
ng talata at ang mga margin sa kaliwa at kanan.
B. Paghahabi sa layunin ng Pagganyak:
aralin Magbangit ng mga pangngalan at ang mgaito ipasulat sa pisara ayon sa
kinabibilangan, tao, hayop, lugar o bagay.
Tao Hayop Lugar Bagay
guro aso Ospital ballpen
doctor Shih Tzu Ibayo LG Tv
G. Cruz kalapati Cavite bag
Aling Nora leon Bukid Nike
C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong aralin
D. Pagtatalakay ng bagong Sabihin sa mga bata na pansisin ang pagkakasulat ng mga letra at mga
konsepto at paglalahad ng salita.
bagong kasanayan #1
Itanong: Tama ba ang pagkakasulat ng mga letra at ng mga salita?
Tama ba ang pagkakagamit ng malalaki at maliliit na letra?
Ano-anong bantas ang ginamit sa mga pangungusap?
Tama ba ang pagkakagamit nito?
E. Pagtatalakay ng bagong Pag-aralan pa nang mabuti ang gamit ng malaki at maliit na letra.
konsepto at paglalahad ng Gamit ng Maliit na Letra
bagong kasanayan #2
hindi tiyak na ngalan ng:
araw, hayop, lugar, tao, pangyayari, bagay, buwan, aklat,
kuwento/awitin/tula

Maliit na Letra sa Hindi Tiyak na Ngalan Pangngalang Pambalana


araw
bansa
bayani
pangulo
pandemya
buwan
aso
bolpen
aklat
kuwento

Gamit ng Malaking Letra:


tiyak na ngalan ng: araw,hayop, lugar, tao, pangyayari, bagay (brand
name o tatak), buwan, pamagat ng aklat, pamagat ng
kuwento/awitin/tula

Malaking Letra sa Tiyak na Ngalan o Pangngalang Pantangi


Sabado
Pilipinas
Jose Rizal
Pang. Rodrigo R. Duterte
Coronavirus Disease 2019
Enero
German’s Shepherd
Panda
Mga Pambansang Produkto
Si Tipaklong At Si Langgam

Tandaan mo, ang gamit ng maliit na letra ay para sa hindi tiyak na


ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar at pangyayari. Ang malaking letra
naman ay ginagamit sa tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar at
pangyayari.
F. Paglinang sa Kabihasaan Piliin mo ang hinihinging uri ng ngalan sa bawat bilang.
(Tungo sa Formative (tiyak na ngalan) 1. lungsod Davao rehiyon
Assessment)
(di- tiyak na ngalan 2. tao Reyes Amerika
(tiyak na ngalan) 3. guro bata Dindo
(tiyak na ngalan) 4. Pilipinas mapa bansa
(di- tiyak na ngalan 5. lugar Sulu Mindanao
G. Paglalapat ng aralin sa pang- Panuto: Isulat sa patlang ang T kung ang uri ng pangngalan ay pantangi
araw-araw na buhay at B kung pambalana. Integration: AP
____1. Ang mga (Amerikano) man ay nanakop din sa Pilipinas.
____ 2. Ang mga (timawa) ay maypag-aari at hidi naglilingkod bilang
alipin.
____ 3. Mga (hukbo) ng mga Pilipino at amerikano ang lumaban sa
mga Hapon.
____ 4. Si (Ferdinand Magellan) ang nakatuklas sa Pilipinas.
____ 5. Ang (koponan) ng mga Hapon ay natalo sa pagbabalik ng mga
amerikano.
H. Paglalahat ng Aralin Tandaan mo, ang gamit ng maliit na letra ay para sa hindi tiyak na ngalan
ng tao, hayop, bagay, lugar at pangyayari. Ang malaking letra naman ay
ginagamit sa tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar at pangyayari.
I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan. Piliil ang
letra ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod na salita ang dapat isulat sa malalaking letra?


a. paaralan b. araw c. lunes
2. Alin sa mga sumusunod na salita ang dapat isulat sa malalaking letra?
a. doktor b. dr. cruz c. nars
3. Alin sa mga sumusunod na salita ang dapat isulat sa malalaking letra?
a. sir miguel b. susi c. ibon
4. Alin sa mga sumusunod na salita ang dapat isulat sa maliliit letra?
a. maria b. aling ana c. tinder
5. Alin sa mga sumusunod na salita ang dapat isulat sa maliliit letra?
a. aso b. mayor dualan c. bb. reyes
J. Karagdagang gawain para sa PANUTO: Isulat nang wasto ang mga salita sa patlang.
takdang-aralin at remediation 1. SIMBAHAN ____________________
2. PASIG ____________________
3. HEN. SANTOS ____________________
4. ZIPPER ____________________
5. PIZZA HUT ____________________
MGA TALA
PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mga-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang
remediation? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyunan sa
tulong ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitan ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi
sa mga kapwa ko guro?

Inihanda Ni:

Melanie P. Ordanel
Teacher
Binigyang-pansin Ni:

VILMA B. BAUTISTA
Principal II
GRADE Paaralan IBAYO ELEMENTARY SCHOOL Baitang III
1 TO 12
Guro MELANIE P. ORDANEL Asignatura FILIPINO
DAILY
LESSON Petsa October 10 Markahan 1
PLAN
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipapamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng
Pangnilalaman sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.

B. Pamantayan sa Pagganap Naisusulat ang mga salita ng may wastong baybay


Knowledge: Natutukoy ang gamit ng malaki at maliit na letra at mga
B. Mga Kasanayan sa
bantas sa pagsulat ng parirala at pangungusap;
Pagkatuto
Skill: Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng
Isulat ang code ng bawat mga salitang natutunan sa aralin, salitang dinaglat, salitang hiram,
Kasanayan parirala, pangungusap, at talata; F3PU-Ig-i-4, F3PU-IId-4
Affective: Naipapakita ang pagiging aktibo sa talakayan.
Approach: Constructivist
Strategy: Thinking Skills
Activity: Recall, Model, Familiarize, Decide
Integration:
Pagsulat ng Parirala at Pangungusap
II. NILALAMAN
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng MELC Filipino pahina 151
Guro CLMD BOW 4A Filipino 3 – Q1 pahina 20

2. Mga Pahina sa Kagamitang


Pang-mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa Portal ng
Learning Resource
5. Iba pang Kagamitang Powerpoint presentation, mga larawan, flash card
Panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin Balik Aral:
at/o pagsisimula ng bagong
aralin

Tukoy-Alam:
Magdikta ng ilang parirala at mga pangungusap sa mga bata.
Sabihin muna ang buong parirala o pangungusap na ipasusulat sa mga
bata. Ulitin ito nang dahan-dahan upang maisulat nang tama ng mga bata.
Kung tapos na ang mga bata sa kanilang pagsulat, banggitin muli ang
parirala at pangungusap na ipinasulat. Ito ay gagawin upang mabasa ng
mga bata nang tahimik ang kanilang isinulat at maitama ang kanilang
isinulat.
Ipasulat sa mga bata ang kanilang sagot sa pisara.
Ipabasa ang mga ito.
B. Paghahabi sa layunin ng Pangkatin ang klase.
aralin Pag-usapan ang mga bilin ng mga magulang sa kanila tungkol sa pagpili ng
magiging kaibigan.
Isulat ang mga ito sa isang malinis na papel.
Pag-uulat ng bawat pangkat.
Ipapaskil ng bawat pangkat ang mga isinulat.
C. Pag-uugnay ng mga Ipabasa sa mga bata ang mga ginawa ng bawat pangkat.
halimbawa sa bagong aralin Ano-ano ang napapansin sa mga isinulat?
Alin sa mga ito ang parirala?
Ipabasa ang mga parirala.
Paano isinusulat ang parirala?
Ipabasa ang mga pangungusap.
Paano isinusulat ang pangungusap?
Sabihin sa mga bata na pansisin ang pagkakasulat ng mga letra at mga
salita.
Itanong: Tama ba ang pagkakasulat ng mga letra at ng mga salita?
Tama ba ang pagkakagamit ng malalaki at maliliit na letra?
Ano-anong bantas ang ginamit sa mga pangungusap?
Tama ba ang pagkakagamit nito?
Ano ang ipinahihiwatig ng bawat bantas sa mga pangungusap?

Ang parirala ay hindi nagsasaad ng buong diwa.


Ang pangungusap ay sinisimulan sa malaking letra at nagtatapos sa
bantas. Ito ay nagsasaad ng buong diwa.
D. Pagtatalakay ng bagong Pag-aralan mo ang sumusunod.
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1 Parirala Pangungusap
ang bata Ang bata ay kumakain ng sorbetes.

ang mga aso Ang mga aso ay tumatahol sa


estranghero.
si Bb. Reyes Si Bb. Reyes ang bagong guro.

ang tsokolate Ang tsokolate ay paborito ng bata.

may sunog Saklolo! May sunog.

E. Pagtatalakay ng bagong A. Parirala ang tawag sa lipon ng mga salita na hindi kumpleto
konsepto at paglalahad ng ang diwa, nagsisimula sa maliit na letra at walang bantas.
bagong kasanayan #2
B. Pangungusap ang tawag sa salita o lipon ng mga salita na
kumpleto ang kaisipan, nagsisimula sa malaking letra at
mayroong bantas.

 Ang tuldok ( . )
ay ginagamit na
bantas sa
pangungusap na
pasalaysay.
 Tandang
pananong ( ? ) ay
ginagamit sa
pangungusap na
patanong.
 Ang tandang
padamdam ay
ginagamit sa
pangungusap na
nagpapahayag ng
matinding bugso
ng damdamin.
 Ang tuldok ( . )
ay ginagamit na
bantas sa
pangungusap na
pasalaysay.
 Tandang
pananong ( ? ) ay
ginagamit sa
pangungusap na
patanong.
 Ang tandang
padamdam ay
ginagamit sa
pangungusap na
nagpapahayag ng
matinding bugso
ng damdamin.
 Ang tuldok ( . )
ay ginagamit na
bantas sa
pangungusap na
pasalaysay.
 Tandang
pananong ( ? ) ay
ginagamit sa
pangungusap na
patanong.
 Ang tandang
padamdam ay
ginagamit sa
pangungusap na
nagpapahayag ng
matinding bugso
ng damdamin.
- Ang tuldok ( . ) ay ginagamit na bantas sa pangungusap na
pasalaysay.
- Tandang pananong ( ? ) ay ginagamit sa pangungusap na
patanong.
- Ang tandang padamdam ay ginagamit sa pangungusap na
nagpapahayag ng matinding bugso ng damdamin.
F. Paglinang sa Kabihasaan Gawain 1:
(Tungo sa Formative Panuto: Isulat mo sa papel o kuwaderno ang Parirala kung ang pahayag
Assessment)
ay parirala at Pangungusap naman kung ito ay pangungusap.
___________________1. ang mga tao
___________________2. Maraming bata ang naglalaro sa parke.
___________________3. Masayahing bata si Ani.
__________________ 4. puno ng tao
___________________5. ang guro at ang mga bata

Gawain 2:
Kopyahin mo ang mga pangungusap at punan ng tamang bantas.
1. Sino ang ating pambansang bayani
2. Ang watawat ng Pilipinas ay may tatlong bituin
3. Aray Masakit ang ngipin ko.
4. Maari ko bang hiramin ang iyong lapis
5. Paano maiiwasan ang pagkalat ng Coronavirus Disease
G. Paglalapat ng aralin sa pang- Pangkatang Gawain:
araw-araw na buhay Panuto. Suriin ang bawat larawan. Punan mo ang patlang ng tamang
parirala upang mabuo ang pangungusap.

Parirala: nagbabasa ng aklat Pangungusap:


____________________ay nagbabasa ng aklat.

Parirala: ang aso Pangungusap: Ang aso ay


______________________________.

Parirala: nagwawalis sa bakuran Pangungusap:


_________________ay nagwawalis sa bakuran.

Parirala: si Aling Elena Pangungusap: Si Aling Elena


ay____________________.

Parirala: ay nagsasabit ng banderitas Pangungusap:


__________________ay nagsasabit ng banderitas.
H. Paglalahat ng Aralin Parirala ang tawag sa lipon ng mga salita na hindi kumpleto ang diwa,
nagsisimula sa maliit na letra at walang bantas.
Pangungusap ang tawag sa salita o lipon ng mga salita na kumpleto ang
kaisipan, nagsisimula sa malaking letra at mayroong bantas.

Mga Uri ng Bantas:


1. Ang tuldok ay ginagamit sa hulihan ng pangungusap na pasalaysay.
Halimbawa: Si Mang Lino ay mabait na kapitbahay.
2. Ang tandang pananong ay ginagamit sa hulihan ng pangungusap na
patanong.
Halimbawa: Ano ang paborito mong kulay?
3. Ang tandang padamdam ay ginagamit sa hulihan ng pangungusap na
padamdam.
Halimbawa: Yehey! Pumasa ako sa pagsusulit!
I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Isulat mo sa patlang ang parirala kung parirala at pangungusap
kung pangungusap.
1. Si Nemi ay maganda. _________________
2. lata at papel _________________
3. Ako ay masipag mag-aral. _________________
4. Ilan ang bituin sa watawat ng Pilipinas? _________________
5. sa malayo
J. Karagdagang gawain para sa Panuto:Punan ng tamang bantas ang mga pangungusap sa talata. Isulat
takdang-aralin at remediation ang sagot sa papel o kuwaderno.
Si Rem
ni: Aisa Ali
1. Si Rem ay isang masipag na bata__
2. Tumutulong siya sa mga gawain sa bahay at paaralan__
3. Palagi siyang pinupuri sa kaniyang kasipagan__
4. Ano kaya ang sikreto niya__
5. Aha__ Alam ko na. Mahal pala niya ang mga taong nakapaligid sa
kaniya.
Talakayin ang kwento. (Integration: ESP)
MGA TALA
PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mga-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang
remediation? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyunan sa
tulong ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitan ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi
sa mga kapwa ko guro?

Inihanda Ni:

Melanie P. Ordanel
Teacher
Binigyang-pansin Ni:

VILMA B. BAUTISTA
Principal II
GRADE Paaralan IBAYO ELEMENTARY SCHOOL Baitang III
1 TO 12
Guro MELANIE P. ORDANEL Asignatura FILIPINO
DAILY
LESSON Petsa October 11 Markahan 1
PLAN
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Napapalawak ang mga kasanayan sa pag-unawa, pagpapakahulugan,
Pangnilalaman pagsusuri at pagbibigay-halaga sa mga kaisipan o paksang napakinggan
Nasusuri ang mga impormasyon upang maunawan, makapagbigay
B. Pamantayan sa Pagganap
kahulugan, at mapahalagahan ang mga tekstong napakinggan at
makatugon ng maayos.
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
C. Mga Kasanayan sa
Knowledge: Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong narinig;
Pagkatuto
Skill: Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong binasa (kuwento)
Isulat ang code ng bawat F3PB-Id-3.1
Kasanayan Affective: Nagpapakita ng kawilihan sa pakikilahok pangkatang gawain.
Approach: Constructivist
Strategy: Activity-Based
Activity: Act, Analysis, Apply
Integration: ESP
Pagsagot sa Tanong Tungkol sa Binasa
II. NILALAMAN
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng MELC Filipino pahina 150
Guro CLMD BOW 4A Filipino 3 – Q1 pahina 20

2. Mga Pahina sa Kagamitang


Pang-mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa Portal ng
Learning Resource
5. Iba pang Kagamitang Powerpoint presentation, mga larawan, flash card
Panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin Balik-Aral:
at/o pagsisimula ng bagong Basahin ang maikling kuwento at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
aralin
Bilugan ang letra ng iyong napiling sagot.

Ang Piknik sa Energy Park


Isinulat ni: Cristy S. Agudera

Nagsisimba ang pamilya ni G. Rudy Mercado tuwing Linggo. Pagkatapos


magsimba, nagpipiknik silang mag-anak sa Energy Park. Sama-sama silang
kumakain sa parke sa inihandang pagkain ni Nanay Alma tulad ng
adobong manok, sinigang na hipon na may gulay, inihaw na bangus at
mga prutas.
Nagdarasal muna sila bago kumain. Matapos kumain ay nagpapalipad ng
saranggola sina Jef at Jec sa malawak na parke. Si Kris naman ay aliw na
aliw sa duyan. Abala naman ang kanilang nanay sa paghahanda ng
meryenda nila. Masayang-masaya ang mag-anak.

Sagutin ang mga tanong.


1. Ano ang pamagat ng kuwento?
2. Ano ang banghay ng kuwento?
3. Sino- sino ang tauhan sa kuwento?
4. Saan ang tagpuan ng kuwento?
B. Paghahabi sa layunin ng Basahin ang maikling kuwento.
aralin
Ang Saranggola
Isinulat ni: Airene S. Hinay

Araw ng Sabado noon at maagang nagising si Isko dahil gusto niyang


maglaro kasama ang kaniyang mga kaibigan. Napansin ni Isko na malakas
ang hangin sa labas kaya naisipan niyang magpalipad ng saranggola.
Tinawag niya ang kaniyang mga kaibigan at dali-daling nagpunta sa burol.
Masayang nagpalipad ng saranggola si Isko at kaniyang mga kaibigan ng
biglang sumabit sa puno ang saranggola ni Isko. Sa tulong ng mga
kaibigan, inakyat nila ang puno at kinuha ang saranggola ni Isko. Masaya
si Isko dahil bukod sa nakapagpalipad siya ng saranggola, nakatagpo rin
siya nang mabubuting kaibigan.
C. Pag-uugnay ng mga Pagtambalin ang mga tanong sa Hanay A sa wastong sagot nito na nasa
halimbawa sa bagong aralin Hanay B.
A B
1. Sino ang bata sa kuwento? a. Isko
2. Kailan pumunta sa burol si Isko? b. sa burol
3. Bakit maagang gumising si Isko? c. araw ng Sabado
4. Ano ang gagawin ni Isko sa burol? d. dahil eksayted siyang
5. Saan pumunta sina Isko at maglaro
kaniyang kaibigan? e. magpalipad ng saranggola
D. Pagtatalakay ng bagong Sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa kuwento at usapan, mahalagang
konsepto at paglalahad ng maunawaan mo ang bawat pangyayari na naganap dito.
bagong kasanayan #1
Mahalagang malaman mo kung ano ang tinutukoy ng mga bawat salitang
pananong.

Mga Salitang Pananong


1. Ano – tumutukoy sa bagay, hayop at pangyayari

2. Sino – tumutukoy sa pangalan ng tao

3. Saan – tumutukoy sa lugar

4. Kailan –tumutukoy sa oras o panahon.


5. Bakit– tumutukoy sa dahilan.

E. Pagtatalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2
F. Paglinang sa Kabihasaan Basahin ang usapan sa ibaba at mula rito sagutin mo ang mga
(Tungo sa Formative sumusunod na tanong. Bilugan ang letra ng iyong sagot.
Assessment)
Tagubilin
Isinulat ni: Jaycel D. Suganob

Ang kagandahan ko ay tila paraiso,


Ngunit bata at matanda ay inaabuso ako,
Punongkahoy pananggalang sa malakas na bagyo,
Pinutol at ginawang troso.

Ang aking hiling huwag akong abusuhin,


Kapaligiran ko sana ay laging linisin,
Mga basurang nagkalat dapat ating pulutin,
At huwag itapon sa dagat na irog natin.

Pangangalaga sa kapaligiran ay laging tandaan,


Panatilihin ninyo ang taglay kong kagandahan,
Dahil ito ay nagsisilbing likas na kayamanan,
Na maipagmamalaki sa mga dayuhan at kaninuman.

1. Ano ang pamagat ng tulang iyong napakinggan?


a. Tagubilin
b. Panawagan
c. Pangangalaga sa kapaligiran
2. Sino-sino ang umaabuso sa kapaligiran?
a. mga hayop
b. mga halaman
c. bata at matanda
3. Saan nagkalat ang mga basura?
a. karagatan
b. kapaligiran
c. kabahayan
4. Sa iyong palagay, kailan dapat pangalagaan ang kapaligiran?
a. bawat oras
b. tuwing hapon
c. tuwing umaga
5. Bakit mahalagang pangalagaan ang kapaligiran?
a. dahil ito ay tirahan lamang ng mga hayop.
b. upang maging madumi ang hangin at madaming tao ang
magkasakit.
c. para may masilayan at mapakinabangan pa ang susunod na
henerasyon.

Talakayin pa ang kahalagahan ng pangangalaga sa kapaligiran.


Integration: ESP
G. Paglalapat ng aralin sa pang- Basahin mo ang kuwento sa ibaba at sagutin ang mga tanong. Bilugan
araw-araw na buhay ang letra ng iyong sagot.

Araw ng Barangay
Isinulat ni: Airene S. Hinay
Bata at matanda ay may kani-kaniyang gawain sa pagdiriwang ng Araw
ng Barangay. Lahat ay abala sa kanilang mga gawain. Ang mga
kababaihan ang nag-aayos ng mga palamuting bulaklak sa entablado
para sa gagawing programa. Ang mga kalalakihan naman ang nakatoka
sa pagkabit ng mga banderitas. Abala ang mga kabataan sa pag-
eensayo ng sayaw para sa paligsahan, Kami naman ay tumutulong sa
paglilinis ng aming mga tahanan.

1. Tungkol saan ang kuwento?


a. Araw ng Bayan
b. Araw ng Barangay
c. Araw ng Lalawigan
2. Sino ang nag-ayos ng mga bulaklak sa simbahan?
a. kabataan b. kalalakihan c. kababaihan
3. Saan naganap ang kuwento?
a. sa bayan b. sa paaralan c. sa barangay
4. Paano ka makatutulong sa pagdiriwang ng Araw ng Barangay?
a. maghihintay na tawagin
b. maglilinis ng paligid nang hindi inuutusan
c. magpapabayad sa pagsasabit ng banderitas at palamuti
5. Bakit mahalagang magtulungan sa bawat gawain?
a. upang madaling matapos ang mga gawain
b. para maabutan pa ng bukas ang mga gawain
c. upang maging magulo ang paggawa ng mga Gawain

H. Paglalahat ng Aralin Punan mo ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang
ipinapahayag nitong diwa.
Masasagot ang mga tanong sa kuwento at usapan kapag naintindihan ang
mga pangyayari nito. Ang mga tanong ay madaling masasagot kung alam
mo ang tinutukoy ng bawat salitang pananong tulad ng; (1) __________,
(2)__________, (3)__________, (4)__________, at (5)__________.
I. Pagtataya ng Aralin Basahin ang kuwento at sagutin mo ang mga tanong. Isulat ang iyong
sagot sa patlang.

Pamilyang Nagkakaisa
Isinulat ni: Airene S. Hinay

Pagkatapos maghapunan, pinaaalahanan ng nanay si Emily sa kaniyang


gawaing bahay kinabukasan.
Nanay: Emily anak, huwag niyong kalilimutan ang iyong gawaing bahay
bukas ha? Ikaw ang nakatoka sa pagdidilig ng halaman sa hardin.
Emily: Opo ‘nay. Gigising po ako ng maaga bukas para madali po akong
matapos.
Jona: Nanay, maaari po bang tulungan ko si Ate Emily sa pagdidilig ng
halaman?
Nanay: Oo naman anak, maganda iyang naisip mo. Dahil sa
pagtutulungan madaling matatapos ang mga gawain.

1. Ano ang pamagat ng usapan?


_______________________________________________________
2. Sino ang inatasan ng nanay na magdilig ng halaman sa hardin?
___________________________________________________________
3. Kailan nag-usap ang mag-anak?
___________________________________________________________
4. Sa iyong palagay, bakit kaya nais tumulong ni Jona sa kaniyang Ate
Emily?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
5. Mahalaga bang tumulong sa mga gawaing bahay? Bakit?
____________________________________________________________
___________________________________________________________
J. Karagdagang gawain para sa Basahin ang tula at sagutin mo ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa
takdang-aralin at remediation patlang.

Pagtitipid
Isinulat ni: Jaycel D. Suganob

Sa panahon natin ngayon


Huwag bumili rito, bumili roon
Bagay na mahalaga dapat bilhin
Pag-aaksaya hindi makabubuti sa atin.
Pagtitipid ating laging ugaliin
Paggasta nang mabuti dapat isipin
Dapat tayong matutong mag-ipon
Nang may madukot sa tamang panahon.

1. Ano ang pamagat ng tula?


_______________________________________________
2. Sino ang dapat matutong mag-ipon?
_______________________________________________
3. Saan dapat gastusin ang pera sa panahon natin ngayon?
_______________________________________________
4. Kailan dapat gastusin ang mga naipong pera?
_______________________________________________
5. Bakit importante na tayo ay maging matipid?
_______________________________________________
_______________________________________________

MGA TALA
PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mga-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang
remediation? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyunan sa
tulong ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitan ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi
sa mga kapwa ko guro?

Inihanda Ni:

Melanie P. Ordanel
Teacher
Binigyang-pansin Ni:

VILMA B. BAUTISTA
Principal II
GRADE Paaralan IBAYO ELEMENTARY SCHOOL Baitang III
1 TO 12
Guro MELANIE P. ORDANEL Asignatura FILIPINO
DAILY
LESSON Petsa October 12 Markahan 1
PLAN
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Nagkakaroon ng papaunlad na kasanayan sa wasto at maayos na pagsulat
Pangnilalaman at paggamit sa mga pamantayan sa pagsulat.
Nagkakaroon ng panimulang kasanayan sa maayos na pagsulat ng
B. Pamantayan sa Pagganap
pakabit-kabit at sa paggamit ng mga sangkap sa pagsulat.
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
D. Mga Kasanayan sa
Knowledge: Natututkoy ang mga tuntuning dapat sundin sa pagsipi ng
Pagkatuto
talata;
Isulat ang code ng bawat Skill: Nasisipi nang wasto at maayos ang isang talata F3PU-Ia-c- 1.2
Kasanayan Affective: Naipapakita ang linaw at ayos sa pagsulat ng talata.
Approach: Constructivist
Strategy: Direct Instruction
Activity: Tell, Guide, Act
Integration:
Pagsulat ng Talata
II. NILALAMAN
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng MELC Filipino pahina 150
Guro CLMD BOW 4A Filipino 3 – Q1 pahina 20

2. Mga Pahina sa Kagamitang PIVOT4A SLM FILIPINO 3 pahina 24-25


Pang-mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa Portal ng
Learning Resource
5. Iba pang Kagamitang Powerpoint presentation, mga larawan, flash card
Panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin Balik-aral:
at/o pagsisimula ng bagong Bakit mahalagang maunawaan mo ang bawat pangyayari na naganap
aralin
kuwento?
Anu-ano ang mga salitang pananong?
Mga Salitang Pananong
1. Ano – tumutukoy sa bagay, hayop at pangyayari
2. Sino – tumutukoy sa pangalan ng tao
3. Saan – tumutukoy sa lugar
4. Kailan –tumutukoy sa oras o panahon.
5. Bakit– tumutukoy sa dahilan.
B. Paghahabi sa layunin ng Pagganyak:
aralin
C. Pag-uugnay ng mga 1. Ano ang pamagat ng talata?
halimbawa sa bagong aralin Ang Pilipinas
2. Saang banda ito nakasulat?
Gitnang Bahagi
3. Paano ito sinimulan?
Sa malaking letra
4. Ano ang unang salita sa talata?
Maganda
5. Paano isinulat ang unang salita sa talata?
Nakapasok ang unang salita
6. Ano ang napansin nyo sa palugit sa kaliwa/ at sa kanan?
Mas malapad ang palugit sa gawing kaliwa kaysa sa gawing kanan.

Nasunod ang lahat ng mga tuntunin sa wastong pagsipi ng talata.


D. Pagtatalakay ng bagong Ang TALATA ay binubuo ng tatlo o mahigit na pangungusap.
konsepto at paglalahad ng Sa pagsipi ng TALATA may mga tuntunin tayong dapat sundin.
bagong kasanayan #1
1. Sipiin ang wastong baybay at bantas ng mga salita,
2. Sipiin nang wasto ang bawat bahagi ng talata.
3. Nakasulat ang pamagat sa gitnang bahagi.
4. Nakapasok ang unang salita ng talata.
5. Sinisimulan sa malaking letra ang simulang salita, ang mga
pangngalang pantangi at simula ng bawat pangungusap.
6. May palugit sa kaliwa at sa kanan.
7. Mas malapad ang palugit sa kaliwang bahagi kaysa sa kanang
bahagi.
E. Pagtatalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong Kasanayan #2

F. Paglinang sa Kabihasaan Panuto: Sipiin sa isang malinis na papel.Lagyan mo ng pangalan.


(Tungo sa Formative
Assessment)
G. Paglalapat ng aralin sa pang- Sipiin sa isang malinis na papel. Lagyan mo ng pangalan.
araw-araw na buhay

H. Paglalahat ng Aralin Bago natin ituloy ang susunod na mga gawain…


Dapat Nating Tandaan

Sa pagsipi sa talata dapat tandaan ang mga tuntunin, gaya ng tamang


gamit ng malaking letra, ng mga bantas.Dapat din tandaan kung saan
isinusulat ang pamagat ng talata, kung paano dapat simulan ang pagsulat
ng talata at ang mga margin sa kaliwa at kanan.

I. Pagtataya ng Aralin Gumamit ng rubriks para tasahin ang mga bata sa ginawang pagsipi ng
talata.
RUBRICS SA PAGBIBIGAY NG PUNTOS
1 puntos Nasisipi ang wastong baybay
1 puntos Nasisipi ang wastong bantas
1 puntos Nakasulat ang pamagat sa gitnang bahagi.
1 puntos Nakapasok ang unang salita ng talata.
2 puntos Sinisimulan sa malaking letra ang simulang
salita, ang mga pangngalang pantangi at
simula ng bawat pangungusap.
2 puntos May palugit sa kaliwa at sa kanan. (Margin)
Mas malapad ang palugit sa kaliwang bahagi
kaysa sa kanang bahagi.
Kabuuan 8 puntos
J. Karagdagang gawain para sa Takdang Aralin:
takdang-aralin at remediation
Sipiin sa isang malinis na papel. Lagyan mo ng pangalan.
Ang Aking Pamilya

Ang aking pamilya ang matibay na pundasyon na bumubuo sa aking


pagkatao. Sila ang aking inspirasyon para makamit ang aking mga mithiin
simula pa nang ako ay maliit na bata hanggang sa ngayong lumalawak na
ang aking mga pananaw sa buhay. At higit sa lahat, ang aking pamilya ang
aking gabay sa mga desisyon ko upang hindi ko pagsisihan ang mga ito.
MGA TALA
PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mga-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang
remediation? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyunan sa
tulong ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitan ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi
sa mga kapwa ko guro?

Inihanda Ni:

Melanie P. Ordanel
Teacher
Binigyang-pansin Ni:

VILMA B. BAUTISTA
Principal II
GRADE Paaralan IBAYO ELEMENTARY SCHOOL Baitang III
1 TO 12
Guro MELANIE P. ORDANEL Asignatura FILIPINO
DAILY
LESSON Petsa October 13 Markahan 1
PLAN
I. LAYUNIN
C. Pamantayang Naipakikita ang kasanayan sa pggamit ng Filipino sa pasalita at di-
Pangnilalaman pasalitang pakikipagtalastasan.
Nagagamit nang wasto ang mga bahagi ng pananalita sa mabisang
D. Pamantayan sa Pagganap
pakikipagtalastasan upang ipahayag ang sariling ideya, damdamin at
karanasan.
Knowledge: Nasusukat ang kaalamang natutuhan sa loob ng isang lingo;
E. Mga Kasanayan sa
Skill: Naisasagawa ang pagsusulit;
Pagkatuto
Affective: Naipapakita ang pagiging matapat sa pagsusulit.
Isulat ang code ng bawat
Kasanayan

Panlingguhang Pagtataya
II. NILALAMAN
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng
Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang
Pang-mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa Portal ng
Learning Resource
5. Iba pang Kagamitang
Panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin Balik-aral:
at/o pagsisimula ng bagong
aralin
B. Paghahabi sa layunin ng Pagganyak:
aralin Handa na ba kayo?
Paglalahad ng pamantayan sa pagkuha ng pagsusulit.

C. Pag-uugnay ng mga Paglalahad:


halimbawa sa bagong aralin Pgsasagawa ng pagsusulit
D. Pagtatalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1
E. Pagtatalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2
F. Paglinang sa Kabihasaan
(Tungo sa Formative
Assessment)
G. Paglalapat ng aralin sa pang-
araw-araw na buhay

H. Paglalahat ng Aralin

I. Pagtataya ng Aralin
J.Karagdagang gawain para sa
takdang-aralin at remediation
MGA TALA
PAGNINILAY
H. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
I. Bilang ng mga-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
J. Nakatulong ba ang
remediation? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa aralin.
K. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
L. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?
M. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyunan sa
tulong ng aking punungguro at
superbisor?
N. Anong kagamitan ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi
sa mga kapwa ko guro?

Inihanda Ni:

Melanie P. Ordanel
Teacher
Binigyang-pansin Ni:

VILMA B. BAUTISTA
Principal II

You might also like