Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

IKALAWANG MARKAHAN
UNANG SMESTRE
TAONG PAMPAARAALAN 2023-2024

PANGALAN: ____________________________________________ ISKOR: ___________________


TRACK & STRAND: _______________________________________ PETSA: ____________________

I. PAGPIPILI
Panuto: Isulat ang titik ng napiling sagot sa espasyo bago ang bilang.

_______ 1. Anong uri ng sanaysay ang nakabatay sa tunay na pangyayari na may layuning manlibang bagama’t maaaring
magpabatid?
a. talumpati b. editoryal c. lathalain d. balita
_______ 2. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pang-uri.
a. maganda b.mabilis c. kumakanta d. lumalakas
_______ 3. Si Angelika ay isang mabait at tahimik na mag-aaral ng Balangay. Isa ____ sa maaasahan sa klase. Punan ng
nawawalang tamang gamit na panghalip ang pangungusap.
a. sila b. siya c. siya’y d. niya
_______ 4. . Kakayahang gamitin ang wika nang may naaangkop na panlipunang pagpapakahulugan para sa isang tiyak na
sitwasyong pangkomunikasyon.
a. Kakayahang lingguwistiko c. kakayahang pragmatiko
b. Kakayahang sosyolingguwistiko d. kakayahang sosyal
Para sa aytem 5-9, tukuyin ang salitang MALI ang pagkakagamit sa pangungusap.
_______ 5. Nagsimula na ang pagbuka ng talulot ng rosas na itinanim ni Deth sa hardin.Walang mali
a. b. c. d. e.
_______ 6. Mabilis kung tumakbo ang kabayong nabili ni Beth para sa kanyang Ama. Walang mali
a. b. c. d. e.
_______ 7. “Maaari bang itikom ang bunganga ng mga maiingay diyan?”, ang utos niya. Walang mali
a. b. c. d. e.
_______ 8. Masayang naghahabol sa dalampasigan ang magkasintahang Lily at Josh. Walang mali
a. b. c. d. e.
_______ 9. Kay gandang pagmasdan ng mga nagkikislapang bituin sa langit. Walang mali
a. b. c. d. e.
Para sa aytem 10-14, tukuyin kung sa anong kabanata makikita ang mga sumusunod.
a. Kabanata I b. Kabanata II c. Kabanata III d. Kabanata IV e. Kabanata V
_______ 10. Nais mong malaman ang paraan na ginamit sa pananaliksik.
_______ 11. Matatagpuan dito ang interpretasyon ng datos.
_______ 12. Mababasa dito ang mga pag-aaral na may kaugnayan sa iyong pananaliksik.
_______ 13. Mababatid dito ang mga dapat gawin ng mga taong may kinalaman sa pananaliksik.
_______ 14. Nakikita dito ang mga talahanayan at pagpapakahulugan sa mga datos.
Para sa aytem 15-17, basahin ang isang bahagi ng lathalain.
Napanatili ng defending champions La Salle Lady Spikers ang korona ng women’s division ng UAAP
volleyball matapos walisin ang karibal na Ateneo Lady Eagles sa kanilang best-of-three series sa Finals ng
Season 79 na nagtapos noong Sabado.
Matamis ang tagumpay na ito para sa Lady Spikers lalo na para sa kanilang graduating team captain
na si Kim Fajardo na kanilang pinag-alayan ng kanilang kampeonato.
Piniling manatili ni Fajardo at tapusin ang kanyang playing eligibility sa liga upang tulungan ang
kanyang koponan na depensahan ang kanilang titulo na itinuturing niyang isa sa pinakamagandang desisyon
niya sa kanyang collegiate career.
“Worth it po lahat ng nangyari,” masayang sabi ni Fajardo na natanggap ang kanyang pangatlong Best
Setter award bago mag-umpisa ang Game Two na kanyang naging huling laro sa UAAP.
Ipinagmalaki naman siya ng kanyang head coach na si Ramil De Jesus na sinabing mag-iiwan si Fajardo ng
inspirasyon na tatatak sa mga nais ma-ging bahagi ng koponan ng Lady Spikers sa hinaharap.
-PM Sports
_______ 15. Batay sa binasang lathalain, anong panauhan ang ginamit?
a. una b. ikalawa c. ikatlo d. ikaapat
_______ 16. Sino o Ano ang itinampok sa nabasang lathalain?
a. UAAP S79 b. Lady Spikers c. Coach Ramil d. Kim Fajardo
_______ 17. Ang sumusunod na katangian ng lathalain ang ginamit MALIBAN sa
a. Walang tiyak na haba o ikli. c. May himig na nakikipag-usap lamang.
b. Maaaring gumamit ng matalinhagang pahayag. d. Wala sa nabanggit.
_____18. Ang “paghaplos ng Ina sa ulo ng sanggol” ay isang halimbawa ng anong anyo ng di-berbal na komunikasyon.
a. Kinesika b. Proksemika c. Paralanguage d. Pandama o Haptics
_____19. “Galaw ng kamay ng guro habang nagpapaliwanag ng aralin”, ang pangungusap na ito ay isang halimbawang anong anyo
ng di-berbal na komunikasyon.
a. Kinesika b. Proksemika c. Paralanguage d. Pandama o Haptics
_____20. Tumutukoy sa pag-aaral sa paggamit ng wika sa isang partikular na konteksto upang magpahayag sa paraang diretsahan o
may paggalang.
a. Kakayahang lingguwistiko c. kakayahang pragmatiko
b. Kakayahang sosyolingguwistiko d. kakayahang sosyal
_____21. Alin sa mga sumusunod ang uri ng komunikasyong gumagamit ng salita sa anyong pasalita at/o pasulat man.
a. Di-berbal na komunikasyon c. Paralanguage
b. Berbal na komunikasyon d. Interlanguage
_____22. Kung ang Setting and Scene sa modelong SPEAKING ni Dell Hymes ay sumasagot sa tanong na “Saan ang pook ng pag-
uusap o ugnayan? Kailan ito nangyari?”, ano naman ang tanong na sinasagot ng N- NORMS?
a. Sino-sino ang kalahok sa pag-uusap?
b. Ano ang pakay, layunin, at inaasahang bunga ng pag-uusap?
c. Ano ang umiiral na panuntunan sa pag-uusap at ano ang reaksyon dito ng mga kalahok?
d. Paano ang takbo o daloy ng pag-uusap?
______23. Si Harris gumamit ng interbyu, panitikan at liham sa kanyang isinagawang pananaliksik. Alin sa mga sumusunod ang
ginamit nyang teknik.
a. S – Setting and Scene c. K – Key
b. E – Ends d. G- Genre
______24. Ang A-Act Squence sa SPEAKING ay sumasagot sa tanong na _____.
a. Ano ang umiiral na panuntunan sa pag-uusap at ano ang reaksiyon dito ng mga kalahok?
b. Paano ang takbo o daloy ng pag-uusap?
c. Ano ang anyo at estilo ng pananalita?
d. Sino-sino ang kalahok sa pag-uusap?
______25. Alin sa mga sumusunod ang tamang gamit ng “raw” at “daw”.
a. Nakita ka raw ni Angelo kagabi kasama mo si Elwin.
b. Sabi ni Gerald, hindi daw siya makakarating.
c. Sa San Carlos raw mamamalengke si Billy, hindi sa Urbiz.
d. Mahal ka daw niya, pero pinaasa mo lang siya!

II. BINAGONG TAMA O MALI

Panuto: Suriin ang bawat pahayag. Tukuyin kung tama ito batay sa talakayan. Isulat ang Oo kung tama ito. Kung mali naman ay isulat
ang HINDI at salungguhitan ang salita o mga salitang nagpapamali.

_________26. Maaaring maging paksa ang alinmang mga isyu kapag susulat ng isang lathalaing nagpapabatid.
_________27. Sa kakayahang lingguwistiko ay mahalagang matutunan ang tamang paggamit ng salita.
_________28. Sa kakayahang diskorsal ay labis-labis ang pagbibigay tuon sa wastong gamit ng salita.
_________29. Inaalam ang sino, saan, bakit, paano at kailan sa kakayahang sosyolingguwistik.
_________30. Register na wika ng social media ang Tumblr.

III. PAGSULAT
A. Baybayin nang pasalita ang mga sumusunod na salita.
31. F2 Logistics
32. Mrs. Fely Nimfa
33. Fe
34. Jelyn
35. Gng. Eichen

IV. PAGTUKOY
Tukuyin ang pandiwang ginamit at ibigay kung ano ang Pokus at Kaganapan nito.
Pandiwa Pokus Kaganapan
___________ ___________ ______________ 1. Pinuntahan ni Juana ang bahay nina Ben.
___________ ___________ ______________ 2. Iniyakan ni Bunso ang pagkamatay ng kanyang alagang pusa na si Minmin.

You might also like