Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Ayon kina Boyd at Ellison (2007), ang mga social networking sites ay nagbibigay ng serbisyo na

nagpapahintulot sa mga indibidwal na lumikha ng mga pribado o pampublikong profayl sa loob


ng kanilang sistema. Ang mga profayl na ito ay nagbibigay-daan sa mga gumagamit na ipakita
ang kanilang personal na impormasyon at interes sa paraang nais nila. Ang kakayahang mag-set
up ng pribadong o pampublikong profayl ay nagiging pundasyon ng mga site tulad ng Facebook,
Twitter, Instagram, at Yahoo. Ang mga profayl ay nagiging instrumento upang makilala at
makipag-ugnayan ang mga tao sa isang digital na espasyo. Sa pamamagitan ng social networking
sites, pinahihintulutan ang mga gumagamit na makita ang listahan ng kanilang koneksyon at
malaman ang ginagawa ng iba pang tagatangkilik. Inilahad ni Boyd at Ellison (2007), ang mga
site na ito ay nagiging mahalagang plataporma para sa pakikipag-ugnayan. Ang Facebook,
Twitter, at Instagram ay ilan sa mga halimbawa ng social networking sites na nagbibigay-daan sa
mga tao upang manatiling konektado sa kanilang mga kaibigan, pamilya, at iba pang tao kahit na
sila ay nasa malalayong lugar. Dahil sa mga site na ito, nagiging madali ang
pakikipagkomunikasyon sa mga taong mahalaga sa atin.

Ayon kay Schlozman, ang mga nakukuha o nakakalap nating impormasyon na galing sa internet
ay mas tumataas pa o mas dumadami, ngunit bumababa naman ang pagkalap natin ng mga
impormasyon na tungkol sa mga pulitika. Itong sanaysay na ito ay napaka-ikli ngunit
napakalawak ang ipinapahiwatig. Isa na dito ay ang pagbibigay natin ng pansin sa mga
impormasyon na ating kinakalap, at dapat hindi lamang tungkol kung saan-saan ang mga ito,
sapagkat nararapat din na ito’y may koneksyon sa pulitika upang tayo ay maging mapagmatyag
at masuri pag tayo na ang pipili nang ating magiging lider ng bansa.

Ayon naman kay Bimber, ang mga impormasyon na maaari nating makalap at makuha ay mas
lalong dumadami at mas lalong nadadagdagan ang mga nagkalat na iba’t ibang opinyon ng
karamihan kaya naman hindi natin agad nalalaman kung ang impormasyon ba na ating nakakalap
o nakukuha ay may katotohanan. Tulad din ito ng ating pagkalap ng mga impormasyon na
tungkol sa pulitika, hindi natin agad nalalaman kung ito ba ay may sapat na katotohanan kaya
naman dapat tayo ay maging masusi sa mga impormasyon na ating kinakalap at pinaniniwalaan.

Sinabi naman ni Heather sa kanyang blog na ang isang positibong epekto ng media pagdating sa
politika ay maaaring makausap ng mga botante ang kanilang ninanais na umupo sa pwesto at
maaari nilang makausap ito at matanong ng mga ninanais nila. Maaari din naman nating
kausapin ang mga kandidatong hindi pa natin lubos na kilala sa pamamagitan ng mga pagsali
natin sa pagpupulong na ginaganap sa ating mga teknolohiya, kaya naman sa pamamagitan nito
mas makikilala natin ang mga kandidato at mas magiging wais tayo sa pagpili. Sa tulong din
nito, tayo din ay magkakaroon ng ideya kung ano ang mga plano nila sa ating bansa. At higit sa
lahat, ito ay napaka laking tulong sapagkat tayo ay hindi na mahihirapang pumili sa
kadahilanang nakausap at natanong natin sila ng mga ninanais nating itanong at nalaman natin
ang mga ninanais nating malaman.

Ayon kay Aysia Tan (2016), ang social media ay nakakaapekto sa ating pag-iisip at kilos. Ayon
naman kay Zea Quizon, ang social media ay nagiging daluyan ng iba’t ibang opinyon tungkol sa
mga napapanahong isyu, na nagbibigay ng mas malalim na kaalaman sa mga mag-aaral. Ang
mga isyu na ito ay tumutulong sa pagpapalawak ng kanilang kamalayan sa mga pangyayari sa
paligid.
Sinabi naman ni Kahne, na idineklara na ang paggamit ng internet ay mayroong positibo sa
pagboto o sa mga politikal na impormasyon. Ang iba’t ibang impormasyon na nakukuha natin sa
internet na tungkol sa pulitika ay halos may katotohanan. Tulad na lamang ngayon, tayo ay may
hinaharap na pandemya kaya naman sa internet tayo kumukuha ng mga iba’t ibang impormasyon
tungkol sa ating gobyerno. Kaya naman tayo ay nakakakuha ng iba’t ibang impormasyon na
hindi positibo tungkol sa mga nakakataas, kaya naman tayo ay nagkakaroon ng mga ideya kung
sino pa ba ang dapat nating ihalal sa susunod o kung sino ang hindi na dapat mapunta sa mataas
na pwesto sa susunod na botohan.

Ang social networking sites ay bahagi na ng ating pang-araw-araw na pamumuhay at kultura.


Ayon kay Santos (2016), ang mga applications na ito ay tumutulong sa mga tao, lalo na sa mga
bata, na makakuha ng mahahalagang balita at impormasyon. Ang social media ay nagiging
pangunahing kasangkapan upang mapalawak ang kanilang kaalaman sa maraming bagay.

Ayon naman sa Feezell, ang paggamit ng internet ay walang pinipiling edad. Kaya ayon sa
kanya, ang social media ngayon ay mas marami ang mga batang gumagamit kaysa sa mga
matatanda. Sa pamamagitan ng internet, ang mga impormasyon tungkol sa politika ay madali
nalang kumakalat, totoo man o gawa-gawa lamang, kaya sa pagpili ng mga lider ng ating bansa
ay mabuting pag-isipan ng mabuti at huwag basta-basta maniniwala sa mga kumakalat na
impormasyon dahil minsan ay wala itong katotohanan tungkol sa pulitika.

Ayon naman kina Hargittai at Shaw, ang social media ay makakatulong sa pulitika sapagkat
napapadali nito ang pagpapalaganap ng impormasyon sa mga tao. Ayon sa kanila, ang mga tao
na gumagamit ng social media ay nakakatulong upang makapanghikayat pa ng mas maraming
tao. Sinasabi dito na maaaring ilantad ang mga kabataan sa pampulitikang talakayan at
pagrerekrut na nagtataguyod ng partisipasyon sa pulitika.

Ayon sa Snap Team (2020) ay nagpapakita na bagama't may pinakakaunting bilang sa pagboto,
ang grupo ng kabataang botante ay patuloy na umuunlad sa pag-unawa ng mga isyu at
pangyayari sa pulitika. Sinasabi rin na, 82% ng mga Gen Z ang nagsasabing dahil sa paglaganap
ng COVID-19, naunawaan nila kung paano nakakaapekto sa kanilang pang-araw-araw na buhay
ang mga desisyon ng mga pulitiko. Sa pananaliksik na ito napagtanto na bukas at may alam na
ang mga kabataan ngayon tungkol sa nangyayari sa pulitika. Sa kanilang pag-aaral, nakita ng
Snap Team ang kritikal na pag-iisip at kamalayan ng kabataan, lalo na ng Gen Z, sa mga hamon
at oportunidad ng kanilang partisipasyon sa pulitika. Ang kanilang pag-aalinlangan ay
nagpapahiwatig ng maingat na pagsusuri at pagpapahalaga sa mga desisyon nila, na nagbubunga
ng mas maingat at may kabatiran na partisipasyon sa pagboto at pulitika.

You might also like