Format NG Pananaliksik 2ND Sem Filipino TVL

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

MAKATI HIGH SCHOOL

Gen. Luna St., Brgy. Poblacion, Makati City


SENIOR HIGH SCHOOL

Epekto ng Pagsasagawa ng Online Learning Mode sa Akademikong


Pagganap ng mga mag-aaral sa Estado Kolehiyo ng Marinduque

Isinumite sa Makati High School- Senior High School

Bilang bahaging pangangailangan sa asignaturang

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Mga Mananaliksik:

11-HE- 4

Ipinasa kay:

Celene Sigrid Pearl R. Apa


MAKATI HIGH SCHOOL
Gen. Luna St., Brgy. Poblacion, Makati City
SENIOR HIGH SCHOOL

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang bahagi ng pangangailangan sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang

Teksto Tungo sa Pananaliksik, ang akademikong pananaliksik na ito ay pinamagatang

“Lebel ng Kasanayan sa Bokabularyong Filipino ng mga Mag-aaral sa Senior High

School” ay inihanda at ipinasa.

Lagao, Carlo Jose


Mga Mananaliksik

Hunyo 2023

Kinikilala bilang bahaging pangangailangan sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng

Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.

_________________________________
CELENE SIGRID PEARL R. APA
Gurong Tagapayo

Kinikilala at inaprubahan bilang bahaging pangangailangan sa asignaturang Pagbasa at

Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.

_________________________________

CARLOS A. BURAGA, PhD.

HUMSS-LANGUAGES SAGH
MAKATI HIGH SCHOOL
Gen. Luna St., Brgy. Poblacion, Makati City
SENIOR HIGH SCHOOL

KABANATA I

KALIGIRANG KASAYSAYAN

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng panimula, paglalahad ng suliranin, haka-

haka, kahalagahan ng pag-aaral, saklaw at limitasyon ng pag-aaral, konseptuwal

na balangkas/batayang teoretikal, saklaw at limitasyon, at depinisyon ng mga

terminolohiya.( ang bahaging ito ay tinatawag na panimulang pahayag-COPY

PASTE ONLY)

Panimula- (DAPAT ITO AY NAGLALAMAN NG MGA SUMUSUNOD)

 BACKGROUND INFORMATION/KASAYSAYAN NG PROBLEMA O PAKSA

 GAP/KAKULANGAN NG IBANG PAG-AARAL/

 LEGAL BASIS-ITO AY MAARING ARTICLE,LAW, PAST STUDIES NA

MAGIGING PAMANTAYAN NG INYONG PAG-AARAL(MAXIMUM NA PAG

LALAGAYAN NG BASIS AY 3 LAMANG AT HUWAG KALIMUTANG

MAGLAGAY NG CREDITS SA TAMANG MAYPAGMAMAY-ARI NITO

 THESIS STATEMENT-ITO AY ISANG MAIKLING PAHAYAG NG PUNTO

NG INYONG PAG-AARAL/SUM UP POINT OF YOUR STUDIES

 NECESSITY/VALIDITY-BISA/RASON BAKIT KAILANGANG GAWAN NG

ISANG PAG-AARAL/PURPOSE

 ANG HALIMBAWA AY NASA IBABA


MAKATI HIGH SCHOOL
Gen. Luna St., Brgy. Poblacion, Makati City
SENIOR HIGH SCHOOL

Sa pag-usbong ng isang krisis na hanggang ngayon ay kinakaharap ng buong

mundo ukol sa pandemyang dulot ng ‘corona virus’, lubos na naapektuhan ang

iba’t ibang sektor ng lipunan at ekonomiya ng napakaraming bansa, kabilang ang

Pilipinas. Nang dahil dito, nagpatupad ng mga limitasyon na lubos na

nagpakomplikado sa sitwasyon ng pamumuhay ng mga tao, alinsunod sa mga

panukala ng mga eksperto sa larangan ng medisina at ng gobyerno upang

maiwasan ang pagdami ng bilang ng mga kasong may kinalaman dito, lalo’t higit

na nakakahawa ang naturang bayrus. Mula sa paghihigpit sa paglabas ng

tahanan, pagsasagawa ng social distancing, at pagsusuot ng face masks at face

shields tuwing lalabas ng bahay, ipinagbawal din ang pagsasagawa ng mga

matataong pagdiriwang. Kasabay nito, ilang mga trabaho rin ang

pansamantalang ipinatigil habang ang ilan din ay ginawa na lamang na online.

Gayundin din ang pag-aaral na ginawa na ring online at ilan naman ay modyular.

Matatandaang Marso noong taong 2020 nang inanunsyo ang inakala na

suspensyon lamang ng mga klase sa lahat ng antas sa buong bansa. Ngunit dahil

sa mabilis na pagdami ng mga kaso ng Covid-19 dito sa Pilipinas, napilitan ang

pamahalaan na ipahinto muna ang aktwal na pagpasok at mga klase sa lahat ng

mga paaralan sa buong bansa. Bilang alternatibo, minabuti ng pamahalaan na

gawing online at modyular na lamang ang pagsasagawa ng mga klase. Sa

pagsisimula pa lamang ng implementasyon ng panukalang ito, maraming mga

mag-aaral at magulang ang nahirapang makasabay sa pagbabagong ito. Maging

ang mga guro ay lubusan ding nanibago. Ang mga gadyets gaya ng selpon at

laptop ang siyang pansamantalang naging kuwaderno at pisara upang


MAKATI HIGH SCHOOL
Gen. Luna St., Brgy. Poblacion, Makati City
SENIOR HIGH SCHOOL

maisakatuparan ang online class. Ngunit, hindi lingid sa ating kaalaman na may

ilan pa ring pamilyang Pilipino ang hindi kayang tugunan ang pangangailangang

ito, lalo pa’t marami ang nawalan ng hanapbuhay nang dahil sa pandemiya. May

iba naman na nakagawa ng paraan upang makabili ng ganito gaya ng mga

pangyayaring nailathala sa mga balita sa telebisyon at pahayagan, ngunit

aminado silang hindi ito sapat para sa lahat ng mag-aaral sa kanilang pamilya,

kung kaya naghihiraman na lamang upang lahat ay makagamit. Habang ang ilan

naman ay hindi talaga makabili na ang naging pansamantalang solusyon ay

panghihiram sa mga kamag-anak o ‘di kaya ay sa mga kapitbahay. Ngunit ang

isa sa mga itinuturing na pinakamalaking suliranin talaga at dinadaing ng

maraming mag-aaral patungkol sa online class ay ang mabagal na internet

connection sa bansa. Hindi sapat ang pagkakaroon ng mga gadyets lamang.

Bilang buong pagtugon sa online class, kinakailangan ng matatag na internet

connection ng mga mag-aaral, nang sa gayo’y maka-access sa iba’t ibang mga

digital na aplikasyon at platapormang pang-edukasyon. Ngunit, isang malaking

dagok para sa maraming mga Pilipino ang pagkakaroon nito, partikular na sa

mga nasa rural na komunidad.

ik nasa ika-86 na pwesto ang Pilipinas pagdating sa mga bansang may

mabilis na mobile internet sa buong mundo nitong Enero ngayong taong 2021,

mas mataas kumpara sa ika-111 na pwesto nito noong taong 2020. Naitala ang

pagtaas nang 4.10% sa download speed ng mga fixed broadband na umabot sa

31.44 Mbps, habang 14.53% naman ang itinaas pagdating naman sa mga mobile

na umabot naman ng 22.50 Mbps. Sa kabila ng pagtaas ng antas ng internet


MAKATI HIGH SCHOOL
Gen. Luna St., Brgy. Poblacion, Makati City
SENIOR HIGH SCHOOL

speed sa Pilipinas, tila hindi pa rin ramdam ang pagbabagong ito sa mga rural na

pamayanan.

Ang probinsya ng Marinduque ay ilan sa mga probinsya na limitado ang

kapasidad sa pag-access sa internet. Malaking porsyento ng lalawigang ito ang

umaasa lamang sa mobile internet sa kadahilanang ang mga poblacion o

kabayanan pa lamang halos ng mga bayan ng lalawigan ang nakakayang maabot

ng broadband internet access o nakakabitan ng fiber internet access. Ayon sa

ilang tests speed na isinagawa sa ilang mga barangay na hindi naaabot ng

broadband, lumalabas na hindi pa umaabot sa 5 Mbps ang karaniwang download

at upload speed sa mga naturang lugar gamit ang mobile data. Dahil dito,

kinakailangan pang humanap ng isang lugar sa labas ng kanilang mga tahanan

sa kanilang pamayanan na may mas malakas na internet speed. Isa itong

maituturing na balakid upang maging epektibo ang online class. Kung maabot

man ang mga lugar na ito ng mga fiber internet access, malamang na iilan

lamang ang magkaroon nito dahil sa kakulangang pinansiyal na rin ng karamihan

sa mga tao sa lalawigang ito.

Marahil isang suliranin lamang ito kung titingnan. Ngunit, kaakibat ng

kakulangang ito ang iba pang mga problema. Kung mahina ang internet

connection ng isang mag-aaral, mahihirapan itong makasabay sa online learning

na tinatawag. Mula sa pag-access sa mga sanggunian ng mga aralin hanggang

sa pagdalo ng mga online discussions sa mga platapormang tulad ng Zoom at

Google Meet, isang malaking balakid ang pagkakaroon ng mahinang internet


MAKATI HIGH SCHOOL
Gen. Luna St., Brgy. Poblacion, Makati City
SENIOR HIGH SCHOOL

connection. Kahit na hindi mandatoryo ang pagdalo sa mga online classes,

malaking bagay pa rin ito sa pagpapaunlad ng kaalaman ng mga mag-aaral, dahil

sa mga pagkakataong ito nakakapagturo ang mga guro at naisasangguni ng mga

mag-aaral ang kanilang mga katanungan sa kanilang mga guro. Ang bagay na ito

ay maaring makaapekto sa akademikong perpormans ng mga mag-aaral.

Mahalaga ang mataas na kalidad ng edukasyon, lalong-lalo na sa mga mag-aaral

sa kolehiyo. Ang mga kaalamang kanilang nakuha at makukuha sa kani-kanilang

kursong pinili ay mahalaga sa kanilang nais maging trabaho sa hinaharap. Ito ang

siyang nagsisilbing pundasyon hindi lamang ng antas ng kaalaman kundi pati na

rin ng karakter ng isang mag-aaral na kanyang madadala sa kanyang

pagtatrabaho. Kasabay rin nito, maari ring makaapekto sa mental na kalusugan

ng mga mag-aaral ang mga nasabing suliranin. Maaaring mawalan ng gana sa

pag-aaral o labis na pagkabahala sa kanilang magiging awtput ang ibang mga

mag-aaral na lubos na nahihirapang makasabay sa online na estilo ng pag-aaral.

Kapag nagkataon, malaking kabawasan ito sa kumpiyansa ng isang mag-aaral na

mas maging mabuti pa sa pag-aaral.

Hindi lahat ay kayang makasabay sa online learning mode. Maraming balakid

at suliranin na mahirap tugunan o mabigyang kasagutan. Sa kabila ng mga

paraang ginagawa ng mga mag-aaral at mga magulang upang tugunan ito sa

abot ng kanilang makakaya, minsan ay kulang pa rin ito upang mas maging

epektibo pa ang kanilang pag-aaral. Sa pagsasakatuparan ng isang taon sa

online class, naging epektibo nga ba ito upang mapataas o mapagyaman ang

kaalaman ng mga mag-aaral? Naging maayos ba ang kanilang pang-


MAKATI HIGH SCHOOL
Gen. Luna St., Brgy. Poblacion, Makati City
SENIOR HIGH SCHOOL

akademikong perpomans? Ang mga mahahalagang katanungang ito, kapag

nabigyang kasagutan ay makatutulong upang nang sa gayon ay mas

mapaghandaan pa ang mga susunod na akademikong taon kung sakaling

ipatutupad pa rin ang online learning mode.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay tukuyin ang epekto ng online

learning mode sa akademikong performans ng mga mag-aaral sa Estado

Kolehiyo ng Marinduque.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tugunan ang mga sumusunod na mga

suliranin:

1. Ano ang antas ng pagtanggap ng mga mag-aaral pagsasagawa ng online

class bilang bagong plataporma sa pag-aaral?

2. Ano ang antas ng akademikong performans ng mag-aaral dahil sa epekto ng

online learning mode?

3. Ano ang mga ginagawang paraan ng mga mag-aaral upang mapaayos ang

kanilang akademikong performans sa kabila ng ganitong set-up?

HAYPOTESIS (ITO AY ANG HAKA.HULA NINYO SA KALALABASAN NG

INYONG PAG-AARAL) ITO ANG ITETEST NIYO SA KABUUAN

Hindi nagging maayos ang akademikong Pagganap sa Estado Kolehiyo ng

Marinduque.
MAKATI HIGH SCHOOL
Gen. Luna St., Brgy. Poblacion, Makati City
SENIOR HIGH SCHOOL

Konseptuwal na Balangkas

INPUT OUTPUT

1. Antas ng pagtanggap ng mga Epekto ng Pagsasagawa ng Online


estudyante sa pagsasagawa ng online Learning Mode sa Akademikong
class bilang bagong plataporma sa pag- Performans ng mga Mag-aaral sa
aaral Estado Kolehiyo ng Marinduque:
Action Plan Para sa Pamunuan
2. Antas ng akademikong performans ng
mag-aaral dahil sa epekto ng online
learning mode

PROSESO
3. Ginagawang paraan ng mga mag-aaral
upang mapaayos ang kanilang  Paggawa ng liham sa
akademikong performans sa kabila ng pamunuan
online learning mode
 Pagsasagawa ng
oryentasyon at sarbey
 Pagsusuri ng datos

Pigura 1. Balangkas Konseptwal ng Epekto ng Pagsasagawa ng Online Learning

Mode sa Akademikong Performans ng mga mag-aaral sa Estado Kolehiyo ng

Marinduque

Ang pigura sa taas ay nagpapakita ng konseptong daloy ng pananaliksik na ito

kung saan ang antas ng pagtanggap, akademikong performans at paraan ng mga

mag-aaral ng estado kolehiyo ng Marinduque upang mapaayos ang kanilang


MAKATI HIGH SCHOOL
Gen. Luna St., Brgy. Poblacion, Makati City
SENIOR HIGH SCHOOL

akademikong performans ang magiging input. Paggawa ng liham sa pamunuan,

pagsasagawa ng oryentasyon at sarbey at interpretasyon ng mga datos ang

magiging proseso na gagawin sa pananaliksik na ito habang ang output naman ay

isang action plan kung saan nakapaloob ang buod at interpretasyon ng mga datos

na basehan sa mga suhestiyong programa at mga gawain para sa pamunuan.

Teoretikal ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay sinusuportahan ng mga sumusunod na mga teorya at

konsepto: Anderson’s Online Learning Model at Teoryang Connectionism.

Ang modelong Anderson’s Online Learning Model na ipinaliwanag ni Picciano

(2017) na kung saan ipinakita ng interaksyon sa pagitan ng mga guro at

estudyante. Ang interaksyong ito ay nangyayari sa komunidad ng pagtatanong

gamit ang mga aktibidad sa net-based synchronous at asynchronous. Dito

nakapaloob ang pagkakataong linangin ang social skills, sama-samang pagkatuto,

at pagbuo ng personal na ugnayan sa mga kalahok. Ipinaliwanag din na

nangangailangan ito regular na pagsasagawa.

Ang modelong ito ay sumusuporta sa pananaliksik na ito sapagkat nakaploob ditto

ang uri ng online learning mode na ginagamit sa ngayon ng mga mag-aaral.

Binibigyang diin din na kailangan itong gawin ng madalas upang mas matuto ang

mga estudyante.

Ang teoryang Connectionism ni Edward Lee Thorndike na binanggit ni Sullera

(2015) ay kinapapalooban ng dalawang magkaugnay na elemento sa pagkatuto,


MAKATI HIGH SCHOOL
Gen. Luna St., Brgy. Poblacion, Makati City
SENIOR HIGH SCHOOL

ang pampasigla o stimulus at ang tugon o response. Ang pagkakaugnay ng dalawa

ay nagiging isang gawi at maaaring palakasin o pahinain depende sa kalikasan o

uri at dalas ng pagtatambal ng stimulus at response. Ibig sabihin na ang pagkatuto

at ang pag-uugali ay mabubuo kung makahahanap ng isang epektibong

pamapasigla na magpatatag ng koneksyon sa pamamagitan ng pagtugon sa

pangangailangan ng estudyante upang magkaroon ng isang makahulugang

karanasan sa pagkatuto.

Isa itong angkop na palatandaan na angpagpapahalaga ng estudyante hinggil sa

isang asignatura ay masmapapayabong sa pamamagitan ng paggamit ng guro ng

mga pangganyak o pampasigla sa pag-aaral bilang tugon sa pagpapahalaga nila

sa asignaturang kinukuha.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang resulta ng pag-aaral na ito ay itinuturing na kapaki-pakinabang sa sumusunod:

Pamunuan. Ang resuta ng pananaliksik na ito ay magiging makabuluhan dahil

maaari itong gamitin upang basehan sa pagbuo ng estratehiya upang mas

mapaunlad at mapaganda ang paraan ng pagkatuto ng mga estudyante at mga

programa tulad ng counselling.

Mga Guro. Ang mabubuong resulta nito ay magbibigay ng kaalaman sa mga guro

sa mga bagay na nakakaapekto sa akademikong performans ng kanilang mga

estudyante na magsisilbing insiprasyon upang mas pagbutihin pa nila ang


MAKATI HIGH SCHOOL
Gen. Luna St., Brgy. Poblacion, Makati City
SENIOR HIGH SCHOOL

pagtuturo at bigyan ng pagkakataong matugunan ang kanilang mga problemang

kinakaharap sa pag-aaral.

Mga Magulang. Ang kalalabasan ng pag-aaral na ito ay magbibigay kamalayan sa

mga magulang sa mga dahilan kung bakit bumababa o tumataas ang akademikong

perfromans ng kanilang mga anak ngayong online class at nang magabayan nila

ito. At saka, malalman din nila ang makakabuti para sa mga ito. Makakatulong din

ito upang mabigyan ng atensyon at matugunan ang mga problemang maaaring

kaharapin ng mga estudyante.

Mga Mag-aaral. Mabibigayang kaalaman ng pananaliksik na ito ang mga mag-

aaral ng mga paraan upang mas mapabuti ang kanilang pag-aaral.

Mga Mananaliksik sa Hinaharap. Para sa karagdagan at pagtuloy na

pagsisiyasat, ang mga mananaliksik sa hinaharap tungkol sa paksang ito ay

maaaring gumamit ng pananaliksik na ito bilang sanggunian ng kanilang pag-aaral.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay iikot lamang sa epekto ng pagsasagawa ng online learning

mode bilang plataporma sa pag-aaral sa akademikong performans ng mga mag-

aaral. Samakatuwid, hindi kabilang sa pag-aaral na ito ang iba pang epekto nito sa

ibang aspekto gaya ng sikolohikal at kalusugan.

Naglalayong makakakuha ang mga mananaliksik ng (100) isangdaang kalahok na

sasagot sa talatanungan mula sa mga mag-aaral ng Estado Kolehiyo ng


MAKATI HIGH SCHOOL
Gen. Luna St., Brgy. Poblacion, Makati City
SENIOR HIGH SCHOOL

Marinduque. Limampu (50) mula sa pangkat ng kababaihan at limampu (50) naman

sa kalalakihan.

Sa limitasyon naman, maaaring magkaroon ng pag-aalinlangang sagutin ang

sarbey ng ilan sa mga respondente. Dahil sa ang mga impormasyon ay sensitibo,

ang mga datos ay pananalitihing kompidensyal at ang limitadong access ay para

lamang sa mga awtorisadong tao.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Ang mga sumusunod na terminolohiya ay binigyang kahulugan ng mga

mananaliksik batay sa kung paano ito ginagamit sa pananaliksik upang lubos itong

maunawaan ng mga mambabasa.

Akademikong performans. Ito ay ang pagsukat ng nakamit ng mag-aaral sa iba’t

ibang mga asignaturang pang-akademiko.

Asynchronous. Ito ay isang pangkalahatang tawag na ginamit upang ilarawan

ang mga uri ng edukasyon, tagubilin, at pag-aaral na hindi nagaganap sa iisang

lugar o sa parehong oras.

Epekto. Ang ibig sabihin nito ay isang pagbabago na kung saan ay isang resulta o

bunga ng isang aksyon o iba pang mga sanhi.

Mag-aaral. Nangangahulugan ito na isang taong nag-aaral upang makapasok sa

isang partikular na propesyon.


MAKATI HIGH SCHOOL
Gen. Luna St., Brgy. Poblacion, Makati City
SENIOR HIGH SCHOOL

Online learning mode. Ito naman ay isang pamamaraan ng edukasyon kung saan

natututo ang mga mag-aaral sa isang ganap na virtual na kapaligiran.

Synchronous. Tumutukoy ito sa isang kaganapan sa pag-aaral kung saan ang

isang pangkat ng mga mag-aaral ay nakikibahagi sa pag-aaral nang sabay-sabay.

METODOLOHIYA

Sa kabanatang ito makikita ang maikling paliwanag ukol sa paraan o estratihiya ng

pagsulat. Tatalakayin sa bahaging ito ang mga konsepto at mga yunit ng

matalinong pagpili ng angkop na metodong gagamitin upang masiguro ang balidad

at relayabilidad ng pananaliksik. Kalakip nito ang ang disenyo at pamamaraan ng

pananaliksik, lokal at populasyon ng pananaliksik, instrumento ng pananaliksik,

paraan sa paglikom ng datos, paraan sa pagsusuri ng datos, at talatanungan.

Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik


MAKATI HIGH SCHOOL
Gen. Luna St., Brgy. Poblacion, Makati City
SENIOR HIGH SCHOOL

Gagamitin ang deskriptibong pamamaraan o descriptive research sa isang

pagsasaliksik upang matukoy at pag-

aralan ang antas ng pagtanggap ng mga piling

mag-aaral ng Estado Kolehiyo ng

Marinduque sa Pigura 2. Mapa ng Estado Kolehiyo,


Tanza, Boac, Marinduque

online learning mode. Ayon kay Valdez (2019), nagsasangkot ito ng paglalarawan,

pagtatala, pagsusuri, at interpretasyon ng kasalukuyang likas na komposisyon ng

mga phenomena. Pinag-aaralan dito ang pangkasalukuyang ginagawa,

pamantayan, at kalagayan. Nagbibigay ito ng tugon sa mga tanong na sino, ano,

kailan, at paano na may kinalaman sa pananaliksik.

Lokal at Populasyon ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa ikalawang semestre ng taong panuruan

2020-2021 sa Estado Kolehiyo ng Marinduque – Main Campus na matatagpuan sa

Barangay Tanza, Boac, Marinduque Sa kabuuan, ang bilang ng mga respondente

ay 100, tig-limampu mula sa kababaihan at kalalakihan. Pipiiin ang mga

respondente gamit ang stratified random sampling.

Pigura 3. Ang Estado Kolehiyo ng

Marinduque

Instrumento ng Pananaliksik
MAKATI HIGH SCHOOL
Gen. Luna St., Brgy. Poblacion, Makati City
SENIOR HIGH SCHOOL

Ang mga mananaliksik ay bumuo ng talatanungan o survey questionnaire bilang

pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga datos na magagamit sa pag- aaral.

Layunin ng talatanungan na makagawa ng pagtataya sa mga tagatugong mag-

aaral. Ang nilalaman ng talatanungan ay sasagutan ng mga mag-aaral. Ang bigat

ng karampatang puntos sa kasagutan sa bahaging ito ay ang mga sumusunod:

Talahanayan 1. Antas ng pagtanggap ng mga mag-aaral sa online learning mode

Sukatan Saklaw Puna

4.21 – Lubos na Katanggap-


5
5.00 tanggap (LK)

3.41 –
4 Katanggap-tanggap (K)
4.20
2.61 – Katamtamang Katanggap-
3
3.40 tanggap (KK)
1.81 – ‘Di-ganap na Katanggap-
2
2.60 tanggap (DK)
1.00 - Lubos na ‘Di-katanggap-
1
1.80 tanggap (LDK)

Sukatan Puna Talahanayan 2. Antas ng

1.00 Pinakamahusay akademikong performans ng

mga mag- 1.10 – aaral


Higit na Mahusay
1.50

1.60 –
Mahusay
2.00

2.10 – Katamtamang

2.50 Mahusay

2.60– ‘Di-gaanong

3.00 Mahusay

5.00 Di-mahusay
MAKATI HIGH SCHOOL
Gen. Luna St., Brgy. Poblacion, Makati City
SENIOR HIGH SCHOOL

Talahanayan 3. Mga paraang ginagawa ng mga respondente

Sukatan Puna

5 Laging Ginagawa

4 Madalas na

Ginagawa

3 Katamtamang

Ginagawa

2 ‘Di Madalas

Ginagawa

1 Hindi Ginagawa

Paraan sa Paglikom ng Datos

Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng Estado

Kolehiyo ng Marinduque - Main Campus. Ngunit bago ang tunay na pangangalap

ng datos, ang mga mananaliksik ay hihingi ng pahintulot gamit ang liham para sa

pangulo at mga dekano ng bawat departamento ng kolehiyo. Nakapalaoob sa liham

na ito ang paghingi ng pahintulot, pamagat ng pag- aaral, layunin, respondente o

saklaw ng pag- aaral.


MAKATI HIGH SCHOOL
Gen. Luna St., Brgy. Poblacion, Makati City
SENIOR HIGH SCHOOL

Pagkatapos nito, magsasagawa ang mga mananaliksik ng maikling

oryentasyon at bibigyan ng kasiguraduhan ang mga respondente na magiging

kompidensyal ang mga nakakalap na datos bago ang pamamahagi ng

talatanungan gamit ang Zoom o Google Meet. Gagamit ng Google Forms ang mga

mananaliksik sa pagkolekta ng mga datos. Ibabahagi ito sa mga respondente at

maingat na susuriin.

Ang mga natuklasan na ito ay magiging batayan ng pag-aanalisa at

interpretasyon ng pag-aaral.

Paraan sa Pagsusuri ng Datos

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng pamamaraang estadistika sa pagkalap ng

mga datos upang masuri ang pagtanggap sa online learning mode bilang bagong

plataporma sa pag-aaral. Upang malaman ang antas ng pagtanggap ng mga mag-

aaral gagamit ang mga mananaliksik ng mean. Para malaman naman ang antas ng

akademikong performans at mga paraan na ginagawa ng mga respondente upang

mapaayos ang kanilang akademikong performans sa kabila ng online learning

mode ay gagamitan ng frequency percentage.

RESULTA AT PAGTALAKAY
MAKATI HIGH SCHOOL
Gen. Luna St., Brgy. Poblacion, Makati City
SENIOR HIGH SCHOOL

Sa bahaging ito makikita ang naging resulta ng isinagawang sarbey at ang

paliwanag hinggil rito, kasunod ang kongklusyon, rekomendasyon, at mga ginamit

na sanggunian.

BILANG NG TANONG- BILANG NG TALATA

KONGKLUSYON

REKOMENDASYON

SANGGUNIAN

Akoaypilipino.eu. (2021). Online Class, ang bagong normal na pag-aaral ng mga

kabataan. Nakuha noong Hulyo 27, 2021, sa https://www.akoaypilipino.eu/

lifestyle/online-class-ang-bagong-normal-na-pag-aaral-ng-mga-kabataan/.

Beam, P. (2001). But what did we learn...?. Proceedings of the Sixteenth Annual

International Conference on Computer Documentation, (pp.24-26).

DepEd Philippines. (2020 Hulyo 20). Iba’t ibang learning delivery modalities sa

pagpapatuloy ng edukasyon. Nakuha noong Hulyo 28, 2021, sa

https://free.facebook.com/DepartmentOfEducation.PH/posts/alamin-ang-ibat-

ibang-learning-delivery-modalities-sa-pagpapatuloy-ng-edukasyon-/

3748956655164001/?_rdr.

Department of Information and Communications. (2021 Pebrero 20). PH moves up in

mobile internet speed global rankings. Nakuha noong Hulyo 28, 2021, sa
MAKATI HIGH SCHOOL
Gen. Luna St., Brgy. Poblacion, Makati City
SENIOR HIGH SCHOOL

https://dict.gov.ph/ph-moves-up-in-mobile-internet-speed-global-rankings/

#:~:text=The%20Philippines%20moved%20up%20to,was%20recorded%20at

%2032.73%20Mbps.

Picciano, A. G. (2017). Theories and frameworks for online education: Seeking an

integrated model. Online Learning, 21(3), 166-190. doi: 10.24059/olj.v21i3.1225

Stocktonusd.net. (2020). Template ng Plano sa Pagpapatuloy ng Pag-aaral at

Pagdalo (2020–21). Nakuha noong Hulyo 27, 2021, sa

https://www.stocktonusd.net/cms/lib/CA01902791/Centricity/Domain/4/SUSD

%20Learning%20Continuity%20And%20Attendance%20Plan%202020-

2021%20Tagalog.pdf.

Sullera, F. (2015 Marso). Lawak ng Pagpapahalaga ng mga Estudyante sa

Asignaturang Filipino kaugnay ng Kanilang Akademik Performans. Nakuha noong

Hulyo 26, 2021, sa https://www.researchgate.net/publication/-

347951399_Lawak_ng_Pagpapahalaga_ng_mga_Estudyante_sa_Asignat-

urang_Filipino_Kaugnay_ng_Kanilang_Akademik_Performans.

Thelookout.com.ph. (2021). Online Classes: Epektibo nga ba para Matuloy ang

Pasukan?. Nakuha noong Hulyo 27, 2021, sa https://thelookout.com.ph/article/

online-classes-epektibo-nga-ba-para-matuloy-ang-pasukan.

The University Network. (2021). Paano i-Ace ang Iyong Mga Online na Klase, Sa

gitna ng Coronavirus. Nakuha noong Hulyo 28, 2021, sa


MAKATI HIGH SCHOOL
Gen. Luna St., Brgy. Poblacion, Makati City
SENIOR HIGH SCHOOL

https://tl.tun.com/Blog/kung-paano-ace-ang-iyong-mga-online-na-klase-sa-gitna-ng-

coronavirus/.

Valdez, J. (2019 Enero 17). Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik. Nakuha

noong Hulyo 28, 2021, sa https://joanamaevaldez.blogspot.com/2019/01/disenyo-

at-pamamaraan-ng-pananliksik.html?m=1.

Etikal na Konsiderasyon

Magpapasa ang mananaliksik na manuskrito na nakasandig sa proposal defense

upang makatanggap din ng ethical clearance mula sa Makati High School at

Review Committee.

Kapag naaprubahan ang ginagawang pag-aaral, sasabihin agad sa mga

kalahok sa pag-aaral ang kahalagahan ng pananaliksik na ito. Malinaw na

nabanggit sa written consent at assent na ang mga kalahok ay buong pusong

nagboluntaryo sa isasagawang pag-aaral. Gayundin at ang makokolektang datos

ay gagamitin lamang para hangaring pang-edukasyon sa pananaliksik sa

pamamagitan ng liham ng pahintulot.


MAKATI HIGH SCHOOL
Gen. Luna St., Brgy. Poblacion, Makati City
SENIOR HIGH SCHOOL

Appendix A

Liham Pahintulot sa Pagwawasto ng Talatanungan

Jenette S. Bulalayao
Filipino Teacher
Makati High School

Sa kinauukulan,

Pagbati! Kami ang mga mag-aaral mula sa Makati High School-Senior High School, na
kasalukuyang kumukuha ng Strand na Home Economics 2, at nagsasagawa ng pananaliksik
na pinamagatang “Lebel ng Kasanayan sa Bokabularyo ng mga Mag-aaral sa Senior
High School”.

Bilang bahagi ng pananaliksik ay kinikilala namin ang inyong kagalingan sa larangang


ito, kaya naman kami ay humihingi ng inyong oras upang maisaayos at mapagbuti ang
instrumento ng pag-aaral na aming isinagawa bilang bahagi ng akademikong pananaliksik sa
asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Ang
talatanungan ay binubuo ng 10 tanong na sumasagot sa suliranin ng pag-aaral na ito. Lubos
ang aming pasasalamat sa inyong tulong at ang lahat ng mga pagwawasto ay labis naming
kinikilala. Tinitiyak ng mga mananaliksik na mananatiling pribado lamang ang mga
impormasyong mababasa rito.

Maraming salamat!

Lubos na gumagalang,

Mga Mananaliksik

Alicante, Syra Bilon, Diane


Dairo, Olemos,
MAKATI HIGH SCHOOL
Gen. Luna St., Brgy. Poblacion, Makati City
SENIOR HIGH SCHOOL

Appendix B

Instrumento sa Pag-aaral

Part I.

Pangalan (Opsyonal): __________________________ Edad: ____

Kurso/ Antas: ______________________________________________

Part II.

Kaugnay na Tanong/ Suliranin Mga Tanong para sa Interbyu


ng Pananaliksik
1. Ano ang epekto sa mga 1. Ano ang positibong epekto

mag-aaral ng pagpapalit ng ng ng pagpapalit ng Learning

Learning Modalities sa Makati Modalities sa Makati High

High School? School?

2. Ano ang negatibong

epekto ng ng pagpapalit ng

Learning Modalities sa Makati

High School?

2. 3.

3. 4.

5.
MAKATI HIGH SCHOOL
Gen. Luna St., Brgy. Poblacion, Makati City
SENIOR HIGH SCHOOL

4. 6.

Appendix C

Liham Pahintulot sa mga Tagatugon

Baitang 11- TVL Strand

Makati High School – SHS

Pagbati! Kami ang mga mag-aaral mula sa Makati High School-Senior High School, na

kasalukuyang kumukuha ng Strand na Home Economics, at nagsasagawa ng pananaliksik

na pinamagatang “Lebel ng Kasanayan sa Bokabularyo ng mga Mag-aaral sa Senior

High School”.

Bilang bahagi ng akademikong pananaliksik ay hinihingi namin ang inyong kaunting oras

para maging kalahok ng aming talatanungan. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong (layunin).

Makatitiyak kayo na ang mga impormasyong inyong ibabahagi ay mananatiling pribado at

gagamitin lamang sa pananaliksik na ito.

Kaakibat ng liham na ito ay ang instrumento ng pag-aaral/ talatanungan kung may mga

katanungan hinggil dito ay maaaring magtanong sa mga mananaliksik.

Mga mananaliksik:
MAKATI HIGH SCHOOL
Gen. Luna St., Brgy. Poblacion, Makati City
SENIOR HIGH SCHOOL

Juan dela cruz Tomas Guinto


09562174006 tomasguinto@gmail.com

Jenette S. Bulalayao
Gurong Tagapayo

You might also like