Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippinespr

Department of Education
Region XII
Division of Sultan Kudarat
ESPERANZA NATIONAL HIGH SCHOOL
Esperanza, Sultan Kudarat

MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN


Baitang 7 – Ikatlong Markahan

I. LAYUNIN
a. naibibigay ang kahulugan ng mga paraan sa pagbibigay ng kahulugan
b. nakapagbibigay ng halimbawa sa bawat paraan sa pagbibigay ng
kahulugan
c. naipadudugtong ang mga salitang magkasalungat at kasingkahulugan

II. PAKSANG ARALIN


A. Paksa: Ikatlong Markahan – Modyul 3: Aralin 1 Paraan ng Pagbibigay-
kahulugan ng Salita
B. Sanggunian: Filipino – Baitang 7 Alternative Delivery Mode
Unang Edisyon, 2020
C. Kagamitang Pampagtuturo: Manila paper, Marker, Cartolina, Laptop, at
Tv

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng mga lumiban sa klase
4. Pagbibigay ng mga pamantayan sa klase
5. Pagpasa ng Takdang Aralin
B. Pagbabalik-aral
Magtatanong ang guro tungkol sa nakaraang paksa na tinalakay.

C. Pagganyak
Pamagat ng Estratehiya: PAIR ME!
Magpapakita ang guro ng mga larawan na may kaugnayan sa paksang
tatalakayin.

D. Pagtalakay ng Aralin
Aktibiti
Pamagat ng Estratehiya: BUUIN MO AKO
Panuto: Buuin ang titik upang mabuo ang isang salita.
NARAPA - PARAAN

Analisis
Gabay na tanong:
1. May ideya ba kayo kung ano ang tinatawag na paraan?

Abstraksyon
 Tatalakayin ng guro ang Paraan ng Pagbibigay-kahulugan ng Salita.

E. Paglalapat (Application)
Pangkatang Gawain: Matching Type
Hahatiin ng guro ang klase sa dalawang pangkat, ang bawat grupo
ay isasadula ang eksena sa Alamat ng Kawayan sa harap ng klase. Bibigyan
ng guro ng tatlong minuto ang bawat pangkat upang ihanda ang kanilang
presentasyon at bibigyan ng karagdagang limang minuto para sa
presentasyon sa klase.

PAMANTAYAN ISKOR PUNTOS


Presentasyon 25
Pagkakaganap ng mga tauhan 15
Kooperasyon 10
Kabuuan 50

F. Pagpapahalaga
a. Ano sa palagay niyo ang kahalagahan ng paraan?
G. Paglalahat
a. Ano-ano ang iba’t ibang paraan sa pagbibigay ng kahulugan ng salita?
b. Magbigay ng ilang halimbawa sa bawat paraan sa pagbibigay ng kahulugan
ng salita.

IV. Ebalwasyon
Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Piliin at isulat
ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ang literal na kahulugan ng salita o kahulugang mula sa diksiyonaryo.


2. Ito ay pahiwatig o hindi tuwirang kahulugang maaaring pansariling
kahulugan ng isang tao o pangkat na iba kaysa karaniwang pakahulugan.
3. Kabaligtaran ng kasingkahulugan ng isang salita.
4. Dalawang salitang magkaiba ngunit pareho o magkatulad ang kahulugan
o ibig sabihin.
5. Ito ay ang pagsasama-sama ng mga salitang magkatulad ang kahulugan.

V. Kasunduan:
1. Bilang mag-aaral, paano makatutulong ang iyong mga natutunan
tungkol sa iba’t ibang paraan sa pagbibigay ng kahulugan ng salita?

Inihanda ni: Sinang ayunan ni:


Johaina L. Ali Charlene Jane L. Aceres
Pre-Service Teacher Cooperating Teacher

You might also like