Q4-Quiz 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Q4-Quiz 1

I- Panuto: Isulat sa sagutang papel ang salitang TAMA kung ang pahayag ay may katotohanan at MALI
naman kung ang pahayag ay walang katotohanan.
_____ 1. Mahalagang malaman mo kung ano talaga ang gusto mong kurso upang hindi ka magsisisi sa
bandang huli.
_____ 2. Sa pagpili ng track o kurso, mahalagang makagawa ka ng hakbang upang paghandaan ito.
_____ 3. May mga bagay na hindi na dapat isaalang-alang sa pagpili ng kurso.
_____ 4. Ang kurso na nababagay sa iyo ay ang pinili ng mga magulang mo.
_____ 5. Mahalagang maglaan ng panahon na makapagplano para sa track na kukunin.
_____ 6. Ang paghahanda ay ang magiging daan tungo sa magandang pangarap para sa iyong sarili.
_____ 7. Ang suporta na magmumula sa mga magulang ay makatutulong sa pagpili ng track o kurso.
_____ 8. Kailangan ng mahinang loob para sa mga gagawing pagpapasiya sa pagpili ng track o kurso.
_____ 9. Ang hilig ay makatutulong sa tamang pagpili ng kurso na iyong nais.
_____ 10. Makabubuting humingi ng tulong o gabay sa mga taong malapit sa iyo para sa pagpili ng kurso.

II_ Panuto: Piliin sa kahon ang uri ng talento o talino ang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang tamang sagot sa
sagutang papel.

Naturalist Interpersonal Intrapersonal Logical/Mathematical

Spatial/Visual Musical Verbal/Linguistic Bodily/Kinesthetic

_______________1. Sa kaniyang murang edad, si Anabel ay mahilig sa pagsali sa patimpalak sa pag awit sa
kanilang paaralan.
_______________ 2. Ang kapatid ni Bella ay magaling sa pagkukuwenta at paglutas ng suliranin.
_______________ 3. Bata pa lang si Magiting ay nakitaan na siya ng kaniyang ina nang kahusayan sa pagtutula at
pagkukwento.
_______________ 4. Palaging sinasabi ng aking guro na magtanim ng mga puno at huwag magkalat sapagkat ito
ay pagpapakita ng pagmamahal sa kalikasan.
_______________ 5. Mahusay makipagkaibigan at makihalubilo si Grace, kaya niyang makisama sa kahit na anong
edad ang makasalamuha.
_______________ 6. Si Andie ay madalang makipaglaro sa kapuwa niya bata sa paaralan at maging sa kapitbahay
dahil palagi siyang nasa loob ng tahanan.
_______________ 7. Si Manny Pacquiao ay nakilala sa larangan ng boksing na siyang naging dahilan ng kaniyang
kasikatan sa loob at labas ng bansa.
_______________ 8. Si Excel ay isang mahusay na arkitekto. Kapag nakakita ng isang bakanteng lote ay
nagkakaroon ng magagandang ideya na nabubuo sa kaniyang isipan. Anong talento o talino
nabibilang si Excel?
_______________ 9. Mahilig ang aking kuya sa mga larong panlabas (outdoor games).
_______________ 10. Ako ay nalilibang sa mga word puzzles.
Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na trabaho ay R-ealistic, A-rtistic, I-nvestigative, S-ocial,
E-nterprising at C-onventional. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
________________ 1. Clerk _____________7. Managers
________________ 2. Judge _____________8. Food server
________________ 3. Social Worker _____________9. Music Tacher
________________ 4. Educator ____________10. Radio Operator
________________ 5. Carpenter
________________ 6. Geologist
III-Panuto: Punan ng nawawalang letra ang kahon na may kaugnayan sa mga pansariling salik sa pagpili ng track o
kurso. Gawin ito sa sagutang papel.
1. Mahusay sa pag-awit at pagsayaw si Onofre.
T E O

2. Mahilig mangumpuni ng sirang radyo, telebisyon at upuan si Mang Jerry.


K S N Y N

3. Nasisiyahan sa pagbabasa nang iba’t ibang kuwento mula sa mga libro si Jairus. Madalas ang mga kwentong
kaniyang nabasa ay ibinabahagi sa mga kaklase.
I I

4. Ito ay ang pagpapakita ng pagmamahal sa bayan bilang pakikibahagi sa pag-unlad ng ating ekonomiya.
P P A H L G

5. Ito ay pagkakaroon ng matibay na personal na pahayag ng misyon sa buhay.


M H N

IV-Panuto: Piliin sa Hanay B ang tinutukoy ng mga nasa Hanay A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B
_____ 1. Talento a. Pagkakaroon ng matibay na personal na pahayag ng misyon sa buhay.
_____ 2. Kasanayan b. Ang mga bagay kung saan tayo ay mahusay o magaling. Ito ay
madalas na iniuugnay sa salitang abilidad, kakayahan o kahusayan.
_____ 3. Mithiin c. Ito ay isang pambihirang biyaya at likas na kakayahang kailangang tuklasin.

V- Panuto: Tukuyin kung anong kategorya ng hilig ang inilalarawan sa bawat pahayag. Ayusin ang mga letra upang
mabuo ang tamang salita. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ang mga trabahong may mataas na impluwensiya na nakabatay sa mga gawaing pang-agham.
NIGTVISEAVIET
2. Ang mga grupo o pangkat ng mga taong may mataas na antas ng interes na naghahanap ng mga panuntunan at
direksiyon.
VENNOCALIOTN
3. Ang mga taong may mataas na interes na mailalarawan bilang malaya, malikhain, may mataas na imahinasyon at
may malawak na isip.
CRTISTIA

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy sa Hanay A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

HANAY A HANAY B
_____ 1. Ang dalawang huling taon ng K to 12 Program. a. GAS

_____ 2. Ang mga mag-aaral na nakatapos ng mga track na ito ay b. Junior High School

makatatangap ng National Certification II. c. TVL


_____ 3. Ang strand na ito ay dinisenyo para sa mga mag-aaral na may d. HUMMS
layuning kumuha ng pamamahayag, sining ng komunikasyon, e. Senior High School
sining ng liberal, edukasyon at pang agham panlipunan f. STEM
sa kolehiyo.
_____ 4. Ang strand na ito ay para sa mga mag-aaral na hindi pa
nakapagdesisyon kung anong kursong kukunin sa kolehiyo.
_____ 5. Ang strand na ito ay dinisenyo para sa mga mag-aaral na may
layuning kumuha ng natural na siyensya, arkitektura, inhinyero,
matematika o medisina sa kolehiyo

Panuto: Tukuyin ang track o kurso na angkop sa mga sumusunod. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
__________________ 1. Animation
__________________ 2. Geodetic
__________________ 3. Pharmacy
__________________ 4. Accounting Technology
__________________ 5. Business Management
__________________ 6. Hotel Restaurant Management
__________________ 7. Physics and Statistics
__________________ 8. Philosophy
__________________ 9. Sociology
__________________ 10. SMAW
Panuto: Magtala ng isang kurso na angkop sa sumusunod na track. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
______________________ 1. ABM
______________________ 2. STEM
______________________ 3. HUMMS
______________________ 4. TVL
______________________ 5. GAS
Panuto: Suriin kung anong track ang ipinapakita sa bawat larawan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. 2. 3.

__________________________ ________________________ __________________________

You might also like