EsP 10 Q4W4.1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Edukasyon sa

Pagpapakatao
Markahan 4
Aralin 7

Capsulized Self-Learning
Empowerment Toolkit

Schools Division Office of Zamboanga City


Region IX, Zamboanga Peninsula
Zamboanga City

HINDI IPINAGBIBILI
Para sa Tanging Gamit ng Sangay ng Lungsod ng Zamboanga
1

ASIGNATURA AT
EsP 10 MARKAHAN 4 LINGGO 4 ARAW ________________
BAITANG
dd/mm/yyyy
CODE EsP10PI -IVb -13.3
Napangangatwiran na: Makatutulong sa pagkakaroon ng posisyon tungkol sa
KASANAYANG kahalagahan ng paggalang sa pagkatao ng tao at sa tunay na layunin nito ang
PAMPAGKATUTO kaalaman sa mga isyung may kinalaman sa kawalan ng paggalang sa dignidad
at seksuwalidad ng tao.
PANGKALAHATANG PANUTO: Huwag sulatan ang kagamitang ito. Isulat ang inyong sagot sa
inilaang Sagutang Papel para sa Pagsasanay at Pagtatasa.

ARALIN NATIN
Layunin: Nakapagsusuri ng mga bagay sa pagkakaroon ng posisyon ukol sa kahalagahan ng mga
isyung may kinalaman sa kawalan ng paggalang sa dignidad at seksuwalidad.
Paksa:

LUNSARAN
Ang pagpayag , pagsasagawa, at
Ang seksuwalidad ay isang pagiging kaugnay sa mga isyung
malayang pagpili at personal na panseksuwalidad ay nagsasawalang-bahala
tungkulin na ginagampanan ng tao sa sumusunod na katotohanan:
gamit ang kaniyang katawan at
espiritu tungo sa kanyang kaganapan 1. Nilikha ng Diyos ang tao na mabuti at
kaisa ang Diyos. tumutungo sa sariling kaganapan, at
Ang tao na nagiging kasangkapan ng mga ang pagtungo sa kaganapang ito ay
pagnanasa ay hindi na nagpapakatao; bagkus, malaya at may kamalayan.
tinatrato ang sarili o ang kapuwa bilang isang bagay o 2. Ang tao ay may espiritwal na kaluluwa
sa (porma) at katawan (material) na
pakikipagkapuwa ay maaaring hindi na matupad. Sa kumikilos na magkatugma tungo sa
ganitong paraan, ibinababa ng tao ang pagkatao o ang isang telos o layunin.
kaniyang dignidad bilang tao. 3. Upang marating ang kanilang telos o
layunin, kailangang gamitin ng tao ang
Bilang tao, tayo ay malaya. Ngunit ang ating kalayaan kaniyang isip at kilos-loob na siyang
ay hindi nangangahulugang malaya tayong piliin kung
magpapasiya kung ang kilos at
ano ang gusto nating gawin. Ang ating kalayaan ay
mapanagutan, malaya tayong pumili ngunit nararapat pamamaraan ay mabuti o masama.
na ang pipiliin ay kung ano ang mabuti at tama.
Mahalaga ang sapat na kamalayan at maingat na
paghuhusga bago gamitin ang mga
kakayahang seksuwal.

n el EduKalidad
MARIE JENIFER L. PARAGAS, SST-I
Talon-Talon National High School
2

Pagtatasa ng Pagkatuto1: Anong posisyon o mabuting pasya ang maaari mong gawin bilang
paggalang sa seksuwalidad?Ipaliwanag
Pagtatasa ng Pagkatuto2: Kalian mo masasabi na ang tao ay nawawalan na ng paggalang sa
dignidad at seksuwalidad ng tao?
Pagtatasa ng Pagkatuto3: Bakit ang mga gawaing seksuwal ay itinuturing na pang-aabuso?
Bakit hindi ka dapat magpabuyo sa mga ito?

SANAYIN NATIN! (Ilaan ang iyong sagot sa nakalaang sagutang papel)

1. Pagsusuri ng mga larawan:

Mga Katanungan:
1. Ano ang iyong damdamin mula sa mga larawang nakita?Bakit?
_________________________________________________________________________
______________________________________________.
2. Ano ang mahahalagang mensahe ang naiparating sa iyo ng mga larawan?
_________________________________________________________________________
______________________________________________.

2. Pagsusuri ng Sitwasyon
Panuto: Basahin ang sitwasyon sa ibaba at magtala ng mga maaaring gawin upang ang suliranin sa
kwento ay malutas.
Si Bing ay labis na nag-aalala sa kanyang matalik na kaibigang si Clarissa. Wala silang lihim
na itinatago
umuiiyak. Niyaya ni Bing si Clarissa sa kantina ng paaralan upang mag-usap. Hinayaan lang ni Bing
na magsalita si Clarissa. Sabi ni Clarissa, hindi niya magugustuhan ngayon ang kaniyang hitsura at
hindi siya maunawaan ang kaniyang ang ina ngayon. Nag-isip si Clarissa na maglayas. Nararamdam
ni Bing na mas mabigat pang dahilan kung bakit agnoon si Clarissa.
Inamin ni Clarissa na hindi na siya Masaya sa kanilang bahay. Dagdag pa niya, sa mga
nagdaang buang ay pinagsasabihan siya ng nobyo ng kaniyang ina ng malalaswang salita at marami
na ring beses na hinihipuan siya nito. Natatakot siya sa mga sususnod at mas malala pa ang gawin
nito sa kaniya.
Nararamdaman ni Clarissa na siya ay unti unting naabuso ng nobyo ng kaniyang ina ngunit
siya ay natatakot na sabihin ito sa kaniyang ina. Hinihikayat siya ni Bing na gawin ang pagsabi sa
kaniyang ina ng mga nararamdaman. Di nagtagal, nagkasarilinan ang mag-ina at sinabi ni Clarissa
ang kanyang mga nararanasan sa nobyo nito. Subalit sinabi ng ina ni Clarissa na binibiro lang siya ng
nobyo nito kaya huwag niyang masyadong seryosohin.

n el EduKalidad
MARIE JENIFER L. PARAGAS, SST-I
Talon-Talon National High School
3

Mga Tanong:
1. Ano sa tingin ninyo ang dapat gawin ngayon ni Clarissa?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Tama kaya ang gagawin niyang pasya? Ipaliwanag ang sagot.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Bakit kailangan niyang gawin ang pasyang naiisip niya? Ipaliwanag ang sagot.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

TANDAAN
MAHALAGANG KONSEPTO
Ang seksuwalidad ay isang malayang pagpili at personal na tungkulin na ginagampanan
ng tao gamit ang kaniyang katawan at espiritu tungo sa kanyang kaganapan kaisa ang
Diyos. Ang mga isyung moral ay pakikipagtalik nang hindi kasal (pre-marital sex),
pornograpiya, pang-aabusong seksuwal, at prostitusyon.

SUBUKIN NATIN
Sukatin natin ang iyong natutuhan! (Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel)
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod. Piliin ang titik ng pinakawastong sagot at isulat ito sa
nakalaang sagutang papel.

Para sa bilang 1-3. Isulat ang titik A kung ang pahayag ay tama, at isulat naman ang titik B kung ang
pahayag ay mali.
1. Ang seksuwalidad ay isang malayang pagpili at personal na tungkulin na ginagampanan ng tao gamit
ang kaniyang katawan at espiritu tungo sa kanyang kaganapan kaisa ang Diyos
a) Tama
b) Mali
2. Ang mga isyung moral ay pakikipagtalik nang hindi kasal (pre-marital sex), pornograpiya, pang-
aabusong seksuwal, at prostitusyon.
a) Tama
b) Mali
3. Ang tao ay may kalayaan ngunit kalakip nito ay ang pananagutan.
a) Tama
b) Mali
4. Bilang tao, tayo ay malaya. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil Malaya tayong gumawa ng lahat ng gugustuhin.
b. Mali, dahil ang ating kalayaan ay hindi nangangahulugang malaya tayong piliin kung ano ang gusto
nating gawin.
c. Tama, dahil ang ating kalayaan ay mapanagutan, malaya tayong pumili ngunit nararapat na ang
pipiliin ay kung ano ang mabuti at tama
d. Mali, dahil ang kalayaan ay ang paggawa lamang ng mabuti.
5. Ang mga sumusunod ay mga katotohanan kaugnay sa isyung seksuwalidad maliban sa
a. Ang pagtatalik ay normal at likas na gampanin ng katawan ng tao upang maging malusog at
matugunan ang pangangailangan ng katawan.
b. Nilikha ng Diyos ang tao na mabuti at tumutungo sa sariling kaganapan, at ang pagtungo sa
kaganapang ito ay Malaya at may kamalayan.
c. Kinakailangang gamitin ng tao ang kaniyang isip at kilos-loob na siyang magpapasiya kung ang
kilos at pamamaraan ay mabuti o masama upang marating ang kanilang layunin

n el EduKalidad
MARIE JENIFER L. PARAGAS, SST-I
Talon-Talon National High School
4

d. Ang tao ay may espiritwal na kaluluwa(porma) at katawan (material) na kumikilos na magkatugma


tungo sa isang telos o layunin.
6. Bakit mahalaga ang tamang pananaw sa seksuwalidad?
a. makatutulong upang maunawaan ang kaibahan ng bawat tao.
b. Nagbibigay ito ng indikasyon sa tamang pakikitungo sa isang tao
c. Naipapamalas ang pagkakapantay pantay ng bawat tao
d. Nabibigyang linaw ang usapin tungkol sa mga taong nakararanas ng kaibahan ng sekswalidad
7. Ang mga sumusunod ay ang kahalagahan ng pagkatuto sa essensiya ng seksuwalidad maliban sa isa
a. Makatutulong sa pag-angat sa kabuhayan
b. Makatutulong ito sa pag-abot sa kaganapan bilang tao
c. Makapagpapaunlad ito ng sariling pananaw tungkol sa seksuwalidad.
d. Makatutulong ito sa pag-iwas sa pagsangkot sa mga pang-aabusong seksuwal
8. Pagkatapos ng last period ninyo ay niyaya ka ng iyong kasintahan na pupuntahan ninyo ang bahay nila
at hindi ito alam ng magulang mo, ano ang iyong gagawin
a. Sasama ka sa kanya kahit hindi ka nagpapaalam sa mga magulang mo
b. Uuwi ka ng bahay at ipaalam mo sa iyong magulang ang plano ninyo ng iyong kasintahan
c. Sasama ka sa iyong kasintahan pero uuwi ka lamang ng maaga para di malaman ng magulang mo
d. Tatanggi sa plano ng iyong kasintahan dahil para sa iyo hindi ito tama
9. Nasa ikaapat na baitang kana sa High School subalit hindi mo pa nararanasan ang pagkakaroon ng
kasintahan. Madalas ay kinakantiyaw ka na ng iyong mga kaklase dahil para sa kanila mailap ka
sa pakikipag-ugnayan sa katapat na kasarian. Ano ang iyong tamang pakikitungo sa kanila
a. Lalayuan ang mga kaklaseng may mga kasintahan
b. Babalewalain ang pangangantiyaw ng mga kaklase
c. Iisipin ang kapakanan ng mga kaklase na magkaroon ng agarang kasintahan upang makasabay
sa kanila
d. Iisipin ang kapakanan at sa ikabubuti ng sarili
10. Sa panahon ngayon marami sa mga kabataan ay nasisiyahan na sa pakikipanood ng malalaswang
palabas. Bilang isa sa mga ito ano ang maaari mong ipayo sa mga ka-edad na nalululong sa
ganitong aspeto ng palabas.
a. Makisabay sa agos sa kung ano ang nauuusong palabas
b. Sawayin ang mga ka-edad sa pakikipanood ng mga ganyang klaseng palabas
c. Isusumbong sa kinauukulan o guidance counselor para mabigyan sila ng gabay ukol rito
d. Hahayaan na lang ang mga ka-edad na panoorin ang mga ganitong klaseng palabas.

Huling Paalala: Pagkatapos mo sa gawaing ito, ibigay sa iyong guro ang sagutang papel para sa
mga pagsasanay at pagtatasa at kumuha ng panibagong CapSLET.

Mary Jean Brizuela, et. al., Edukasyon sa Pagpapakatao 10, Modyul para sa Mag-
aaral: FEP Printing Publication, Department of Education-Instructional Materials
Sanggunian Council Secretariat (DepEd-IMCS) Pasig City, Philippines, Unang Edisyon 2015,
292-294

This learning resource contains copyrighted materials. The use of which has not
been specifically authorized by the copyright owner. We are making this learning
resource in our efforts to provide printed and e-copy learning resources available for
the learners in reference to the learning continuity plan of this time of pandemic.
DISCLAIMER This LR is produced and distributed locally without profit and will be used for
educational purposes only.

No malicious infringement is intended by the writer. Credits and respect to the


original creator/ owner of the materials found in the learning resource.

n el EduKalidad
MARIE JENIFER L. PARAGAS, SST-I
Talon-Talon National High School

You might also like