Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Pagsuri at Pagbasa ng iba’t ibang teksto tungo sa pananaliksik

G. Archie | Ika-2 Semester

MGA KATANGIAN NG MABUTING PANANALIKSIK

Topic Outline: a) Ang Pananaliksik ay sistematik


● Pananaliksik
May sinusunod itong proseso o magkakasunud-sunod na mga hakbang
tungo sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon ng suliranin, o ano pa mang
PANANALIKSIK nilalayon sa pananaliksik.

Good (1963) Halimbawa:Sa pakikipanayam, kailangan muna na gumawa ng liham para


“Ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry sa sa iinterbyuhin, gumamit ng tape recorder. Itanskrayb ito bago suriin.
pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng
natukoy na suliranin tungo sa klaripikasyon at/o resolusyon nito.” b) Ang Pananaliksik ay kontrolado
Lahat ng mga varyabol na sinusuri ay kailangang mapanatiling konstant.
Aquino (1974) Sa madaling salita, hindi dapat baguhin.
“Ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang
impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin. Matapos ang maingat at Halimbawa: Kapag nagsasagawa ng isang survey, hindi maaring baguhin
pertinenteng impormasyon o datos hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin at ang resulta nito dahil hindi na magiging totoo ang pananaliksik kung ang
matapos suriin at lapatan ng interpretasyon ng mananaliksik ang mga nakalap survey ay kontrolado.
niyang datos ay mahaharap pa sa isang esensyal na gawain- ang paghahanda
ng kanyang ulat-pananaliksik.” c) Ang pananaliksik ay empirikal.
Kailangang maging katanggap – tanggap ang mga pamamaraang
MANUEL AT MEDEL (1976) ginagamit sa pananaliksik maging ang mga datos na nakalap.
“Ang pananaliksik ay isang proseso ng pangagalap ng mga datos o
impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang Halimbawa: Kung nais matukoy ang mga katangian ng isang mall na
siyentipikong pamamaraan.” nagiging dahilan para puntahan ito ng tao, pinaka angkop na paraan ang
survey. Hindi gaanong magiging katanggap-tangap ang resulta kung
Parel (1966) ibabatay lang ito ng mananaliksik sa mga katangian ng mall na paboritong
“Ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang puntahan ng mga pamilya.
bagay sa layuning masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik. “
d) Ang pananaliksik ay Mapanuri
E. Trece at J.W. Trece (1976) Sa pananaliksik, ang mga datos na nakalap ay kailangang suriin nang
“Ang pananaliksik ay isang pagtatangka upang makakuha ng solusyon sa mga kritikal upang hindi magkamali ang mananaliksik sa paglapat ng
suliranin, dagdag pa rito ang pangangalap ng mga datos sa isang kontroladong interpretasyon sa mga datos na kanyang nakalap. Kailangan ding gumamit
sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at eksplanasyon.” ng mga navalideyt nang pamamamaraang pang-estaditika sa pagsusuri ng
datos upang masabing analitikal ang pananaliksik.
Calderon at Gonzales (1993)
“Formulated in a more comprehensive form, research may be defined as a Halimbawa: Kung matutuklasan na hindi gaanong pinupuntahan ng mga
purposive, systematic and scientific process of gathering, analyzing, classifying, turista ang Isla ng Caramoan sa Camarines Sur sa kabila ng ganda nito,
organizing, presenting and interpreting data for the solution of a problem, for bakit kaya? Ang kamahalan bang bayad sa tour package? Ang kakulangan
prediction, for invention, for the discovery of truth, for the expansion or ba sa kaalaman na may ganoon palang pook pasyalan?
verification of existing knowledge, all for the preservation and improvement of
the quality of human life.” e) Ang pananaliksik ay obhetibo, lohikal at walang pagkiling.
Lahat ng tuklas o findings at mga kongklusyon ay kailangang lohikal na
Layunin nakabatay sa mga empirikal na datos at walang pagtatatangkang ginawa
Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay ang preserbasyon at pagpapabuti upang baguhin ang resulta ng pananaliksik. Walang puwang rito ang mga
ng kalidad ng pamumuhay ng tao. pansariling pagkiling.

Good at Scates (1972) Halimbawa: Kung lalabas sa pananaliksik na ang Mang Inasal ang
“The purpose of research is to serve man and the goal is the good life.” siyang fast food chain na pinakamadalas kainin ng mga Bikolano batay sa
sagot ng mga respondent, ito ang dapat sabihin. “Hindi ito maaring
MGA TIYAK NA LAYUNIN NG PANANALIKSIK AYON KINA CALDERON AT palabasin na ang paboritong fastfood chain na Greenwich ang mas
GONZALES (1993) tinatangkilik ng lahat.”

✔ Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid f) Ang pananaliksik ay gumagamit n mga kwentiteytib o istatistikal
nang penomena na metodo
✔ Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na Ang mga datos ay dapat mailahad sa pamamaraang numerical at masuri
nalulutas ng mga umiiral na metodo at impormasyon sa pamamagitan ng istatikal na tritment upang matukoy ang kanilang gamit
✔ Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng mga at kahalagahan.
bagong instrumento o produkto
Halimbawa: Ang mga datos na makakalap para sa pananaliksik ay
✔ Makatuklas ng hindi pa nakikilalang substances at elemento
dapat nakatala sa isang maayos at sistematikong paraan sa pamamagitan
✔ Higit na mauunawaan ang kalikasan ng mga dati nang kilalang
ng istatikal na tritment upang matukoy ang kanilang gamit at kahalagahan.
substances at elements
✔ Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya, g) Ang pananliksik ay isang orihinal na akda
edukasyon, pamahalaan, at iba pang larangan Maliban sa historikal na pananaliksik, ang mga datos na nakalap ng
✔ Ma-satisfy ang kuryosidad ng mananaliksik mananaliksik ay sarili niyang tuklas at hindi mula sa panulat, tuklas o
✔ Mapalawak o ma-verify ang mga umiiral na kaalaman lathala ng ibang mananaliksik. Idagdag pa na ang mga datos ay kailangang
nagmula sa mga primaryang sources o mga hanguang first-hand.

Halimbawa: Ang mga datos na nakalap ay dapat na sariling tuklas ng


mananaliksik at hindi kopya mula sa ibang awtor o lathalain.

@Eyang⋐(ల◕ᴗ◕ల)⋑| 1
h) Ang pananaliksik ay isang akyureyt naa imbestigasyon, c. Kung namulot ng mga ideya o mga pangungusap mula sa iba’t ibang
obserbasyon at deskripsyon. akda at pinagtagni-tagni ang mga ito ngunit hindi kinilala ang mga
Bawat aktibidad na pampananaliksik ay kailangang maisagawa nang pinagkunan.
tumpak o akyureyt nang ang tuklas ay humantong sa pormulasyon ng mga d. Kung isinalin ang mga termino, ideya, pahayag at dahil nasa ibang
syentipikong paglalahat. wika ay inangkin na at hindi itinala na salin ang mga ito.
e. Kung ninakaw ang bahagi ng isang disenyo, balangkas, himig at hindi
Halimbawa: Lahat ng kongklusyon na makukuha ng mananaliksik ay kinikilala ang pinagkunan ng “inspirasyon”.
syentipikong nakabatay sa mga aktuwal na ebidensya. f. Kung ginamit ng isang mananaliksik ang mga datos na pinaghirapan
ng iba at pinalabas niyang siya ang nagkalap ng mga datos na ito.
i) Ang pananaliksik ay matiyaga at hindi minamadali.
Upang matiyak ang katumpakan o accuracy ng pananaliksik, kailangang MGA PARUSANG MAARING IPATAW SA ISANG PLAGYARISTA
pagtiyagaan ang bawat hakbang nito. Ang pananaliksik na minadali at (ATIENZA et at., 1996)
ginawa nang walang pag-iingat ay kadalasang humahantong sa mga hindi
matitibay na kongklusyon at paglalahat. a. Pinakamagaang parusa na para sa mga estudyante na mabigyan ng
5.0 (lagpak na marka) para sa kurso.
Halimbawa: Sa bawat pananaliksik na ating ginagawa, dapat ay may b. Kung mapatunayan na matindi ang pagnanakaw na ginawa,
kaakibat itong tiyaga at talino sapagkat hindi magiging akyureyt ang maaaring patalsikin ang estudyante sa unibersidad.
kalalabasan nito kapag ito ay minadali at gahol sa oras. c. Kahit nakagradweyt na ang estudyante at ilang taon na ang
nakalipas, ngunit natuklasan na ang kanyang pananaliksik ay
j) Ang pananaliksik ay pinagsisikapan kinopya, maaari siyang tanggalan ng digri.
Kailangan itong paglaanan ng panahon, talino at sipag upang maging d. Maaari ring ihabla ang sinumang nangongopya batay sa Intellectual
matagumpay Property Rights Law at maaaring sentensyahan ng multa o
pagkabilanggo.
Halimbawa: Ang pagkakaroon ng isang matibay na pananaliksik ay Atienza, et al., (1996)
ginagamitan ng talino upang maging matagumpay ang pananaliksik na “ Walang nagtitiwala sa isang magnanakaw at sinungaling. Kung matuklasan na
isinagawa. ang isang mananaliksik ay nangopya at hindi kumilala sa kanyang pinagkunan,
sapat na ito para mabura ang lahat ng iba pa niyang pinagpaguran. Hindi na
k) Ang pananaliksik ay nangangailangan ng tapang. kapani-paniwala ang kanyang saliksik at hindi mapagkakatiwalaan pa ang
Maaaring makaranas siya ng hazards at discomforts sa kanyang kanyang gawain. Parang sinisira na rin niya ang kanyang pangalan at
pananaliksik, di- pagsangayon ng publiko at lipunan o di- kinabukasan…
pagkakaunawaan. Alalahaning kung madali para sa sinumang estudyante ang mangopya,
magiging madali rin para sa kanya ang gumawa ng korapsyon kung siya ay
Halimbawa: Kinakailangan na ang mga mananaliksik ay hindi “balat nagtatrabaho na.”
sibuyas” o madamdamin sapagkat habang isinasagawa ang pananaliksik
ay maraming tututol sa iyo. MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG ISANG MANANALIKSIK

l) Ang pananaliksik ay maingat na pagtatala at pag-uulat. 1. Masipag. Kailangang maging masipag lalo na sa paghahanap ng
Lahat ng datos na nakalap ay kailangang maingat na maitala. Ang maliit na mga datos at pagsiyasat sa lahat ng anggulo ng paksa ng isang
pagkakamali ay maaaring makaapekto sa mga tuklas ng pananaliksik. pananaliksik.
Kailangan din itong maiulat sa pasulat na paraan sa anyo ng isang papel- 2. Matiyaga. Sa pangangalap ng datos, kailangang maging
pampapananaliksik. pasensyoso, dahil kailangang masiyasat niya ang mga tiyak at
kailangang datos para sa kanyang pananaliksik.
Halimbawa: Sa pagtatala at paguulat ng datos, karapat dapat itong 3. Maingat. Kailangang tiyak at tumpak ang mga datos na ilalagay sa
ginagawa ng may matinding pag-iingat sapagkat ang isang maliit na isang pananaliksik upang hindi ito magbigay ng pagkalito sa mga
pagkakamali sa pagtatala ay maaring makapag bigay ng malaking mambabasa.
pagbabago sa resulta ng pananaliksik. 4. Sistematik. Ang pagsisiyasat ay may sinusunod na proseso sa
pagtuklas ng katotohanan, o ano pang nilalayon sa pananaliksik.
ANG ISYU NG PLAGYARISMO 5. Kritikal o mapanuri. Lalo na sa pagi-eksamen ng mga
impormasyon, datos, ideya o opinyon upang mapatunayan na ito ay
Atienza, et al., (1996) totoo o valid, mapagkakatiwalaan, lohikal at mapagbabatayan.
▪ Ito ay pangongopya ng datos, mga ideya, mga pangungusap, buod at
balangkas ng isang akda, programa, himig at iba pa ng hindi kinikilala PANANGUTAN NG ISANG MANANALIKSIK
ang pinagmulan o kinopyahan. • Kinikilala lahat ng pinagkunan ng datos.
▪ Ito ay isang uri ng pagnanakaw at pagsisinungaling dahil inaangkin • Ginagawan ng tala ang bawat termino at ideya na kanyang hiniram.
mo ang hindi iyo. • Hindi nagnanakaw ng ideya ng iba, ito’y sinisipi at binibigyan ng
▪ Itinuturing ito na napakalaking kasalanan sapagkat sa pananaliksik sapat na pagkilala.
ay may sinusunod na etika tulad ng ibang disiplina na may istriktong • Mapaninindigan ang lahat ng interpretasyon ng kanyang binuo batay
code of ethics na ipinatutupad. sa maingat at masinop na pagsusuri .
▪ Dahil sa kabigatan ng kasalanang ito, napatalsik ang isang dekano
sa isang unibersidad, natanggalan ng digri ang isang nagtapos na ng
doktorado, nawalan ng kredibilidad ang isang tanyag na iskolar,
hinabla sa korte ang prodyuser ng isang programa sa telebisyon.

MGA HALIMBAWA NG PLAGYARISMO (ATIENZA et al., 1996)

a. Kung ginamit ang orihinal na termino o mga salita, hindi ipinaloob sa


panipi o hindi itinala ang pinagkunan.
b. Kung hiniram ang ideya o mga pangungusap at binago ang
pagkapahayag, ngunit hindi kinilala ang pinagmulan.

@Eyang⋐(ల◕ᴗ◕ల)⋑| 2
@Eyang⋐(ల◕ᴗ◕ల)⋑| 3

You might also like