Professional Documents
Culture Documents
Ekonomiks 4TH Quarter Aralin 3
Ekonomiks 4TH Quarter Aralin 3
Pagmimina. Ang sekondaryang sektor na kung saan ang mga metal, di-metal, at enerhiyang mineral ay kinukuha at dumadaan sa
proseso upang gawing tapos na produkto.
Pagmamanupaktura ay tumutukoy sa paggawa ng mga produkto sa pamamagitan ng manual labor o ng mga makina.
Konstruksiyon kabilang dito ang mga gawaing tulad ng pagtatayo ng mga gusali, estruktura at iba pang land improvements
Utilities ito ay binubuo ng mga kompanyang ang pangunahing layunin ay matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan sa
tubig, kuryente, at gas.
EPEKTO NG INDUSTRIYALISASYON
• Adam Smith (1776), Marx, Engels (1848) at John Willamson (1990), ang patuloy na motibasyon ng maraming bansa na
mapataas ang produksiyon ng sektor ng ekonomiya. Ayon sa mga ekonomistang nabanggit sa itaas, ang industriyalisasyon
ay nakapagdudulot ng mataas na antas ng polusyon, hindi pagkakapantay ng kalagayang pang-ekonomiko, at ang pagbaba
ng pagkakaisa sa mga miyembro ng komunidad dahil sa paglakas ng kumpetisyon.
• Williamson (1999), na binanggit sa dyornal nina Federman at Levine (2005), ang industriyalisasyon ay maaari ding maging
dahilan upang bumaba ang bilang ng mga mag-aaral sa paaralan dahil nahihikayat silang magtrabaho sa halip na tapusin
ang kanilang pag-aaral.
• dapat na maikintal sa mga mamamayan na ang bawat isa ay katuwang ng pamahalaan sa pagtataguyod at pagiingat ng ating
yamang likas dahil kapag napabayaan, maaaring wala nang magamit pa ang susunod na henerasyon ng mga Pilipino.