Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

I. Isulat ang titik T kung tama at titik M naman kung mali ang pangungusap.

Isulat sa patlang ang iyong sagot.

_____1. Ang pamilya ay binubuo ng ama, ina, at mga anak.


_____2. Kasama sa pamilya ang lolo, lola, tito at tita.
_____3. Ang tawag sa kapatid ng nanay mo na babae ay tita at tito naman sa lalaki.
_____4. Ang isang magulang at isang anak ay matatawag na pamilya rin.
_____5. Nakabubuti sa pamilya ang pag-aaway.
_____6. Ang pagtutulungan ng mag-anak sa tahanan ay nagdudulot ng kasiyahan.
_____7. Bawat kasapi ng tahanan ay may karapatan at tungkulin na dapat gampanan.
_____8. Sinisigawan ang nakakatandang kapatid kapag kinakausap.
_____9. Magbigay galang at respeto sa bawat kasapi ng pamilya para sa maayos na pagsasamahan.
_____10. Ang pagdarasal ng mag-anak ay nagpapakita ng pananampalataya sa Diyos.
_____11. Ang mahahalagang pangyayari sa buhay ng isang pamilya ay nagpapatibay ng kanilang samahan.
_____12. Ang kaarawan ay hindi mahalagang pangyayari sa buhay ng isang pamilya.
_____13. Nagiging maganda ang samahan ng pamilya dahil sa mga mahahalagang pangyayari sa buhay nila.
_____14. Ang palatakdaan ng oras ay naglalarawan ng gawain sa paaralan.
_____15. Ang bawat isa ay mayroong palatakdaang oras na pangyayari sa kanyang buhay.
_____16. Gumagawa ng gawain kahit hindi inuutusan.
_____17. Nanghihingi ng bayad bago sumunod sa utos.
_____18. Pagkagising sa umaga agad na inililigpit ang pinaghigaan.
_____19. Inuubos ang pagkain na nasa pinggan.
_____20. Maghapong naglalaro gamit ang gadget.

II.
III. Pagtutukoy. Bilugan ang titik ng tamang sagot sa bawat tanong.

1. Ano ang kahalagahang maidudulot kung magtutulong-tulong sa gawain ang pamilya?


A. Ang gawain ay lalong dumarami. B. Madaling matatapos ang gawain.
C. Lalong magiging marumi ang bahay. D. Ang buong pamilya ay magulo.
2. Sila ay nagtutulungan sa pagtratrabaho para masuportahan ang pamilya.
A. tito B. ate C. ama at ina D. kuya
3. Sila ang katulong nina tatay at nanay sa gawaing-bahay.
A. ina B. mga anak C. ama D. lolo
4. Sa ibang pamilya sila ay kasama, gumagawa rin ng gawaing-bahay upang makatulong.
A. ama B. ina C. kamag-anak D. kuya
5. Sino ang mga nagtuturo ng kagandahang - asal sa mga batang kasapi ng pamilya?
A. Ang kaibigan B. Ang mga magulang C. Lahat ng kapitbahay niyo
6. Ano ang mangyayari kung magkakasundo – sundo ang mga kasapi ng pamilya?
A. Magiging masaya nag Samahan B. Maghihiwalay ng tirahan ang kasapi. C. Magiging malungkot ang bawat kasapi.
7. Bakit mahalagang malaman kung sino ang mga bumubuo sa angkan o pamilyang pinagmulan?
A. Para maipakita ang pagpapahalaga sa mga kaibigan. B. Para maraming pumunta sa family reunion.
C. Para magkakila-kilala ang magkakamag- anak.
8. Mahalaga ba ang mga lumang litrato ng pamilya?
A. Para manatili ang magagandang alaala. B. Upang hindi makilala lahat ng kasapi ng pamilya.
C. Upang maging payapa ang pamilya.
9. Paano ipakikita ang pagmamahal sa bawat kasapi ng pamilya?
A. Hindi nagkikibuan. B. Igalang ang karapatan ng bawat kasapi
C. Hindi nagtutulungan sa mga gawaing bahay.
10. Masaya ka ba tuwing sinusunod mo ang mga itinakdang alituntunin sa loob ng inyong tahanan?
A. Opo. B. Hindi po. C. Ewan ko po.

IV. Pagpapatlang

A. Bumuo ng sariling Family tree.

B. Tukuyin kung tradisyon (isulat ang T) o kaugalian (isulat ang K) ng pamilya.


____1. Pagmamano sa nakakatanda.
____2. Pagbibigay ng regalo sa tuwing may mahalagang okasyon.
____3. Pagtutulungan kung may problema.
____4. Pagdalaw sa libingan ng mahal sa buhay.
____5. Pagbibigay ng pasalubong.
____6. Pagsasama-sama ng pamilya.
____7. Pagdiriwang ng mahhalagang araw.
____8. Pakikiramay.
____9. Pag reunion o pagkikita kita ng mga kasapi ng pamilya.
____10. Pag halik o yakap sa nakakatanda.
V. Pagkakasunod-sunod. Iayos ang wastong pagkasunud-sunod ng mga mahahalagang pangyayari sa buhay ng pamilya
mula nang isilang ang kanilang anak. Lagyan ito ng bilang 1-5 sa patlang.

VI. Pakikilala

Source: Araling Panlipunan 1 Pangalawang Markahan

You might also like