FPL W8 Lakbay-Sanaysay

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Lakbay Sanaysay

Isa sa kahalagahan ng pagbabasa ay ang pagpapalawak sa kaalaman ng


mambabasa. Sa pamamagitan ng mga sulatin na naglalaman ng impormasyon hinggil
sa isang paksa tulad ng lugar, ang isang indibidwal ay naipapakilala sa isang mundo na
hindi niya pa napupuntahan. Ang pagkamalikhain ng isang manlalakbay ang susi
sa isang impormatibong lakbay-sanaysay o travel essay.

Sa pagsusulat ng lakbay-sanaysay, dapat ang isang manlalakbay ay hindi lamang


interesado sa kasaysayan, topograpiya ng lugar, pagkain, pang-araw-araw na
pamumuhay, panitikan, politika, wika at rehiyon ng isang lugar. Kinakailangan na kukuha
ang manlalakbay ng punto-de-vista o pananaw ng lokal na mamamayan upang hindi
maging gasgas at de- kahon ang impormasyong binabahagi niya.

Isa itong anyo ng pagsulat na maaaring maging gawing propesyon o hanapbuhay. Sa


mundong pinatatakbo ng paglalakbay at turismo, mahalaga ang mga anyo ng
lakbay sanaysay tulad ng mga travel guide at mga artikulo upang ipakilala at itaguyod
ang isang lugar para sa mga manlalakbay. Ito ay kadalasang naglalaman at nagtatala ng
mga karanasan ng may-akda sa paglalakbay, pagsasaliksik, at pagtuklas ng isang lugar.

Sa pagsulat ng lakbay-sanaysay, kailangang isaalang-alang ang katanungang:


1. Ano ang dahilan ng iyong paglalakbay?
2. Ano ang layunin mo sa paglalakbay?
3. Ano ang kasaysayan ng lugar na iyong inilalarawan sa teksto?
4. Paano ba ito naiba kumpara sa lugar na iyong kinalakihan?
5. Paano ba ito naiba o nagkatulad sa ibang lugar na iyong napuntahan?
6. Ano-ano ang iyong natuklasan habang naglalakbay?
7. Umunlad ka ba bilang Pilipino sa isinagawang paglalakbay?
8. May natuklasan ka bang kahanga-hangang kaugalian ng mga taong nakasalamuha
mo sa paglalakabay?
9. Ano-ano ang kultura o paraan ng pamumuhay ang natuklasan mo?
10. Napapaibig ka ba na maglakbay ulit?
PERFORMANCE TASK:
Panuto: Pumili ng isang lugar na napuntahan mo na at sumulat ng iyong sariling lakbay-
sanaysay. Mamarkahan gamit ang Rubrik sa ibaba
Pokus at detalye - 10
Organisasyon - 10
Tinig ng manunulat - 10
Pagpili ng mga angkop na salita - 10
Gramatika, pagbabaybay - 10
50 puntos

You might also like