Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

“Upang Makaahon Sa Hirap, Alin Ang Mas Dapat Unahin:

Pagtatrabaho o Pag-aaral?

Lakandiwa:
Magaling! magaling!
Ngunit mas maganda ang aming usapin.
Kaya ituon ang pandinig sa amin
Ordinaryo’t luma na, subalit muling bubuklatin
Ang paksang ka’y hirap sagutin, ay paguusapan natin.

Alin ng aba ang mas dapat pagtuunan ng pansin


Upang makaahon sa kahirapan, aling ang uunahin
Ngayong araw ay ating titimbagin
Dalawang pagpipilian, ating titimbagin.

Pag-aaral:
Pagkat ako’y lumaki at nahubog sa paaralan
Naniniwala akong edukasyon ang dapat pagtuunan
Higit na bigysng pansin bago ang pagkakakitaan
Pagkat sa panahon ngayon, dapat ay may pinag-aralan

Ako nga po pala ang inyong butihing lingcod


Princess Aimielle po, pag-aaral ang ikakayod
Samahan Ninyo akong itatak ng boung lugod
Ang mga kakaisipang sasambitin sa inyong diwang pagod.
Pagtatrabaho:
Bago ang lahat, nais ko munang magpugay
Sa mga nangarito’y binabati ko ng magandang buhay
Sa mga ganitong paksa, wala na dapat pang pag-usapan
Pagkat maliwanag pa sa siat ng araw, trabaho ang kailanang.

Upang makaahon sa hirap, Zhyro Vecinal nga po pala


Panig sa pagtatrasbaho upang makaiopn ng perA
Sa tulad nating mahihirap, di nga ba’t mas praktikal pa?
Ang makahanap agad ng trabaho para sa pamilya.

Lakandiwa:
Ngayon nagpakilala na ang magkabilang panig
Inyo nang nasilayan ang kanilang unang tindig
Kaya’t di na natin patatagalin pa, tensyon sa paligid
Atin nang simulant balitaktakang may himig.

Pag-aaral:
Pag-aaral muna ang dapat pagtuunan
Kapag may pinag-araln, trabaho’y Madali lamang
Di nga ba’t Edukasyon raw ang sus isa kaunlaran?
At upang magkaroon ng Magandang kinabukasan

Paano ka magtatrasbaho kung wala kang nalalaman?


Makapasok ka man pawang mga pamamdalian lamang
Trabahong mahihirap at walang kasiguraduhan
At tiyak walang mararating ang iyong pinaghirapan
Pagtatrabaho:
Mga karunungang iyong ipinagmamalaki
Hindi lang naman yan sa paaralan mahuhuli
Maraming paraan upang ika’y maging intelihente
At Samahan na rin ng iyong pagpuuprsige
Nag-aaral ka nga ngunit di naman matiyaga
Maalam ka nga ngunit di naman hinahasa
Mas Mabuti pa ang magtrabaho namg may makita
Inaalam mo palang, akin nang ginagawa.

Lakandiwa:
Paninigigang matatag tila di yata matitibag
Mga puntong magagaling, bubuyog na mabibihag
Mga tagapakinig na sa katotohana’y di bulag
Maakit sang-ayon kahit sa kaloobay labag.

Pag-aaral:
Kapag di ka nakapagtapos at nagtrabaho agad
Kahit tumambling ka pa’y di ka uunlad
Kakarampot na kita, yan lang ba ang iyong hangad?
Mangangarap ka rin lang, ba’t di pa isagad?

Kung panustos lang ng iyong katwiran


Problema sa salapi’y madaling solusyonan
Maraming mga tao na yan din ang pinagdaanan
Ngunit nakapagtapos pagkat diskarte lang ang kailangan
Pagtatrabaho:
Diskarte! Yan ang narinig kong sinambit mo.
Sa palagay mo ba’y hindi yan ang ginawagawa ko?
Kaya nga magtatrabaho upang mabuhay sa mundo
At nang makapag-impok, “trabaho agad” ang diskarte ko.

Maraming nakapagtapos na di sapat ang kaalaman


NI hindi alam kung aling direksyon ang pupuntahan
Diplomang papel tangi lamang pinanghahawakan
Na wala ring halaga sa gunting ng kaalaman.

Lakandiwa:
Matapos ninyong mapakinggan ang dalwang makata
Nasa inyong mga kamay ang ang paghatol ng pasya
Tayog ng katwiran ay hindi maisasansala
Parehong may punto na makaahon sa dalita

Mga binitawang salita nawa’y maging inyong gabay


Lalo na ng mga kabataan sa pagdedesiyon sa buhay
Pagkat iyon ang inyong sus isa pagkamit ng tagumpay
At sa patuloy na pagkapit sab aging na matibay

Hangang dito na lamang mga kaibigan


Pansa mantala’y kami nawa’y magpapalam
Nawa’y nagustuhan muntin naming balagtasan
Magandang araw po’t sumainyo ang buhay ng kasaganaan.

You might also like