Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Modyul 4: Paglalahad ng Resulta at Diskusyon ng Pananaliksik

Pamantayang Pangnilalaman: Nakabubuo ng isang maikling pananaliksik na napapanahon ang


paksa.
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto
A. Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang papanaliksik sa Filipino
batay sa layunin, gamit metodo, at etika ng pananaliksik
B. Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo at
etika sa pananaliksik.

A. Gabay sa Paglalahad ng Resulta at Diskusyon


1. Ano ang dapat ilahad sa resulta ng pananaliksik?
a. Ilahad ang buod ng nakalap na datos at ng mga inilipat na estadistika upang masagot
ang suliranin sa pananaliksik.
b. Ilahad ang resulta at natuklasan sa pangkalahatang pananaw at ilahad ang mga
datos upang mabigyang-linaw ang kongklusyong gagawin sa hinaharap.
c. Ilahad ang mga mahahalagang resulta kasama ang mga datos na umaayon o
maaaring sasalungat sa hypothesis ng pag-aaral.
2. Ano ang dapat lamanin ng diskusyon sa pananaliksik?
a. Nilalaman nito ang eblawasyon at interpretasyon ng resulta lalo na sa mga
pananaliksik na may hypothesis.
b. Maaring nilalaman nito ang ginamit na kaugnay na literatura bilang pangsupurta sa
ginagawang interpretasyon sa mga datos na nakalap.
c. Maaaring naglalaman din ito ng pag-uugnay sa iba pang natuklasan sa pag-aaral ito
man ay umaayon o di kaya`y sumasalungat sa mga natuklasan sa pag-aaral.
d. Makabuluhang banggiting muli sa bahaging ito ang mga naging palagay ng
mananaliksik na tumutugma o hindi man sa natagpuan sa pag-aaral.

Gabay na katanungang makatutulong sa paglalahad ng diskusyon:


i. Ano ang mga mahahalagang puntong naipapakita sa resulta ng pag-aaral.
ii. Paano nakatutulong ang pag-aaral sa paglutas ng suliranin?
iii. Ano ang mahahalagang implikasyong mahahalaw sap ag-aaral
iv. May malaking pagbabago ba sa mga resulta ng datos na nakalap.
v. Paano naiiba ang mga kaalamang natuklasan sa mga dati nang kaalaman.
Mga ilang Tuntunin sa Paglalahad ng Resulta at Diskusyon ng Pag-aaral
i. Dapat magmula sa isang uri ng klasipikasyon ang isasagawang pagpapangkat
ng mga datos.
ii. Dapat malalim at masinsinan ang pagtalakay sa mga naisagawang
pagpapangkat na resulta o datos.
iii. Kailangang magkakaugnay ang pagpapangkat ng mga datos.

B. Mga Paraan o Teknik sa Paglalahad ng Resulta at Diskusyon


1. Paraang Patahanayan o Tabyular
a. Isa itong paraan ng paglalahad ng result ana angkop gamitin lalo na sa mga datos
na ginagamitan ng bilang o estadistika. Ginagamit ang patalahanayan o tabyular sa
mga datos na kailangan ng tallying kaya minsan ay tinatawag na talligram dahil sa
kumbinasyon ng salitang tally at diagram.

2. Paraang Grapikal (Graphical Presentation)


a. Pabilog na Grap (Pei Graph)
- Ginagamit ito kung may kaugnayan sa bahagi bahagdan/porsyento o
kaya`y sa mga proporsyon at fraction sa kabuuan.
b. Palinyang Grap (Line Graph)
- Ginagamit ito kung nais ilantad ang mga pagbabago na maaring pagbaba o
pagtaas at pagsulong ng isang pakasang tinatalakay.
c. Palarawang Grap(Pictograph)
- Ginagamit ito kung nais mailarawan o maipakita ang tinatayang halaga o
bilang ng aytem sa mga datos.
d. Bar Grap (Bar Graph)
- Nagpapakita ng paghahambing ng mga datos gamit ang bar sa halip na tuldok
at linya upang tukuyin ang kantidad. Parisukat ang anyo ng grap, maaring patayo o
pahiga ang mga datos na sinisimbolo ng bar.

3. Mapa
Ang Mapa ay naglalarawan ng lokasyon, hugis at distansya. Ang mapa ay
nagtuturo sa mga palatandaan ng lokasyon ng isang lugar. Ito ay nakatutulong sa
pagbibigay direksyon.
Ang pagbibigay ng direksyon ng pagpapaliwanag. Tulad ng pagpapaliwanag ng
paggawa ng isang bagay, nangangailangan ito ng katiyakan, kapayakan at
kaliwanagan. Kailangan din ang maliwanag na pagkakasunod-sunod ng mga hakbang
na kailangang sundin.

Buod, Konklusyon at Rekomendasyon


Ito na ang pinal na gawain ng isang mananaliksik. Isinasama rin ang mga panghuling bahagi ng
pananaliksik na tutulong para sa ikatatagumpay ng isang pananaliksik.

a. Alituntunin sa pagbuod ng mga Kinalabasan


i. Isulat sa sariling pangungusap ang kalamnan ng bahagi ng babasahin.
ii. Paikliin ito na ang diwang tinataglay ay mapanatili pa ring naroroon.
iii. Maikli ngunit hindi kailangang mabawasan ang tunay na kahulugan ng orihinal.
iv. Dapat na maglaman lamang ng pinakamahalagang natuklasan sa pananaliksik na
base sa resulta o kinalabasan ng pag-aaral, na siyang nakitang sagot para sa mga
suliranin kasama ang hypothesis ng pag-aaral.

b. Alituntunin sa Paggawa ng Konklusyon


i. Ito ay dapat nakabatay sa buod ng kinalabasan at ito ay iniaangkop sa mga tanong
at haypotesis na sinisiyasat o inimbestigahan.
ii. Naghahayag ito ng hinuha at implikasyon batay sa kinalabasan o resulta ng pag-aaral.
iii. Ilahad ito sa pamamagitan ng bilang o sa hulwarang paisa-isa para sa madaling
pagkilala sa mga ito.

c. Alituntunin sa Paglahad ng Tagubilin o Rekomendasyon


i. Nakabatay ang pahayag sa kongklusyong nabuo.
ii. Nakalahad dito ang obserbasyon sa ginawang pag-aaral at nagbibigay mungkahi sa
susunod na mananaliksik sa maaring gawin o ipagpatuloy na hindi nagawa dahil sa
limitasyon ng pag-aaral.
iii. Ang mga mungkahi para sa karagdagang pananaliksik ay maaaring iangkop sa
kasalukuyang mga datos, naunang imbestigasyon, kasalukuyang kaisipan, at ang
kakulangan ng kasalukuyang pag-aaral.

Mga maaaring gabay na katanungan sa pagbuo ng rekomendasyon.


1. Ano ang naiambag ng pananaliksik na ito sa pagbuo ng mga teroya o pagsusuri nito sa
kaalaman?
2. Ano ang praktikal na aplikasyon nito?

You might also like