Professional Documents
Culture Documents
Aralin 7: Ang Pagkabigo NG Mga Pangarap
Aralin 7: Ang Pagkabigo NG Mga Pangarap
ng mga Pangarap
Vote wisely ang laging sinasabi,
kaya sa pagpili ng pinuno, pag-isipang mabuti.
361
Mga Layunin
1. Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga piling salita
2. Natitiyak ang pagkamakatotohanan ng akda sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga
pangyayari sa kasalukuyan
3. Naipaliliwanag ang pagkakatulad ng mga pangyayari sa napanood na video sa nobela
4. Naiuulat ang ginawang paghahambing ng binasang akda sa ilang katulad na akda
5. Naisusulat ang maayos na paghahambing ng binuong akda sa iba pang katulad na
akda
6. Nagagamit ang angkop na mga salitang naghahambing
Ano ang iyong pananaw sa mga mag-aaral na free loader o mga kasama sa grupo na
walang ginagawa pero nakakukuha ng marka/papuri dahil sa nagawa ng grupo?
Ano naman ang iyong pananaw sa mga mag-aaral na tila yata walang pakialam sa mga
suliranin ng klaseng kinabibilangan?
362
Kabanata 20
Ang Ponente
364
Kabanata 21
Tipos Manilenses
365
At umalis ang karuwahe. “May binubuong sabwatan… Ingatan ang mga bulsa!”
ani Camaroncocido.
Nagpatuloy ng paglakad si Camaroncocido. Dalawang tao naman ang narinig
niyang nag-uusap. Sabi ng isa na may hawak na rosaryo: “Huwag kang hangal, higit
na makapangyarihan ang mga prayle kaysa heneral. Umaalis ito samantalang naiiwan
sila. Tiyak na yayaman tayo kung pagbubutihin natin. Isang putok ang hudyat!”
“Ang heneral doon, si Padre Salvi rito... Kawawang bayan! Pero ano ngayon sa
akin?” bulong ni Camaroncocido sa sarili.
Sa labas ng teatro ay dumating din ang estudyanteng si Tadeo na may kasamang
kababayang baguhan sa lungsod. Niloloko ni Tadeo ang kababayang tanga sa
pagsasabing ang mga taong nagdaraan ay mga kaibiga’t kakilala niyang malalaking tao
kahit ‘di naman ito totoo. Dumating na sina Paulita Gomez at ang tiya niyang si Donya
Victorina. Dumating din sa teatro si Don Custodio at ang nagbabalatkayong si Padre
Irene na ayaw magpahalatang manonood siya ng kanilang ipinagbawal.
Kabanata 22
Ang Pagtatanghal
Hindi pa nagsisimula ang palabas dahil wala pa ang kapitan heneral. Naging
maingay na sa loob ng teatro. May sumisigaw na buksan na ang tabing. Maraming bastos
na paghanga sa mga babae na maririnig sa mga artilyero. Maraming tsismisan. May
isang matigas ang ulo ang umupo sa lugar na ‘di naman kanya, at ayaw ibigay iyon kay
Don Primitivo, na siyang dapat na nakaupo rito. Hindi napakiusapan ang nakaupo,
kaya nagkaroon pa ng pagtatalo. Nagsigawan na ang mga artilyerong nanonood ng
pagtatalo. “Sa hindi! Sa oo! Sa hindi! Sa oo!” Nalibang ang mga tao.
Tumugtog na ang marcha real, hudyat ng
pagdating ng heneral. Si Pepay ay nasa isang palko
na handog ni Makaraig upang makuha nila ang panig
ni Don Custodio. Si Don Custodio ay dumating
din sa teatro, kahit na matindi ang pagtutol niya rito.
“Naparito ako para husgahan ang opereta!” sagot
niya.
Masaya si Pepay. Masaya rin ang mga
estudyante, kahit si Pecson. Si Isagani lang ang hindi naging masaya dahil nakita niya sa
teatro si Paulita na kasama ni Pelaez na kanyang karibal.
Nagsimula na ang palabas. Isang Pransesa ang umawit, si Gertude. Pagkatapos
ay nagpakitang gilas ang mananayaw na si Serpolette.
Isang babae naman ang dumating na kasama ang asawa. Nagmamalaki sa
pagpasok dahil akala niya’y nagiging sikat kapag pinakahuli sa pagpasok. Subalit nang
makitang may bakanteng upuan pa ay inaway ng babae ang asawa. Pinatahimik tuloy
sila ng madlang nanonood.
366
Dahil sa wikang Pranses ang palabas, nagpanggap si Juanito na maalam sa wikang
ito. Kapag tumawa ang mga tao’y nakikitawa siya. Sinusubok pa niyang isalin ang ilan
sa sinasabi. Humanga sa kanya si Donya Victorina at hinangad pakasalan ang binatang
kuba kapag namatay si Doktor De Espadaña.
Napansin ng ilan ang hindi pagpunta ni Simoun sa teatro.
Nang matapos ang unang yugto ng palabas ay nagkaroon ng sandaling pahinga.
Malungkot na dumating si Makaraig mula sa pakikipag-usap kay Pepay. Nabigyan
na raw ng kapasyahan ang tungkol sa paaralan ayon kay Padre Irene. Sinang-ayunan
ang paaralan. Ngunit ito’y ilalagay sa pamamahala ng Unibersidad ng Sto. Tomas, sa
pamamahala ng mga Dominikano. At upang ipakitang kasama ang mga estudyante sa
pangangasiwa, sila ang bahala sa pangangalap ng kontribusyon at bayad.
At ang masakit, ayon kay Makaraig, ay ipinayo pa ni Padre Irene na ipagdiwang ng
mga estudyante ang tagumpay nila.
Tugon ni Sandoval: “Isang bangketeng nakaluksa tayong lahat at bibigkas ng mga
talumpati para sa patay.”
Kabanata 23
Isang Bangkay
Wala nga si Simoun sa teatro dahil nang gabing iyon, ikapito, ay dalawang beses
siyang umalis at bumalik sa kanyang bahay na may iba’t ibang taong kasama. Nakita
rin siya ni Makaraig nang mag-iikawalo sa kalyeng malapit sa kumbento ng Sta.
Clara. Nakita rin siya ni Camaroncocido sa may teatro nang mag-iikasiyam na may
kausap na tila estudyante.
Si Basilio ay hindi rin nanood. Nag-aaral siya
sa bahay. Hindi na lumalabas ang binata at ‘di na rin
masyadong sumasama sa mga kamag-aral mula nang
tubusin si Juli sa pagkaalila. Pinag-aralan din niyang
mabuti ang pagpapagaling kay Kapitan Tiago na
noon ay lalong naging mahirap pakibagayan. Lalong
lumalala ang sakit nito. Binawasan na niya ang paghitit
ng matanda ng apyan subalit kung wala naman siya’y
may nagbibigay rito ng labis.
Dumating si Simoun. Mula nang magkita sila sa San Diego noon ay ngayon lang
sila muling nagkaharap. Kinumusta ni Simoun ang maysakit. Malala na raw at kalat na
ang lason sa katawan. “Tulad ng Pilipinas,” bulong ni Simoun.
Niyaya ni Simoun si Basilio na makiisa sa kanyang himagsikan laban sa pamahalaang
banyaga. Ituturing ni Simoun na kaaway na dapat patayin ang sinumang hindi kumampi
sa kanya. Ibinunyag na ni Simoun ang plano niyang rebelyon. Inatasan pa niya si Basilio
na itakas si Maria Clara mula sa kumbento ng Sta. Clara habang nagkakagulo ang buong
lungsod.
367
“Ngunit huli na, dahil sa patay na si Maria Clara. Naroon ako sa kumbento upang
makibalita kaya ko nalaman. Nang makauwi ako’y nakita ko ang liham na padala ni
Padre Salvi kay Padre Irene na ito rin ang ibinabalita. Binasa ko pa ito sa tabi ni Kapitan
Tiago,” tugon ni Basilio.
Litong-lito na patakbong nanaog ng bahay si Simoun. Hindi na maituloy ni Basilio
ang kanyang pag-aaral. Naiisip lang niya’y ang kahabag-habag na buhay nina Ibarra at
Maria Clara.
Kabanata 24
Mga Pangarap
368
Ngunit ayaw ni Paulita na tumungo roon. Ayaw niyang magdaan sa mga bundok
na maraming maliit na linta.
Subalit ayon kay Isagani, “Sa madaling panahon, babagtasin ang lahat ng pulo
ng mga daang-bakal, … Lilingapin tayo ng Espanya… Malaya sa sistema ng paniniil,
walang poot ni kawalang-tiwala.”
“Mga pangarap, mga pangarap!” buntong-hininga ni Paulita.
“Sapat nang pasiglahin mo kami sa aming pag-aaral, pukawin sa amin ang
mararangal at matatayog na kaisipan… mangangarap ako ng dagdag pang tingin mo at
mamamatay akong maligaya sapagkat magniningning sa iyong mata ang isang sinag ng
pagmamalaki…” bulong ni Isagani kay Paulita.
Kabanata 25
Tawanan at Iyakan
369
Kabanata 26
Pasquinadas
370
Dumating si Makaraig kasama ang kabo at dalawa pang kawal. Nagtaka si
Makaraig kay Basilio. “Marangal na pagkatao! Sa panahong tahimik, iniiwasan mo
kami,” banggit ni Makaraig.
Dinakip din si Basilio. Napahalakhak si Makaraig. “Huwag kang mag-alala,
kaibigan, ikukuwento ko sa iyo ang tungkol sa hapunan kagabi.”
Ipinagtapat ni Basilio ang kanyang pagsasadya kay Makaraig. Tinugon ni Makaraig
na maaasahan siya ni Basilio.
371