Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

 Ilarawan ang Pilipino bilang isang tagapagsalita o

tagapagpahayag?
 Bakit mahalagang suriin ang estilong ginagamit ng isang
tagapagpahayag?

Estilo ng Tagapagpahayag

May isang manunulat na nagsabing ang estilo ay nasa tao.


Kung ano ang tao, iyon din ang kanyang estilo. Kung masayahin,
kung malungkutin, kung pormal o seryoso o kung palabiro o kung
agresibo o kung pasibo ang tao, nakaiimpluwensiya ito sa
kanyang estilo. Ang pagkakaiba ng tao ay masisinag sa estilo
ng kanyang pagsusulat gayon din sa kanyang pagsasalita. Ang
mga bagay na ito ang magpapasya sa kanyang pagpili ng mga
salitang gagamitin at kung paano niya mabibigyang-kahulugan
ang mga iyon.

Sang-ayon kay Bisa at Sayas (1995), may mga batayang


prinsipyo ang estilo kaugnay ng pagsulat ng maganda at
epektibong pagpapahayag. Ang mga ito’y ang paggamit ng akma,
maliwanag at payak ngunit epektibong mga salita na
magkakatulong-tulong sa paglikha ng isang mapagganyak na
komposisyon.

Sinabi naman ni Badayos (1999) na hindi basta nagaganap


ang pagsulat ay mahusay na napag-iisa sa isang sistematikong
paraan-isang manunulat…karanasan…kawing ng mga salita…at isang
kapaligiran na nagsisilbing landas tungo sa mabisang
paglalahad ng mga ideya at kaisipan.

Samaktuwid, sa pagsulat, ang pinakapundamental na


kailangan, unang-una ay kaalaman sa paggamit ng wika, gayundin
ng kaalaman sa balarila tulad ng pagbuo ng mga wastong
pangungusap. Malilinang ang mga ito sa pagbabasa ng mga
mabubuting aklat, pagsasaliksik at sa pakikinig sa mahuhusay
magsalita o magtalumpati. Bagaman binanggit dito ang tungkol
sa balarila, hindi naman ibig sabihi’y patatali na sa lahat ng
tuntunin ng balarila. May mga gamit ang wika na karaniwang
ginagamit, ipinapahayag na hindi tumutugon sa mga tuntunin ng
balarila at nagiging mabisang sangkap sa mga pahayag.

Mga Katangian ng Isang Mabuting Pangungusap

1. Linaw

Tumutukoy ito sa katangian ng pagpapahayag na kung saan


madaling maunawaan bagaman gumagamit ito ng mga
matatalinhagang salita o idyomatikong paraan ng pagpapahayag.
Malinaw ang paglalarawan at pagbibigay katangian sa tao, bagay,
lugar o pangyayari upang maiwasan ang kalituhan sa parte ng
nakikinig o bumabasa. Ang kalinawan sa isang pahayag ay
matatamo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng tiyak na mensahe,
maayos na paglalahad ng mga kaisipan, at angkop at wastong
gamit o pagpili ng mga salita.

Halimbawa:

Masayang binabagtas ni Von ang daan pauwi sa bahay nila


nang walang ano-ano ay binulaga siya ng isang maganda at
makulay na ibon. Labis siyang nabighani sa tila bahagharing
kulay ng mga pakpak nito at ang lamyos ng huni nito na tila
nag-aanyayang matulog ang sino mang dito’y makakarinig. Alam
ni Von na maraming kababalaghang nangyayari sa lugar na iyon
kaya’t binilisan na lang niya ang lakad at hindi na pinansin
pa ng ibon.

2. Puwersa

Nadadala nito ang emosyon buhat sa kung ano ang nais


iparating ng pahayag. Isa itong estilo na ginagawang buhay ang
isang patay na pahayag. Sa puwersa makikita ang estaylistikong
katangian ng manunulat o tagapagsalita sa pagpapahayag.

Halimbawa:

Labanan mo ang pagdurusang sa’yong puso’y bumabalot.


Ilabas at ‘wag kimkimin ang hinanakit na alam mong s’yang
tanging makapagpapaluwag ng bigat sa’yong dibdib. Sige… lumuha
ka, hayaan mong bumalisbis ang kirot at hapdi na nasa iyong
puso.

3. Kagandahan

Ang isang pahayag ay nagtataglay ng kagandahan kapag


nagawa nitong mapukaw at mapanatili ang kawilihan ng mga
mambabasa o tagapakinig (Pagkalinawan et al., 2004). Paano ba
matatamo ito? Una, kailangang magkaroon ng kasanayan sa pagbuo
ng pahayag. Ang kasanayan sa pagbuo ng pahayag ay matatamo sa
pamamagitan ng pagbasa, pagsulat at pagsasalita.
Halimbawa:

Ilang beses ko nang nakita ang mukha ko sa salamin. Ilang


beses ko nang mukha ni Karl na kaparehas ng mukha ni Karl na
nakikita nang iba…tulad ng sinasabi ng iba.

Maraming beses ko nang nalaman na ilang tao na ang


gustong makipagkaibigan sa akin ngunit natatakot. Oo nga
naman…dahil sa taglay kong makapal na kilay at tila nanlilisik
na mga mata. Isama mo pa ang kapansin-pansin kong katangkaran.
Minsan nga raw ay napagkamalan akong miyembro ng isang
kinatatakutang grupo. Ang mukha ko pa ay higit na matanda sa
tunay na gulang ko.

Bahaging hango sa “Ako sa Harap ng Salamin”


Ni Karl Bryan V. Sta. Maria

4. Katapatan

Masasabi nating tapat ang pahayag kung wasto o tumpak ang


ideyang nilalaman nito. Bagaman masasalamin sa pahayag ang
pagiging piksyunal nito, makikita pa rin ng mga realidad sa
tunay na buhay. Isinasaalang-alang din dito ang kawastuhang
panggramatika gaya ng wastong gamit ng salita, ang
pagkakaugnay ng mga salita sa pangungusap at iba pang
kailanganing panggramatikal.

Halimbawa:

Kitang-kita niya sa kanyang panaginip kung paano binaril


sa Bagumbayan si Dr. Jose Rizal. Noon ay malamig na umaga ng
Disyembre, 1898 at sa gitna nang maraming nag-uusyusong tao ay
kabilang siyang nakikiusyoso. Mga usyuserong nagtataglay nang
makakahalong emosyon; ng galit, ng tuwa at takot.

5. Karakter

Ito ay tumutukoy sa kakanyahan ng pahayag. Sumasagot ito


sa tanong na: Ano ang pinagkaiba nito sa iba pang pahayag?
Mababakas dito ang katangiang taglay ng isang tagapagpahayag,
maaaring seryoso at diretso ang paglalahad ng mga ideya o
maaaring mapagpatawa o maligoy sa kanyang pagpapahayag.

Halimbawa:

Ang kabataang ito ay naiiba sa karamihan. Mulat siya sa


katotohanang nagaganap sa kanyang paligid. Pinipilit niyang
huwag magbingi-bingihan sa hinaing ng mga kapus-palad niyang
kababayan- kahit ang mga kaedad niya’y sadlak sa pagtamasa ng
kaligayahan dulot ng kamunduhan. Iba siya…at ito’y alam niya
at paninindigan niya.
6. Impak

Ito’y tumutukoy sa pangkalahatang dating o presentasyon


ng pagpapahayag. Maaaring sabihin na ito ang kalahatan ng
komunikatibong gawain. Sa katangiang ito masasalamin ang
epekto na nilikha ng pahayag sa isang nakinig o bumasa nito.

Gayundin naman, may mga katangiang dapat taglayin ang


isang mabuting tagapagpahayag. Kinakailangan ang ilan sa mga
ito kung hindi man lahat ng mga ito upang maging matagumpay
ang anyo ng pakikipagtalastasan.

 Marunong/mahusay makinig (Good listener)


 Marunong makiramdam (sensitive)
 Marunong makipag-usap at ngumiti (Talk and smile)
 Nagbibiro kung kinakailangan (Joke a little)
 Masayahin (Funny)
 May magandang motibasyon sa buhay (Motivated)
 Iniuugnay ang sarili at damdamin sa sitwasyon (Flexible)
 Positibo sa layunin (Positive)
 May bukas na pag-iisip (Open minded)
 Malawak ang kaalaman (Knowledgeable)
 Puno ng buhay (Energetic)

You might also like