Note 1705541076-45672

You might also like

Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 1

# Talumpati

Tama lamang na sa buwan ng Hunyo nagsisimula ang klase sa Pilipinas.p


Hindi magandang ideya na gayahin ang ibang bansa pagdating sa kung anong buwan
dapat nagsisimula ang pasukan. Nakabatay dapat sa klima o nakatakdang panahon ang
tamang desisyon kung kailan nga ba dapat pumasok ang mga mag-aaral.
Batay naman sa DepEd chief na si Secretary Armin Luistro, nakabubuti lamang sa
iilang rehiyon o parte ng bansa katulad ng NCR ang nasabing paglilipat ng buwan
kung kailan magsisimula ang klase. Kung tutuusin, maaaring hindi maganda ang idulot
o di kaya’y walang mapakinabangan ang karamihan sa populasyon ng iba’t ibang
rehiyon sa mungkahing iyon.
Ayon din kay Sec. Luistro, sinubukan na noon ng DepEd (1970s) na ilipat ang simula
ng klase sa Setyembre ngunit hindi ito umubra dahil sa parehong katwiran o dahilan.
Makikita rin natin na maraming “holidays” tuwing bakasyon. Nakasanayan na, na
tuwing Mahal na Araw ay nagpapahinga ang mga estudyante at hindi pumapasok sa
paaralan.
Ang pagkakaroon ng pasok sa buwan ng Abril at Mayo ay hindi makatarungan sapagkat
ang panahon ng tag-init ay hindi tamang oras para mag-aral ang mga estudyante.
Hindi sila makakapagpokus sa kanilang gawain. Tatamarin silang mag-aral dahil sa
sobrang init ng panahon. Pati ang mga guro ay hindi gaganahan na magturo.
Hindi na dapat ilipat pa sa buwan ng Setyembre ang simula ng pasukan sapagkat
alalahanin natin na ang mga buwan na nakaatay para sa bakasyon ay nakasanayan na at
praktikal para maglaro at magsaya ang mga bata. Hindi naman natin gugustuhin na
nakatunganga lamang sila at walang ginagawa sa panahon ng tag-ulan. Dapat na bigyan
ng sapat na panahon ang mga mag-aaral na magbakasyon at magliwaliw pagkatapos ng
taon na kanilang pinaghirapan para sa pag-aaral.
Ngunit, dahil sa patuloy na pagbabago-bago ng panahon. Hindi na katulad ng
nakasanayan natin ang nangyayari. Ang pinakamabuting gawin ay paghandaan ang bawat
panahon. Hindi masama ang pagbabago o paglilipat ng buwan ng pagpasok; dapat lamang
natin isaalang-ala kung nakabubuti ba o nakakasama ang panahon ng araw na iyon. Ang
pinakaimportante ay natututo ang bawat mag-aaral nang masaya at maginhawa.

You might also like