Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A - CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF RIZAL
REGIONAL LEAD SCHOOL FOR THE ARTS IN ANGONO

SUMMATIVE TEST IN ESP 10

Pangalan________________________________________Antas/Pangkat____________________________________

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

_____1. Ito ay tumutukoy sa lahat ng nakapaligid sa atin, may buhay o walang buhay at
kinabibilangan ng mga puno’t halaman, at lahat ng iba’t ibang uri ng hayop mula sa maliit
hanggang sa malaki.
A. kalikasan B. kagubatan C. pamahalaan D. pamayanan
____2. Ipinagkaloob ng Diyos sa _________ ang kapangyarihan na pangalagaan ang kalikasan na

Kaniyang nilikha.

A. pamahalaan B. tao C. simbahan D. pamayanan

____3. Ito ay karaniwang nagdudulot ng mga karamdaman tulad ng respiratory diseases, sakit sa

digestive tract, sakit sa balat, at marami pang iba.

A. maling pagtapon ng basura C. polusyon sa hangin, tubig at lupa. B. climate change D. komersyalismo

____4. Alin sa mga sumusunod ay hindi kabilang sa maling pagtrato sa kalikasan.

A. Ilegal na pagputol ng puno C. clean ang green

B. Malabis at mapanirang pangingisda D. quarrying

_____5. Ang isyu sa pangkalikasan na patuloy na pag-unlad ng mga bayan na maisasalarawan ng

pagtatayo ng mga gusali tulad ng mga mall at condominium units.

A. urbanisasyon C. climate change

B. komersyalismo D. global warming

_____6. Ang mga sumusunod na gawain ay malabis at mapanirang pangingisda maliban sa isa.

A. cyanide fishing C. dynamite fishing

B. muro ami D. paggamit ng lambat.

_____7. Tumutukoy ito sa pag-uugali ng tao at mga kilos na nagpapakita nang labis na

pagpapahalaga na kumita ng pera o kaya ay pagmamahal sa mga materyal na bagay

sa halip na ibang mga pagpapahalaga.

A. iligal na pagputol ng puno C. urbanisasyon

B. malabis at mapanirang pangingisda D. komersyalismo

_____8. Ang malawakang pag-iiba-iba ng mga salik na nakaaapekto sa panahon na nagdudulot

nang matinding pagbabago sa pangmatagalang sistema ng klima ay tumutukoy sa anong

isyung pangkalikasan?
A. urbanisasyon C. climate change

B. polusyon sa hangin,tubig at lupa D. global warming

_____9. Ang reforestration ay isang proyekto upang mapangalagaan ang ating kalikasan. Anong

isyung pangkalikasan ang maaaring matugunan nito?

A. urbanisasyon C. climate change

B. iligal na pagputol ng puno D. polusyon sa hangin,tubig at lupa

_____10. Ang mga sumusunod ay maling pagtrato sa kalikasan, maliban sa isa.

A. Paghiwa-hiwalay ng basura bilang nabubulok at di nabubulok.

B. Pagtatapon ng basura sa mga anyong tubig.

C. Hindi maayos na pagtatapon ng basura.

D. Pagsusunog sa mga basura.

____11. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng paggamit sa kalikasan bilang isang kasangkapan

lamang?

A. Paggamit ng lupain na may pagsasaalang-alang sa tunay na layunin nito

B. Pagkamalikhain at responsibilidad sa gagawing pagbabago sa kapaligiran

C. Pagpuputol ng puno at pagtatanim muli sa mga bagong binhi

D. Malawakang paggamit ng mga kemikal upang makakuha ng maraming ani.

_____12. Ang pagiging tagapangalaga ng kalikasan. Ano ang kahulugan nito?

A. Paggamit sa kalikasan na hindi isinasaalang-alang ang iba

B. Paggamit sa kalikasan ng walang pakundangan

C. Paggamit sa kalikasan ng may pananagutan

D. Paggamit sa kalikasan na naaayon sa sariling kagustuhan

13. Alin sa sumusunod ang iyong gagawin kung bibigyan ka ng pagkakataon na gumawa ng

isang bagay na makakaya mo para sa kalikasan?

A. Magdasal para sa pagtaas ng ekonomiya ng bayan.

B. Gagawa ng mga programang ipapatupad ng barangay upang makatulong ng malaki.

C. Lilinisin ng mag-isa ang isang ilog na marumi at sasali sa mga proyektong lilikom pondo

para sa ilog.

D. Maging mapanuri at magkukusa sa mga gawaing kailangan ako.

_____14. Paano mo isasagawa ang programang nagsusulong ng pangangalaga ng kalikasan?

A. Ipapatupad ang batas sa pamamagitan ng dagdag multa sa bawat paglabag

B. Hayaan na lamang ang mga awtoridad na magsagawa ng proketong pangkalikasan

dahil sila ang may pondo.

C. Gawin ang makakaya na alagaan ang kalikasan kahit sa munting paraan

D. Makikipag-ugnayan at gagawa ng isang komprehensibong pag-aaral upang makapagsagawa ng isang


gawaing pangkalikasan.

15-18. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot. Bilang nilikha ng Diyos ay binigyan tayo ng kapangyarihang
alagaan ang kalikasan. Piliin sa ibaba

ang mga prinsipyong gagabay sa pangangalaga ng tao sa kalikasan.


A. Ang lahat na nilikha ng Diyos ay Kaniyang kaloob kung saan mayroon tayong

responsibilidad.

B. Ang kalikasan ay nararapat na gamitin bilang isang kasangkapan.

C. Ang karapatan sa isang malinis at maayos na kapaligiran ay kailangang protektahan sa

pamamagitan ng pang-internasyonal na pagkakaisa at layunin.

D. Ang lahat ng likas na yaman sa mundo ay hindi kailangang ibahagi sa bawat tao na may

pagkakapantay-pantay.

E. Ang kalikasan ay kaloob ng Maylikha sa mga tao na dapat gamitin nang may katalinuhan

at pananagutang moral.

F. Ang pangangalaga sa kapaligiran ay nangangailangan ng pagbabago sa uri ng

pamumuhay na nagpapakita ng moderasyon o katamtaman at pagkontrol sa sarili

at ng iba. _______15. _______16. _______17. _______18.

_____19. Ang isyung pakikipagtalik nang hindi pa kasal ay isyung may kinalaman sa:

A. Pre-marital sex

B. Paninirang puri

C. Pang-aabusong sekswal

D. Pagkasira ng relasyon ng nagmamahala

____20. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay na ang prostitusyon ay mapagsamantala?

A. Nakapagbibigay aliw ito sa mga tao.

B. Nakatutulong ito sa mga nangangailangan.

C. Nakapagbibigay ligaya sa mga taong may gusto nito.

D. Ang taong bumubili ay sinasamantala ang kahinaan ng taong sangkot dito.

_____21. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng pagpapakita ng paggalang sa sekswalidad

at dignidad ng tao maliban sa isa:

A. Hindi pinakialaman ni Andoy ang pagkababae ng kasintahan dahil sila ay hindipa kasal

B. Pinagsabihan ni Donita ang kaniyang kaibigan dahil sa maling paniniwala tungkol sa sekswalidad.

C. Palaging nanonood si Diego ng malalaswang palabas sa halip na gawin ang kaniyang takdang aralin.

D. Hinintay ni LIto na makapagtapos sila ng kaibigan ng pag-aaral bago sabihin ang kaniyang pagmamahal.

Panuto: Basahin ang sitwasyon at gamitin ang impormasyong nakapaloob dito kapag sinasagot ang aytem
22-23.

Matagal nang mag kasintahan sina Diego at Dory Isang araw, inaya ni Diego si Dory sakanilang bahay. Dahil
wala doon ang mga magulang ni Diego,sinabi niya kay Dora na kung mahal niya ito papayag itong
makipagtalik sa kanya kung hindi siya napapayag ay kaniya itong hihiwalayan.

___22. Ano ang nararapat na gawin ni Dory sa sitwasyon?

A. Hiwalayan si Diego habang wala pang nagyayaring masama

B. Isumbong si Diego sa kaniyang mga magulang

C. Magalit kay Diego dahil masam ang iniisp at iwanan siyang magisa sa kanilang bahay

D. Hindi papayag sa gusto ni Diego at ipaliwanag na mali ang


23. Ang pakikipagtalik ay gawaing nararapat lamang gampanan ng mga:

A. Mag-asawang nais bumuo ng pamilya

B. Magkarelasyon na matagal nang nagmamahalan

C. Nagmamahalang gustong ipakita ang pagmamahal

D. Taong nais gawin ito na umaayon na gawin ang kilos

_____24. Ito ay galing sa salitang Griyego “porne”na ang kahulugan ay prostitute o taong nagbebenta ng
panandaliang aliw at“graphos” na nangangahulugang pagsulat o paglalarawan.

A. Phidophile B.Sexual Harassment C. Pornograpiya D. Cybersex

_____25. Ito ay anyo ng karahasan kung saan ang hindi ginusto o hindi inanyayahang sekswal na

kilos o gawain ay pinilit ng isang salarin sa isang tao nang walang pahintulot nila, gamit ang

pagbabanta, pananakot, o panloloko, at sanhi ng pagkabalisa at takot sa personal na kaligtasan ng


nabiktima, anoman ang kasarian at edad nito

A.Pang aabusuong Sekswal B.Prostitusyon C.Bullying D.Child Exploitation

_____26. Ang pagsasagawa ng pre-marital sex ay humahantong sa:

A. Pagbibigay ng tiwala sa sarili

B. Pagbibigay ng inspirasyon sa kapwa

C. Pakiramdam na marumi at nagamit

D. Pakiramdam na nakatulong sa kapwa nangangailangan

_____27. Ang paggamit ng kasarian ay para sa mag-asawa na ang layunin ay:

A. Paligayahin ang minamahal na kinakasama

B. Ipakita ang labis na pagmamahal sa bawat isa

C. Ipadama sa bawat isa ang pagmamahal at magkaroon ng anak. D. Ibigay ang pangunahing
pangangailangan ng bawat isa

_____28. Ang mga sumusunod ay mga pananaw ng tao na dahilan kung bakit kadalasan ang

mga kabataan ay pumapasok sa maagang pakikipagtalik maliban sa isa

A. Ang pakikipagtalik ay isang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal.

B. Angpakikipagtalik ay normal at likas na pangangailangan ng ating katawan.

C. Ang pakikipagatalik ay hindi kabilang sa mga biyolohikal n pangangailangan.

D. Ang pakikipagtalik tama lang lalo na kung ang gumagawa nito ay parehong sang-ayon.

_____29. Anong isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad at sekswalidad ang nasa

sitwasyon?

A. Prostitusyon C. Pang-aabusong sekswal

B. Maagang pagbubuntis D. Pakikipagtalik nang hindi a kasal

_____30. Maging mapanuri sa mga makabagong gawi na ipinakilala ng kabataan tungkol sa

pakikipag-ugnayang sekswal. A. Tama B. Mali C. Di-Tiyak D. May Pagdududa

____31. Ang sekswalidad ay mabuti at sagrado

A. Tama B. Mali C. Di-Tiyak D. May Pagdududa

_____32. Ang live-in o pagsasama ng dalawang taong nagmamahalan kahit hindi pa kasal

ay isang eksperimento lamang, patas ang babae at lalaki sa sitwasyong ito.


A. Tama B. Mali C. Di-Tiyak D. May Pagdududa

Para sa 33-35. Basahin ang sitwasyon at tukuyin kung ano-anong isyung kaugnay sa kawalan ng

paggalang sa dignidad at sekswalidad ang nakapaloob.

Si Lena ay 17 taong gulang at panganay na anak sa limang magkakapatid. Mahirap lamang ang

pamilya ni Lena, pangangalakal ng basura ang pinagkakakitaan ng kanyang mga magulang at

dahil dito ay kapos sa pagkain at iba pang pangunahing pangangailanagan ang kanilang

pamilya. Kinumbinse si Lena ng kanyang mga magulang na tumulong sa paghahanap-buhay at

mamasukan sa bar na pinapasukan ng pinsan na si Rose bilang prostitute. Wala siyang magawa

kundi sundin ang mga magulang dahil bukod sa sinasaktan siya ng kanyang ama ay inaabuso pa

tuwing wala ang ina sa bahay. Takot at galit ang namamayani kay Lena kaya hindi niya

magawang magsumbong sa ina o ibang kakilala dahil narin sa pagbabanta ng ama. Hindi din

naman siya nakapag-aral kaya walang maayos na trabaho na makukuha. Lumipas ang apat na

buwang paghahanapbuhay sa bar, nakilala ni Lena si Bobby at nagpasya silang magsama

nalang gayong may nangyari na sa kanilang dalawa kahit hindi pa sila kasal.

A. Prostitusyon C. Maagang pagbubuntis

B. Pang-aabusong sekswal D. Pakikipagtalik nang hindi a kasal

_________ 33. _________ 34. _________35.

Para sa 36-39. Piliin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang diwa ukol sa mga isyu sa

sekswalidad. Isulat ang titik ng tamang sagot.

A. Ang hangarin ng Diyos sa pag-aasawa ay panghabang-buhay.

B. Ang sekswalidad ay may kaugnayan sa kaisipan, emosyon at ispiritwal na katangiang taglay

ng magiging babae at lalaki.

C. Ang ating katawan ay tahanan ng ating Diyos na dapat ingatan at igalang.

D. Walang kontrol ang tao sa kanyang damdamin.

E. Isabuhay ang pagtitimpi upang mapigil ang sarili mula sa kapusukan.

F. Hindi mahalagang makilala mo nang lubusan ang iyong makakasama sa buhay dahil ang

mahalaga ay ang inyong pagmamahalan. _____36. _____37. _____38. _____39

_____40. Ito ay isang pamamaraan ng pagtatago ng totoo sa pamamagitan ng pagtanggi sa

pagsagot sa anumang tanong na maaaring magtulak sa kaniya upang ilabas

ang katotohanan. A. Pananahimik B. Mental Reservation C. Equivocation D. Pagsisinungaling

____41. Ito ay isang pamamaraan ng pagtatago ng totoo sa pamamagitan ng paglalagay ng limitasyon sa


tunay na esensiya ng impormasyon.

A. Pananahimik B. Mental Reservation C. Equivocation D. Pagsisinungaling

_____42. Ito ay isang pamamaraan ng pagtatago ng totoo sa pamamagitan ng pagsasabi ng

totoo ngunit ang katotohanan ay maaaring mayroong dalawang kahulugan

A. Pananahimik B. Mental Reservation C. Equivocation D. Pagsisinungaling


_____43. Ito ay isyung moral tungkol sa kawalan ng paggalang sa katotohanan na maituturing

isang lason na humahadlang sa bukas at kaliwanagan ng isang bagay o sitwasyon na

nararapat na mangibabaw sa pagitan ng mga tao sa isang grupo o lipunan.

A. Pananahimik B. Mental Reservation C. Equivocation D. Pagsisinungaling

_____44. Paninirang puri sa kaklase dahil sa inggit at upang makuha ang atensiyon sa iba.

A.Pernicious lie B. Officious lie C. Evasion D. Jocose Lie

_____45. Pagsasabi ni Martha kay Arya na bagay ang suot nitong bestida ngunit ang totoo ay

hindi. Ayaw niyang malungkot ang kaibigan.

A. Pernicious lie B. Evasion C. Jocose lie D. Officious lie

_____46. Binigyan si Roy ng pangbili ng aklat ngunit ginastos lamang ito sa panunuod ng sine

kasama mga kaibigan. Pag-uwi sa bahay sinabi niya sa mga magulang na nadukot ang

pera na pangbili ng aklat kaya wala siyang bitbit nito.

A. Evasion B. Officious lie C. Jocose lie D. Pernicious lie

_____47. Ito ay isang lason na humahadlang sa bukas at kaliwanagan ng isang bagay o sitwasyon

na nararapat na mangibabaw.

A. Kasinungalingan B. Lihim C. Mulat D. Paggalan

_____48. Ito ay kalagayan o kondisyon ng pagiging totoo.

A. Kasinungalingan B. Lihim C.Mulat D. Paggalang

_____49. Ito ay ang pagiging makatotohanan na dapat pairalin at isabuhay.

A. Pagmamahal sa Katotohanan B. Lihim C.Mulat D. Paggalang

_____50. Ang pagsisinungaling ay ang hindi pagkiling o pagsang-ayon sa katotohanan. Itinuturing

ding isang lason na humahadlang sa kaliwanagan ng isang bagay o sitwasyon. Anong patunay na ito’y natural
na masama?

A. Sapagkat ipinagkakait ang tunay na pangyayari.

B. Sapagkat inililihis ang katotohanan.

C. Sapagkat ito ay isang uri ng pandaraya.

D. Sapagkat sinasang-ayunan ang mali.

_____51. Alin sa sumusunod ang tamang pahayag tungkol sa mental reservation?

A. Maingat na ibinibigay ang mga impormasyon sa tamang tao lamang.

B. May karapatan ang naglalahad na manahimik at kimkimin ang mga impormasyon.

C. Walang paghahayag at di mapipilit para sa kapakanan ng taong pinoprotektahan.

D. Nagbibigay nang malawak na paliwanag at kahulugan sa maraming bagay upang ilayo ang tunay na
katotohanan.

____52. Matagal nang napapansin ni Celso ang mga maling gawi ng kaniyang kaklase sa pagpapasa ng
proyekto. Alam niya ang mga batas ng karapatang-(copyright), dahil dito, nais niya itong kausapin upang
mabigyan ng babala sa kung ano ang katapat na parusa sa paglabag dito. Tama ba ang kaniyang gAgawing
desisyon?

A. Tama, sapagkat ito ay nasa batas at may parusa sa sinumang lumabag dito.

B. Tama, sapagkat ito ay para sa ikabubuti ng kaniyang kaklase.

C. Mali, sapagkat ito ay kagustuhan ng kaniyang kaklase.


D. Tama, sapagkat ito ay kaniyang obligasyon sa kapuwa

_____53. Ang sumusunod ay mga dahilan ng isang tao kung bakit mas nahihikayat na gawin ang

pagnanakaw sa gawa ng iba kaysa sa lumikha ng sarili at paulit-ulit pagsasagawa nito, maliban sa isa:

A. Mababang presyo C. Madaling transaksiyon

B. Anonymity D. Hindi sistematiko

_____54. Ang sumusunod ay mga gawain na lumalabag sa karapatan sa pag-aari. Ang ilan sa

mga ito ay ang karapatan sa pagpaparami, pagpapakalat, pagbabahagi,panggagaya

upang makabuo ng bagong likha, maliban sa isa:

A. Intellectual piracy C. Theft

B. Copyright infringement D. Whistleblowing

_____55. Si Anton ay naparatangan ng plagiarism sa kanilang paaralan. Siya ay kasama sa mga

magagaling na manunulat sa kanilang journalism class. May mga atibayan na nagpapatunay na ito ay
intensiyunal. Anong prinsipyo ang nalabag niya?

A. Prinsipyo ng Confidentiality C. Prinsipyo ng Intellectual Honesty

B. Prinsipyo ng Intellectuality D. Prinsipyo ng Katapatan

_____56. Sa pangkalahatan, ang katotohanan ay dapat mapanindigan at ipahayag nang may katapangan sa
lahat ng pagkakataon sapagkat ito ang nararapat gawin ng isangmatapat at mabuting tao. Bakit mahalagang
matandaan ang pahayag na mapanindigan at ipahayag sa lahat ng pagkakataon?

A. Dahil ito ang katotohanan.

B. Dahil ito ang nararapat gawin ng isang tapat at mabuting tao.

C. Dahil ito ang maghahatid sa tao ng paghanga at paggalang.

D. Dahil ito ay para sa kabutihang panlahat.

_____57. Kapag may anomalyang nangyayari sa loob ng isang organisasyon o samahan at nakasalalay ang
kapakanan ng nakararami, marapat na gawing pribado ang usapin o anumang pag-uusap.

A. Mali B. Siguro C. Tama D. depende sa usapin

_____58. Ito ay isang pamamaraan ng pagtatago ng totoo sa pamamagitan ng pagtanggi sa

pagsagot sa anumang tanong na maaaring magtulak sa kaniya upang ilabas ang katotohanan.

A. Pag-iwas C. Pagtitimping Pandiwa

B. Pananahimik D.Pagbibigay ng salitang may dalawang kahulugan

_____59. Si Lando ay dating bilanggo. Bahagi ng kaniyang pagbabagong-buhay ay ang kalimutan ang madilim
niyang nakaraan. Dahil dito, itinago niya ang karanasang ito sa kompanyang kaniyang pinaglilingkuran sa
kasalukuyan. Sa iyong palagay, may karapatan ba siyang itago ang katotohanan?

A. Mayroon, dahil siya ay responsable rito.

B. Mayroon, dahil may alam siya rito.

C. Mayroon, dahil sa kahihiyang ibibigay nito sa kaniya.

D. Mayroon, dahil lahat ay may karapatang magbago

_____60. “Hindi ko naman gusto ngunit kailangan. Ayaw na ng pamilya ko at ayoko na sana subalit itutuloy ko
pa rin.” Paano paninindigan ng isang whistleblower ang kaniyang paninindigan sa katotohanan?

A. Paninindigan niya dahil sa dikta ng kaniyang konsensiya

B. Paninindigan niya dahil sa suporta ng mga taong nagtitiwala sa kaniya


C. Paninindigan niya dahil sa hindi makatotohanang akusasyon o paratang sa kaniya. D. Paninindigan niya
dahil sa kaniyang tungkulin at moral na obligasyon sa Diyos, pamilya at baya

You might also like