Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

De La Salle John Bosco College

La Salle Drive, Mangagoy, Bislig City


Basic Education Department

DAILY LEARNING PLAN IN FILIPINO 6

Paksa: Iba’t ibang uri ng dulang pangtanghalan ayon sa anyo. Quarter: 2


Wika: Subject Teacher: Mr. Michael B. Negros at Mr. Gin Ivan Juario

Content Standard:

Performance Standard:

Institutional Learning Competencies Strategies


Values/ 21 st
(MELCS DepEd (3 I’s) References Remarks
Century Skills Curriculum)
IKALAWANG LINGGO
Commitment and Pinagyamang
Gratitude Unang Araw Pluma
Preliminaries
• Panalangin
Creativity and • Pagtatala ng liban
Collaboration • Mga Alituntunin sa klase

INTRODUKSYON

A. Motibasyon
4 PICS 1 WORD

Ihahati ng guro ang klase sa dalawa at ilalahad ang gawain sa


telebisyon. Mayroon lamang tig dadalawang minute ang bawat pangkat
para mahulaan ang mga larawan na nasa harap.

Nakakahula sa mga Pamprosesong Tanong: 4 Pics 1 Word


larawan na nakikita sa
harap.
1. Ano ang naoobserbahan niyo sa mga larawan na ginamit sa laro.
2. Ano ang pagkakaparehas ng mga larawan na ginamit?
3. Ano kaya ang tatalakayin sa araw na ito?

Iproseso ng guro ang sagot ng mga mag-aaral.

B. Pre-Test

____1. Ito ay isang dulang nanggagaya ng kataohan ng isang tao, maaaring


nakakatawa o nakakalungkot.
____2. Ito ay dula na may maligayang wakas.
Nakakasagot sa mga ____3. Ito ay isang dulang ito ay maaring galing sa totoong buhay ng tao lalong-
tanong sa paunang lalo na sa kulturang pinagmulan nito.
pagsusulit tungkol sa ____4. Ito ay isang dula na may saglit na kasiyahan subalit nakalulungkot na
paksa. wakas.
____5. Ito ay dula na walang saysay ang kwento.
____6. Ito ay isang dula na pumupiga ng luha.
____7. Ito ay isang dulang pangunahing layunin ay mag- dulot ng katatawanan
sa mga tagapanood
____8. Ito ay isang dulang may malungkot na sangkap ngunit nagtatapos nang
kasiya-siya para sa mga pangunahing tauhan.
____9. Ito ay ang pag-iiba-iba ng taas o baba ng tono habang nagsasalita.
____10. Ito ay ang tumataas ang tono habang nagsasalita

IKALAWANG ARAW
Preliminaries
• Panalangin
• Pagtatala ng liban
• Mga Alituntunin sa klase

INTRODUKSYON

A. Motibasyon
WHEEL OF FORTUNE

Ipapaikot ng guro ang wheel of fortune na mayroong mga tanong tungkol


sa paksang itatalakay at magkakaroon ng pagtatanong pagkatapos sa
mga mag aaral.
Nakakasagot sa mga Wheel of
tanong gamit ang Fortune
interaktibong paraan.

Pamprosesong Tanong:

A. Ano ang naoobserbahan niyo sa mga tanong sa wheel of fortune?


B. Ano ang pagkakaparehas ng mga tanong na inilagay ko sa app na ito?
C. Ano kaya ang tatalakayin sa araw na ito?

Iproseso ng guro ang sagot ng mga mag-aaral.


INTERAKSYON
B. Pagtatalakay (Canva)
• Tatalakayin ng guro ang iba’t ibang uri ng dula ayon sa anyo sa
pamamagitan ng canva.
Nalalaman ang iba’t ibang
uri ng dulang Canva
pangtanghalan ayon sa
anyo.
GAMIT ANG YOUTUBE

Magpapakita ng mga maikling bidyo ang guro sa klase ukol sa iba’t ibang palabas
o teleserye tungkol sa mga iba’t ibang uri ng dulang pangtanghalan ayon sa anyo.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang iyong opinyon matapos mo makita ang iba’t ibang palabas ng mga
direktor sa Pilipinas tungkol sa dulang pantanghalan? Youtube
2. Gaano kahalaga na mabigyang pansin ang iba’t ibang uri ng dulang
pangtanghalan ayon sa anyo?
3. Bilang estudyante, paano mo mapapahalagahan ang mga dulang
pantangahalan?

IKATLONG ARAW
Preliminaries
• Panalangin
• Pagtatala ng liban
• Mga Alituntunin sa klase

A. Motibasyon
PICTIONARY

Ihahati ng guro sa tatlong pangkat ang klase at maglalaro ang lahat ng


Pictionary. Mayroong tigdadalawang minuto lamang ang bawat pangkat
para makasagot sa ipapakita sa harapan.
Pictionary
Pamprosesong Tanong:

A. Ano ang naoobserbahan niyo sa mga larawan sa laro na ipinakita?


B. Ano ang pagkakaparehas ng mga tanong ng mga larawan
C. Ano kaya ang tatalakayin sa araw na ito?

C. Pagtatalakay (Karugtong)
• Tatalakayin ng guro ang iba’t ibang uri ng dula ayon sa anyo sa
pamamagitan ng canva.

Canva
INTEGRASYON
CREATIVE PRESENTATIONS

Hahatiin sa dalawa ang klase at gagawa sila ng malikhaing presentasyon at pipili


lamang sila ng kahit anong anyo sa dulang pangtanghalan na kanilang gusto.

RUBRIKS:
Nakakagawa ng isang
malikhaing presentasyon Nilalaman: 50%
tungkol sa paksa.
Tema: 30%
Pagkamalikhain: 20%
KABUUAN: 100%

Bilang isang mag-aaral, paano ninyo ma eenganyo ang mga taga ibang bansa
tungkol sa mga dulang pangtanghalan dito sa Pilipinas?

Naipapakita ang • Iproseso ng guro ang sagot ng mga mag-aaral.


kahalagahan ng mga
dulang pangtanghalan.

IKAAPAT NA ARAW
Preliminaries
• Panalangin
• Pagtatala ng liban
• Mga Alituntunin sa klase

INTRODUKSYON

A. Motibasyon
Iguhit mo ang dula
Natutukoy ang iba’t- • Ipapangkat ng guro ang klase sa dalawang grupo.Bawat pangkat
ibang dula sa Pilipinas ay may isang mag-aaral ang guguhit sa pisara,at huhulaan ng mga
at maging sa ibang membro ang mga pamagat ng dula sa pamamagitan ng pag-intindi ng
bansa. guhit. kung sino ang makaunang humula ay siyang makakakuha ng
puntos.

Pamrosesong tanong
1. Ano ang iyong napansin sa maikling gawawain na inyong ginawa?
2. Sa tingin ninyo may pagkakakaiba ba ang mga dulang ibinahagi?
3. Mahalaga ba ang mga dulang ito para sa kulturang Filipino?

INTERAKSYON

(CHARLIE)
Matching type
Panuto: Ibigay ang hinihingi ng bawat bilang at piliin ang tamang sagot sa column
Nakagagawa ng
sariling dula at
maitanghal sa klase.

Kolum A
____1. Dulang nanggagaya ng kataohan ng isang tao, maaaring nakakatawa o
nakakalungkot.
____2. Dula na may maligayang wakas.
____3. Ang dulang ito ay maaring galing sa totoong buhay ng tao lalong-lalo na
sa kulturang pinagmulan nito.
____4. Dula na may saglit na kasiyahan subalit nakalulungkot na wakas.
____5. Dula na walang saysay ang kwento.
____6. Isang dula na pumupiga ng luha.
Kolum B
a) Komedya
b) Melodrama
c) Trahedya
d) Tragikomedya
e) Parsa
f) Saynete
g) Parodya
h) Proberbyo

(BRAVO)
Venn Diagram
Panuto: Paghambingin ang mga uri ng dula sa bawat bilang at gawan ito ng venn
diagram
Halimbawa:

Komedya at Tragikomedya

Tragikomedya Komedya

1. Parodya at komedya
2. Melodrama at tragikomedya

ALPHA

Panuto: Isulat ang sugat sa 3-4 pangungusap.

1. Pumili sa mga anyo ng dulang pantanghalan at ibahagi bakit mo ito napili.

2. Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang mga dulang pantanghalan?


Ikalawang Gawain
Ipaliwanag mo

Panuto: Sagutan ang katanungan tatlo hanggang limang pangungusap.


1. Sa lahat ng nabanggit, ano ang pinakanagustuhan mong uri ng dula?
Ipaliwanag ang iyong sagot.

IKALIMANG ARAW
Nakasasagot sa mga
katanungan batay sa paksa Preliminaries
• Panalangin
• Pagtatala ng liban
• Mga Alituntunin sa klase

INTRODUKSYON

A. Review
FLASHCARD
• Ang guro ay naghanda ng mga flash cards at ipinasagot ito sa mga
bata.

B. Post test
Modified true or false
Nabibigyang pagkakataon Panuto: Isulat sa papel ang TAMA kung ang pangungusap ay nagsasaad ng
ang mga mga mag-aaral kawastuhasan, at kung Mali naman ay palitan lamang ang sinalungguhitang
upang makapagreview. salita.

Nakasasagot ang mga mag 1. Ang dulang parsa ay walang saysay na kwento subalit ito’y nagbibigay
aaral batay sa naintindihan parin ng kaligayahan sa mga manonood.
sa diskusyon. 2. Ang dula na palaging nagtagumpay ang protagonist ay tinatawag na
tragikomedya.
3. Ang melodrama ay isang uri ng dulang pantanghalan na kung saan ay
pinapaantig nito ang damdamin ng mga manunuod.
4. Parodya ang tawag sa isang dula na ginagamitan ng mga salawikain
upang magsilbing modelo ang isang tauhan.
5. Ang dula na ginagaya ang kilos, pagsasalita at pag-uugali ng isang tao na
maaring nakakatawa subalit may patama sa kinauukulan ay ang dulang
komedya.

Multiple Choice
Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan at isulat ang titik ng tamang
sagot sa iyong papel.

1. Isang uri ng pagtanghal na kung saan ay ginagaya ang eksina sa totoong


pangyayari sa buhay ng isang tao na may kapupulutan ng gintong aral na
magagamit sa totong pangyayari.
a) Dula
b) Historikal
c) Kwento
d) Pelikula

2. Labis akong nasiyahan sa pagsisimula ng isang kwento subalit nang matapos


ito ay nakaramdam ako ng kalungkutan. Anong dula ang isinasaad sa
pangungusap?
a) Komedya
b) Melodrama
c) Proberbyo
d) Tragikomedya

3. Ang nobelang Romeo and Juliet ni William Shakespeare ay isa lamang sa


dulang?
a) Komedy
b) Melodrama
c) Saynete
d) Trahedya
4. Isa sa pinakamagandang pinalabas ng MMK na pinamagatang “tsinelas” ay
umani ng papuri dahil sa kwento ng magkapatid na nakakaranas ng mga
pagsubok sa buhay habang sila’y papauwi sa kanilang probinsya ng walang
sasakyang gamit, ilang ulit na pinapaiyak at naantig ang puso ang mga
manonood.
a) Komedy
b) Melodrama
c) Parsa
d) Trahedya
5. Ang bubble gang ay isa sa mga pinaka popular na TV show sa ating bansa.
Pawang biro at tawanan ang hatid nito sa mga tao. Sa anong dula ito
napabilang?
a) Komedy
b) Parodya
c) Parsa
d) Proberbyo

6. Isang uri ng lugar o pook na kung saan ay ginaganap ang dula.


a) Backstage
b) Dyim
c) Paaralan
d) Tanghalan

7. Si Pooh ay tanyag dahil sa mga panggagaya lalong lalo na sa kilos at


pananalita ng iilang mga personalidad katulid nina Manny Pacquao, Ogie Alcasid
at marami pang iba. Sa anong uri ng dula kaya siya nababagay?
a) Komedya
b) Saynete
c) Parodya
d) Parsa

8. Sigurado akong may matututunan ang aking anak dahil sa mga dulang may
salawikain. Anong uri ng dula ang tinutukoy ng Ginang?
a) Melodrama
b) Parodya
c) Parsa
d) Proberbyo

9. Itinanghal nina Mark at nang kanyang mga kaklase ang buhay ng katutubong
Ifugao noong nagsisimula pa lamang sa pagbuo ang hagdan-hagdang palayan.
a) Melodrama
b) Proberbyo
c) Saynete
d) Trahedya

10. Si John at Jen ay kasamang nanunuod ng dula sa kabilang bayan, habang


nanunuod sila ay kita sa mukha nila ang kasiyahan dahil nagtagumpay ang
protagonist. Anong uri ng dula ang kanilang pinanood?
a) Horror
b) Komedya
c) Melodrama
d) Saynete

Panuto: Para sa bilang 16-20, basahing mabuti ang katanungan at sagutan tatlo
hanggang limang pangungusap lamang.

16-20. Sa iyong palagay, kinakailangan bang matukoy ang iba’t-ibang uri ng


dula? At papaano mo maipamalas ang kahalagahan ng dula sa ating panitikan?

C. Iwinasto ng guro ang sagot ng mga mag-aaral.

You might also like