Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Batangas State University

College of Accountancy, Business, Economics, and International Hospitality


Management

REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA:

EPEKTO NG POGO SA PILIPINAS

Inihanda nina:

Mosca, Christian B.

Pasamba, Rose Ann G.

Ramos, John Ro Aaron H.

Regala, Jessa A.

Rubina, Maybelle A.

Inihanda para kay:

Gng. Geneviva Ramos

Mayo 2020
EPEKTO NG POGO SA PILIPINAS
REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA

Sa panahon ngayon, maraming nagaganap na pagbabago sa lipunan,

politika, industriya, edukasyon at teknolohiya at marami ring lumalaganap na

mga isyu sa mundo. Sa dati ng mga kaalaman, ito ay bahagi ng globalisayon

(Wordpress.com, 2018). Ito na marahil ang pinakamalaking pangyayari sa

ekonomiya sa ating kapanahunan sapagkat nagbibigay ito ngayon ng walang-

kaparis na mga oportunidad sa bilyun-bilyong tao sa buong mundo (Martin Wolf,

2002). Isa na nga ang Pilipinas sa mga bansang umakap sa konsepto nito. Dahil

sa mga foreign investors at mga makabagong teknolohiya, binibigyan nito ang

mga Pilipino ng oportunidad upang makapagtrabaho. Sa pag-usbong ng

Business Process Outsourcing at Informational Technology Industry, unti-unting

tumataas ang ekonomiya ng bansa. Bukod rito, malugod na tinanggap ng

maraming Pilipino ang mga makabagong industriya na kalahok ang mga foreign

businessmen sa turismo, agrikultura, manufacturing, at iba pa na pawang

nakatutulong sa ekonomiya ng Pilipinas (Enterph.com, 2017). Subalit, hindi lahat

sa mga ito ay nakakatanggap ng positibong reaksyon. Isa nga sa mga bagong

handog ng globalisasyon na malaking usapin sa Pilipinas ay ang operasyon ng

POGO.

Ang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) ay ang opisyal na

pagtatalaga para sa mga kumpanya na nagpapatakbo sa Pilipinas at nag-aalok

ng mga serbisyo sa online na pagsusugal sa mga merkado sa labas ng Pilipinas

(News.mb.com, 2020). ‘Offshore’ ang tawag dito sapagkat ang mga kliyente ng

POGO ay mga dayuhan sa ibang bansa na kadalasan ay mga Chinese. Ngunit


hindi lamang mga Chinese ang manlalaro na kasali dito, mayroon ding foreign

nationals mula sa bansang Hong Kong, Singapore, Taiwan at iba pa. Maari

silang maglaro ng live casino games katulad ng poker, black jack, at roulette;

sports better katulad ng karera ng kabayo gamit lang ang computers at

smartphones at online number generating games na hawig ng slot machine

ngunit nasa internet (ABS-CBN News, 2020).

Naisa-legal ang offshore gaming sa Pilipinas noong nilagdaan ni

Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 13 “Strengthening The

Fight Against Illegal Gambling and Clarifying the Jurisdiction and Authority of

Concerned Agencies in The Regulation and Licensing of Gambling and Online

Gaming Facilities, and for Other Purposes”. Sa ilalim ng kautusang ito, nagbigay

ang gobyerno ng lisensya sa mga offshore gaming operators sa pangangasiwa

ng Philippine Amusement and Gaming Corporation. Ayon kay PAGCOR

Chairperson Andrea Domingo, minarapat gawin ito ng gobyerno upang hindi na

ngayon tawagin ang Pilipinas bilang “Illegal Gambling Capital of the World”.

Ngayon, mayroong mahigit na limampung licensed offshore gaming operators sa

bansa na ayon sa ilang mga ekonomista ay nakakatulong sa pag-angat ng

ekonomiya (ABS-CBN News, 2019).

Ayon kay Enrique Soriano, dating program director for real state ng

Ateneo Graduate School of Business at kasalukuyang Executive Director ng

Wong + Bernstein Advisory Group, bilyong piso na ang halaga ng online gaming

matapos lamang ang dalawa at kalahating taon. Dito, kumita na ang PAGCOR

ng halos 12 bilyong piso sa loob ng dalawang taon (2017-2018). Sa datos ng


ahensya, kumita sila ng malaki sa POGO mula P73.73M noon taong 2016, at

tumaas pa sa halagang P3.12B noong 2017, P6.11B sa taong 2018 at P5.73B

noong 2019. Ganun din, kumokolekta ang gobyerno ng halos 32 bilyong piso

bilang income tax mula sa mga POGOs at mga empleyado nito, kasama na ang

value-added tax. Naging instrumento din ang industriya sa pagtaas ng halaga ng

mga ari-ariang malapit sa mga POGO site. Kumita ng malaki ang mga nasa

office, commercial, at residential sector at tumaas ang estate values dahil na rin

sa POGOs (Philippine Inquirer, 2019). Sa kabila nito, maraming mamamayan

ang umaaray dahil nagmamahal ang upa at halaga ng tirahan at hindi na abot-

kaya ng mga Pilipino ang nagtataasang renta. (Rappler, 2020). Ayon kay Sen.

Joel Villanueva, chairman ng Senate Labor, malaki ang epekto ng real estate

market partikular sa mga nagnenegosyo at manggagawa na umuupa malapit sa

kanilang pinagtatrabahuhan. Dahil sa POGO, tumataas ang renta sa mga

condominium at iba pang residential property kaya nahihirapan na rin ang mga

manggagawang Pinoy na umupa ng matutuluyan malapit sa kanilang

pinagtatrabahuhan. (Abante) Batay sa pag-aaral ng property consulting firm na

Colliers International Philippines, nitong mga nakaraang taon, gumagastos ang

isang average bed spacer ng P4,000 hanggang P6,000 sa renta. Wala naman

silang magagawa kundi mas piliin ang magrenta, kaysa sa mas mura na pagko-

commute na kung saan nasa P1,000 hanggang P4,000 lang ang buwanang

gastos dahil mas gugustuhin na nila ito kaysa magsayang ng oras sa kalsada

dahil sa mala-delubyong trapiko. (ABS-CBN News, 2019).

Marami ring umaalma sa POGO sapagkat kaunting porsyento lamang ng


trabaho ang naibabahagi nito sa mga Pinoy. Sa datos ng PAGCOR, mayroong

30, 520 na Pilipinong mangagawa ang POGO, bukod pa riyan ang mga

mangagawa sa ancilliary industries katulad ng sa real estate, transportation at

retail. Binubuo nito ang sangkapat ng sumatotal na 120,976 bilang ng

mangangawa mula sa China (69,613), Vietnam (3,000), Indonesia (2,400),

Taiwan (1,700) at iba pang manggagawa mula sa 44 na bansa. Ayon kay Wilson

Flores, malaking tulong ito sa mga Pilipino sapagkat nagkakaroon sila ng trabaho

mula sa mga kinukuhang kontraktors at developers sa Pilipinas (Philippine News

TV, 2019). Subalit may mga taong hindi sang-ayon sa kagandahan nito sapagkat

hindi permanenteng trabaho ang maidudulot ng POGO lalo na sa mga

construction workers. Tumatagal lamang ng ilang buwan ang kanilang trabaho

hanggang sa maitayo ang pasilidad at gusali ng POGO, Ayon sa Rappler,

imposible o mahirap magkaroon ng permanenteng trabaho ang mga Pilipino sa

POGO sapagkat ang mga maaring magtrabaho lamang dito ay mga bihasa sa

Mandarin. Sa kabila nito, ayon kay Kevin Wong, POGO Executive ng Oriental

Group, kailangang matatas sa salitang Mandarin ang empleyado ng POGO dahil

karamihan sa mga kliyente ng negosyo ay mga taga China. Dagdag pa niya,

hindi ito nangangahulugang hindi sila tatanggap ng mga Pilipinong trabahador at

bukas pa rin sila sa mga empleyado galing sa bansa (ABS-CBN News, 2019).

Sa kabila ng pagtaas ng kinikita ng gobyerno dahil sa POGO, hindi

maikakailang apektado ang mga nangungunang industriya sa bansa. Ramdam

ng Business Process Outsourcing ang epekto ng dumaraming POGO sa

kanilang industriya. Opinyon ni P/ Maj. Gen. Guillermo Eleazar, sa huling 17


taong nakalipas, ang pinakamalakas na real estate ay ang BPO at call center,

ngunit ngayon mula sa mga renta ng POGO buildings at facilities, unti-unti na

nitong nauungusan ang BPO. Sa katunayan, ang pinakamataas na porsyente ng

office demand sa Metro Manila ay ang POGO. Ayon kay Monique Pronove, CEO

ng Pronove Tai, sa ikalawang kwarter ng taong 2019, sumasakop ng 210k sq.

km (58%) ang offshore gaming kumpara sa IT-BPM na 70k sq.km. (19%), Flexi-

work spaces na 3.4 sq.km (1%) at 76k sq.km (22%) sa mga Traditional. Dagdag

pa niya, dahil dito nanganganib ang industriya ng BPO dahil sa halip na malaking

porsyento ang makuha nito sa demand space, nauunahan na agad sila ng mga

offshore gambling operators. Bunga rin ng hindi mataas na space demand,

apektado ang services growth ng BPO. Batay sa datos ng Everest Group, ang

services growth lamang ng IT at business process services noong nakaraang

taon ay 5.1%, na kung saang may target silang 8% na hindi nakamit. Ayon kay

Sen. Joel Villanueva, tutol siya sa operasyon ng POGO, dahil aniya ito ay tunay

na magnanakaw ng trabaho sa mga Pilipino. Sa kabila nito, nanatiling positibo

ang BPO sector na patuloy na lalago ang kanilang industriya sa bansa (ABS-

CBN News, 2019).

Hindi lamang ekonomiya ang apektado ng POGO, maging ang seguridad

sa bansa. Ayon kay P/ Maj. Gen. Guillermo Eleazar, hepe ng NCRPO, sa datos

mula sa PNP noong taong 2018, tumaas ang foreign nationals-related crimes ng

18% at 56% dito ay mga Chinese (Philippine News TV, 2019). Pahayag naman

ni Bayan Muna Party-list Carlos Isagani Zarate, dahil sa operasyon ng mga

POGO ay naglabasan na rin ang problema ng money laundering, loan sharking,


illegal immigration at human sex trafficking. Aminado naman ang mga awtoridad

na lumakas ang prostitusyon sa Pilipinas nang magsulputan ang Philippine

Offshore Gaming Operators (POGO). Sa katunayan, mayroong 154 na babaeng

nasagip sa mga raid ng Philippine National Police at National Bureau of

Investigation sa mga sex den noong taong 2019. Ang mga kliyente ng nasabing

sex workers ay mga taga-POGO o mga Chinese. Dahil dito, usap-usapan sa

kamara ang hindi tamang dami ng mga Chinese na pumapasok sa bansa. Iginiit

naman ni Sen. Risa Hontiveros na dapat sitahin ang Bureau of Immigration sa

kabiguan nitong pigilin ang pagdagsa ng mga undocumented Chinese. Isa pa,

hindi lamang mga Pilipino ang biktima ng human trafficking, maging ang mga

Chinese din. Ayon kay P/ Maj. Gen. Guillermo Eleazar, mayroong nakakapasok

sa bansa na Chinese syndicates na bumibiktima sa mga natatalo sa sugal.

Kanila itong kinikidnap, minamaltrato, at kinukuhanan ng litrato at videos na

kanilang pinagkakakitaan (ABS-CBN News, 2020). Sa kabuuan, sa rekord ng

Anti-Kidnapping Group, sa taong 2019, bumaba ang kidnapping incident ng 50%

ngunit tumaas naman ng 100% ang casino-related incidents (Philippine News

TV, 2019).

Samakatuwid, marami ng mga Chinese na nagtatrabaho sa mga POGO

ang nasasangkot sa illegal recruitment, kidnapping, extortion at illegal detention.

Ito rin ang isa sa mga rason kung bakit umaalma ang gobyerno ng China sa

POGO. Ayon kay Sen. Franklyn Drilon, ayaw ng Chinese government sa POGO

sapagkat ilegal ito sa China at nalalagay sa alanganin ang kapakanan ng

mamamayan nila. Sa katunayan, tumutol sila sa Cambodia kaya naipasara ang


POGOs doon (Philippine Inquirer, 2020). Pasubali naman ni General Eleazar na

kahit galit ang Chinese Government sa POGO, hindi nila lubusang

pinapakialaman ang gambling operations sa Pilipinas sapagkat pinoprotektahan

ng gobyerno ng China ang magandang ugnayan nila kay Pangulong Duterte

(Philippine News TV, 2019).

Hindi lamang mga sindikato ang kabilang sa human trafficking ang

nakakapasok sa Pilipinas, kundi mga illegal gambling operators. Ayon sa datos

ng Department of Finance, halos P22 bilyong pisong income tax ang hindi

nakokolekta sa mga illegal POGO workers kada taon (ABS-CBN News, 2019).

Sa katunayan, daan-daang Chinese workers na ang nasampahan ng kaso at

nadakip ng pulisya dahil sa pag-papatakbo ng illegal na POGO - mayroong 76 sa

Makati, 44 sa Paranaque City, 144 sa Lapu Lapu City, Cebu at marami pang iba

na halos 95% ay mga Chinese nationals (UNTV, 2020). Ayon kay Sen. Richard

Gordon, dahil sa mga illegal gambling operators ng POGO, pumasok na sa

bansa ang tinatantsang $210 milyon (P10.6 bilyon) dirty money. Hindi sana ito

mangyayari kung maayos na ginagawa ng BOI ang kanilang trabaho sa

pagpipigil pumasok ng mga undocumented Chinese. Pahayag ng Rappler,

“Napapadalas ang pagpasok sa bansa ng mga empleyadong Tsino ng mga

POGO – kahit hindi maayos ang papeles – kapalit ng suhol na P10,000 bawat

tao”. Samantala, hindi lamang ang mga illegal na gambling operators ang

nakakaapekto sa kinikita ng gobyerno kundi pati na rin ang mismong licensed

POGO operators. Ayon sa BIR, nasa P50 bilyon na franchise, corporate, at iba

pang taxes ang hindi bayad ng mga POGO (Rappler, 2020).


Sa pagsasaalang-alang ng maaring maging epekto pa ng pagpapatuloy

ng POGO sa ekonomiya at seguridad ng bansa, naghain ang mga mambabatas

ng “Anti-POGO Act of 2020” noong May 6, 2020 na nagsasabing "Kaya't

idineklara ng Estado na ang 'Philippine Offshore Gaming Operations' na

isinagawa sa loob ng Pilipinas ay lalong naging panlipunang mapanganib at

isang mapagkukunan ng hindi mahahalata na katiwalian". Kabilang sa mga kilos

na ipinagbabawal sa ilalim ng panukalang batas ay ang pagpapadali ng

anumang offshore gaming sa pamamagitan ng anumang paraan o aparato sa

loob ng teritoryo ng Pilipinas, pagtanggap ng anumang porma ng pagtaya para

sa layunin ng mga operasyon sa paglalaro sa malayo sa pampang, na kumikilos

bilang isang service provider para sa mga operasyon sa labas ng pampang sa

Pilipinas, ang paglikha ng isang hub na POGO sa bansa, at ang pagtatatag ng

isang gaming laboratory o pagbibigay ng mga serbisyo bilang isang gaming

laboratory. Dagdag pa, isinasaalang-alang din ng panukalang batas ang mga

lisensya ng sinumang mga foreign-based operators, mga local gaming agents,

POGO, at mga tagapagbigay ng serbisyo para sa layunin ng mga offshore

gaming operations na matatanggal matapos maipatupad ang “Anti-POGO Act of

2020” (Philippine Inquirer, 2020).

Sa kabilang banda, kung maipapatupad naman ang ganitong batas na

magpapatigil sa operasyon ng POGO, di maiwasang mabahala ang marami.

Sinasabing ito ang dahilan kung bakit naging masigla ang mga negosyo sa real

estate at maging sa lokal na ekonomiya kaya baka kapag naipatigil na ito ay

biglang bagsak ang ekonomiya. Ang ganitong pangamba ay hindi sinasang-


ayunan ng ilang mga eksperto sapagkat kahit na maaapektuhan ang office at

residential sectors, panandalian lamang naman ito. Dati pa man, mayroon ng

ibang mga sektor katulad ng BPO, Tradisyonal at IT na nagpapalago ng

ekonomiya ng bansa kaya babalik lang ang lahat sa normal. Dagdag pa nila,

hindi naman inaasahang babagsak ang real estate ng Pilipinas. Sa pagtatanggal

ng POGO, posibleng maging normal na ang mga presyo ng renta at bentahan ng

mga ari-arian at darating ang panahon na “business as usual” ulit sa industriya.

Iminungkahi naman ni Joey Roi Bondoc, research manager ng Colliers

International Philippines, na bagamat na magiging normal ang mga values ng

property sa pagkawala ng POGO, maaaring magkaroon pa ng ibang investors at

businessmen sa bansa. Ito ay sa pamamagitan ng pagsuporta sa pag-amyenda

sa Foreign Investments Act at Public Utilities Act para mabuksan ang maraming

economic sectors sa mga banyaga at mas maraming kumpanya ang umukopa

ng vacant office space sa bansa na iiwan ng POGO. Isa pa, maaring mas

lumaganap ang BPO-IT sektor sapagkat dadami ang kanilang office demand at

unti-unting dadagdag sa kanilang services growth sa mga susunod na taon

(Philippine Inquirer, 2019).

Sa ngayon, pinag-aaralan na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at

Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang epekto sakaling mawala na ang

Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa bansa kasunod ng pag-apela

ng China na itigil na ang online gambling sa Pilipinas (DWIZ 882, 2020).

Nananatiling hati pa rin ang opiniyon ng bawat isa hinggil rito ngunit nasa kamay

ng gobyerno ngayon ang desisyon sa pag-balanse ng mga maiududulot nito.


Umaasa ang mga Pilipino na sa mabuting landas ang magiging desisyon sa dulo

(Rappler, 2020).

SANGGUNIAN

PAGCOR: A primer on the truth about POGO. (2020, May 3). Nakuha sa Manila
Bulletin: https://news.mb.com.ph/2020/05/03/pagcor-a-primer-on-the-truth-
about-pogo/
Abante.com. (2019). Chinese POGO magnet ng krimen.
Agency, P. N. (2019). Pros and Cons-POGO. Nakuha sa youtube.com:
https://youtu.be/YiEB6KCXwjQ
Briones R. (2019, August 28). Epekto sakaling mawala ang POGO sa bansa
pinag-aaralan na. Nakuha sa DWIZAM:
http://www.dwiz882am.com/index.php/epekto-sakaling-mawala-ang-pogo-
sa-bansa-pinag-aaralan-na
Gabriel Pabico Lalu. (2020, March 01). inquirer.net. Nakuha sa:
https://newsinfo.inquirer.net/1235218/Chinese-millions-entering-ph-may-
be-funneled-to-pogo-operations-says-drilon
Mercado, N. A. (2020, May 6). Anti-POGO bill filed in House. Nakuha sa
inquirer.net: https://newsinfo.inquirer.net/1270952/anti-pogo-bill-filled-in-
house
POGO: Chinese invasion o dagdag kita para sa mga Pilipino. (2019). Nakuha sa:
youtube.com: https://youtube/DLPISWf4ACO
Quezon, L. (2017, March 07). Globalisasyon. Nakuha mula sa wordpress.com:
http://aralingpilipinokaapat.wordpress.com
Rappler.com. (2020). Tinik sa lalamunan ang mga POGO.
Remo, A. R. (2019, August 31). ‘Life after Pogo’. Nakuha sa Inquirer: ‘Life after
Pogo’
Sherrie Anne Torres. (2020). Prostitusyon sa PH lumakas sa pagdating ng mga
POGO.
Torres, S. A. (2020, January 29). Prostitusyon sa PH lumakas sa pagdating ng
mga POGO. Nakuha sa abs-cbn.com:
https://news.abas-cbn.com/video/news/01/29/20/prostitusyon-sa-pilipinas-
lumakas-sa-pagdating-ng-mga-pogo
ChanRocky.(2020,June 7). Philippine Trade Secretary talks about Top
Industries for Foreign Investors. Nakuha sa enterph.com:
https://enterph.com/blog/top-philippine-industries-foreign-investors/
News, A-C. (2019, August 29). BPO naungusan ng mga POGO sa demand ng
office space sa Metro Manila. Nakuha sa news.abs-cbn.com:
https://news.abs-cbn.com/video/business/08/29/19/bpo-naungusan-ng-
mga-pogo-sa-demand-ng-office-space-sa-metro-manila

You might also like