Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

WORKTEXT SA SALIN NG PANITIKAN NG DAIGDIG SA MGA MAG-AARAL NASA IKAAPAT NA TAON NG

PRESIDENT RAMON MAGSAYSAY STATE UNIVERSITY (WORKTEXT IN TRANSLATED WORLD LITERATURE


OF FOURTH YEAR STUDENTS OF PRESIDENT RAMON MAGSAYSAY STATE UNIVERSITY)

abstract: Ang pananaliksik ay may layunin matukoy ang antas ng komprehensyon ng mga mag-aaral ng
President Ramon Magsaysay State University- Kolehiyo ng Gurong Pang-Edukasyon, kumukuha ng
kursong Batsilyer ng Sekondaryang Pang-Edukasyon na nagpapakadalubhasa sa larangan at asignaturang
Filipino, Taong Panuruan 2018-2019 sa Panitikan ng Daigdig, mga salin na teksto ng maikling kuwento.
Layunin din ng mamanalisik na lumikha ng isang komprehensibong work text na siyang magpapalinang
at magpapaunlad ng kakayahan ng mga mag-aaral sa antas ng kani-kanilang komprehensyon lalo’t
Panitikan ng Daigdig ang pag-aaral. Mayroong 34 na kabuuang bilang ng tagatugon; 10 mag-aaral mula
PRMSU-Iba Kampus at 24 mag-aaral naman mula PRMSU-Sta. Cruz Kampus. Ang pag-alam ng antas ng
komprehensyon ng mga mag-aaral ay sa pamamagitan ng 30 aytem na talatanungan na nahati sa
dalawang bahagi; ang una ay gumamit ng orihinal na teksto at ang pangalawa nama’y salin na teksto ng
maikling kuwento. Ang standard score ang naging batayan ng krayterya ng paraang kwalitatibong
interepretasyon ng mga iskor o marka ng mga-aaral.

Sa kabuuan ng pag-aaral, nalamang ay mayroong katamtamang husay ang antas ng komprehensyon


pagdating sa Characterization, Contextual Clues at Content of the Story gamit ang orihinal na teksto ng
maikling kuwento bilang bahagi ng Panitikan ng Daigdig.

Ang mga mag-aaral ay mayroong mahusay ang antas ng komprehensyon pagdating sa Pag-alam ng
Damdamin ng Tauhan, Pagkuha ng Kahulugan sa Tulong ng Pahiwatig at Nilalaman ng Akda gamit ang
orihinal na teksto ng maikling kuwento bilang bahagi ng Panitikan ng Daigdig.

Mataas ang makabuluhang pagkakaiba ang antas ng komprehensyon ng mga mag-aaral sa maikling
kuwento na nasusulat sa orihinal at salin na teksto sa pag-alam ng damdamin ng tauhan, pagkuha ng
kahulugan sa tulong ng pahiwatig at nilalaman ng akda.

Mataas ang kaugnayan ng uri ng teksto kung ito ay orihinial o salin bilang ginamit sa pag-alam ng antas
ng komprehensyon ng mambabasa at mag-aaral.

You might also like