EPP5 IA Q4 Mod1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

5 Department of Education

National Capital Region


SCHOOLS DIVISION OF FICE
MARIKINA CITY

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5

Gawaing Pang-Industriya
Ika-apat na Markahan-Modyul 1
Batayang Kaalaman sa Gawaing-Kahoy, Metal,
Kawayan at Iba pa

Manunulat: Joselyn F. Cortez


Tagaguhit: Claide G. Pekas
Tagaguhit ng Pabalat: Christopher E. Mercado

City of Good Character


0
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin
Magandang araw mga mag-aaral sa Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan 5. Sa araw na ito, ay mapag- aaralan mo ang mga
mahahalagang kaalaman at kasanayan sa iba’t ibang gawain. Ito ay
nakatutulong upang mas mabigyan pa ng sapat at buong husay sa paggawa
ng proyekto.

Ang module na ito ay nahahati sa tatlo:

● Aralin 1- Mga Kaalaman at Kasanayan sa Gawaing Kahoy


● Aralin 2- Mga Kaalaman at Kasanayan sa Gawaing Metal
● Aralin 3- Mga Kaalaman at Kasanayan sa Gawaing Kawayan

Bilang karagdagang kaalaman sa araling ito ikaw ay inaasahan din na:

1. Natatalakay ang mga mahahalagang kaalaman at kasanayan sa


gawaing- kahoy.
2. Naiisa-isa ang mga halimbawa ng gawaing kahoy na makikita sa
pamayanan.
3. Natutukoy ang mga kabutihang dulot ng gawaing-kahoy sa pag-unlad
ng kabuhayan ng pamilya. EPP5IA-0a-1

Subukin
Tunghayan sa ibaba ang larawan ng mga produkto ng ating lungsod
Marikina. Alin sa mga produktong ito ang gawa sa kahoy? Bakit mo nasabi
na ito ay gawa sa kahoy? Isulat ang sagot sa sagutang papel.

City of Good Character


1
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Aralin Mahahalagang Kaalaman sa
1 Gawaing-kahoy
Ang paggawa ng mga kapaki- pakinabang na produkto mula sa mga
bagay sa kapaligiran ay ginagamitan ng malikhaing pag-iisip, talento, at
kakayahan. Ito ay nakakatulong upang tugunan ang mga pangangailangan
ng mga mamamayan at maaari itong magsilbing pangkabuhayan sa
pamayanan.

May mga simpleng gawaing- kahoy gaya ng pagkukumpuni ng sirang


upuan, mesa o bakod. Kapag natutunan at nakasanayan ang wastong
pagkukumpuni, maaari itong maging hanapbuhay. Karpintero ang tawag sa
mga gumagawa sa gawaing kahoy.

Balikan

Bago mo ipagpapatuloy ang araling ito. Isulat sa ibaba ang mga likas na
yaman ng bansa at isulat ang mga halimbawa nito.

Likas na Yaman Halimbawa

1.

2.

3.

Tuklasin
Ang bansang Pilipinas ay sagana sa mga likas
na yaman. Isa rito ay mga punong-kahoy, na may
mga pibro at karaniwang ginagamit sa paggawa ng
mga muwebles at bahay.

City of Good Character


2
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Ilan sa mga halimbawa ng mga matitigas na kahoy ay ang yakal,
molave, narra at kamagong. Ang malalambot naman na kahoy katulad ng
lawan, palosapis, dao, at mahogany ay ginagamit sa paggawa ng kuwadro,
papel at palito ng posporo. Ilan sa mga halimbawa ng mga produkto na
galing sa kahoy ay ang lamesa, upuan, papag, cabinet, sangkalan, bangkito
at marami pang iba.

Suriin
Tingnan ang paligid ng inyong bahay. May nakikita ka bang mga
luma o di kaya ay mga sirang kasangkapan na gawa sa kahoy?

Marami ang mga kasanayan na matutunan sa gawaing kahoy na kapaki-


pakinabang. Karpentero ang tawag sa taong gumagawa ng mga
produkto/gamit na mula sa kahoy, pagkakarpentero naman ang tawag sa
gawaing ito. Pagkukumpuni ng mga sira sa bahay tulad ng silya, mesa,
kabinet at bakod, paglalagari, pagkakatam paglililok ng kahoy ay ilan
lamang sa kasanayan na matutunan sa gawaing kahoy. Ito ay dapat na
matutunan hindi lamang sa pag-unlad ng kabuhayan ng mag-anak at
pamayanan kundi sa pangsariling pangangailangan sa tahanan.

Mga halimbawa ng mga produktong gawa sa kahoy

Bangkito Mesa at Upuan Kabinet

Pagyamanin
Online: Magsaliksik sa internet ng mga kabutihang dulot ng kaalaman at
kasanayan sa gawaing kahoy.

City of Good Character


3
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Offline: Isulat sa ibaba ang mga kabutihang dulot ng gawaing kahoy sa pag-
unlad ng kabuhayan ng pamilya at pamayanan.

1. _____________________________________________________________________
2. _____________________________________________________________________
3. _____________________________________________________________________
Isaisip
Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon at isulat sa sagutang papel

dekalibre dekalidad henerasyon


maubos lumang kahoy punong-kahoy

1.Ang mga __________ay hindi lamang mahalaga sa atin kundi sa lahat ng


bagay na may buhay.
2. Mahalagang mapangalagaan ang mga punong-kahoy sa ating kagubatan
o paligid upang may maaabutan pa ang mga susunod na ______________.
3. Maaaring manganib na ___________ ang mga punong-kahoy kung walang
habas na pinuputol ito ng mga abusadong tao o negosyante sa ating bansa.
4. Ang mga __________________ ay maaari pang gawing kapaki-pakinabang
na gamit sa bahay.
5. Ang Pilipinas ay kilala sa paggawa ng mga _______________ na produkto
na gawa sa kahoy tulad ng mga muwebles.

Isagawa
Magbigay ng halimbawa ng mga gawaing kahoy na makikita sa iyong
paligid, isulat sa sagutang papel.
1.
2.
3.
4.
5.

City of Good Character


4
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tayahin
Sagutin ng TAMA o MALI ang mga sumusunod na pangungusap.

1. Maraming kasanayang matutuhan sa gawaing kahoy na tunay na


kapaki-pakinabang.
2. Ang pagkakarpintero ay dapat matutuhan ng mga batang mag-aaral
hindi lamang sa paghahanapbuhay kundi para na rin sa sariling
pangangailangan.
3. Ang dustpan, lampshade, at flower vase ay ilan lamang sa mga
halimbawa ng mga kagamitan na yari sa kahoy.
4. Kung may sapat na kaalaman at kasanayan sa gawaing- kahoy ay maaari
ng magkumpuni ng mga sirang upuan at lamesa.
5. Madaling matukoy kung ang isang bagay o kagamitan ay yari o gawa sa
kahoy.

Karagdagang Gawain

Gumuhit ng mga kagamitan/kasangkapan na makikita sa inyong tahanan


na gawa sa kahoy at sabihin ang gamit nito. Lagyan ng kulay upang higit
itong maganda at kaakit-akit. Lagyan ng tsek (/) ang angkop na kahon.

Rubrik ng Guhit

Nakasunod sa Nakasunod Hindi


Pamantayan pamantayan sa nakasunod
nang higit sa pamantayan sa
inaasahan subalit may pamantaya
(3) ilang kulang n
(2) (1)
1. Nakagawa ako ng guhit ng
produkto mula sa pang-
industriyang materyales
2. Napahalagahan ko ang
mga pang-industriyang
materyales
3. Naipamalas ko ang
kawilihan sa pagguhit.

City of Good Character


5
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin
Sa araling ito ay matutuhan mo ang mahahalagang kaalaman at
kasanayan sa gawaing metal. Ito ay makakatulong upang mapalawak ang
kaalaman at kahusayan sa paggawa.

Narito ang mga bagay na maaari mong matutunan sa araling ito:

1. Natatalakay ang mga mahahalagang kaalaman at kasanayan sa


gawaing metal.
2. Naiisa- isa ang mga halimbawa ng gawaing metal na makikita sa
pamayanan.
3. Natutukoy ang mga kabutihang dulot ng gawaing metal sa pag-unlad
ng kabuhayan ng pamilya.

Subukin
Tukuyin ang mga sumusunod kung ano ang mga ito.

_________1. _________2.

_________3. _________4.

________5.

City of Good Character


6
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Aralin Mahahalagang Kaalaman sa
2 Gawaing Metal

Balikan
Itala ang sagot sa bawat tanong.

1. Anong hanapbuhay ang maaaring pasukin ng mga taong may


kaalaman at kasanayan sa gawing kahoy?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Bakit mahalagang matutunan ang kasanayan sa gawaing kahoy?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Tuklasin
Ang pag-aaral naman ng mga gawain tungo sa pagka-akit,
pagmumulat, at pagiging mapamaraan ay magandang kaalaman na
makakamit sa gawaing metal, na napapanahon sapagkat ngayon ay
maraming nagkalat na patapong metal tulad ng bakal, kawad, at
lata na maaaring gamiting muli sa pagbuo ng bagong proyekto
tulad ng dustpan, gadgaran, habonera, kahon ng mga resipi at
kuwadro.
Ang pagiging latero ay hanapbuhay na maaaring mapasukan ng isang
tao na may kaalaman at kasanayan sa gawaing metal.

City of Good Character


7
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Suriin
Nasa kamay ng mga gumagawa ang ikauunlad ng
kabuhayan ng ating bansa. Ang pagpapahalaga sa
gawaing may kinalaman o kaugnayan sa kabuhayan ay
dapat pag-ibayuhin upang maitaas ang uri ng
pamumuhay ng mag-anak at mga mamamayan.

Isa sa mga lawak ng gawaing pang-industriya ay


ang gawaing metal o metal works na tumutukoy sa mga
bagay o kasangkapan na gumagamit ng mga materyales
na metal tulad ng bakal, aluminyo o aluminum, zinc,
stainless, ginto at pilak.

Ang gawaing metal ay tumutukoy sa anumang uri ng elemento


kagaya ng aluminyo, pilak, ginto, lata at iba pa. Karaniwang inilalarawan
ang mga ito batay sa kintab, tibay, pag-conduct ng init at elektrisidad. Ang
ilan sa mga kagamitang yari sa metal ay susi, bubong, seradura o kandado,
tanikala, tubo, alambre, martilyo, turnilyo, kagamitan sa pagluluto at
kubyertos.

Halimbawa ng Metal

Pagyamanin

Online: Gumawa ng Photo collage ng mga patapong bagay na yari sa metal


na maaaring gawing kapaki-pakinabang. Lagyan ng diskripsiyon ang bawat
isa.

Offline: Mag-isip ng mga bagay o proyekto na yari sa metal. Mula sa mga


patapong materyal o pinaggamitan ng mga bagay. Magbigay ng mga
proyekto na maaari pang i-recycle upang gawing kapaki- pakinabang. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

City of Good Character


8
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Mga Patapon/Sirang Bagay na Bagay na Maaari Pang Gawin
Gawa sa Metal

Isaisip
Ano ang kahalagahan ng kaalaman sa gawaing metal?Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
1.________________________________________________________________
2.________________________________________________________________
3.________________________________________________________________

Isagawa
Lagyang ng tsek (/) kung ang larawan sa ibaba ay may kinalaman sa
gawaing metal, ekis (x) kung ang larawan ay walang kinalaman sa gawaing
metal.

1. _______ 4. _______

2. _______
5. _______

3. _______

City of Good Character


9
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tayahin
Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
A. Electrician D. Metal
B. Gawaing bakal E. Pagpapanday
C. Latero/welder F. Yero o lata
1. Ibang katawagan sa gawaing metal.
2. Ito ay tumutukoy sa paghuhulma ng bakal.
3. Materyales na kalimitang ginagamit sa paggawa ng dustpan.
4. Ito ang tawag sa taong may kaalaman sa gawaing metal.
5. Tumutukoy sa anumang uri ng elemento kagaya ng aluminyo, pilak,
ginto, at iba pa.

Karagdagang Gawain
Gumupit ng larawan na nagpapakita ng mga gawaing metal. Idikit sa
malinis na papel.

Alamin
Sa araling ito ay matutuhan mo ang mahahalagang kaalaman at
kasanayan sa gawaing kawayan. Ito ay makakatulong upang mapalawak
ang kaalaman at kahusayan sa paggawa.

Narito ang mga bagay na maaari mong matutunan sa araling ito:

1. Natatalakay ang mga mahahalagang kaalaman at kasanayan sa


gawaing kawayan.
2. Naiisa- isa ang mga halimbawa ng gawaing kawayan na makikita sa
pamayanan.
3. Natutukoy ang kabutihang dulot ng gawaing kawayan sa pag-unlad
ng kabuhayan ng pamilya.

Subukin
Tukuyin ang mga bagay na nasa larawan. Lagyan ng tsek (/) kung ito ay
gawa sa kawayan, ekis (x) kung hindi naman ito gawa sa kawayan.

1. ___ 3. ___ 5. ___

City of Good Character


10
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
2. ___ 4. ___

Aralin Mahahalagang Kaalaman sa


3 Gawaing Kawayan
Ang mga pangunahing kaispan at kasanayan sa kawayan at iba
pang sining pang-industriya ay maaaring makasagot sa pang araw- araw na
pangangailangan ng mag-anak na maituturing kawili-wili at kapaki-
pakinabang. Ang isa pa sa mga lawak ng Sining Pang-industriya ay ang
gawaing kawayan. Ang kawayan ay isang uri ng halaman o damo na
madaling matatagpuan sa Pilipinas. Karaniwang tumutubo ang kawayan sa
halos lahat ng pook sa Pilipinas. Ito ay matibay kaya mahusay gamitin sa
paggawa ng bahay, muwebles at iba pang kapaki-pakinabang na
kagamitang mapagkakakitaan.

Balikan

Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

1. Ano anong mga kagamitan o kasangkapan na maaaring gawin mula sa


mga patapong bakal, yero at lata? Magbigay ng limang (5) halimbawa.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Magtala ng lima (5) iba pang halimbawa ng mga kagamitang metal na
ginagamit sa paggawa ng iba’t ibang produkto o kasangkapan sa
bahay.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

City of Good Character


11
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tuklasin

Tingnan at suriin ang larawan. Ano ang nasa larawan? Ano-anong


kasangkapan ang maaari mong gawin dito? Sa mga kasangkapang iyong
nabanggit; alin ang kaya mong gawin? Anong materyales at kasangkapan
na maaaring gamitin sa pagbuo nito?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Suriin
Ang kawáyan ay isang uri ng halamang damo na madaling
matatagpuan sa Tsina, Hapon, Malaysia, Pilipinas at ibang Asyanong
bansa. Ito rin ay nagagamit bilang handikrafts na pangkultura; at pagkain
ng panda. Napagkukunan ang mga kawayan ng mga nakakaing labong, ang
mga usbong ng halamang ito. Tinatawag na kawayanan ang taniman ng
mga kawáyan.

Halimbawa ng mga gawaing kawayan.


1. Place mat
2. Wall base
3. Paglalala ng sawali
4. Basket
5. Kaing
6. Alkansya

Mga Uri ng Kawayan

1. Anos (Schizostachyum lima). Isang uri ng


namumulaklak na kawayang likas na
matatagpuan sa ating bansa. Ito ay pinaparami sa
pamamagitan ng binhi o ginagamitan ng hiwang
rhizome.
Ginagamit ito sa paggawa ng sawali, pamingwit, at

City of Good Character


12
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
kasangkapang pangmusika. Sa malalayong pook, ginagamit ng ilang
hilot ang kutsilyong yari si anos para putulin ang lawit ng pusod ng
bata.
2. Bayog (Dendrocalamus merilliana). Ito ay uri ng
kawayang tuwid, makintab ngunit walang tinik.
Umaabot ang taas nito sa 10 hanggang 25m at
may kapal na 4 hanggang 12cm. Ginagamit ito sa
paggawa ng bahay, kasangkapan o muwebles,
papel, basket, at panggatong. Karaniwan itong
nabubuhay sa mababa at katamtamang taas ng lugar.
3. Botong (Dendrocalamus latiflores). Ito ay uri ng
kawayan na matatagpuan sa mga bansa ng Asya.
Sa Pilipinas, ito ay umaabot ng taas ng 14
hanggang 20m at nabubuhay sa matataas at
maiinit na lugar.
Ito ay ginagamit sa paggawa ng bahay, tubong
tubig, balsa pangingisda, at papel, Karaniwan ang
mga dahon nito ay ginagamit sa paggawa ng
sombrero at pambalot ng gamit.
4. Buho (Schizostachyum lumampao). Ito ay
tinatawag ding sawali at nabubuhay sa matataas
at maiinit na lugar. Napaparami ang ganitong uri
ng kawayan sa pamamagitan ng pagtatanim ng
buto nito. Ginagamit ito sa paggawa ng flute, handicrafts, at mga
disenyo sa parke.
5. Kawayang Bolo (Gigantochloa levis). Ang uri ng
kawayan na karaniwan ay kumpol sa isang lugar,
mabalahibo at may lapad na 5 hanggang 10cm.
Lumalaki ito mula 12 hanggang 20m. Ginagamit
din ito sa paggawa ng haligi at bubong ng bahay.
6. Kawayang Kiling (Bambusa vulgaris). Ito ay tuwid
at may dilaw na tangkay. Ito ay may taas na
umaabot hanggang 17m at may lapad na 15cm.
Ito ay makinis at walang tinik. Ang labong nito ay
nagsisilbing pagkain at ginagamit sa paggawa ng
atchara, paggawa ng papel, sangkap sa mga
gamit pampaganda, at ang mga tangkay nito ay
ginagamit sa paggawa ng tulay at mga bahay.

City of Good Character


13
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
7. Kawayang Tinik (Bambusa spinosa). Ito ay
karaniwang may mga tinik at ang tangkay nito ay
umaabot ng 10 hanggang 25m, may lapad na 8
hanggang 15cm at namumulaklak. Maaari rin
itong kainin at ipanggamot.
8. Giant Bamboo (Dendrocalamus asper). Ang uri ng
kawayan na ito ay magaspang at karaniwang
nasa kumpol. Ito ay may taas na umaabot mula
20 hanggang 30m at may lapad na 8 hanggang
20cm. Ang mga gamit nito ay paggawa ng bahay
at tulay, instrumentong musikal, chopsticks,
muwebles at lutuan.

Pagyamanin

Pagtambalin ang hanay A at hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa


sagutang papel.
Hanay A Hanay B
1. Bayog A. Dendrocalamus merilliana
2. Botong B. Schizostachyum lumampao
3. Buho C. Dendrocalamus asper
4. Kawayang Kiling D. Dendrocalamus latiflores
5. Giant Bamboo E. Bambusa vulgaris

Isaisip
Magbigay ng limang halimbawa ng mga kagamitang yari sa kawayan.Isulat
ang sagot sa sagutang papel.
1. 4.
2. 5.
3.

Isagawa
Gumupit ng limang (5) larawan ng mga kagamitang gawa sa kawayan. Idikit
sa malinis na papel.

City of Good Character


14
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tayahin
Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel.

1. Malaki ang maitutulong sa mag-anak na may kaalaman sa gawaing


kawayan sa kanilang _________.
A. pag-aaliw C. pag-unlad
B. pag-iisip D. pangungutang
2. Ang ________ ay karaniwang tumutubo sa lahat ng pook ng Pilipinas.
A. kahoy C. kawayan
B. kawad D. metal
3. Sa mga pook na sagana sa kawayan, ang ________ ang maaaring gawin.
A. paghahabi C. pagkakarpentero
B. paglalatero D. pagwewelding
4. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng kagamitan na yari sa
kawayan?
A. bakya C. dustpan
B. batya D. lampshade (lampara)
5. Ang kawayan ay maaari ring magamit sa paggawa ng bahay, muwebles,
at _______.
A. bakya C. dustpan
B. basket D. gadgaran

Karagdagang Gawain

Gumuhit ng isang palamuti na yari sa kawayan na kaya


mong gawin. Lagyan ng kulay upang ito ay mas higit na
maganda at kaakit-akit.

Rubrik ng Pagguhit

Nakasunod sa Nakasunod sa Hindi


Pamantayan pamantayan pamantayan nakasunod sa
nang higit sa subalit may ilang pamantayan
inaasahan kulang (1)
(3) (2)
1. Nakaguhit ng produkto mula
sa kawayan.
2. Napahalagahan ang mga
gawaing kawayan.

City of Good Character


15
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
3. Naipamalas ang kawilihan
sa pagguhit ng gawaing
kawayan.

Huling Pagtatasa (Post Test)


A. Pagtambalin an gang hanay A at hanay B. Isulat ang sa sagot sa
sagutang papel.

Hanay A Hanay B
1.Ang mga __________ay hindi A. Dekalidad
lamang mahalaga sa atin kundi sa
lahat ng bagay na may buhay.
2. Mahalagang mapangalagaan ang B. Henerasyon
mga punong-kahoy sa ating
kagubatan o paligid upang may
maaabutan pa ang mga susunod na
______________.
3. Maaaring manganib na C. Maubos
___________ ang mga punong-kahoy
kung walang habas na pinuputol ito
ng mga abusadong tao o negosyante
sa ating bansa.
4. Ang mga __________________ ay D. Lumang kahoy
maaari pang gawing kapaki-
pakinabang na gamit sa bahay.
5. Ang Pilipinas ay kilala sa paggawa E. Punong-kahoy
ng mga _______________ na
produkto na gawa sa kahoy tulad ng
mga muebles.

B. Tukuyin ang uri ng kawayan na inilalarawan sa bawat pangungusap,


isulat ang sagot sa sagutang papel.
6. Ito ay karaniwang may mga tinik at ang tangkay nito ay umaabot ng 10
hanggang 25m, may lapad na 8 hanggang 15cm at namumulaklak.
7. Ito ay tinatawag ding sawali at nabubuhay sa matataas at maiinit na
lugar.
8. Ito ay uri ng kawayang tuwid, makintab ngunit walang tinik.

City of Good Character


16
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
9. Ang uri ng kawayan na karaniwan ay kumpol sa isang lugar, mabalahibo
at may lapad na 5 hanggang 10cm.
10. Isang uri ng namumulaklak na kawayang likas na matatagpuan sa
ating bansa.

Aralin 1

Subukin
Balikan
Answers may vary
Pagyamanin
Isaisip Tayahin
De-kalidad 5. Tama 5.
Lumang kahoy 4. Mali 4.
Maubos 3. Tama 3.
Henerasyon 2. Tama 2.
Punong Kahoy 1. Tama 1.

Aralin 2

Subukin Balikan, Pagyamanin, Isaisip Isagawa Tayahin


X 5. D 5.
Kwentas 5.
Answers may vary / 4. C 4.
Kaldero 4.
/ 3. C 3.
Lañera 3.
X 2. E 2.
Lata 2.
X 1. B 1.
Bakal 1.

Aralin 3Balikan,Tuklasin,Isaisip Pagyamanin Tayahin


5.C 5.B
4.E 4.D
Answers may vary
3.B 3.A
2.D 2.C
1.A 1.C

City of Good Character


17
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Sanggunian

 https://www.slideshare.net/mariejajaroa/mga-gawaing-pang-industriya-
56947572
 https://www.slideshare.net/Jefferdxxx/epp-5-industrial-arts
 https://www.discrib.com
 https://www.kahoyanfurniture.com
 https://www.yandex.com
 https://www.houzz.com
 https://www.learningoneatatime.wordpress.com
 https://wwwtl.giftsengravedco.com
 https://wwwen.wikipedia.org
 https://www.he-il.facebook.com
 https://www.hirayaimagesanddesigns.blogspot.com
 https://www.clipartstation.com
 https://www.infoowalls.ru
 https://www.kawalingpinoy.com
 https://www.originalcraftsbyme.blogspot.com
 https://www.snapedandscribbled.com
 https://www.tl.youcannna.com
 Peralta, GloriaA., EdD, et al., Kaalaman at Kasanayan Tungo sa
Kaunlaran, Batayang Aklat, pp.176-181
 Peralta, Gloria A., Mata, Marianne M., de Guzman, Jeffrey D., Kaalaman at
Kasanayan Tungo sa Kaunlaran, Manual ng Guro, pp. 36-39.
 https://bcl.m.wikipedia.org/wiki/Ladawan:Bula_Bamboo_Crafts_02.JPG
 https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Cut_Bamboo.jpg
 https://www.pikist.com/free-photo-iahoo
 https://commons.wikimedia.org/wiki/File:2305FoodsFruitsVegetableCuisi
neBulacan48.jpg
 https://www.flickr.com/photos/147778363@N07/33140366045
 https://www.flickr.com/photos/125989912@N08/15054209272

City of Good Character


18
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jocelyn F. Cortez (Teacher I, CISEL)


Editors:
James G. Garcia (MT I, PES)
Pablo S. Salazar Jr. (Master Teacher I, MALES)
Jesseca M. Mandapat (T III, SNES)
Mary Grace O. Pariñas (Teacher II, NES)
Language Editor: Crisanta A. Deogracias (MT I, MalES)
Internal Reviewer:
Reingelyn P. Donato (OIC-Principal, Leonardo Victorino Elementary School)
Joseph T. Santos (Education Program Supervisor-EPP/TLE)
Illustrator:
Claide G. Pekas (T II, CISEL)
Christopher E. Mercado (MT I, JDPNHS)
Taggalapat:
Mary Grace O. Pariñas (Teacher II, NES)
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe - CID
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Joseph T. Santos
Superbisor sa TLE/EPP

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa LRMS

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

City of Good Character


19
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like