Professional Documents
Culture Documents
April 30 AP2
April 30 AP2
Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 6:
Mga Alituntunin sa Komunidad
Alamin
Alam mo ba kung ano-ano ang mga alituntunin sa
iyong komunidad? Sa modyul na ito ay pag-aaralan mo
ang mga alituntunin o batas na ipinatutupad sa iyong
komunidad.
Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral
ay inaasahang:
1. naisasagawa ang disiplinang pansarili sa
pamamagitan ng pagsunod sa mga tuntunin bilang
kasapi ng komunidad; (AP2PKK-IVf-5)
2. natutukoy ang ilang mga ordinansang ipinatutupad sa
komunidad; at
3. napahahalagahan ang mga batas o tuntuning
ipinatutupad bilang isang kasapi ng komunidad.
Subukin
Panuto: Isulat ang tsek (✓) kung ang pahayag ay
tumutukoy sa mga tuntuning dapat sundin ng bawat
kasapi ng isang komunidad at ekis (×) kung hindi.
Ilagay ang sagot sa sagutang papel.
1. maglibang at makapaglaro sa komunidad
2. igalang ang watawat o bandila ng bansa
3. maisilang at magkaroon ng pangalan
4. tumawid kahit saan mo naisin
5. magtapon ng basura kahit saan
1
Aralin
Mga Alituntunin sa
6 Komunidad
May mga alituntunin ang bawat komunidad. Ang
alituntunin ay mga patakaran, kautusan o batas na
dapat sundin ng mamamayan.
Mahalaga ang mga alituntunin para sa komunidad
at sa mga mamamayang nakatira o naghahanap-buhay
dito. Binubuo at ipinatutupad ang mga alituntunin para
sa ikabubuti ng mga mamamayan sa komunidad.
Balikan
Panuto: Iguhit ang hugis puso ( ) kung nararapat gawin
ang mga nakatalang tungkulin ay ekis (×) naman kung
hindi dapat. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. makilahok sa mga programang pangkalinisan at
pangkalusugan ng barangay para sa komunidad
2. magtapon ng basura kung saan-saan
3. tumulong sa mga matatandang hirap tumawid sa
kalsada
4. tumawid sa tamang tawiran kahit walang
nakatinging pulis-trapiko
5. tumulong sa mga nangangailangan lalo na sa
panahon ng kalamidad
2
Tuklasin
Alituntunin sa Komunidad
Ang bawat komunidad ay may mga alituntuning
ipinatutupad sa lahat ng nasasakupan. Gumagawa ang
pamahalaang pambarangay o panlungsod ng mga
ordinansa upang maging matibay ang pagpapatupad
ng mga ito. Narito ang ilang halimbawa:
3
5. Ordinansa Bilang 237 ng Lungsod ng Meycauyan 2019
➢ Ordinansa para sa paghatak ng mga sasakyang
ilegal na nakaparada at nakasasagabal sa
trapiko.
4
Panuto: Basahin at piliin ang ordinansang tinutukoy. Isulat
ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. nagbabawal sa pagparada ng mga sasakyan sa mga
pangunahing kalsada ng Barangay Mulawin
A. Ordinansa Bilang 03-2018
B. Ordinansa Bilang 237
C. Ordinansa Bilang 1, Taon 2018
2. mandatoryong pagsusuot ng face mask sa
pampublikong lugar
A. Ordinansa Bilang 2020-037-05
B. Ordinansa Bilang 1189
C. Ordinansa Bilang 2020-032-04
3. nagbabawal sa sinoman ang paglabas simula 8:00 ng
gabi hanggang 5:00 ng umaga
A. Ordinansa Bilang 2020-032-04
B. Ordinansa Bilang 1189, Taon 2002
C. Ordinansa Bilang 8616
4. nagbabawal sa sinomang mamamayan na pinsalain,
putulin, o sunugin ng anomang uri ng punong-kahoy.
A. Ordinansa Bilang 03-2018
B. Ordinansa Bilang 1189, Taon 2002
C. Ordinansa Bilang 8621
5. nagbabawal sa pampublikong lugar ang pagdura ng
plema o anomang substansiya na magmumula sa ilong
o bibig
A. Ordinansa Bilang 8621
B. Ordinansa Bilang 03-2018
C. Ordinansa Bilang 8616
5
Suriin
May mga alintuntuning dapat tuparin sa komunidad.
Kinakailangang malaman ng mga tao ang kahalagahan
nito sa lahat ng mamamayan.
Ang ordinansa ay mga alituntunin at kautusan o
batas na ginawa ng Sangguniang Barangay. Ito ay
ipinatutupad para sa ikabubuti ng buong komunidad.
Ang mga alituntunin ay ginawa o binuo dahil ang
pangunahing layunin nito ay para sa ikabubuti ng
mamamayan at ikakaganda ng ating pamumuhay.
6
Pagyamanin
Gawain A
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kaugnay ng mga
tungkulin ng mga simbolong nasa Hanay A. Isulat ang
letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
A B
A. Bawal manigarilyo
1.
B. Bawal tumawid
2.
3. C. Bawal magtapon ng
basura
4. D. Pook paaralan
E. Bawal bumusina
5.
F. Bawal pumarada
7
Gawain B
Panuto: Kompletuhin ang mga pahayag tungkol sa
tungkulin sa komunidad. Piliin ang tamang sagot sa
loob ng kahon at isulat sa sagutang papel.
8
Isaisip
Gawain A
Panuto: Pagdugtungin ang mga suliraning nasa hanay A
sa tamang mga alituntunin sa hanay B. Piliin at isulat sa
sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
A B
9
Gawain B
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang letrang A kung
alituntunin ang ipinahahayag sa bawat bilang at
letrang AH kung hindi.
1. Bawal bumusina sa tapat ng simbahan.
2. opisina ng paaralan
3. Pumila po nang maayos.
4. tindahan ni Aling Bebang
5. Bawal ang pumarada rito.
6. lungsod ng San Jose del Monte
7. Bawal ang mag-ingay sa loob ng silid-aklatan.
8. Magsuot ng face mask sa pampublikong lugar.
9. tulay ng San Juanico
10. Bawal gumamit ng dinamita sa pangingisda.
Isagawa
10
4. Magtapon ng kalat kahit saan kung walang nakalagay
na basurahan.
5. Magpatugtog nang malakas kung nasa pook-ospital
upang maging masigla ang mga pasyente.
Tayahin
Panuto: (KRUSIGRAMA) Basahin ang talaan ng mga salita
sa kolum na pahalang at pababa upang mabuo ang
mga salita. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.
p
p p
a
p k k a
f
a
c c t
h
v n g
p n a m
9 k a
11
Pahalang
1. alituntunin para sa kalinisan ng komunidad
7. alituntuning nagtitiyak sa kaligtasan ng mga kasapi ng
komunidad
10. lugar na tinitirhan ng mga mamamayan na may
pagmamahalan at pagtutulungan
Pababa
2. alituntuning ipinatutupad upang maging malusog at
malayo sa sakit ang mga kasapi ng komunidad
3. nakahahawang sakit na pandemya na nagmula sa
bansang Tsina
4. alituntuning ipinatutupad upang maging maayos at
maiwasan ang karahasan o gulo sa komunidad
5. patakarang ipinatutupad ng bawat komunidad
6. bagay na ipinantatakip sa bibig at ilong upang hindi
madaling mahawaan ng sakit
8. alituntuning ipinatutupad upang maging matiwasay at
tahimik sa komunidad
9. alituntuning ipinatutupad upang hindi masira o maubos
ang likas na yaman ng komunidad.
12
Karagdagang Gawain
13