Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Department of Education

Region V
Division of Camarines
NABUA EAST DISTRICT

TALAAN NG ISPESIPIKASYON
IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSUSLIT
ARALING PANLIPUNAN 6

Kasanayang Pampagkatuto Bilang Kabuang Bilang


ng Araw bilang ng ng
Aytem Aytem

Nasusuri ang mga suliranin at hamon sa ilalim ng Batas Militar. 5 5 I-#1-5


(AP6TDK-IVa-1
Natatalakay ang mga pagkilos at pagtugon ng mga Pilipino na 5 5 I-#6-10
nagbigay daan sa pagwawakas ng Batas Militar.
People Power 1
(AP6TDK-IVb-2)
Natatalakay ang mga pagkilos at pagtugon ng mga Pilipino na 6 7 I-#11-17
nagbigay daan sa pagwawakas ng Batas Militar. (AP6TDK-IVb-2)
Napahahalagahan ang pagtatanggol at pagpapanatili sa karapatang 8 10 III-#41-50
pantao at demokratikong pamamahala. (AP6TDK-IVb-3)
Nasusuri ang mga pangunahing suliranin at hamong kinahaharap ng 5 5 I-#26-30
mga Pilipino mula 1986 hanggang sa kasalukuyan. (AP6TDK-IVc-
d-4 )
Natatalakay ang mga programang ipinatupad ng iba’t ibang 6 8 I-#18-25
administrasyon sa pagtugon sa mga suliranin at hamong kinaharap
ng mga Pilipino mula 1986 hanggang sa kasalukuyan.(Panahon ni
Pangulong Corazon C. Aquino hanggang sa Panahon ni Pangulong
Joseph E. Estrada). (AP6TDK-IVc-d-4)
Natatalakay ang mga programang ipinatupad ng iba’t ibang 8 10 II-# 31-40,
administrasyon sa pagtugon sa mga suliranin at hamong kinaharap
ng mga Pilipino mula 1986 hanggang sa kasalukuyan.(Panahon ni
Pangulong Gloria M. Arroyo hanggang sa Panahon ngkasalukuyang
Administrasyon Panulong Rodrigo R.
Duterte).(AP6TDK-IVc-d-4)
TOTAL 43 50 50

Inihanda ni:

GLENDA N. PAJA
Teacher 1, SVES
Sinuri at Iwinasto ni:

Gng. JENEFE H. QUIAPO


Master Teacher 2
Paloyon Elementary School
IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT
ARALING PANLIPUNAN 6

Pangalan: __________________________________________Petsa: ____________________ Iskor:


Baiting at Seksyon: ________________________________ Guro: ___________________________________
I- PANUTO: Isulat sa patlang ang itik ng tamang sagot.

_______1. Kailan ideneklara ni pangulong Marcos ang Batas Militar?


a. Setyembre 21, 1972 c. Setyembre 22, 1973
b. Setyembre 21, 1971 d. Setyembre 22, 1972
_______2. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit ideneklara ang Batas Militar MALIBAN SA ISA.
Alin ito?
a. Pagbasak ng ekonomiya c. Kaliwa’t kanang kilos protesta
b. Maging makapangyarihang bansa d. Mapanaliti ang katahimikan sa bansa
_______3. Siya ang pangulong kilala bilang isang Diktador.
a. Fidel V. Ramos c. Ferdinand Marcos
b. Joseph E. Estrada d. Benigno Simeon C. Aquino III
_______4. Alin sa mga sumusunod ang naging hamon sa administrasyong Marcos?
a. Pakikiisa ng mga Pilipino sa mga kilos protesta
b. Lubusang pagsuporta ng mga Pilipino sa mga programa ni Pangulong Marcos
c. Nanlumo ang mga mamamayang Pilipino sa labis na pagkabaon sa utang ng ating
bansa.
d. Naging mas malapit siya sa mga mamamayan.
_______5. Ito ay ang pagsuspinde sa karapatan ng mamamayan laban sa eligal o hindi makatarungang
pagpigil o pagkapiit ng walang kasulutan ng utos hukuman laban sa mga taong sumasalungat
sa Pangulong Marcos o mas kilala sa tawag na_______________?
a. Writ of Habeas Corpus c. Capital punishment
b. Martial law d. Veto Power
_______6. Kailan naganap ang Rebolusyon sa EDSA na nagluklok kay Pangulong Corazon C. Aquino sa
posisyong pagka presidente?
a. Agosto 21,1983 c. Pebrero 25, 1986
b. Setyembre 21, 1986 d. July 25, 1986
_______7. Sino ang senador na pinaslang sa panahon ni Pangulong Marcos?
a. Juan Ponce Enrile c. Benigno “Ninoy”Aquino Jr.
b. Fabian Ver d. Benigno “Noynoy”Aquino
_______8. Anong uri ng pamahalaan meron si Pangulong Marcos?
a. Diktatoryal c. Demokratico
b. Monarkiya d. Pederalismo
_______9. Siya ang ikalawang babaeng pangulo ng bansa at ikalawang naging pangulo sa pamamagitan ng
Mapayapang Rebolusyon noong Enero 20, 2001.
a.Corazon C. Aquino c. Melchora Aquino
b.Gloria Macapagal Arroyo d. Wala sa mga nabanggit
______10. Ang tawag sa himagsikan ng lakas ng bayan.
a. Demonstrasyon c. Snap Election
b. People Power d. Batas Militar
______11. Siya ang Alagad ng Simbahang Katoliko na nagsilbi bilang arsobispo ng Maynila nang 25 taon.
a. Cardinal Sin c. Gringo Honasan
b. Fidel Ramos d. Fabian Ver
______12. Ito ay nangangahulugang isang mapayapang paraan ng pagtutol sa mga ipinatutupad ng pamahalaan at di
pagtangkilik sa mga serbisyong ibinibigay ito.
a. Civil Disobedience c. Lakas ng Bayan
b. Mapayapang Demonstrasyon d. Coup d’etat
______13. Ito ang ahensya ng pamahalaN ang opisyal na namamahala sa bilangan tuwing eleksyon.
a. NAMFREL c. COMELEC
b.. National Election Movement d. Batasang Pambansa
______14. Ang pamahalaang ito ang naatasang magsiyasat at magsagawa ng mga pagkilos upang muling mabawi
ang pera ng bayang sinasabing nasa pamilya Marcos.
a. NAMFREL b. PCGG c. DFA d. NHA
______15. Ito ang nagbigay daan upang tuluyang mawakasan ang Batas Militar at Diktaturyang Marcos.
a. Batas Militar c. Coup d’etat
b. People Power Revolution d. Wala sa Nabanggit
______16. Paano mo mabibigyang halaga ang kontribusyon ng mga Pilipinong nakipaglaban sa kalayaan ng bansa
noong panahon ni Marcos?
a. Sa pamamagitan ng patuloy na paggunita at pag-aaral ng pangyayaring ito.
b. Sa pamamagitan ng paglimot at pagpapawalang-bahala nito sa kasalukuyan.
c. Sa pamamagitan ng pagsasadula nito kapag naaala lamang.
d. Sa pamamagitan ng panonood ng mga Korean drama.
______17. Ito ang tawag sa pagbibigay ng pabor sa mga kamag-anak at kaibigan.
a. Nepotismo b. Crony c Demokrasya d. Sedisyon
______18. Ano ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa Batas Militar na dineklera ni dating Pangulong Marcos?
a. Saya at kapayapaan sa kalooban
b. Marami ang hindi sumang-ayon sa Batas Militar
c. Ang lahat ay kontra sa Batas Militar
d. Ang lahat ay natakot sa Batas Militar
______19 Ito ang samahang binubuo ng mga Muslim na nagnanais na magtatag ng hiwalay na pamahalaan sa
Mindanao.
a. NPA b. CPP c. MNLF d. NDF
______20. Isa sa mahalagang naging programa ni dating Noynoy Aquino kung saan sa ilalim ng batas na ipinatupad
ay higit na humaba o tumagal ang pag-aaral ng mga mag-aaral na Pilipino sa ilalim ng basic education.
a. Abot Alam Program c. 4 Ps Program
b. K to 12 Program d. Kariton Klasrum
______21. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga naging programa ni dating Pangulong Gloria Arroyo?
a. Pag-akit sa mga local at dayuhang mamumuhunan.
b. Pagbuo ng mga livelihood program para sa mga walang trabaho at out of the school
youth.
C, Pagpapatibay ng batas hinggil sa Power Reform Program Act, Anti Money Laundering Act
at E-VAT.
d. Pagpapatupad ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program
______22. Pag-aalis ng Countrywide Development Fund o mas kilala sa tawag na “pork barrel” o ang milyon-milyong
pisong ibinabahagi sa mga lokal na pamahalaan na di umano ay napupunta lamang sa mga kawani ng
gobyerno sa halip na gamitin sa pagtustos sa pangangailangan ng mga mamamayan ang isa at kilalang
naging program niya.
a.Joseph Estrada c. Cory Aquino
b.Fidel Ramos d. Rodrigo Duterte
_______23. Kung ang isang tao ay nasa katwiran, nararapat lamang na magkamit siya ng katarungan anuman ang
kalagayan o katayuan niya sa buhay. Anuman ang liping kinabibilangan, ang lahat ng mamamayan sa
bansa ay nararapat na bigyan ng pantay- pantay na pangangalaga. Anung karapatan ang tinutukoy dito
ayon sa Saligang Batas ng 1987?
a.Karapatan sa pagiging alipin
b. Pantay-pantay na pangangalaga ng batas
c. Karapatang kilalanin bilang tao.
d. Karapatan sa isang makatarungang pasya.
_______24.Ang pribelehiyong ito ang nangangalaga sa mga mamamayan upang hindi makulong nang hindi
dumaraan sa tamang paglilitis ngunit sinuspinde na naging daan upang maikulong at hulihin ang mga
taong kumakalaban sa pamahalaan.
a. Plebisito c. writ of habeas corpus
b. referendum d. subpoena
______25. Alin sa mga sumusunod ang mga suliraning panlipunang kinahaharap ng ating bansa?
a.Problema sa Kahirapan c. Suliranin sa Ipinagbabawal na Gamot
b.Malaking Bilang ng Populasyon d. Lahat ng Nabanggit
______26. Suliraning panlipunang kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan na kung saan maigting na kinokontrol
ng ating pamahalaan lalo’t higit ang mga kapulisan. Isa sa mga paraan upang masugpo ito ay ang
tinatawag ng PNP na Oplan Tokhang.
a. Problema sa Kahirapan c. Suliranin sa Ipinagbabawal na Gamot
b. Malaking Bilang ng Populasyon d. Korapsyon sa Pamahalaan
______27. Anong tawag sa uri ng polusyon na kung saan nakapagdudulot ng iba’t ibang sakit lalo na sa baga.
Gayunpaman, isa sa pinakmatinding bunga nito ay ang pagkasira ng ozone layer na nagsisilbing
proteksyon ng mundo mula sa matinding sikat ng araw?
a. Polusyon sa Tubig c. Ingay
b. Polusyon sa Hangin d. Wala sa Nabanggit
______28. Ano ang pinaka-kailangang gawin ng mga mamamayan at pamahalaan upang malutas ang iba’t-ibang
suliranin ng bansa?
a. Maging disiplinado.
b. Nararapat na gumawa ng programa ang pamahalaan ukol sa suliranin ng bansa.
c. Ang mga mamamayan ay kinakailangang sumuporta sa programang makatutulong sa paglutas ng mga
suliranin.
d. Ang pamahalaan at mamamayan ay kailangang magtulungan at magkaisa.
______29. Anu-ano ang mga kabutihang naidudulot ng pagtangkilik sa ating sariling produkto?
I. Nagdudulot ng mas maraming hanapbuhay sa loob ng bansa
II. Nagpapalakas sa mga okcal na industriya at negosyo
III. Nakatutulong upang magkaroon ng mas malaking kita ang pamahalaan
IV. Napauunlad at naipakikilala ang kulturang Pilipino.
a.I, II, III . b. II, IV, I c. III, IV, I d. Lahat ng Nabanggit
______30. Upang makatulong sa pagsulong at pag-unlad ng ating bansa nararapat lamang na ang mga
mamamayan nito ay ____________________.
a. Maging bahagi sa pagtitinda ng produkto ng ibang bansa.
b. Tangkilikin ang mga imported na produkto
c. Mag-ipon upang makabili ng mamahaling produkto ng ibang bansa
d. Tangkilikin ang sariling produkto

II- Tukuyin ang mga pangulong nagpaupad ng mga sumusunod na programa . piliin ang sagot sa Ibaba.

PGMA- Pangulong Gloria Arroyo


PNOY- Pangulong Noynoy Aquino
PRRD- Pangulong Rodrigo Roa Duterte
________31. 4’Ps
________32. K to 12 Program
________33. Build Build Build program
________34. War on Drugs
________35. Matuwid na daan
________36. KALAHI
________37. Road RORO Terminal System (RRTS)
________38. Walang Wangwang
________39. Pagsulong sa mga programa ng DAR
________40. E-VAT

III- Punan ang hinihingi sa ibaba upang makompleto ang graphic organizer tungkol sa panunumbalik ng
demokrasya sa ating bansa . at ipaliwanag ito . (10 puntos)

(1986 EDSA People


Power Revolution)

__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
Susi sa Pagwawasto

I- Multiple Choice
1 A 16 A
2 B 17 B
3 C 18 B
4 C 19 C
5 A 20 B
6 C 21 B
7 C 22 D
8 A 23 B
9 B 24 C
10 B 25 D
11 A 26 C
12 B 27 B
13 C 28 C
14 B 29 D
15 B 30 D
II- Identification III -
31 PGMA 41-50 diskresyon ng guro
32 PNOY
33 PRRD
34 PRRD
35 PNOY
36 PGMA
37 PGMA
38 PNOY
39 PRRD
40 PGMA

You might also like