?????? ??? ???????? ?? ??? ??????????? ???? ?? ??????????

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

𝗜𝗧𝗜𝗚𝗜𝗟 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗨𝗧𝗢𝗟 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗧𝗔𝗡𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗡𝗢 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗡𝗗𝗨𝗤𝗨𝗘!

SIGN THE PETITION NOW!


Let's Do this Marinduque.
Di kakasalita ang mga puno pero kita kakapirma at kakadaldal.
(Click the link, Sign, Share, Tag everyone)

SA DPWH, DENR, at sa Lahat ng Lokal na Pamahalaan ng Lalawigan ng Marinduque,


Kami po ay may hiling.

Hiling na sa panahon na ang climate change ay nagdulot ng pambihirang heat index na naabot sa
5O degrees sa maraming lugar sa Pilipinas, ay kami ay nabibiyayaan ng mga puno na silong sa
nagbabagang init ng araw at proteksyon sa baha tuwing may bagyong nagabadya,

Na sa pagdaan sa mga kalsada na di naman napupuno ng sasakyan ay nakakalanghap pa kami ng


sariwang hangin sa daan,

Na ang luntiang kulay ng paligid ay nagpapakalma at nagpapaginhawa ng pakiramdam sa aming


probinsya.

Pero ilang linggo na namin nakikita ang mga pulang marka sa mga punong mas matanda pa sa
aing mga lolo at lola. Tanda na malapit na silang tapyasin para sa pagpapalawak ng kalsada na
hindi naman mas mahalaga pa sa kumakalam na sikmura at kawalang kita.

Ano baga ang kasalanan ng mga puno at bakit sila lagi ang nasasakripisyo para sa “konsepto’ ng
“pag-unlad”.

Kaya ito ang aming hiling na sana ay bigyan ng pansin at mapagusapang maigi.
1.Humihiling kami sa mga kinauukulan na HUWAG putulin ang mga puno na may dekada at
siglong gulang sa mga kalsada ng Marinduque para sa pagpapalawak ng kalsada.

2.Pansamantalang pagtigil sa pagputol ng mga puno at pagpapalawak ng kalsada sa buong isla


ng Marinduque hanggang sa makahanap ng paraan kung paano malilipat o mapoproteksyunan
ang mga punong ito.

3. Sa halip na putulin ang mga puno, nananawagan kami sa mga ahensya ng pamahalaan at iba't
ibang sektor na hanapan ng alternatibong solusyon, tulad ng paglilipat o pag-aayos ng mga ito,
para mapanatili ang kalikasan at kagandahan ng ating kapaligiran.Kung nagagawa sa ibang bansa
ay hindi naman siguro kalabisan na magawan ng paraan para maisalba ang mga puno.

4. Magkaroon ng maayos na paguusap para makahanap ng mas mainam na program para sa


tunay na kaunlaran ng lalawigan ng Marinduque

Hindi naman namin inapigilan ang pagunlad. Di rin naman naming nais na tayo ay umurong
imbes na sumulong. Ang hiling laang namin ay ayusin ang prioridad natin sa kung ano ang
pwede natin isakripisyo at ano ang hindi. At sa panahon ng kailangan kailangan natin ang mga
puno sana wag naman natin itong isa walang bahala. Hindi po nakakapagsalita ang mga puno
pero kung sila ay nakakahiyaw malamang ang kanilang hiyaw, " Nasa huli ang pagsisisi
Marinduque." Dahil kung ang usapin ay turismo at agriklutura parehong industriya yan na mas
mainam na buhay at nakatayo ang naggagandahang mga puno natin kaysa nagbabagang daanan
ng mga sasakyan.

Hiling naming ang inyong tulong. Umaasa kami ng iyong pagunawa. Hinihingi naming ang
inyong boses at aksyon. Nabiktima na kami ng nakakasulasok na mina. Wag nyo na hayaan na
maging biktima pa ang napaka liit at napaka bulnerableng ecosystem ng Marinduque ng patuloy
na at walang tuos na pagputol ng mga matatandang puno para laang sa idea na maunlad ang
malawak na kalsada. Dahil hindi yan ang batayan.

Lubos na Gumagalang,

KAMI ANG MARINDUQUE

You might also like