Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

A.

P REVIEWER — REESHAILA DEANN LISONDRA (FLASHCARDS-LIKE REVIEWER)

KABIHASNANG GRESYA
QUESTION ANSWER

Ano ang Agora? Ang Agora ay isang pampublikong lugar sa


kabihasnang Greece kung saan nagaganap
ang mga pulitikal, pang-ekonomiya, at
pangkultura na aktibidad.

Ano ang Acropolis? Ang Acropolis ay isang mataas na lugar sa


kabihasnang Greece na kinaroroonan ng
mga templo, tulad ng Parthenon, at iba pang
mga gusali ng kahalagahan.

Ano ang Trojan? Ang Trojan ay isang lungsod na naging


tanyag dahil sa kuwento ng "Trojan War" na
naganap sa pagitan ng mga Griyego at mga
Trojan.

Ano ang Minoa/Mycenae? Ang Minoa at Mycenae ay dalawang


kabihasnang umusbong sa Greece. Ang
Minoa ay kilala sa kanilang kultura at
arkitektura, samantalang ang Mycenae ay
kilala sa kanilang militaristikong
kapangyarihan.

Ano ang kabihasnang klasiko ng Greece? Ang kabihasnang klasiko ng Greece ay


tumutukoy sa panahon ng malaking
pag-unlad sa sining, pilosopiya, at pulitika sa
Greece. Kilala sa panahong ito ang mga
dakilang manunulat tulad nina Plato at
Aristotle.

Ano ang kaibahan ng Lungsod estado ng Ang Athens ay kilala sa kanilang


Athens at Sparta? demokratikong pamamahala at pag-unlad sa
sining at pilosopiya. Samantala, ang Sparta
ay kilala sa kanilang militaristikong
pamamahala at disiplina.
Ano ang mga mahahalagang pangyayari sa Ilan sa mga mahahalagang pangyayari sa
kabihasnang klasiko ng Greece? kabihasnang klasiko ng Greece ay ang
Persian Wars, Peloponnesian War, at ang
pamumuno ni Alexander the Great.

Ano ang kontribusyon at pamana ng Ang kabihasnang Greece ay nagkaroon ng


kabihasnang Greece? malaking kontribusyon sa sining, pilosopiya,
panitikan, arkitektura, at pulitika. Ang
kanilang mga ideya at kaisipan ay nagpatuloy
hanggang sa kasalukuyan.

Ano ang naging papel ng mga Ang mga Trojan ay naging bahagi ng
kasaysayan ng Greece dahil sa kuwento ng
"Trojan War" na naganap sa pagitan ng mga
Griyego at mga Trojan.

ROMAN CIVILIZATION
QUESTION ANSWER

Ano ang ibig sabihin ng "Roma" o "Rome"? Ang "Roma" o "Rome" ay ang pangalan ng
lungsod na naging sentro ng sibilisasyon ng
Italya.

Saan matatagpuan ang lungsod ng Roma? Ang lungsod ng Roma ay matatagpuan sa


pitong burol ng Ilog Tiber.

Ano ang mga dahilan ng pagbagsak ng Ang mga dahilan ng pagbagsak ng


Imperyong Romano? Imperyong Romano ay maaaring ang
pagpataw at pagtaas ng buwis, ang pili ng
Emperador, ang paghina ng ekonomiya ng
lungsod, pagbaba ng populasyon, at
pagsalakay ng mga barbaro.

Ano ang kahalagahan ng pagkamatay ni Ang pagpatay kay Julius Caesar ay naging
Julius Caesar noong 44 B.C.E.? wakas ng kanyang pamumuno at resulta ng
mga kudeta ng dalawang senador, na
nagdala sa kanyang kamatayan.

Ano ang kahalagahan ng "The Twelve Isinulat ng mga plebeian ang "The Twelve
Tables" sa kasaysayan ng Roma? Tables" upang igiit ang pantay-pantay na
karapatan at naging mahalaga ito sa
pagpapakapit ng batas at lipunan ng Roma.

Ano ang kalikasan ng pamahalaan ng Roman Ang Roman Republic ay isang anyo ng
Republic? pamahalaan kung saan ang mga
mamamayan ay may karapatan bumoto at
pumili ng mga kinatawan, kilala bilang isang
republika.

Ano ang ilang hamon na kinaharap ng Kinaharap ng sinaunang Roma ang mga
sinaunang Roma sa agrikultura? hamon sa agrikultura tulad ng mga alitan sa
lupa, pag-aalaga ng sakahan, at ang
pangyayaring ang mga magsasaka ay
binibenta bilang alipin.

KLASIKAL NA KABIHASNAN NG AMERIKA

QUESTION ANSWER

Sino si Taloc? Si talok ang diyos ng ulan.

Sino si Quetzalcoatl Si Quetzalcoatl ay ang diyos ng hangin para


sa mga Aztec.

Ano ang pinaniniwalaan ng mga Aztec Naniniwala ang mga Aztec na ang mga diyos
tungkol sa mga diyos? ay kailangang maging malakas upang
maiwasan ang mga masasamang diyos sa
pagsira sa mundo.

Kailan nagsimula ang malawakang militar at Ang malawakang militar at


pang-ekonomiyang kampanya ng mga pang-ekonomiyang kampanya ng mga Aztec
Aztec? ay nagsimula noong ika-15 siglo.

Kailan bumagsak ang Tenochtitlan? Bumagsak ang Tenochtitlan noong taong


1521.

Ano ang sanhi ng pagbaba ng populasyon ng Ang pagbaba ng populasyon ng kabisera ng


kabisera ng Aztec? Aztec ay sanhi ng mga epidemya ng
bulutong, pang-aalipin, digmaan, labis na
paggawa, at pagsasamantala.

Ano ang Pok-ta-pok? Ang pok-ta-pok ay isang ritwal na laro na


katulad ng basketball, ngunit ang mga
manlalaro ay hindi pinapayagang gumamit ng
kanilang mga kamay at ang bola ay gawa sa
goma.

Ano ang ibig sabihin ng terminong "Olmec"? Ang terminong "Olmec" ay


nangangahulugang "mga taong goma" dahil
sila ang unang tao na gumamit ng katas ng
goma.

Anong sistema ng agrikultura ang binuo ng Ang Maya ay nakabuo din ng isang
Maya? slash-and-burn na sistema ng agrikultura.
Ang kanilang pangunahing pananim ay mais,
beans, kalabasa, abukado, sili, pinya,
papaya, at kakaw.

DAIGDIG SA PANAHONG TRANSISYON

QUESTION ANSWER
Ano ang tinutukoy ng Batas Canon? Ang Batas Canon ay kalipunan ng mga batas
tungkol sa mga aral ng Kristiyanismo,
kaasalan, at moralidad ng mga pari.

Ano ang Sistemang Guild? Ang Sistemang Guild ay isang uri ng


organisasyon ng mga manggagawa sa
Europe noong Gitnang Panahon.

Ano ang mga bunga ng Krusada? Ang mga bunga ng Krusada ay pinalakas ang
monarkiya sa France at England, nakilala ang
mga produktong nagmula sa silangan, at
nagdulot ng inspirasyon sa mga Kristiyano na
gumawa ng mga dakilang bagay sa ngalan
ng Kristiyanismo.

Ano ang Eskomulgasyon? Ang Eskomulgasyon ay isang parusa ng


pag-alis sa karapatan at pribilehiyo ng isang
tao bilang kasapi ng Simbahan.

Ano ang Interdict? Ang Interdict ay pagtigil sa pagganap ng


Simbahan sa mga sakramento sa isang
kaharian.

Sino ang hinirang na Santo Papa noong Si Gregory VII ang hinirang na Santo Papa
1073? noong 1073.

Ano ang Lay Investiture? Ang Lay Investiture ay karapatan ng maghari


na pumili ng mga Obispo ng Simbahan.
Sino ang Santo Papa Innocent III? Si Santo Papa Innocent III ay nagpahayag na
ang Papa ang pinakamataas na pinuno sa
Europe.

You might also like