Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

FOURTH PERIODICAL TEST

FILIPINO 6

Name: ______________________________________________ Score: _________________


Grade and Section: __________________________________ Date: __________________

Panuto: Basahin ang bawat pangungusap at kilalanin kung anong bahagi ng pananalita
ang salitang may salungguhit. Isulat ang titik ng tamang sagot sa papel.

1. Gumising ng maaga si Juan.


A. Pandiwa B. Pangatnig C. Panghalip D. Pangngalan
2. Namatay si Mang Isko ngunit ang kanyang prinsipyo ay mananatiling buhay.
A. Pandiwa B. Pangatnig C. Panghalip D.Pangngalan
3. Naglinis sa hardin si Nena.
A. Pandiwa B. Pangatnig C. Panghalip D. Pangngalan
4 Taimtim na pinakinggan ang kanyang awitin hanggang sa huling nota.
A. Pang-abay B. Pang-angkop C. Pang-ukol D. Pang-uri
5. Siya ang magdadala ng inumin at yelo para sa salu-salo.
A. Pandiwa B. Pangatnig C. Panghalip D. Pang-ukol
6. Ukol sa Pilipino ang paksa ng usapin.
A. Pang-abay B. Pang-angkop C. Pang-ukol D. Pang-uri
7. Ang ____________ ay isang maikling programa o palabas na maaring nagpapabatid,nanghihikayat,
o nagbibigay kaalaman patungkol sa isang bagay para sa publiko.
A. patalastas B. pagtatanghal C. pelikula D. drama
8. Ano ang tawag natin sa mga salitang magkaiba ang kahulugan o ang mismong kabaligtaran nito?
A. Magkapareha C. Magkasalungat
B. Magkaugnay D. Magkasingkahulugan
9. Alin sa mga sumusunod ang magkasalungat?
A. kotse - gulong C. dahop – sagana
B. medyas - sapatos D. malungkot - malumbay
10. Alin sa mga sumusunod ang makasingkahulugan?
A. intindihin – unawain C. lumubog - lumutang
B. hari - reyna D. dagat – bapor
11. Ang mga sumusunod ay magkasalungat MALIBAN sa .
A. masipag – tamad C. lumubog – lumutang
B. mabilis - matulin D. tuwid – baluktot

Panuto: Piliin ang angkop na reaksyon sa mga sumusunod na isyu. Bilugan ang titik ng wastong
sagot.

12. Isang matandang kaugalian nating mga Pilipino ang mabuting pakikipagkapitbahay. Nais nating lahat
ang mamuhay nang mapayapa at tahimik sa piling ng mababait at matutulunging mga kapitbahay.
Kahit saan naninirahan ang mga tao, sa maliit na nayon o lungsod man, magkakatulad ang pagnanais
nilang ito.
A. Sa palagay ko, mas makakabuti kung mayroon tayong kapitbahay.
B. Sa palagay ko, mas masaya kung walang kapitbahay.
C. Sa palagay ko, hindi nakakatulong ang mga kapitbahay.
D. Sa palagay ko, marami ang kapitbahay ang pakialamera.
13. Asahang muli ng mga motorista na makararanas ng pagsisikip sa daloy ng trapiko dahil sa muling
pagpapatupad ng road re-blocking ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang
bahagi ng lansangan sa lungsod Quezon. Kailangang kumpunihin ang mga nasabing kalsada bilang
paghahanda sa darating na tag-ulan at muling pagbubukas ng mga paaralan.
A. Sa tingin ko, nagsasayang lang ng pera ang DPWH.
B. Sa tingin ko, maganda ang paghahanda na ginagawa ng DPWH para sa darating na tag-
ulan.
C. Sa tingin ko, walang makikinabang sa proyekto ng DPWH.
D. Sa tingin ko, hindi maganda ang gawain ng DPWH.
14. Ang paglaganap ng polusyong dulot ng mga pabrika na nagtatapon ng mga basura sa ilog at iba pang
daanan ng tubig at ng hindi maayos na pamamahala ng pagtatapon ng basura sa mga kabahayan ay
ilan lamang sa mga dahilan ng polusyon sa tubig.
A. Para sa akin, dapat ipasara na ang mga pabrika.
B. Para sa akin,dapat ikulong ang mga nahuling nagtapon ng basura sa mga ilog.
C. Para sa akin, dapat bigyan ng seminar ang mga taong nakatira malapit sa ilog tungkol sa
wastong pagtatapon ng basura
D. Para sa akin, wag nalamng bigyan ng pansin dahil mahirap kalabanin ang mga
mayayamang kompanya.
15. Mabilis ang pag-init ng mundo dahil sa mga green house gases. Sanhi ito ng malawakang pagkasira
ng mga kagubatan at sa mga usok na nanggagaling sa mga umuunlad na bansa. Maaaring magdulot
ito ng sobrang pag-ulan o sobrang init sa mga tropikal na bansa kagaya ng Pilipinas.
A. Kung ako ang tatanungin, lahat tayo ay kailangan kumilos para matugunan ang climate
change.
B. Kung ako ang tatanungin, problema na iyan ng bawat pinuno sa ibat- ibang bansa.
C. Kung ako ang tatanungin, hindi naman gaanong maaapektuhan ang ating bansa sa climate
change.
D. Kung ako ang tatanungin, wala na akong pakialam dahil mas madami akong problemang
kinakaharap.
16. Alin sa mga sumusunod ang hindi dapat nakasama sa pangkat ng mga teksto?
A. Ang puno ng buhay
B. Ang buhay ni Luis Antnio Tagle
C. Ang sulat mula sa Santo Papa
D. Ang Talambuhay ni San Juan Bosco
17. Namatay ang mga isda dahil marumi na ang tubig sa ilog. Ano ang SANHI ng pangungusap?
A. Namatay ang mga isda
B. Ang mga isda
C. Marumi ang tubig
D. Dahil marumi ang tubig sa ilog.
18. Marami ang nagtatapon ng basura sa ilog kaya sa kaunting pag-ulan ay umaapaw ito. Ano ang
BUNGA sa pangungusap?
A. Kaya sa kaunting pag-ulan
B. Kaya umaapaw ito
C. Marami ang nagtatapon ng basura
D. Basura sa ilog
19. Kaya nasira ang kagandahan ng ilog, pinabayaan ito ng mga tao. Ano ang SANHI sa pangungusap?
A. Kaya nasira
B. Nasira ang kagandahan ng ilog
C. Pinabayaan ito ng mga tao
D. Pinabayaan ang basura
20. Dahil sa malinis, mabango at malinaw ang tubig, marami ang namamasyal at naliligo sa Ilog Pasig.
Ano ang BUNGA sa pangyayari?
A. dahil sa malinis, mabango at malinaw ang tubig
B. Marami ang namamasyal at naliligo
C. Sa Ilog Pasig
D. Naging malinis, mabango at malinaw ang tubig
21. Nangamba ang mga tao na tuluyan nang masira ang Ilog Pasig, kaya kumilos na sila bago mahuli
ang lahat. Ano ang SANHI ng pangyayari?
A. Nangangamba ang mga tao
B. Tuluyan nang masira ang Ilog Pasig
C. Kaya kumilos na sila
D. bago mahuli ang lahat
BUWANANG GASTUSIN NG PAMILYA TARUC

5%
10%
24%

10%

20%
26%

5%

Upa sa Bahay24% Pagkain Iba pang Gastusin


Bayad sa Paaralan Bayad sa Ilaw at Tubig Damit
Ipon
22. Aling gastusin ang pinakamalaki sa lahat?
A. upa sa bahay B. pagkain C. bayad sa paaralan D. ipon
23. Aling dalawang gastusin ang kumakatawan sa kalahati na kita ni G. Taruc?
A. pagkain at damit C. pagkain at bayad sa paaralan
B. pagkain at upa sa bahay D. ipon at pagkain
24. Ilang bahagdan ang kalamangan ng upa sa bahay sa bayad sa paaralan?
A. 2% B. 4% C. 6% D. 10%
25. Aling dalawang gastusin ang katumbas ng bayad sa paaralan?
A. damit at bayad sa ilaw at tubig C. iba pang gastusin at damit
B. iba pang gastusin at bayad sa ilaw at tubig D. pagkain at damit

26. Anong uri ng mapa ang nakikita mo sa itaas?


A. Mapang Pisikal C. Mapang Politikal
B. Mapang Pang Ekonomiya D. Mapang Pangklima
27. Ang mga sumusunod ay mga hakbang sa pagsusulat ng balita maliban sa isa.
A. Magsaliksik at magtanong tungkol sa paksang nais isulat.
B. Isulat ang pinakamahahalagang detale o impormasyon ng balita.
C. Gumamit ng mahirap, at hindi direktang salita upang makapagbigay ng ibang kahulugan.
D. Gawing payak, tuwiran at maikli ngunit malinaw ang pagsulat ng balita.
28. Anu-ano ang mga layunin sa pagsulat ng liham sa sa editor?
A. Pagpapahayag ng suporta o adhikainng isang tao o Samahan.
B. Pagwawasto sa impormasyon na nailahathala sa isang artikulo sa pahayagan.
C. Pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa Gawain ng isang samahan na may kinalaman
sa isang napapanahong kaganapan.
D. Lahat ng nabanggit.

29-32 Basahin at unawain mabuti ang balitang pang isports. sagutin ang sumusunod na katanungan.

Nagpakawala ng dalawang magkasunod na three-point shots si Alex Espiritu ng Bulacan Warriors


sa huling 30 segundo ng last quarter upang malamangan ang Pampanga Knights, 81-79 sa
Quarterfinals ng Men’s Basketball sa Provincial
League sa Bulacan Sports Complex noong Sabado.

29. Ano ang pinaglalabanan?


A. Men’s Basketball C. Men’s Volleyball
B. Women’s Basketball D. Women’Volleyball
30. Sino ang nanalo?
A. Pampanga knights C. Tarlac Kings
B. Bulacan Warriors D. Manila Warriors
31. Saan ginanap ang laro?
A. Metro Manila Sports Complex
B. Pampanga Sports Complex
C. Bulacan Sports Complex
D. Tarlac Sports Complex
32. Ito ay pelikula kung saan komprehensibong tumatalakay sa tunay na buhay ng isang tao na may diin
sa pinakamakasaysayang kabanata ng kanilang buhay.
A. Drama C. Pakikipagsapalaran
B. Musikal D. Pantalambuhay
33. Ito ay pelikula na base sa mga pangyayari na hindi tanggap ng agham gaya ng daigdig ng mga
aliens, mga kakaibang nagagawa ng tao at paglipad sa ibang panahon.
A. Comedy B. Horror C. Musical D. Science Fiction
34. Ito ay isang larangan na sinakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o
bilang bahagi ng industriya ng libangan.
A. Dula B. Pagtatanghal C. Pelikula D. Puppet Show
35. Ito ay pelikula kung saan ang mga nagsisiganap ay nagsasaad ng kasiyahan o lihitimong
pagpapatawa sa bawat salitang mamumutawi sa kanyang bibig.
A. Action B. Adventure C. Komedya D. Drama
36. Ito ay ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa regulasyon ng telebisyon at pelikula, pati na rin
ang sari-saring uri ng de-bidyong midya, na makikita at/o ikinakalakal sa bansa.
A. DepEd B. DOTC C. DTI D. MTRCB
37. Ito ay bolyum ng mga aklat na nagtataglay ng mga impormasyon tungkol sa mga bagay bagay.
A. Almanac B.Atlas C.Diksyunaryo D. Ensiklopedya
46. Nagbibigay ng kahulugan ng mga salita, tamang pagpapantig ng salita, pagbigkas, pagbabaybay at
pagbabantas.
A. Almanac B. Atlas C. Diksyunaryo D. Ensiklopedya
38. Babasahin na kung saan dito mababasa ang mga nangyayari sa loob at labas ng bansa araw-araw.
A. Almanac B. Diksyunaryo C. Pahayagan D. Thesaurus
39. Isang uri ng sanggunian na nagsasabi ng lawak, distansiya at lokasyon ng lugar.
A. Almanac B. Atlas C. Internet D. Pahayagan
40. Teknolohiyang maaring pagkunan ng impormasyon gamit ang kompyuter, tablet, o
piling telepono.
A. Diksyunaryo B. Ensiklopedya C. Internet D. Pahayagan

You might also like