Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

FOURTH PERIODICAL TEST

Araling Panlipunan 6

Name: ______________________________________________ Score: _________________


Grade and Section: __________________________________ Date: __________________

Panuto: Basahin ang pangungusap at isulat ang letra ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel ang
tamang sagot.
1. Tanging pangulo ng Pilipinas na namuno nang higit sa isang termino.
A. Diosdado Macapagal C. Ramon Magsaysay
B. Elpidio Quirino D. Ferdinand Marcos
2. Sa araw na ito idineklara ni Marcos na ang buong Pilipinas ay nasa ilalim
na ng Batas Militar.
A.. Setyembre 20, 1972 C. Setyembre 22, 1973
B. Setyembre 21, 1972 D. Setyembre 23, 1973
3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi nagsasaad ng mga patakaraan o pagbabagong
ipinatupad ni Marcos sa ilalim ng Batas Militar na naging suliranin at hamon sa kasarinlan at pagkabansa
ng mga Pilipino.
A. Pagpapahuli sa sinumang nagkasala ng krimeng panghihimagsik sa pamahalaan
B. Pagpapairal ng curfew hour mula alas-dose ng hatinggabi hanggang alas-kuwatro ng umaga
C. Pagbabawal ng mga rali, demonstrasyon at pagwewelga
D. Pagpapairal ng karapatan sa pamamahayag
4. Ang mga salik na ito ay ang dahilan upang tapusin ang pinairal na Batas Militar sa bansa na umaabuso
sa karapatang-pantao ng mga Pilipino maliban sa_______.
A. Namulat ang mga tao sa paglaganap ng mga paglabag sa karapatang pantao at iba pang pang-
aabuso ni Marcos at ng Militar.
B. Nabigong pagtakpan ng media na hawak ng mga Marcos at ng kanyang mga cronies ang
lumalalang kahirapan at kagutumang nararanasan ng maraming Pilipino.
C. Sumidhi ang damdamin ng mga kilusang tulad ng New People’s Army (NPA) at Moro Liberation
Front (MNLF) na lumaban sa mapaniil na pamahalaan
D. Batas Miliitar at Diktaturyal
5. Alin sa mga salik na ito ang dahilan kung bakit isinagawa ng National Union of Students of the
Philippines ang isang malaking rali noong Enero 26, 1970 sa harapan ng gusali ng Kongreso.
A. upang tutulan ang pag-aalis ng pribiliheyo para sa writ of habeas corpus
B. upang pabagsakin ang naghaharing Sistema ng pamamahala ni Marcos
C. upang hilingin sa pamahalaang magkaroon ng kumbensiyon para sa Saligang Batas
D. upang ipaabot ang kanilang kahilingan hinggil sa sobrang pagtaas ng matricula sa mga kolehiyo
at Pamantasan
6. Ano ang nagmulat sa mga tao upang maghimagsik laban sa pagpapairal ng Batas Militar sa bansa?
A. pang-aabuso at paglabag sa karapatang pantao
B. pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin
C. pagkaubos ng kaban ng bayan
D. pagtaas ng antas ng kahirapan
7. Sa iyong palagay, ano ang maaaring gawin upang masolusyunan ang mga problema sa lipunan?
A. Pag-usapan nang masinsinan ang suliranin at maghanap ng naaangkop na solusyon para dito.
B. Hamunin ng suntukan ang sinumang tumututol sa iyong opinion
C. Magpatawag ng press conference at sabihin sa media ang mga suliranin
D. Magbigay ng pabuyang isang milyon sa sinumang makalulutas sa problema.
8. Sino sa mga nabanggit ang hindi kabilang sa mga taong namatay sa panahon ng Batas Militar?
A. Benigno Aquino C. Noynoy Aquino
B. Jose Diokno D. Rafael Aquino
9. Ito ang uri ng pamahalaang umiral matapos mapabagsak ang rehimeng Marcos.
A. Aristokrasya B. Demokrasya C. Monarkiya D. Awtokrasya
10. Bakit nagkaroon ng snap election?
A. Dahil matagal ng walang eleksiyong naganap
B. Para mapatunayan ni Marcos na may karapatang bumuto ang mga tao sa Pilipinas.
C. Para mapatunayan na may tiwala pa ang mga taong-bayan kay Marcos
D. Wala sa mga nabanggit.
11. Ito ay ang mga halimbawa ng karapatang sibil MALIBAN sa isa. Alin ang HINDI kasama?
A. karapatang mabuhay
B. karapatang pumili ng lugar na matitirhan
C. karapatang maghanapbuhay at mamili ng hanapbuhay
D. karapatan na makialam sa buhay ng iba
12. Alin sa sumusunod na karapatang pantao ang HINDI nasusulat sa deklarasyon ng mga prinsipyo at
karapatan ng estado?
A. Pagwawalang bahala sa naideklarang batas.
B. Pagkilala at pagsulong ng mga karapatan ng mga pamayanang Kultural.
C. Pagsulong ng kalayaan at pag-unlad ng tao.
D. Pantay-pantay ng karapatan sa harap ng batas ng mga kababaihan at kalalakihan
13. Ang mga sumusunod ay artikulo sa Saligang Batas na kumikilala sa karapatang pantao MALIBAN sa
isa. Alin ang HINDI kasama?
A. Pambansang ekonomiya at patrimonya (Art. Xii)
B. Bill of Rights (Art. III)
C. EDSA Revolution
D. Deklarasyon ng mga prinsipyo at patakaran ng mga Estado (Art.II)
14. Ito ay ang karapatan ng isang tao para sa pag-unlad ng sariling pagkatao at kapakanan.
A. Indibidwal o personal na karapatan C. Karapatang pansibiko
B. Panggrupo o kolektibong karapatan D. Karapatang panrelihiyon
15. Ang dokumento kung saan maliwanag na nakasulat ang mga karapatang pantao ng mga Pilipino.
A. Batas Pambansa C. Batas Trapiko
B. Saligang Batas ng Pilipinas D. Batas ng Simbahan
16. Ano ang idineklara ni Pangulong Duterte sa buong Mindanao upang malupig ang mga terorista na
naghahasik doon ng kaguluhan?
A. tokhang . B. batas militar C.smoking ban D. extrajudicial killings
17. Alin ang nagpatunay tungkol sa “Hello Garci’ scandal?
A. Pinaalis kung saan nagtipon-tipon ang mga tao
B. Maraming mamamayan ang nawalan ng tiwala sa pangulo
C. May mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Arroyo ang umalis
D. Lumitaw ang mga sinasabing wiretapped telephone conversation sa pagitan nina Pangulong
Arroyo at Komisyoner Garcillano
18. Ano ang pangunahing dahilan bakit nilusob ng pangkat ng Abu Sayyaf at Maute ang bayan ng Marawi?
A.Nais ng kanilang pangkat na kunin ang lahat ng pera at yaman ng lungsod.
B.Nais ng kanilang pangkat na i- hostage ang mga tao dito.
C.Nais ng kanilang pangkat na kilalanin sila bilang pinakamalakas na pangkat ng
terorista sa Pilipinas.
D. Nais nilang makubkob ang kapitolyo at magtayo ng watawat ng ISIS at gawin ang
Marawi na Islamic State.
19. Pagdami ng mga basura at pabrikang nagbubuga ng maitim na usok sa kapaligiran
A. Suliranin sa teritoryo C. Suliranin sa Kalusugan
B. Suliranin sa Edukasyon D. Suliranin sa polusyon
20. Maraming bilang ng tao ang walang hanapbuhay
A. Suliranin sa Pambansang Seguridad C. Suliranin sa Polusyon
B. Suliranin sa kabuhayan D. Suliranin sa Ipinagbabawal na gamot
21. Ang Saligang Batas ______ ang kasalukuyang Konstitusyong umiiral sa bansa.
A. 1972 B. 1927 C. 1987 D. 1978
22. Isa sa mahalagang naging programa ni dating Noynoy Aquino kung saan sa ilalim ng batas na
ipinatutupad ay higit na humaba o tumagal ang pag-aaral ng mga mag-aaraal na Pilipino sa ilalim ng basic
education. NAniniwala din siya na kailangang magkaroon ng pagbabago ang Sistema ng Edukasyong
ipinatutupad sa bansa upang makatugon ito sa pangangailangan ng lipunan. Ito ay ang _____.
A. Abot Alam Program C. 4Ps Program
B. K to 12 Program D. Kariton Klasrum
23. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga naging programa ni dating Pangulong Arroyo?
A. Pag-akit sa mga local at dayuhang mamumuhunan.
B. Pagbuo ng mga livelihood program para sa mga walang trabaho at out of the school youth
C. Pagpapatibay ng batas hinggil sa Power Reform Program Act, Anti Money Laundering Act at E-
Vat
D. Pagpapatupad ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program
24. Kung ang isang tao na nasa katwiran, nararapat lamang na magkamit siya ng katarungan anuman ang
kalagayan o katayuan niya sa buhay. Anuman ang liping kinabibilangan, ang lahat ng mamamayan sa
bansa ay natrarapat na bigyan ng pantay-pantay na panganagalaga. Anung karapatan ang tinutukoy dito
ayon sa Saligang Batas ng ng 1987?
A. Karapatang sa pagiging alipin
B. Panta-pantay na pangangalaga ng batas
C. Karapatang kilalanin bilang tao
D. Karapatan sa isang makatarungang pasya
25. Ang isang nademandang tao ay hindi pwedng paratangang isang criminal hanggat hindi natatapos ang
imbestigasyon sa hukuman at hindi pa naibababa ang hatol ng hukuman. Anong karapatang sibil ang
isinasaalang-alang dito?
A. Karapatan sa isang makatarungan, hayagan at walang kinikilingang paglilitis.
B. Karapatan laban sa di-maktuwirang pagdakip, pagkulong o pagpapatapon.
C. Karapatang maituring na walang sala hanga’t hindi napapatunayan.
D. Karapatang mag-angkin ng ari-arian
26. Isa itong kontemporaryong isyu pampolitika kung saan ang may kagagawan ay mga terorista.
A. Usaping panteritoryo sa Philippine Sea C. Terosismo
B. Graft at Korupsiyon D. Gobalisasyon
27. Ito ang isalang pinag-aagawan ng mga bansanf Taiwan, China, Vietnam, Malaysia at Brunei na
nagsimula pa noong panahon ni Pangulong Ferdinand Marcos. Ang islang ito amya layong 270 kilometro
mula sa baybayin ng Palawan. Ito ay matatagpuan sa gitna ng Timog Silangang China na tinatawag na
KALAYAAN GROUP OF ISLAND.
A. Scarborough Shoal B. Babuyan Island C. Spratly Island D. Turtle Island
28. Ito ang uri ng katiwalian sa pamahalaan na kung san tumatanggap ng halag o anumang bagay kapalit
ang di pagsusumbong sa isang illegal na gawain.
A. Panunuhol o bribery B. Pangingikil o Extortion C. Nepotismo D. Paglustay
29. Ito ang ibinabayad ng bawat mamamayang Pilipino na may hanapbuhay at ari-arian sa bansa. Ito ay
ang perang ginugugol ng pamahalaan para sa mga proyektong nagtataguyod sa kapakanan ng mga
mamamayan?
A. Buwis B. Batas C. Tong D. Suhol
30. Ahensiya na pinagkakautangan ng malaki ng pamahalaan ng Pilipinas.
A. Development Bank of the Philippines C. World Bank
B. Central Bank D. Asia Bank.
31. Ano ang pinaka-kailangang gawin ng mga mamamayan at pamahalaan upang malutas ang iba’t-ibang
suliranin ng bansa?
A. Maging disiplinado.
B. Nararapat na gumawa ng programa ang pamahalaan ukol sa suliranin ng bansa.
C. Ang mga mamamayan ay kinakailangang sumuporta sa programang makatutulong sa paglutas
ng mga suliranin.
D. Ang pamahalaan at mamamayan ay kailangang magtulungan at magkaisa.
32. Anu-ano ang mga kabutihang naidudulot ng pagtangkilik sa ating sariling produkto?
I. Nagdudulot ng mas maraming hanapbuhay sa loob ng bansa
II. Nagpapalakas sa mga lokal na industriya at negosyo
III. Nakatutulong upang magkaroon ng mas malaking kita ang pamahalaan
IV. Napauunlad at naipakikilala ang kulturang Pilipino.
A. I, II, III . B. II, IV, I C. III, IV, I D. Lahat ng Nabanggit
33. Upang makatulong sa pagsulong at pag-unlad ng ating bansa nararapat lamang na ang mga
mamamayan nito ay ____________________.
A. Maging bahagi sa pagtitinda ng produkto ng ibang bansa.
B. Tangkilikin ang mga imported na produkto
C. Mag-ipon upang makabili ng mamahaling produkto ng ibang bansa
D. Tangkilikin ang sariling produkto
34. Ito ang tawag sa mga produktong binibili ng mga mamamayan tulad ng mga pagkain, gamot, tela,
sapatos, damit at iba pa.
A. Paglilingkod B. Paggawa C. Kalakal D. Prodyuser
35. Tumutukoy sa serbisyong ipinagkakaloob ng isang tao sa kanyang kapwa at lipunan.Ilan sa mga
halimbawa nito ay ang serbisyong ipinagkakaloob ng mga doktor, dentist, guro, abogado, mananahi,
tsuper, tindera, basurero, minero at iba pa.
A.Paglilingkod B. Paggawa C. Kalakal D. Prodyuser
36. Inilunsad ng pamahalaan upang makatulong sa pagpapanatili ng mga likas na yaman at iba pang
enerhiyang mayroon ang bansa upang hindi maubos ang mga ito at upang may magamit pa ang mga
susunod na henerasyon.
A. Sustaintable Development Program C. Ecological Solid Waste Act
B. Philippine Clean Air Act D. Go Green Philippines
37. Paano nakatutulong ang pagtitipid ng enerhiya sa pag-unlad ng bansa?
A. Sa tamang pagtitipid ay nababawasan ang ating inaangkat na langis sa ibang bansa.
B. Nakapagtatrabaho nang maayos ang mga manggagawang nasa pabrika o pagawaan dahil
maiiwasan ang pagkawala ng kuryente.
C. Tataas ang dami at kalidad ng produksyon gayundin ang kita ng mga manggagawa.
D. Lahat nga Nabanggit
38. .Ang muling paggamit ng mga bagay na patapon ay hindi lang solusyon sa pagkaubos ng ating likas na
yaman solusyon din sa suliranin ng __________________.
A. Kahirapan ng pamumuhay C. kakulangan sa panustos
B. polusyon sa basura .D.lahat ng nabanggit
39. Darating ang panahon na mauubos ang ating pinagkukunang-yaman kung hindi magagamit at
malilinang ng wasto. Bilang isang mag-aaral at mamamayan ng bansa, ano ang maaari mong magawa
upang mapangalagaan ang ating likas na yaman?
A. Bantayan ang mga kamag-aral oras oras kung magtatapon sila sa tamang basurahan.
B. Sumama sa mga grupo ng taong mga nagkakaingin.
C. Suportahan ang mga programa ng pamahalaan para sa pangangalaga ng likas na yaman.
D. Pagtatapon ng basura sa ilog at kalsada kung walang nakakakita.
40. Bilang isang mamamayan ng bansa, Paano mo maitataguyod ang kaunlaran nito?
I. Pagpapawalang-bahala sa mga batas, programa at gawain ng pamahalaan.
II. Pakikilahok sa pagpapatupad ng mga gawain sa komunidad.
III. Pagtulong, Pakikiisa at Pakikilahok sa mga programa at gawain ng pamahalaan
para sa kaunlaran.
IV. Pagbibigay ng mahalagng suhesyon na makatutulong sa pagpapaunlad ng inyong
kumunidad.
A. I, II, III B. IV, III, II C. I, IV, III D. IV, I, II

You might also like