Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

KABANATA 4

PRESENTASYON, ANALISIS, AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Naaglalahad, nagsusuri at nagbibigay interpretasyon ang kabanatang ito.

Talahanayan 1. Barayti ng Wikang makikita sa Sulating Sanaysay


DAYALEK SOSYOLEK ETNOLEK
 Ang pag-ibig ay  Isa sa mga highlights  Mas magarbo pa ang
kusang dumating sa sa buhay ng tinedyer. inyong pamumuhay.
buhay ng tao.  Ngayon na generation.  Pamosong linya.
 Sa pag-aaral matuto  Minsan kasi walang
ka rin. income ang mga
 Hindi mo matutunan magulang natin.
sa ibang lugar.  Mag focus sa pag-
 Luluwas sa hirap ng aaral.
buhay.  Bilang mag-aaral sa
 Matulungan mo pa education.
ang iyong pamilya.  Walang mataas na
 Mahalaga ang pag- teenage pregnancy.
ibig dahil maging  Pwede mong
matiyaga ka. malampasan at
 Ang kanilang challenge along the
kinabukasang kung way.
makapagtapos na ng  Para ma proud ang
pag-aaral. iyong pamilya sayu.
 Ang pag-ibig ay  Puro ka lang landi.
nakakapaghintay.  Tumutukoy ito sa
 Marami kang puppy love.
mararating kapag  Maliban na lang
makatapos ka sa pag- siguro kung
aaral. professional ang mga
 Saan ka mag ponta. magulang mo.
 Dahil kung ito ay
hindi mo makamit.
 Nagbibigay
kasayahan.
 Ang pag-ibig ay
nakapag-aantay.
 Dahil maging
maligaya ka.
 Kaya mauna ang pag-
aaral.
 Makatulong ako sa
mga taong
kakailangan ng
tulong.
 Upang hindi
masasayang.
 Upang dadami pa ang
matutunan.

Ipinapakita sa Talahanayan 1 ang mga Barayti ng Wika na makikita sa mga sulating


sanaysay. Mapapansin na mayroon itong tatlong (3) hanay na kakikitaan ng mga barayti ng wika.
Ito ay ang Dayalek para sa unang habay, Sosyolek sa pangalawang hanay at Etnolek sa
pangatlong hanay. Sa unang hanay, innilagay ng mga mananaliksik ang kanilang nakuha na
Dayalek. Katulad rin sa pangalawang hanay na inilagay sa mga bullet form na pamamaraan. At
sa pangatlong hanay naman na Ekolek.
Ang Dayalek ay ang mga salitang ginagamit sa isang particular na lugar lamang kagaya
ng “Dahil maging maligaya ka”, “Saan ka mag ponta”, Ang pag-ibig ay kusang dumating sa
buhay ng tao”, at iba pang dayalek na makikita sa unang hanay. Mapapansin na may panlapi na
nadagdag na dahilan kung bakit iba ang pagkakabasa. Ang Sosyolek naman ay isang barayti ng
wika na ginagamit ng partikular na pangkat o grupo ng tao sa lipunan. Halimbawa ang salitang
“Isa sa mga highlights ng buhay ng tinedyer”, “Ngayon na generation”, “May focus sa pag-
aaral”, at iba pa na makikita sa pangalawang hanay. Mapapansin na mayroong magkahalong
Filipino at Ingles na kung tawagin ay Taglish. Kung saan pinauso ito ng mga sikat na tao noon at
mabilis na lumaganap.
Ang Etnolek naman ay ang wikang malayo sa kabihasnan o mga ginagamit ng
etnolinggwistikong mamamayan. Halimbawa, “Mas magarbo pa ang inyong bahay” at
“Pamosong linya”. Dalawa lamang ang halimbawang nakuha ng mananaliksik sa barayting
Etnolek.

Talahanayan 2. Barayti ng Wika na kadalasang ginagamit ng mga mag-aaral sa baitang


11.
Barayti ng Wika Bilang ng mga salita
Dayalek 18
Sosyolek 11
Etnolek 2
Kabuuan 40

Ipinapakita sa Talahanayan 2 ang mga bilang ng mga datos na makikita sa bawat uri ng barayti
ng wika. Sa Dayalek ay makikita na mayroong dalawampo’t pitong (27) salita na nakalap ang
mga mananaliksik. Sa Sosyolek naman ay makikita na mayroong limampong (50) salita na
nakalap ang mga mananaliksik. At sa Etnolek naman ay makikita na mayroong sampung (10)
salita na nakalap ang mga mananaliksik na may kabuuang pitompo’t pitong (77) salita na
nakalap at nasuri ang mga mananaliksik batay sa kanilang instrumentong nakuha.
Mapapansin na ang nangingibabaw sa Talahanayan 2 ay ang barayti na Sosyolek na mayroong
limampong (50) bilang na sinundan ng Dayalek na may dalawampo’t pitong (27) bilang at ang
panghuli ay ang Etnolek na may sampung (10) bilang na may kabuuang pitompo’t pitong (77)
bilang.
Dahil sa pag-usbong ng teknolohiya ay mas pumaibabaw ang Sosyolek na dahilan ng paglaganap
ng social media at mas nabigyang halaga ang wikang Ingles na isang universal na wika.
Napagtanto ng mga mananaliksik na isa sa mga nakapag impluwensiya ng mga mag-aaral sa
baitang 11 na gumamit ng barayti na Sosyolek ay ang malawakang pag-usbong ng teknolohiya.
Batay sa datos na makikita sa Talahanayan 2 ay nangingibabaw ang barayti na Sosyolek na
mayroong limampong (50) salita na nasuri at nakalap ang mga mananaliksik. Ayon sa libro nina
Santos (2016), et al,. sosyolek ang tawag sa wikang ginagamit ng bawat partikular na grupo ng
tao sa isang lipunan. Maaaring ang grupo ay nagkakaiba ayon sa edad, sa seks, sa uri ng trabaho,
sa istatus ng buhay, sa uri ng edukasyon, at iba pa. Ilan sa mga halimbawa ng Sosyolek ay ang
mga salitang “I choose talaga is diploma”, “So many influencers na ngayon”, Me as strudyante
pa lamang”, “Kung para sa akin pantay lang because a college diploma remains a very very
important”, at iba pa. Mapapansin na kadalasan ito ay ang tinatawag nating conyo o
pinaghalong Tagalog at Ingles na ginagamit ng mga sikat na artista tulad nina Kris Aquino,
Ruffa Mae Quinto, Ann Curtis at iba pang mga tao.
Bilang kabuuan, nangibabaw ang barayti na Sosyolek dahil sa malawakang pag-usbong ng
teknolohiya at social media na nadala o naadapt ng mga kabataan lalo na sa mga Gen Z na
sumasabay at gumagawa ng kakaibang trend kabilang na ang pagbabago o pagdaragdag ng wika.

Lesson Plan o Banghay aralin sa Pagtuturo ng Barayti ng Wika


Ang banghay aralin ay siyang pagpaplano ng guro sa kung ano ang kaniyang gagawin sa isang
buong klase. Itinuturo dito ang isang balangkas ng mga layunin, paksag-aralin, kagamitan at mga
hakbang na sunod-sunod na isinasagawa upang matamo ang inaasahang bunga. Masasalamin Rin
ang katauhan ng isang guro batay sa kaniyang maayos na pagpaplano ng mga aralin. Mayroong
tatlong (3) uri ng banghay aralin at ito ay ang Masusing banghay aralin, Mala-masusing banghay
aralin at Maikling banghay aralin.
Ang gagamitin ng mga mananaliksik sa paggawa ng banghay aralin sa pagtuturo ng barayti ng
wika ay ang Masusing banghay aralin na kung saan nakapaloob rito ang gawain ng guro at mag-
aaral pati narin ang mga katanungan at sagot.
Nakapaloob sa isang Masusing banghay aralin ang Pamantayan, Kasanayan at mga Layunin.
Napasailalim nito ang Pamantayang Pangnilalaman na kung saan nakapaloob rito ang paksa o
konsepto na dapat maunawaan ng mag-aaral sa bawat asignatura. Sinundan naman nito ng
Pamantayang Pagganap na kung saan ito ay ang tiyak na produkto o pagganap at antas o lebel na
inaasahang maisagawa ng mag-aaral pagkatapos ng isang markahan o yunit. Ang Kasanayan sa
Pagkatuto na kung saan makikita rito ang MELC o Most Essential Learning Competencies na
makikita sa Curriculum at ang Layunin na kung saan nakapaloob rito ang nais makamit ng guro
sa kaniyang mag-aaral matapos ang isinagawang pag-aaral. Nakapaloob rin sa isang Masusing
banghay aralin ang paksa na sentro ng pag-aaral, mga kagamitan na gagamitin sa pagtuturo,
Sanggunian na kung saan ito ay ang mga listahan ng iyong mga materyales at ideya na nakalap
ng isang guro at ang panghuli ay ang Proseso ng Pagkatuto. Napasailalim ng Proseso ng
Pagkatuto ng Panimulang Gawain na may Paghahanda kagaya ng Panalangin, Pagbati, Pagsasa-
ayos sa klase,Pagtala ng Lumiban, Pagbasa sa Alituntunin at Pagbabalik-aral.
Pagkatapos nito ay susundan agad ito ng Panlinang na Gawain na kung saan may ipapagawa ang
guro sa kaniyang mag-aaral para mahulaan ang kanilang paksang tatalakayin. Matapos nito ay
Paglalahad ng guro sa Aralin. Matapos ilahad ang Aralin ay papasok na Ang Analisis na kung
saan naririto ang pagtatalakay ng paksa. Matapos italakay ang paksa ay dito na papasok ang
Abstraksiyon kung saan bibigyan sila ng pasulit ng guro kung talaga bang naintindihan nila ang
paksang tinalakay. Matapos nito ang papasok ang Aplikasyon at igugrupo sila ng guro para
Makita kung naisasagawa ba nila ng maayos ang kanilang naintindihang paksa. Pagkatapos nito
ay ang Paglalahat na kung saan ibubuod ng guro ang kaniyang itinalakay, susundan ito ng
Pagpapahalaga upang makita kung napapahalagahan ba nila ang kanilang napakinggan at ang
panghuli ay ang Takdang-aralin na ibibigay ng guro para ipasa sa susunod na pagkikita.

Binuo ng mga mananaliksik ang banghay aralin na ito upang magsilbeng gabay sa pagtuturo ng
barayti ng wika na magagamit upang ipaliwanag ang barayti ng wikang Filipino.
Makikita sa ibaba ang Masusing Banghay aralin na ginawa ng mananaliksik sa pagtuturo ng
barayti ng wika.
KABANATA 5

NATUKLASAN, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng buod na natuklasan,konklusyon, at


rekomendasyon ng pag-aaral.

Buod ng Natuklasan

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa Barayti ng Wika na makikita sa sulating Sanaysay ng


baitang 11 sa Tukuran Technical-Vocational High School. Layunin ng pag-aaral na ito na
malaman kung anong barayti ng wika ang umiiral sa nasabing pag-aaral. Ginamit ang
kwalitatibong disensyo sa pag-aaral at deskriptibong pamamaraan naman ang ginamit sa pag-
aanalisa at pagtatalakay ng datos.

Natuklasan ang sumusunod:


1. Ano-anong varayti ng wika ang makikita sa mga sulating sanaysay?
1.1 Dayalek
1.2 Sosyolek
1.3 Etnolek

May iba’t ibang uri ng barayti ng wika ngunit ang mga barayting makikita lamang sa mga
sulating sanaysay na sinuri ng mananaliksik ay ang Dayalek, Sosyolek t Etnolek.

2. Anong varayti ng wika ang kadalasang ginagamit ng mga mag-aaral?

Ang varayti ng wika na kadalasang ginamit ng mga mag-aaral ay ang Dayalek.

Dahil ang instrumento ng pag-aaral ay kinuha mula sa San Carlos Tukuran

Zamboanga del sur. Sinundan ng Sosyolek at panghuli ang Etnolek.

3. Lesson Plan sa pagtuturo ng barayti ng wika.


Konklusyon

Batay sa mga natuklasan ng isinagawang pag-aaral, ang mga mananaliksik ay nakabuo ng


sumusunod na konklusyon:
Nagpapakita na ang wika ay buhay, denamiko, nagbabago dahil ayon pa ni Lavov (1968) sa
teoryang variationist, ang wika ay lagi ng nagbabago at patuloy pang magbabago. Ang
pagbabago ng wika ay bunga ng impluwensiya ng sosyal at kultural na factor-maaaring resulta
ng kontak at panghihiram ng imahinasyon ng isang tao.

Rekomendasyon
Batay sa resulta ng pag-aaral, nabubuo ng sumusunod na rekomendasyon:
1. Magsasagawa ng pag-aaral tungkol sa Barayti ng Wika sa mga mag-aaral sa baitang 11.

2. Pag-aralan ng husto ang paggamit ng mga panlapi at pagsasaayos ng mga salita.

3. Hikayatin ang mga mag-aaral na bigyang pansin ang mga maliliit na detalye hinggil sa
pag-aaral ng Barayti ng Wikang Filipino.

You might also like