Barayti NG Wika Revised

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 30

BARAYTI NG WIKA SA MGA PILING SULATING OUTPUT NG BAITANG 11

Isang Tesis Proposal

na

Ihaharap sa mga Guro ng


School of Teacher Education
JH Cerilles State College-Tukuran Extension Class
Tukuran,Zamboanga del Sur

Bilang Parsyal na Pagtupad sa Pangangailangan Para sa Digring


Bachelor of Secondary Education (BSED)
Major sa Filipino

Narvasa, Rofer A.
Buton, Anie Jane A.
Suan, Lensey Jean F.

December 2023
TALAAN NG NILALAMAN

Pahina

DAHON NG PAMAGAT i

TALAAN NG NILALAMAN ii

TALAAN NG FIGYUR iv

KABANATA

1. SULIRANIN
Panimula 1
Batayang Teoritikal 3
Batayang Konseptwal 4
Iskematik na Modelo ng Pag-aaral 5
Paglalahad ng Suliranin 6
Saklaw at Limitasyon 7
Katuturan ng mga Termino 8

2. KAUGNAY NA LITERATURA
Wika 10
Varayti ng Wika 10
Dayalek 14
Etnolek 14
Sosyolek 15
Pagsulat 16
Sanaysay 16

3. METODOLOHIYA
Disenyo ng Pananaliksik 20
Instrumento ng Pananaliksik 21
Paraan ng Pagtitipon ng Datos 22
Pagsasaayos ng Datos 23
Pag-aanalisa ng mga Datos 24
TALASANGGUNIAN 25
TALAAN NG PIGURA

1.Iskematik na modelo ng pag-aaral 4


KABANATA 1

SULIRANIN

Panimula

Wika ang pangunahing midyum ng komunikasyon upang magpahayag ng

iba’t ibang saloobin. Ito ang instrumentong ginagamit ng tao upang maiparating sa

kanyang kapwa ang tulay sa pakikipagtalastasan sa kapwa upang mamuhay nang

maayos sa lipunang kanyang kinabibilangan (Magracia, 2010). Bawat indibidwal ay

mayroong kinagisnang wika na siyang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-

ugnayan. Isa ito sa mga dahilan kung bakit napakaraming wika na umiiral sa

kapuluan ng Pilipinas. Ayon kay Constantino (2014), mayroong higit 400 apat

naraan ang dayalekto na ginagamit sa lipunan sa kapuluan ng ating bansa.

Sa dami ng wikang umiiral sa ating bansa, hindi maiiwasang magkaroon ito

ng varayti at varyasyon ng wika. Dahil sa pagkakaroon ng heterogeneous na wika,

tayo ay nagkaroon ng iba’t ibang baryasyon nito, at dito nag-uugat ang mga variety

ng wika ayon sa pagkakaiba ng mga indibidwal. Ayon kay Fermin (Peregrino,

2002:93), ang varayti ay taguri sa mga aktwal na wika o kaanyuang pangwika na

nagtataglay ng mga partikular na katangiang linggwistiko at supralinggwistiko,

verbal o di verbal. Ayon naman sa libro nina Senorlan, Teresita et. al na

pinamagatang Varayti at Varyasyon ng Wikang Filipino at Iba pang mga Wika at

Wikain, ang konsepto ng Varayti ng Filipino ay kaakibat ng batayang konsepto ng

Filipino bilang wikang pambansang ng Pilipinas. Kapag sinabing Varayti ng

Filipino, ito ay kasingkahulugan ng diyalekto ng Filipino, at ng istilo at paraan ng

paggamit nito. Halimbawa may Varayti ng Filipino sa Maynila, Surigao,

Zamboanga, Leyte, Bohol, Tawi-tawi, Sulu, Marawi, Cagayan de Oro at Davao


ngunit magkapareho ang gamit ng mga ito. Gayundin pantay lamang ang kalidad

ng wikang ginagamit sa mga nabanggit na pook.

Gamit ang pagsulat, makakakuha ng sapat na datos ang mga mananaliksik sa

pamamagitan ng mga sulating makukuha sa sanaysay ng baitang 11. Ang pagsulat

ay pagsasatitik ng mga makabuluhang tunog, simbolo o sagisag at mga salita na

nagiging daluyan ng pagkakaroon ng mga tao. Sang-ayon kay F. Angeles et. al.,

napakahalaga ng gawaing pagsulat para sa isang mag-aaral. Sa pamamagitan ng

pagkuha ng tala sa mga sinasabi o itinuturo ng guro napagbabalik-aralan niya ang

mga ito pag dumating ang araw ng pagsusulit. Batid ng mga mag-aaral na kung di

siya kukuha ng mga tala o di niya isusulat ang mga mahahalagang bagay sa sa mga

itinuturo ng kanilang mga guro ay magiging mahirap ang pagbabalik-aral. Alam

niyang posibleng malimutan niya ang mga mahahalagang bagay. Kailangan ding

isulat ng mga guro ang kanilang banghay-aralin sa araw-araw upang maging gabay

niya sa kaniyang pagtuturo.

Ang pagkakaroon ng barayti ng wika ay isang pangangailangan na hinding

hindi matatanggihan ng sangkatauhan. Dahil sa likas ang tao na malikhain kaya

mayroong nababawas, nadaragdag o napupuna sa mga wikang ating nakagisnan

upang mas masabi ito ng maikli at mas madali.

Ang pag-aaral na ito ay tahasang aalamin ang mga barayti ng wikang

makikita sa mga sulating sanaysay ng baitang 11 at aalamin kung aling barayti ng

wika ang nangingibabaw sa Sulating Sanaysay. Upang tahasang matukoy ang

pinagmulan ng naturang barayti at kung bakit ito nangingibabaw.

Layunin ng pag-aaral na ito na matukoy ang mga barayti ng wikang

nangingibabaw sa mga Sulating Sanaysay ng Baitang 11 at upang mas mapalalim


ang resulta kung bakit mas nangingibabaw ang isang partikular na barayti ng wika

sa mga Sulating Sanaysay ng Baitang 11.

Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, inaasahan na magiging malinaw ang

papel ng varayti ng wika sa pagsulat ng mga mag-aaral. Makakapagbigay ito ng

mas malalim na pag-unawa sa kahalagahan ng multi-varayti ng wika sa

komunikasyon. Bilang resulta, maaaring maisulong ang pagtuturo ng mga iba’t

ibang varayti ng wika at ang pagpapahalaga sa mga ito.


Batayang Teoritikal

Ang teoryang ginamit ng mananaliksik upang maging gabay sa pag-aaral na

ito ay ang teoryang variationist ni Lavov, et al., (1968), na ang wika ay lagi nang

nagbabago at patuloy pang magbabago. Kinapapalooban ng teoryang ito ang

pagkakaiba sa tono, intonasyon, ginamit na salita gayon din ang estrukturang

panggramatika ng isang ispiker. Ang layunin ng Variationist theory, o teorya ng

pagbabago, ay upang maunawaan at maipaliwanag ang mga pagbabago sa wika na

nagaganap sa mga komunidad ng nagsasalita. Ang tunguhin ng Variationist theory

ay maunawaan at maipaliwanag ang mga pagbabago sa wika na nagaganap sa mga

komunidad ng nagsasalita. Layunin din nito na masuri ang mga pagkakaiba-iba sa

paggamit ng wika batay sa iba’t ibang mga salik tulad ng uri ng pag-uusap,

sosyoekonomikong kalagayan, at iba pang pangkapaligirang kadahilanan. Sa

pamamagitan ng pag-aaral at pag-analisa ng mga baryasyon at barayti sa wika, ang

teoryang ito ay naghahatid ng impormasyon tungkol sa mga patern at proseso ng

pagbabago sa wika.
Batayang konseptwal

Makikita sa eskematik na dayagram ang pag-aaral ng barayti ng wika sa mga

sulating sanaysay ng baitang 11. Susuriin ang barayti ng wika na makikita sa mga

sanaysay ng baitang 11 upang matukoy ang kanilang pinanggalingan at

pagkakakilanlan at tribo kung saan sila napapaloob. Matapos nito ay gagawa ng

banghay-aralin upang maging lunsaran sa mga guro at magamit ng iba pang mga

mananaliksik.
Sulating Sanaysay

Barayti ng Wika

Banghay Aralin

1. Iskematik na modelo ng pigura


Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy o malaman ang mga barayti ng

wika mula sa mga sulating sanaysay ng baitang 11 upang masagot ang sumusunod

na tanong.

1. Ano-anong varayti ng wika ang makikita sa mga sulating sanaysay?

1.1 Dayalek

1.2 Sosyolek

1.3 Etnolek

2. Anong varayti ng wika ang kadalasang ginagamit ng mga mag-aaral?

3. Lesson Plan sa pagtuturo ng barayti ng wika.

Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang resulta ng isasagawang pag-aaral na ito ay magiging mahalaga sa

sumusunod:

Mag-aaral: Mapalawak ang kanilang kaalaman sa wikang Filipino lalong Lalo na sa

Barayti ng wika at mas mapalawak ang kanilang bokabularyo sa wikang ito.

Tao: Mabigyan ng kaalaman kung paano gamitin at ano ang kahulugan ng mga

salitang natuklasan.

Guro: Magagamit ito bilang lunsaran sa pagtuturo.

Iba pang Mananaliksik: Magagamit sa isasagawang pananaliksik.

Saklaw at Limitasyon
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa Barayti ng Wika sa mga sulating sanaysay

ng baitang 11. Ang pag-aaral ay nakapokus lamang sa barayti ng wika na aalamin

ng mga mananaliksik sa mga sulating sanaysay ng baitang 11. Nilalayon ng mga

mananaliksik na matapos ito sa taong 2023-2024.

Katuturan ng mga Termino


Ang sumusunod na salita ang binigyang kahulugan upang mapadali ang

pag-unawa sa mambabasa.

Barayti ng Wika – Uri ng wika. Ito ang inalam sa sulating sanaysay.

Dayalek – unang wika na natutunan at nakagisnan sa tahanan. Ito ang sinusuri sa

sulating sanaysay ng baitang 11.

Etnolek– ang wikang malayo sa kabihasnan o mga ginagamit ng

etnolinggwistikong mamamayan. Isa rin sa sinusuri mula sa sulating sanaysay ng

baitang 11.

Sosyolek – wikang ginagamit ng isang partikular na grupo. Ito ang isang barayti ng

wikang sinusuri sa sulating sanaysay ng baitang 11.

Sulating sanaysay – Mga nalikom na sulatin ng guro sa baitang 11 patungkol sa

barayti ng wika. Instrumentong gagamitin sa pag-aaral.

KABANATA 2
Kaugnay na Literatura

Ang kabanatang ito ay patungkol sa mga kaugnay na literatura at pag-aaral.

Wika

Ang wika ng tao ay kakaiba kung ihahambing sa ibang anyo ng

komunikasyon tulad nga ng sa hayop. Ang wika ng tao, ayon nga sa Wikipedia,

allows human to produce an infinite set of utterances from a finite set of elements, and

because the symbols and grammatical rules of any particular language can only be acquired

through social interaction. Samantala, ayon sa mga siyentista, ang sistema ng

komunikasyong ginagamit ng mga ay limitado lamang sa finite numbers of

utterances at halos lahat sa mga ito ay genetically transmitted. Kakaiba rin ang wika

ng tao dahil sa komplikado nitong estruktura na nag-ebolb upang matugunan ang

higit na malawak na tungkulin kaysa iba pang anyo ng sistemang

pangkomunikasyon.

Ang wika ay makapangyarihan, ito ay nagsisilbing tulay tungo sa

pagkakaunawaan at nagbibigay ito ng kapayapaan at katahimikan. Pero ito rin ay

pwedeng magdulot ng polarisasyon o ang pagtanaw ng mga iba’t-ibang bagay sa

magkakasalungat na paraan, na pwedeng lumikha ng hidwaan dahil sa maling

paggamit ng mga salita. Tunay nga na ang wika ay buhay.

Ayon kay Badayos (2008), ang wika ay masistemang pang-araw-araw ng

lipon ng mga salita na ginagamit sa paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga

hangarin na tangi sa isang pangkat ng tao sa isang pamayanan o bansa. Ang wikang

tangi sa isang pamayanan ay may set ng mga salitang ang pakahulugan ay

nauunawaan ng bawat isa. May sariling balarila at sistema ng pag-uugnay ng mga

salita at nagagawang bigyan ng kahulugan ng mga taong kasapi sa pamayanang

iyon.
Nagkaroon ng karagdagang paliwanag si Halliday (1978) mula sa aklat ni

Badayos (2008) na ang wika ay nagpapanatili at nakapagpapatatag ng relasyong

sosyal. Wika ang daluyan ng kultura at pagkakakilanlan natin bilang isang lahi

(Alcaraz, 2007).

Varayti ng Wika

Ang varayti ng wika ay ang pagkakaroon ng natatanging katangian na

nauugnay sa partikular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyunal na makatutulong sa

pagkilala sa isang partikular na varyasyon o varayti ng wika. Nagbigay si Catford

(1965) ng dalawang uri ng varayti ng wika. Una ay permanente para sa mga

tagapagsalita / tagabasa at ang ikalawa ay pansamantala dahil nagbabago kung may

pagbabago sa sitwasyon ng pahayag. Kabilang sa mga varayting permanente ang

dayalekto at idyolek. Batay ang dayalekto sa lugar, panahon at katayuan sa buhay.

Nakikita ito kaugnay ng pinanggagalingang lugar ng tagapagsalita o grupo ng

tagapagsalita sa isa sa tatlong dimension: espasyo, panahon at katayuang sosyal.

Maihahalimbawa rito ang mga dayalekto ng Tagalog na ayon sa iba’t ibang lugar ng

tagapagsalita tulad ng Tagalog-Bulacan, Tagalog-Batangas, Tagalog-Laguna,

Tagalog-Cavite, Tagalog-Mindoro, Tagalog- Rizal at Tagalog-Palawan. Samantala,

ang idyolek ay isang varayti na kaugnay ng personal na kakanyahan ng

tagapagsalita o wikang ginagamit ng partikular na indibidwal. Maaaring

idyosinkratiko ang mga tanda ng idyolek tulad ng paggamit ng partikular na

bokabularyo nang madalas. Ayon pa rin kay Catford, permanente nang matatawag

ang idyolek ng isang taong may sapat na gulang. Ang pansamantalang varayti ng

wika ay kaugnay sa sitwasyon na ginagamit ang wika. Kasama rito ang register,

mode at estilo.
Ang varayti ng wika ay bahagi ng sosyolingwistika na nararapat tuonan ng

panahon dahil ayon kay Tollefson (1991) na nagbigay ng tepolohiya ng mga

pangkat-wika batay sa mga katangiang istruktural ng mga varayti ng wika sa degri

ng pagkamultilinggwal at sa gamit ng mga varyasyong ito (Kelman, 1991; Fishman,

1968; Kloso, 1968). Napakahalagang may kakayahan ang isang tao sa paggamit ng

wika na naaayon sa lipunang ginagalawan upang maisakatuparan ang pagparating

ng tamang mensahe Patunay ang sinabi ni Saussure (1916) na nakabatay sa

pagkakaroon ng varayti at varyasyon ng wika sa paniniwala ng mga linggwista ng

pagiging pagkakaibaiba ng wika at hindi kailanman pagkakatulad ng anumang

wika (Bloomfield, 1918). Nararapat lamang na ang simbolong ginagamit ay

naghahatid ng malinaw na kahulugan upang maunawaan ng taong tumatanggap ng

mensahe.

Sa paglaganap ng wikang Filipino bilang Lingua Franca, nabuo ang iba’t

ibang uri ng barayti nito. Sinasaklaw ng barayti ng wika ang paraan kung paano

binibigkas o sinasalita ng mga tao ang nilalaman nilang wika. Kahit na mga tipong,

Solido ang isang grupo ng mga tao ang nalalaman nilang wika. Kahit na mga tipong

Solido ang isang grupo ng mga tao pagdating sa wika mayroi. At mayroong mga

kaibahan o barayti ng wika sa loob nito (Alcaraza,(2007). Sinipi sa aklat na mga

batayang teorya sa varayti at Varyasyon ng wika ni Emma B. Magrua, Ph.D bakit

nga ba nag-iiba ang wika? Bakit ang sinasalitang Tagalog sa Metro Manila ang kaiba

sa uri ng Tagalog na ginagamit sa probinsya ng Quezon o silangang bahagi ng Rizal

o sa Cavite o sa Batangas? Bakit magkaibang Hiligaynon o Illongo ang ginagamit sa

malaking bahahi ng Mindanao at ilang pulo sa Visayas na Cebuano rin ang

ginagamit?

Dagdag pa niya, ang wika ay may iba’t ibang barayti. Barayti ng wika ang

tawag sa pamamaraang ito Mula sa aklat ni Bernales (2009), ang barayti ng wika ay
ipinaliwanag ng teoryang sosyolinggwistik na siyang batayan ng kaisipan bg

pagiging heterogenous ng wika. Nag uugat ang teorya ng mga barayti ng wika sa

pagkakaiba- iba ng mga tao at pangkat at iba pa. Samakatuwid, may dalawang

dimension ang baryabilidad ng wika- ang dimensyong heyograpikal at dinensiyong

sosyal (Constantino, 2006). Dahil sa pagkakaroon ng heterogenous na wika at tayo

ay nagkaroon ng iba’t ibang baryasyon nito at dito nag-uugat ang mga variety ng

wika, ayon sa pagkakaiba ng mga indibidwal. Isa ang pilipinas sa mga bansang may

maraming wika ginagamit may 109 na wika sa Pilipinas ayon kay MacFarland

(1996), samantalang sinasabi ni Constantino (1992) na may higit sa 500 wika at

wikain ang ginagamit sa bansa (binanggit sa Santos, Hufano at Magracia, 2009).

Binubuo ng higit sa 7,000 na isla ang Pilipinas at ang malalaking isla ay nahahati

parin ng matataas na bundik at malawak na ilog at iba pang dimensyong

heyograpikal.

Sa pag-aaral ni Alonzo na mula sa aklat na Minanga Mga Babasahin sa

Varayti at Varyasyon ng Filipino, nakita niyang sadyang may varayti ng wika na

nagbabago sa panahon at sa espasyo kaya’t may varayti ng wika tulad ng diyalekto,

varayti batay sa uri ng katayuang panlipunan, gawain at propesyonal na gamit,

pagkakaiba ng pasalita at pasulat na wika, pagkakaiba batay sa pormalidad, gulang

at maaaring kasarian.

Ayon kay Constantino sa Aklat na Minanga Mga Babasahin sa Varayti at

Varyasyon ng Filipino, isang pangunahing katangian ng wikang Filipino ang

pagbubuo at pagkakaroon ng mga varayti nito. Bilang isang lingua franca o wikang

komon sa mga tagapagsalita ng iba’t ibang wika sa Filipinas, makabubuo ng mga

linggwistikong varayti at varyasyon sa loob ng wikang ito dulot ng pagiging

pangalawa at pangkalahatang wika nito at ng impluwensiya ng mga unang wika.


Ang Pag-aaral ng Varayti at Varyasyon ng Wika: Hanguang Baion sa Pagtuturo at

Pananaliksik

Kaugnay ng di-pagkakapantay-pantay ng mga wika pati ng mga tagapagsalita,

kultura at sibilisasyon (Constantino, 2000).

Sa papel na ito tatalakayin ang mga batayang kaalaman, mga teorya at

pananaw tungkol sa varayti at varyasyon ng wika. Gayundin ilalahad ang mga

pananaliksik na isinagawa na tungkol sa varayti ng wika. Magsisilbing patnubay

ang panimulang paglalahad na ito sa mga propesor, estudyante at mga

mananaliksik sa larangan ng wika partikular sa namamayaning varayti ng Filipino

na ginagamit ngayon sa iba’t ibang rehiyon ayon sa lugar ng taong nagsasalita

(heograpiko) at ayon sa pangkat na kinabibilangan (sosyolek).

Sosyolek

Ayon kay Rubrico (2009) ang sosyolek ay isang mahusay na palatandaan ng

istrapikasyon ng isang lipunan, na siyang nagsasaad sa pagkakaisa ng paggamit ng

wika ng mga tao na nakapaloob Dito batay sa katayuan sa lipunan at sa mga grupo

na kanilang kinabibilangan. Kapansin-pansin ng taong napapangkat-pangkat batay

sa ilang katangian tulad ng kalagayang panlipunan, paniniwala, oportunidad,

kasarian, edad at iba pa.

Dayalek
Binanggit sa aklat na Filipino 1 komunikasyon sa Akademikong Filipino Nina

Alcaraz, et. al 2005. Dayalek. Sa ibang libro ay dayalekto o sa tradisyunal pa, ang

tawag dito ay wikain na nakalilikha ng dimensyong heyograpikal. Ito ang wikang

ginagamit sa isang particular na rehiyon, lalawigan o pook, Malaki man o maliit.

Etnolek

Nakabatay ang pagdedebelop nito mula sa mga salita ng mga itinuturing na

etnolinggwistikong grupo. Ang salitang etnolek ay nagmula sa etniko at dayalek.

Taglay nito ang mga wikang nagging bahagi nang pagkakakilanlan ng bawat

pangkat etniko.

Pagsulat

Si Peter Elbow ang nagsabi na ang pagsulat ay pakikipagtalastasan sa iba.

Subalit sa pagsulat, nakafokus naman ang atensyon sa ating sarili, nakikipag-usap

sa pinakamagaling nating sarili. Bago pa man makarating sa iba ang ating mensahe

tinitiyak na natin ang pinakamahusay at pinakaangkop na salita lamang ating

magagamit. Sa pagsulat, ipinapakita natin ang ating sarili at sa pamamagitan din ng

pagsulat, huhusgahan tayo ng iba.

Ang pagsulat ay isa sa limang makrong kasanayan na dapat matamo ng isang

mag-aaral bilang bahagi sa paglinang ng sarili upang makapagpahayag ng saloobin

sa pagsasatitik gamit ang wika. Sa aklat nila Badayos et. Al. (2007), binigyan ng

kahulugan ang isa sa mga limang makrong kasanayan ang pagsulat ay isang anyo

ng komunikasyon. Ang magaling sa pagsulat ay makatutulong nang malaki upang

lubusang maunawaan ng iyong target na awdyens ang mga ideya o kaisipang nais

ipahayag.

Ang pagsulat ayon kay Bernales et. Al., (2007), ay isa sa mga kasanayang

pangwika na may kaugnayan sa pisikal at mental na aktibidad. Ito ay isang


ehersisyo sa pagsasatitik ng mga ideya sa isang tiyak na estratehiya ng paglilinang

ng estruktura, istilo ng grammar na naayon sa mga tuntunin ng wikang ginamit.

Ang gawaing pagsulat ay isa sa paraan ng paghahatid ng mensahe at ito ay

mahalagang parte sa buhay ng isang mag-aaral, dumadaan tayo sa yugto kung saan

ibinabahagi natin ang ating ideya,damdamin at sariling pananaw bilang pakikipag-

ugnayan natin saating kapwa at lipunan.

Batay naman kay Villafuerte et. Al, (2005) ang pagsulat ay lundayan ng lahat

ng iniisip, nadarama, nilalayon, at pinapangarap ng tao. Sa pamamagitan ng

pagsulat napagtatagpi-tagpi natin ang ating mga ideya at nakalilikha ng mga

konkretong salita. Sa pagsulat kinakailangang na ang mga salitang ginagamit ay

wasto at angkop. Sapagkat ang bawat salita ay may tiyak na kahulugan at maaaring

magbago ang kahulugan ng isang pahayag kung mali gamit salita, kaya

nagkakaroon tuloy ng kamalian at hindi malinaw na pagpapakahulugan.

Ayon kay Gonzales (2005) ang pagsulat ay ang kakayahang

makapagpaliwanag ng malinaw sa pamamagitan ng mga panulat na maituturing na

isa sa pinakamahalagang kasanayang matatamo ng tao.

Sanaysay

Ayon kay Alejandro G. Abadilla (2006) ang sanaysay ay ang pagsasalaysay

ng isang sanay o nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay. Ito ay

nagsimula sa salita na sanay at pagsasalaysay. Isang panitikang tuluyan na

naglalahad ng opinion, kuro-kuro, damdamin, kaisipan, at iba pang manunulat

hinggil sa isang makabuluhan, mahalaga, at napapanahong paksa o isyu.

Sa kabuuan, ang pag-aaral na isasagawa ng mananaliksik ay nagkakaiba

batay sa inilahad na literatura at pag-aaral dahil grupo ng tao ang kanilang

sinisiyasat habang ang sanaysay naman sa baitang 11 ang sinusuri ng mananaliksik


sa pagtukoy ng barayti ng wika at kung ano ang kadalasan nilang ginagamit upang

matukoy ang kanilang pagkakakilanlan. Samantala, pareho naman nitong pinag-

aaralan ang barayti ng wika na kadalasang ginagamit upang matukoy ang tiyak na

pagkakakilanlan ng isang indibidwal o grupo.

KABANATA 3

METODOLOHIYA

Napapaloob sa kabanatang ito ang disenyo ng pananaliksik, instrumento ng

pag-aaralan, paraan sa pagtitipon, pagsasaayos at paraan ng pag-aanalisa ng datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay gagamit ng kwalitatibong disenyo. Tumutukoy ito sa

kredibilidad na sanligan. Isang halimbawa nito ay ang obserbasyon. Layunin nito na

ipaliwanag at bigyan ng inisyal na pagkakaunawa ang mga sirkumstansya sa datos

na kinalap. Ipinahayag Nina McMillian at Schumacher (2006) na may dalawang

hangarin ang kwalitatibong pananaliksik, “ang maglarawan at magsiyasat at ang

maglarawan at magpaliwanag”. Layunin rin nitong hindi lamang ang pagkuha ng

datos o impormasyon, kundi ang pagsisiyasat at pagsasaliksik sa iba’t ibang mga

konteksto ng karanasan ng mga indibidwal. Ito ay sumasalamin sa mga karanasan


at perspektibo ng mga tao, at naglalayong makalikha ng malalim na pang-unawa at

pagsasanay tungkol sa isang partikular na isyu o phenomenon.

Paraang palarawan (descriptive) na pamamaraan ang gagamitin sa

pagtalakay, pagsusuri at pag-aanalisa ng mga nakolektang datos. Ito ay disenyo

para sa mananaliksik tungkol sa isang kalagayan sa kasalukuyan. Ipinaliwanag ni

Best (1963), ang palarawang pananaliksik ay isang imbestigasyon na naglalarawan

at nagbibigay-kahulugan sa isang bagay o paksa. Ang palarawan ay naglalayong

ibahagi at maipahayag ang mga natuklasan, saloobin, o impresyon batay sa

masusing pag-aaral at pagsisiyasat ng mga kwalitatibong datos. Ito ay nagbibigay

ng mga malalim na paglalarawan at kontekstwalisadong mga impormasyon na

naglalayong magbigay ng tiyak at malalim na pang-unawa sa pinag-aaralan.

Sa pangkalahatan, ang kuwalitatibong pananaliksik at palarawan ay mga

pamamaraang ginagamit sa pananaliksik upang maunawaan at maipakita ang mga

karanasan, mga paniniwala, at konteksto ng mga tao at pangyayari. Ang mga ito ay

mahalaga sa pagbuo ng malalim at malawak na pag-unawa sa mga pangyayari at

paksa na hindi lamang nasusukat o nasusuri sa pamamagitan ng mga datos o

numero.
Instrumento ng Pananaliksik

Ang instrumentong gagamitin sa pag-aaral ay ang mga piling output ng mga

estudyante sa baitang 11. Upang maging kapani-pakinabang ang isasagawang pag-

aaral, generic dapat ang ginagamit ng guro bilang isang criteria sa isasagawang pag-

aaral. Gagamitin ito upang makuha ang inaasahang datos sa pag-aaral tungkol sa

mga varayti ng wika na makikita dito at kung anong varayti ng wika ang mas

nangingibabaw at kadalasang ginagamit.


Paraan ng Pagtitipon ng Datos

Unang hakbang sa gagawin ng mananaliksik ay pupunta sila sa isang mataas

na paaralan, humingi ng pahintulot at permiso sa guro upang kumuha ng litrato sa

mga sulating output sa baitang 11. Matapos itong maisagawa ay lilitratuhan na ito

ng mananaliksik at magpapasalamat sa guro at uuwi. Sumunod ay hahanapin ng

mananaliksik ang mga barayti ng wika na napakaloob sa sulating output. Matapos

ito ay gagawa ng talahanayan upang matignan kung anong kadalasang barayti ba

ang kanilang ginagamit sa pagsagot, kung ito ba ay Sosyolek, Dayalek o Register na

barayti ng wika. Sa huli, gagawa ang mga mananaliksik ng isang banghay-aralin na

magpapaliwanag sa barayti ng wika upang maging lunsaran sa mga guro at

magamit ng iba pang mananaliksik.

Upang masigurado na tiyak at tama ang mga salitang nakalap, ipinawasto ito

sa isang tesis adviser at guro ng pananaliksik na nagsisilbing validator sa ginawang

pag-aaral. Ang validator ng pag-aaral ay guro sa asignaturang Filipino sa JH Mati,


San Miguel at nakatanggap ng parangal na Doctoral degree at Master’s degree sa

larangan ng pagtuturo. Pagkatapos ng validasyon saka ginawa ang paghihimay-

himay sa mga nakolektang datos.

Pagsasaayos ng Datos

Unang ginawa ng mananaliksik ang humanap ng mataas na paaralan upang

kumuha ng mga litrato sa mga sulating output ng baitang 11. Matapos nito ay

tinignan ng mananaliksik kung anong uri ng barayti ng wika ang naroroon sa

kanilang nakalap na litrato ng sulatin at gagawa ng isang talahanayan upang tiyak

na matukoy ang dalas ng barayti na kanilang ginagamit at upang matukoy kung

saang ispisipikong lugar sila nanggaling.

Batay sa katanungan ng kabanata 1, bumuo ang mga mananaliksik ng

talahanayan at hinati ito sa (3) tatlo, pahalang at pababa. Inilagay sa talahanayan ang

Dayalek, Sosyolek at Register upang tiyak na matukoy at ilista ang mga barayti na

nakalap sa isinagawang pag-aaral. Binilang ang mga nakolektang salita batay sa

dalas nito upang matukoy kung saang barayti napapabilang ang ginamit na wika sa

mga piling sulating output sa baitang 11.


Inihanay ang mga datos mula sa piling sulating output ng baitang 11 sa

magkaibang papel.

Pag-aanalisa ng mga Datos

Gagamitin ang paraang palarawan (descriptive) sa pag-aanalisa ng datos

dahil ang palarawan ay naglalayong ibahagi at maipahayag ang mga natuklasan,

saloobin, o impresyon batay sa masusing pag-aaral at pagsisiyasat ng mga

kwalitatibong datos. Ito ay nagbibigay ng mga malalim na paglalarawan at

kontekstwalisadong mga impormasyon na naglalayong magbigay ng tiyak at

malalim na pang-unawa sa pinag-aaralan. Gagamitin rin ang teoryang vartionist ni

Lavov, et,al. (1968) kung saan nakikita sa teoryang ito ang mga relasyon ng mga

pangkapaligirang kadahilanan tulad ng sosyoekonomikong grupo, edad, kasarian,

at iba pa sa pagbabago ng wika. Ito ay tumutulong sa pag-unawa kung paano

nabubuo at kumakalat ang mga baryasyon sa wika sa loob ng isang komunidad at

kung paano ito nauugnay sa mga pangkapaligiran.


Sa tulong naman ng talahanayan ay tiyak na maaanalisa ng mananaliksik ang

mga datos na kinalap upang matukoy ang dalas ng wikang ginagamit at kung saang

lugar o komunidad sila napapabilang.

Talasanggunian

Abad, Marieta, et. al,. (1995). Filipino bilang tanging gamit. Manila: National

Bookstore

Agbayani, E., (2016). Ang Pagsusuri ng sa katangian ng Davao Filipino bilang

Varayti ng Wikang Filipino. Iligan City: MSU-Iligan Institute of Technology Lungsod

ng Iligan

Alonzo, R. (1993), “Mga Pag-aaral sa Varyasyon at Varayti ng Wika.” Papel na

Binasa sa Pambansang Kumperensya ng Pambansang Samahan sa Wika. U.P.

Alejandro, Rufino (1970). Ang Sining at Pamamaraan ng Pagsulat ng Paglalahad.

Manila: University Bookstore, Inc.


Constantino at Pamela C. (1993). “Varayti at Varyasyon ng Wika: Historya, Teorya at

Praktika nasa Minanga, Sentro ng Wikang Filipino, UP, Quezon City.

Delima at Purificacion, (1993). “Emerging Filipino Variety as Interchanges Among

Native ang Non-Native Speakers: An Analysis.” Disertasyong Iniharap sa Kolehiyo

ng Edukasyon, UP.

Gonzaga, et al., (2022). Barayti ng Wikang Filipino sa Programang Panshowbiz at

Telebisyon. Di nalathalang Tesis, JH Cerilles Main Campus. San Miguel, Zamboanga

del Sur.

Liwanag at Lydia B. (1993-1998). “Ang Register ng Filipino na Ginagamit ng mga

Estudyante sa Pamantasang Normal ng Pilipinas.” Papel na Binasa sa Pambansang

Seminar ng Pambansang Samahan ng Wika, UP. 1993 at sa Internasyunal

Kumperensya sa Filipino. 1998.

Ocampo at Nilo S. (1993). “Suroy-Suroy sa Palanan: Varayti ng Filipino sa Isang

Multi-Etnikong Probinsya” Papel na Binasa sa Pambansang Kumperensya ng

Pambansang Samahan sa Wika, UP.

Sortones, et al., (2022). Barayti ng Wikang Filipino na umiiral sa JH Cerilles State

College – TUKURAN. Di nalathalang Tesis, JH Main Campus. San Miguel

Zamboanga del Sur.

Semorlan at Teresita. (2002). “Chavacano Filipino: Varayti ng Filipino sa Siyudad ng

Zamboanga nasa Minanga. Sentro ng Wikang Filipino, UP, Quezon City

Victor at Flarencia C. (1993). “Sarbey ng Varayti ng Filipino na Sinasalita ng mga

Estudyanteng Ibaloy at Kankanaey sa Benguet State University.” Papel na Binasa sa

Pambansang Kumperensya ng Pambansang Samahan sa Wika, UP.

You might also like