Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

4th PERIODICAL TEST IN FILIPINO 4

NAME: ___________________________________ PETSA: ______________ SCORE: ____________


I. Lagyan ng T kung tama ang pahayag at M naman kung hindi. Isulat ang sagot
sa iyong papel.

_______ 1. Lahat ng sinasabi sa patalastas ay totoo.

_______ 2. Ang pasalaysay ay uri ng pangungusap na nag-uutos.

_______ 3. Ang padamdam ay uri ng pangungusap na nagsasaad ng matinding damdamin tulad ng tuwa,
lungkot, pagkagulat at iba pa. Nagtatapos ito
sa tandang padamdam.

_______ 4. Sa pagbibigay ng direksyon dapat gawing payak at maikli lamang.

_______ 5. Huwag maging magalang kapag nagbibigay ng direksyon ahil disturb lang.

_______ 6. Bilang batang pinoy, dapat lang na ipagmalaki ang produktong pinoy.

_______ 7. Ang pasalaysay na pangungusap ay nagtatapos sa tandang pananong.

_______ 8. Sabihin sa maliwanag na pananalita ang ibibigay na direksyon.

_______ 9. Ang pangungusap na patanong ay nagsasaad ng tanong. Ito ay nagtatapos sa tandang


pananong.

_______10. Importanteng maging mapanuri tayo sa panonood ng patalastas dahil maaaring hindi lahat ng
sinasabi nito ay totoo.

II. A. Basahin ang pangungusap at tukuyin kung anong uri ng pangungusap ito. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa iyong papel.

_____11. Ang bag ay yari sa rattan o mas kilala sa tawag na yantok.


A. Pasalaysay B. Padamdam C. Pautos D. Patanong

_____12. Aba! Kamangha-mangha ang pagkagawa ng silya at mesa.


A. Pasalaysay B. Padamdam C. Pautos D. Patanong

_____13. Naghahanap ka ba ng mura at matibay na sapatos?


A. Pasalaysay B. Padamdam C. Pautos D. Patanong

_____14. Bianca, isukat mo ang bagong biling tsinelas para sayo.


A. Pasalaysay B. Padamdam C. Pautos D. Patanong

_____15. Ang abaka ay isang uri ng halaman na nahahawig sa puno ng saging.


A. Pasalaysay B. Padamdam C. Pautos D. Patanong

B. Lagyan ng tsek (/) kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan at


ekis (x) kung hindi.

______ 16. Gawing payak at maikli ang ibibgay na direksyon.

______ 17. Dapat matagal matapos ang pagbibigay ng direksyon para mas
maunawaan ng nagtatanong kahit paulit-ulit na.

______ 18. Maging magalang sa nagtatanong at sa pagbibigay ng direksyon.

______ 19. Gumamit ng po at opo sa pagbibigay ng diresksyon sa mga nakakatanda.


______ 20. Sabihin sa maliwanag na pananalita ang ibibigay na direksyon.

III. Matalinong sagutin ang bawat aytem ng pagsubok. Titik lamang ng tamang sagot ang isulat.

____21. Umiyak ang bata sapagkat nawala ang kaniyang pera. Ibigay ang sanhi sa pangyayaring binasa.
a. Umiyak ang bata b. Sapagkat nawala ang kanyang pera
c. Ang bata sapagkat d. Umiyak
____22. Marami ang kanilang anak sapagkat maaga silang nag-asawa. Ibigay ang bunga ng pangyayari.
a. Sapagkat maaga silang nag-asawa c. Sapagkat maaga
b. Marami ang kanilang anak d. Ang kanilang anak
____23. Nagkasakat siya ng kanser sa baga dahil sa paninigarilyo. Ibigay ang sanhi ng pangyayari
a. Nagkasakit siya b. kanser sa baga
c. dahil sa paninigarilyo d. Nagkasakit siya ng kanser sa baga
____24. Akala ko naglilihi na siya. Ito’y isang ___________
a. katotohanan b. piksyon c. opinion d. tsismis
____25. Matatagpuan sa lalawigan ng Albay ang bantog na Mayon Volcano. ____________ ang pahayag na ito.
a. opinion b. piksyon c. katotohanan d. guni-guni
____26. Bumagyo nang malakas kaya maraming pananim ang nasalanta. Alin ang sanhi ng pangyayari?
a. Bumagyo nang malakas c. ang nasalanta
b. kaya maraming pananim d. maraming pananim ang nasalanta
____27. Masakit ang ngipin niya sapagkat kumain siya ng kendi. Alin ang bunga ng pangyayari?
a. kumain siya ng kendi b. Masakit
c. Masakit ang ngipin niya d. sapagkat kumain siya
____28. Ulila nang lubos si Andong. Nagsikap at nagtiyaga siyang mamasukan bilang isang katulong. Nag-
aaral siya sa gabi.Ano ang angkop na wakas ng kuwentong ito?
a. Nakatapos ng pag-aaral si Andong. May matatag na siyang hanapbuhay ngayon.
b. Hindi nakatapos ng pag-aaral si Andong. Katulong pa rin siya hanggang ngayon.
c. Naging sugapa si Andong sa mga ipinagbabawal na droga.
d. Sumama si Andong sa mga magnanakaw. Nakakulong na siya ngayon.
____29. Matipid si Gina. Hindi niya inuubos gastusin ang perang ipinababaon sa kanya ng kanyang nanay.
Iniimpok niya ito sa bangko. Nagkasakit ang nanay ni Gina. Wala siyang perang pampagamot. Ano ang angkop
na wakas sa kuwento?
a. Namatay ang nanay ni Gina.
b. Ipinagamot ni Gina ang kanyang nanay.
c. Iniwan ni Gina ang kanyang nanay.
d. Hindi kinuha ni Gina ang perang naiimpok niya sa bangko
____30. Pinagbabawalan si Juan ng kanyang lola sa sumama sa masasamang barkada. Hindi nakinig si Jun.
Sumama siya sa grupo ng mga magnanakaw na nanghold-up ng isang bangko. Nadakip ang grupong ito ng mga
pulis. Ano ang angkop na wakas ng kuwento?
a. Naging pulis si Jun
b. Dumami ang barkada ni Jun.
c. Tahimik ang pamumuhay ni Jun
d. Nabilanggo si Jun, kasama ng kanyang mga kabarkada
____31. Aling pangungusap ang angkop na gamitin kung may ipakukuha kang gamit sa iyong kaklase?
a. Kuhanin mo nga iyong aklat ko sa mesa.
b. Asan na ang ipinakukuha kong aklat sa iyo
c. Hanapin mong madali ang aklat ko.
d. Pakikuha mo nga ang aking aklat na nasa mesa
____32. Anong pangungusap ang iyong sasabihin sa isang bago mong kamag-aral?
a. Hoy, sino ka? b. Ano ang iyong pangalan?
c. Saan ka galing? d. Bakit ka lumipat ng paaralan?
____33. Aling pangungusap ang angkop na gamitin kung may ipakukuha kang gamit sa iyong kaklase?
a. Kuhanin mo nga iyong aklat ko sa mesa.
b. Asan na ang ipinakukuha kong aklat sa iyo
c. Hanapin mong madali ang aklat ko.
d. Pakikuha mo nga ang aking aklat na nasa mesa
____34. Anong pangungusap ang iyong sasabihin sa isang bago mong kamag-aral?
a. Hoy, sino ka? b. Ano ang iyong pangalan?
c. Saan ka galing? d. Bakit ka lumipat ng paaralan?
____35. Nakakuha ka ng mataas na marka sa pagsusulit, paano mo ito ibabalita sa iyong magulang?
a. Yahoo! Nanay, ako ang pinakamataas sa pagsusulit!
c. Mataas ang aking nakuhang marka sa pagsusulit!
b. Nay, mataas ang aking nakuha sa pagsusulit
d. Nanay! Nanay! Mataas ang aking marka sa pagsusulit.

IV. Isulat ang O kung opinion ang pahayag na binasa o K kung ito ay katotohanan.

______36. Parang galit siya sa akin.


______37. Sa palagay ko, madali nang makaahon sa kahirapan ang ating bansa.
______38. Filipino ang pambansang wika nating mga Pilipino.
______39. Maaaring umulan mamayang gabi
______40. “Lupang Hinirang” ang pamagat ng ating pambansang awit.

LAGDA NG MAGULANG: ___________________________ PETSA: ____________

You might also like