Q4 Esp

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

4th PERIODICAL TEST IN ESP 4

NAME: ___________________________________ PETSA: ______________ SCORE: ____________


I. Iguhit ang masayang mukha kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa buhay na
likha ng Diyos at malungkot kung hindi.

____1. Nagsesepilyo ako pagkatapos kung kumain ng kendi.

____2. Nagbibihis ako ng malinis na damit pagkagaling ko sa paaralan.

____3. Masarap ang lasa ng softdrinks kaya ito ang binibili ko tuwing recess.

____4. Naliligo/naglilinis ako ng katawan ko bago matulog.

____5. Natutulog ako ng 8 oras araw- araw.

II. Basahin ang bawat sitwasyon at isulat sa patlang ang Tama kung wasto ang sinasabi ng pahayag at
Mali kung hindi.

_______6. Ang simpleng hug, pagbati ng hello, kunting sakripisyo para sa iba, paggalang, at iba pa ay
pagpapakita ng pagmamahalan.

_______ 7. Maging mahinahon dahil walang magandang patutunguhan kung paiiralin ang pagiging pikon at
maiinit ang ulo.

_______ 8. Hindi kailanman maibabahagi ng isang tao ang kapayapaan sa iba kung wala siyang pera.
Isinama ka sa Dumaguete City ng iyong pinsan na nagbalikbayan mula sa ibang bansa. Sa isang parke roon,
may isang lugar na nag-aanyaya ng libreng tikim ng kanilang ipinagmamalaking prutas na durian.

_______ 9. Ang pagmamahal ay nangangahulugan ng paggawa ng mabuti para sa iba.

_______ 10. Ang kapayapaan ay mananatili kung bawat isa sa atin ay mukhang pera.

_______ 11. Ang mga taong nagdarasal ay may kapayapaan.

_______ 12. Ang hindi pag-iwas sa gulo ay paraan para matamo ang kapayapaan.

_______ 13. Pinakamabisang paraan upang makamtan ang kapayapaan ay ang pagsisimula ng kapayapaang
pansarili.

_______ 14. Nananalangin ang mga tao upang magkaroon ng ganap na kapayapaan.

_______ 15. Bawat kasapi ng pamilya ay inaasahang gumawa ng kabutihan, magmahal, magpakita ng
pagmamalasakit, paggalang, at higit sa lahat maipamalas ang kapayapaang panloob para makamtan ang
mapayapang
Komunidad

III. Ilagay ang tsek (̷ ) kung ito ay ginagawa mo ekis (×) kung hindi.

16. Kumakain ako ng prutas at gulay.

17. Gumagamit ako ng sunglasses kapag tirik ang araw.

18. Iniiwasan kong uminom ng softdrinks.

19. Naliligo ako bago matulog.

20. Madalas akong kumain ng junk foods.


I. Lagyan ng tsek (/) ang bilang kung ang isinasaad sa pangungusap ay tungkol sa pangangalaga at
pagprotekta sa hayop na ligaw at endangered animals at ekis (X) naman kung hindi. Isulat ang sagot
sa iyong kuwaderno.
____ 21. Hindi paghuhuli ng baboy-ramo sa kagubatan upang patayin.
____ 22. Pagtirador sa ibong agila na nakikitang nakadapo sa punongkahoy.
____ 23. Pag-iwas sa paghuli sa usa upang kunin ang sungay at ibenta ito.
____ 24. Pagdadala ng sawa sa Manila Zoo upang doon alagaan.
____ 25. Tahimik na nanonood sa mga tarsier habang natutulog ang mga ito.
____ 26. Pagbabaon sa ilalim ng lupa ng pond turtle.
____ 27. Pagbibigay sa tamaraw ng pagkaing damo.
____28. Panghuhuli ng pond turtle upang ibenta.
____ 29. Pagbibigay o paghahagis ng mga bagay na hindi maaaring kainin ng isang buwaya.
____ 30. Pagsangguni sa Animal Welfare Committee para sa wastong pangangalaga sa mga hayop.
II. Basahin ang sitwasyon at piliin ang dapat mong gawin. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
_____31. May proyektong inilunsad sa inyong pamayanan. Ito ay ang pagtatanim ng puno sa tabi ng kalye at
pangunahing lansangan. Paano ka lalahok dito?
A. Hindi ko sila papansinin.
B. Ako ang kukuha ng kanilang larawan.
C. Magpapakilala ako sa namamahala at kukumustahin ko siya.
D. Lalapit ako sa namamahala ng proyekto at aalamin kung paano ako makatutulong.
_____32. Nakatira kayo sa isang apartment. Walang bakanteng lote na mapagtaniman sa harap o likod ng
inyong tirahan. Nais mong makilahok sa proyektong pagtatanim ng gulay. Ano ang iyong gagawin?
A. Magtatanim ako sa mga lata, paso, lumang plastic na timba, palanggana o batya.
B. Iisip na lamang ako ng ibang proyekto.
C. Bibili ako ng artipisyal na halaman.
D. kalilimutan ko na lang ang pagsali.
_____33. Ang inyong barangay ay naglunsad ng proyektong “Magtipon ng mga Buto at Binhi” para sa
pagtatanim ng mga gulay sa buong lugar. Papaano mo ibabahagi ang
iyong oras?
A. Ayoko ng ganitong proyekto.
B. Wala akong alam sa mga buto at binhi.
C. Magmumungkahi ako ng tindahan na mabibilhan nila ng mga buto at gulay.
D. Ako ay magtitipon ng mga buto at binhi at ibibigay ko sa barangay.
_____34. Ang pangulo ng Homeowners Association sa inyong subdibisyon ay nagpatawag ng pulong para sa
kabataang tulad ninyo para sa ilulunsad na bagong proyektong “Halamang Gamot Para sa Kalusugan”. Papaano
mo
ibabahagi ang iyong oras sa proyektong ito?
A. Hindi ako dadalo sa pulong.
B. Magdadahilan ako na hindi ako pinayagan ng aking magulang.
C. Hindi ako interesado dahil wala akong pakialam sa proyekto.
D. Dadalo ako sa pulong dahil naniniwala ako na maganda ang maidudulot ng proyektong ito sa aming lugar.
_____35. Ang Community Extension Services Unit ng isang kolehiyo na malapit sa inyong lugar ay
maglulunsad ng isang programa tungkol sa “Gulayan sa Bakuran” na makatutulong sa inyong lugar. Ano ang
iyong gagawin?
A. Hindi ako interesado sa ganitong proyekto.
B. Wala akong pakialam sa pagtatanim ng gulay sa aming bakuran.
C. Magbigay ako ng sapat na oras at panahon sa pagdalo sa isasagawang paglulunsad ng proyekto.
D. Hindi na ako kailangang dumalo pa dahil alam ko na ang mga sasabihin nila.

III. Basahin at intindihin ang bawat sitwasyon. Lagyan ng tsek ( / ) ang patlang kung ang pahayag ay tama at
ekis ( x ) kung mali.
_____36. Nakikilahok ako sa programang “Clean and Green”.
_____37. Tumutulong ako sa pagtatanim ng halaman sa aming paaralan at komunidad.
_____38. Kusa kong dinidiligan ang mga halaman sa aming paaralan.
_____39. Ibinubuwal ko ang mga halaman sa aming bakuran.
_____40. Pinipitas ko ang ano mang bulaklak na aking nakikita.

LAGDA NG MAGULANG: ______________________________ PETSA: _____________

You might also like