Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Buod at Sintesis

Kahulugan ng Buod:
Ang buod ay ang pangunahing ideya ng may akda na gamit ang sariling salita o pangungusap
ng isang indibidwal. Bukod dito, mas maikli sa orihinal ngunit naglalaman ng kabuuang isipan
ng orihinal na teksto (Ki, 2020).

Layunin ng Buod (jay dati nga nakasurat)

Mga Uri ng Pagbubuod (adda kanyam nu isurat mo)

Mga Kinakailangan sa Pagsulat ng Buod


ayon kay Rachel Pornea De Vela (n.d.)
1. Tumatalakay sa kabuuan ng orihinal na teksto.
2. Nailalahad sa pamamaraang nyutral o walang kinikilingan.
3. Pinaikling bersyon ng orihinal at naisulat ito sa sariling pananalita ng gumawa.

Mga Katangian ng Isang mahusay na Buod


ayon kay Rachel Pornea De Vela (n.d.)
a. Nagtataglay ng obhetibong balangkas
ng orihinal na teksto.
b. Hindi nagbibigay ng sariling ideya at
kritisismo. Hindi nag sasama ng mga
halimbawa, detalye o impormasyong
wala sa orihinal na teksto.
c. Gumagamit ng mga susing salita.
d. Gumagamit ng sariling pananalita ngunit
napapanatili ang mensahe.

Mga Hakbangin sa Pagbubuod


ayon kay Rachel Pornea De Vela (n.d.)
1. Habang binabasa ang akda, salungguhitan ang mga mahahalagang punto o detalye.
2. llista o igrupo ang pangunahing ideya, ang mga
katulong na ideya at ang pangunahing paliwanag sa bawat ideya.
3. Ayusin ang pagkasunod-sunod ng mga ideya sa lohikal na paraan.
4. Kung gumamit ng unang panauhan ang awtor,
palitan ito ng kanyang apelyido, ng "Ang manunulat", o “siya”.
5. lsulat ang buod.

Ano ang Sintesis?


Ito ay ang paggawa ng koneksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang mga akda o sulatin.

Katangian ng Sintesis
Ang sintesis naman ay ang pagsasama sama ng dalawa o higit pang buod upang
makapagbigay ng koneksyon sa pagitan ng isa o higit pang sulatin (Ki, 2020).

Dalawang Anyo ng Sintesis:


a. EXPLANATORY SYNTHESIS
- isang sulating naglalayong tulungan ang mambabasa o nakikinig na lalong maunawaan ang
mga bagay na tinatalakay.
b. ARGUMENTATIVE SYNTHESIS
- ito ay may layuning maglahad ng pananaw ng sumusulat nito.

Mga Uri ng Sintesis:


a. Background sintesis — nangangailangang pagsama-samahin ang mga sanligang
impormasyon ukol sa isang paksa.
b. Thesis-driven synthesis — halos katulad lamang it ng background synthesis ngunit
magkaiba lamang sila ng pagkatuon.
c. Synthesis for the Literature — ginagamit ito sa mga sulating pananaliksik.

Mga Katangian ng Mahusay na Sintesis:


a. Nag-uulat ng tamang impormasyon mula sa mga sanggunian at gumagamit ng
iba't-ibang estruktura at pahayag.
b. Nagpapakita ng organisasyon ng teksto na kung saan madaling makikita ang mga
impormasyong nagmumula sa iba't-ibang sangguniang ginagamit,
c. Nagpapatibay nito ang nilalaman ng mga pinaghanguang akda at napasailalim nito ang
pag-unawa ng nagbabasa sa mga akdang pinag-ugnay-ugnay.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis:


1. Linawin ang layunin ng pagsulat.
2. Pumili ng mga naaayong sanggunian batay sa layunin at basahin ng mabuti ang mga
ito.
3. Buuin ang tesis ng sulatin.
4. Bumuo ng plano sa organisasyon ng sulatin.

Ano ang Pagkakaiba ng Buod at Sintesis?


● Ang BUOD ay ginagawa upang ipakita ang pangunahin at pinakaimportanteng ideya sa
isang teksto. Samantalang ang SINTESIS ay pagsasama-samang buod upang makabuo
ng koneksyon sa mga teksto.

- Rachel Pornea De Vela

You might also like