Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Ang Luha ng Buwaya

ni
Amado V. Hernandez

Isang Pagsusuring Pampanitikan


Ipinasa ni:
Allen Javee B. Cartujano
Charen Mae Maximo
Cris John Isaran
Davie Cris D. Balpongo
Donnah May Villegas
Francis Panagsagan
French Torrecampo
Jacquelyn Delgado
Ma. Abigail M. Misa
McGilmoure Nexous Flores
Nicole V. Bermejo
Roman E. Calimutan
Ronel F. Asuncion
Ronelyn Carles

Ipinasa kay:
Gng. Anna Lorraine Amores
Pamagat
Naging basehan ni Amado V. Hernandez ang pagsulat sa Luha ng Buwaya ang pang-aapi
ng isang mayamang pamilya sa mga taong dukha sa isang bayan sa probinsya. Bilang
tinaguriang ama ng manggagawa lubos niyang inialay ang kanyang sarili para sa kapakanan ng
mahihirap na kanyang ipinaglaban sa pagsulat ng nobela. At tinukoy din niya ang pagkakaisa at
pagkakasundo ng mga magsasaka upang malutasan ang problema. Ang dahilan kung bakit “Luha
ng Buwaya” ang titulo ng nobelang ito ay dahil sa ang "luha ng buwaya" ay nangangahulugang
bulaklak ng dila na nangangahulugang "mapagbalatkayo" o "pagkukunwari."
Si Amado Vera Hernandez ay ipinanganak noong ika-13 ng Setyembre 1903 sa bayan ng
Hagonoy sa Bulacan. Isa siyang tanyag na makata, manunulat at pinuno’t aktibista para sa mga
manggagawa. Nagsimula siyang magsulat para sa mga pahayagan noong siya’y binatilyo pa
lamang. Ilan sa mga pahayagan kung saan siya’y naging peryodista ay ang Watawat, Pagkakaisa,
at Mabuhay. Ang kanyang mga akda any nakuha ang pansin ng tao at nasama ang ilang niyang
mga kwento’t tula sa mga antolohiyang kagaya ng Parolang Ginto ni Clodualdo del Mundo at
Talaang Bughaw ni Alejandro Abadilla.
Noong 1922, naging kasapi si Hernandez ng samahang Aklatang Bayan, kung saa’y
kabilang din sina Jose Corazon de Jesus at Lope K. Santos. Siya rin ay naging pangulo ng dati’y
Philippine Newspaper Guild. Ngunit ang talaga niyang mahalagang gawain ay ang pagorganisa
ng mga unyon para sa mga manggagawa. Si Hernandez ay dinakip noong taong 1950 sa salang
siya raw umano’y isang lider ng mga rebelyong namumuo sa Luzon kung kaya’y isinulat ni
Hernandez ang Luha ng Buwaya habang siya’y nasa bilanguan (sa pagitan ng taong 1951
hanggang 1956), at ito’y unang nalimbang noong 1962 ng Ateneo de Manila University Press.
Matapos ng limang taong pagkakakulong, siya’y hinayaang magbayad ng piyansa, at di kalaunan
ay napawalang-sala sa mga kasong kanyang hinaharap. Si Hernandez ay nagpatuloy magsulat at
magturo hanggang sa kanyang kamatayan noong ika-24 ng Marso, taong 1970.

Panimula
Ang tema ng nobela ay tumatalakay sa kasakiman ng mga Grande na tulad ng mga
buwaya at ang pagkakaisa ng mga magsasaka upang masugpo ito. Ang pamagat ng nobelang
“Luha ng Buwaya”, na “crocodile tear” sa Ingles ay isang idyoma. Ito’y nangangahulugang
“isang hindi totoo o hindi matapat na pagpapakita ng damdamin.” Sa ating pakakahulugan, ang
buwaya ang sumisimbolo sa mga buktot na tao, at ito’y nasa katauhan ng mga Grande. Makikita
ang pagiging sakim ng mga ito sa lupa, na naging rason upang ang mga api ay lalong maghirap.
Maiuugnay ang pamagat sa kuwento sa ilang pangyayari. Nang mamatay si Sepa ay nagpadala
ng abuloy si Donya Leona upang ipakita na sila’y nakikiramay sa sinapit ng asawa ni Hulyan.
Kung bakit natuluyan si Sepa ay sapagkat wala silang maipambili ng gamot, dahilan sa hindi
pagpayag ni Donya Leona upang kalahati lang muna ang kaltasin sa mga naani. Isa pang
pangyayari ay kung saan tuwing Linggo’y parating dumadalo ng misa ang mi ari, ‘pagkat
naniniwala siyang “ang pagiging ‘mabuting Kristiyano’ ay ganap na pumapahid sa ibang mga
kapintasan o kasiraan, at para din naming sukat ng magsimba, minsan sanlinggo upang ang isa’y
maging ‘mabuting Kristiyano’.” Sa katauhan ni Bandong, siya ang naging tagapayo ng unyon ng
mga magsasaka at ang utak sa likod ng pagtatayo ng kooperatiba ng mga iskuwater. Hayag sa
kuwento ang pagkakaisa ng mga tauhan tungo sa pagbabagong inaasam, at dahil dito’y nagawa
nilang kalabanin at mapagtagumpayan ang mga malalaking tao.

Katawan
Umiikot ang kwento ng Luha ng Buwaya sa tunggalian ng mayayamang may-ari ng lupa
at ng kanilang mga inaaping magsasaka sa bayan ng Sampilong ilang taon matapos ang
pananakop ng mga Hapones. Nagsimula ang kwento sa pag-uwi ni Maestro Bandong Cruz sa
Sampilong upang humalili sa dating punong-guro na nagbakaston muna dahil sa karamdaman.
Nagkataon naman na magkakaroon ng malaking handaan sina Don Severo at Doña Leona
Grande, ang mga pinakamayaman sa Sampilong, bilang pagsalubong sa kanilang dalawang anak
na sina Jun at Ninet. Ang magkapatid ay umuwi sa Sampilong mula sa kanilang pagtatapos sa
Maynila. Ang pamilya Grande ay lubhang mapang-api sa kanilang mga magsasaka , at hindi
lamang ngayong malapit na ang piging ngunit kahit noon pa man. Sila'y lagging walang-awang
sumisingil ng mga nagkakapatong-patong na utang ng mga mahihirap na magsasaka. Isang
halimbawa ng kanilang kalupitan ay, ilang araw matapos ang handaan, namatay ang asawa ng
isang magsasaka dahil hindi pinagbigyan ng mag-asawa ang hiling ng lalaki na huwag munang
kunin ang kanilang pera upang mayroon siyang maipambili ng gamot para sa kanyang maysakit
na asawa.
Dumating ang mga pangyayari sa puntong napuno na ang mga mahihirap na magsasaka
at naisip nilang magtayo ng isang unyon para mapangalagaan ang kanilang mga karapatan. Sila
ay tinulungan ng butihing punong-guro na si Bandong. Sa tulong nito ay namulat ang isipan ng
mga tao sa Sampilong at gumanda ang kalagayan ng mga mamamayan. Ngunit patuloy na umiral
ang kasakiman ng mga Grande at tinangka nilang kamkamin ang lupaing kung tawagin ay
'Tambakan' o 'Bagong Nayon' at hinabla ang mga mahihirap upang mapigilan ang kanilang mga
plano. Di nagtagal at nakarating ang mga balitang ito sa mga Grande sa pamamagitan ng
kanilang katiwala na si Dislaw, ang karibal ni Bandong sa panliligaw sa magandang dalagang si
Pina, at sila'y gumawa ng paraan upang matanggal si Bandong sa pagkapunong-guro sa paaralan.
Nalaman ni Bandong kung sino ang mga may galit sa kanya at tahasa na siyang nakiisa sa mga
plano at hinanaing ng mga maralitang tao ng Sampilong. Sinubukan nilang dalhin ang problema
sa korte at ayusin ito sa harap ng hukuman ngunit nagkaproblema sila dahil sadyang
maimpluensya ang mga Grande. Di naglaon ay napabalitang ang lupaing iyon ay hindi pala sa
mga Grande, at sa halip ay pagmamay-ari ito ng isa nilang kasamahan na si Andres. Sa huli ay
napawalang-sala rin ang mga inosenteng mahihirap at nabigyan ng hustisya.

Konklusyon
Ang teoryang ginamit sa nobelang ito ay teoryang Realismo sapagkat ipinakita ng may
akda ang tunay na nangyayari sa lipunan. Inilarawan ng may akda ang kanyang mga naranasan
sa katotohanan o reyalidad ng buhay. Dahil sa kahirapan karamihan sa mga tao ang hindi
nabibigyan ng hustisya lalo na sa mahihirap dahil wala kang sapat na kapangyarihan upang
ipagtanggol ang iyong sarili at karapatan bilang tao katulad din ng nangyari sa kwento niyurakan
ng mga Grande ang pagkatao ng mga magsasaka ngunit sa dahil sa pagkakaisa ng mga
magsasaka nalutas nila ang problema at nahanap nila ang hustisya. Pandamdamin
Nakakapanggalaiti at nakakalungkot. Ipinakita sa nobela ang kasakiman at kalupitan ng mga
Grande sa mga magsasaka. Maihahalintulad ito sa lipunan mga taong mapagbalatkayo tulad ng
mga Grande laganap na ito sa ngayon ginagamit at tinatapakan ang mga tao na mababa para sa
sariling intensyon. Ang mensahe ng kwentong ito ay maihahalintulad sa isyu ng lipunan na
hanggang ngayon ay ating nararanasan ang pagyurak sa mga taong nasa mababang antas ng mga
taong may kapangyarihan sa lipunan. Madaming tao ang nabibihag at nabubulag sa yaman, ang
yaman na dapat ay ibinabahagi at hindi sinasarili huwag maging sakim huwag maging buwaya
sapagkat ito’y hindi nagdudulot ng maganda.
El Filibusterismo
ni
Jose P. Rizal

Isang Pagsusuring Pampanitikan


Ipinasa ni:
Allen Javee B. Cartujano
Charen Mae Maximo
Cris John Isaran
Davie Cris D. Balpongo
Donnah May Villegas
Francis Panagsagan
French Torrecampo
Jacquelyn Delgado
Ma. Abigail M. Misa
McGilmoure Nexous Flores
Nicole V. Bermejo
Roman E. Calimutan
Ronel F. Asuncion
Ronelyn Carles

Ipinasa kay:
Gng. Anna Lorraine Amores
Pamagat
José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda, ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa
Calamba, Laguna at siya ay namatay noong Disyembre 30, 1896 sa Bagumbayan, Manila. Isa
siyang kilalang patriyotiko, manggagamot, at manunulat na naging inspirasyon sa kilusang
nasyonalista ng Pilipinas. Noong 1887 inilathala ni Rizal ang kanyang unang nobela, Noli Me
Tangere, isang madamdamin na pagkakalantad ng mga kasamaan ng panuntunan ng Espanya sa
Pilipinas. Ang isang sumunod na pangyayari, El Filibusterismo (1891), ay itinatag ang kanyang
reputasyon bilang nangungunang tagapagsalita ng kilusan ng reporma sa Pilipinas.
Siya ang naging pinuno ng Movement ng Propaganda, na nag-aambag ng maraming
artikulo sa kanyang pahayagan, La Solidaridad, na inilathala sa Barcelona. Ang pampulitikang
programa ni Rizal ay isinama ang pagsasama ng Pilipinas bilang lalawigan ng Espanya,
representasyon sa Cortes (ang Espanyol parliyamento), ang pagpapalit ng mga Kastila ng mga
Kastila ng mga Pilipinong pari, kalayaan sa pagpupulong at pagpapahayag, at pagkakapantay-
pantay ng mga Pilipino at mga Espanyol bago ang batas.
Inabot si Rizal ng tatlong taon upang matapos ang libro. Nagsimula si Rizal sa El
Filibusterismo noong Oktubre 1887 habang nasa Calamba, Laguna siya. Sa London, England
(1888), binago niya ang balangkas at ilang mga kabanata. Nagpatuloy si Rizal sa kanyang
manuskrito sa Paris, France. Di nagtagal ay lumipat siya sa Brussels, Belgium kung saan ang
gastos ng pamumuhay ay mas mura at para hindi siya maabala ng mga sosyal na pangyayari para
magbigay pansin lamang siya sa aklat. Natapos niya ang aklat noong Marso 29, 1891 sa Biarritz,
France.
Siya’y may malawak na intelektwal na interes. Siya ay isang antropologo, ethnologist,
ophthalmologist, nobelista, sociologist, guro, ekonomista, arkitekto, engineer, iskultor, pintor,
manunulat ng mga dula, mananalaysay, mamamahayag, magsasaka, dramatista, martial artist, at
isang kartographer, bukod sa iba pang mga bagay.
Layunin ni Jose Rizal na imulat ang mga saradong mata ng mamayang Pilipino mula sa
karahasan ng mga kastila. Bukod pa rito ang ideyang taglay ng akda ay ipakita ang di pagsang-
ayon ng may akda sa pamumuno ng simbahan at pamahalaan noong panahon ng kastila,
ipinapakita rin dito ang pangaabuso ng pamahalaan at simbahan sa kapangyarihang natatamasa
nila.

Panimula
Sinasalamin nito o tinatalakay ang karahasan at pang aabusong tinatamasa ng
mgamamamayang Pilipino sa kamay ng mga dayuhang Kastila. Tinatalakay din rito ang
kaibahanng pag hihiganti ni Crisostomo Ibarra na ngayon ay kilala na bilang si Simoun laban sa
kanyangpag babago
Ang El Filibusterismo ay nagtataglay ng impormasyon at nagpapaliwanag sa mga
pangaabusong mga Kastila, ito ay makatotohanan at nagpapakita sa buktot na sistema noong
panahon ngEspanyol at ang karanasan ni Dr. Jose Rizal at ng iba pang mga rebolusyunista ang
patunay dito.Ipinapakita din ng akda ang hindi pag sangayon ng may akda sa pamumuno ng
pamahalaan atng simbahan noong panahon ng mga kastila dahil sa pangaabuso nila sa
kapangyarihangkanilang natatamasa.

Katawan
Ang aklat ay nagsasalaysay ng pagbabalik ng kalaban ng Noli Me Tangere, Crisostomo
Ibarra, sa ilalim ng pagtakpan ng isang mayaman na mag-aalahas na nagngangalang Simoun.
Dahil sa mga pang-aabuso ng Espanyol, si Ibarra ay iniwan ang kanyang mga paniniwala sa
pasipista upang makabalik sa Pilipinas at magsimulang marahas na rebolusyon .
Si Basilio ng Noli Me Tangere, na ngayon ay isang kabataang lalaki at isang dalubhasang
medikal na estudyante, ay hinikayat ni Ibarra upang tulungan siya sa pagbubuga ng isang bomba
sa isang pagtitipon sa lipunan, na nagpapahiwatig ng simula ng rebolusyon.
Gayunpaman, binabalaan ni Basilio ang kanyang kaibigan na si Isagani. Napagtatanto na
ang babae na kanyang minamahal ay nasa gusali, kaya ibinabagsak ni Isagani ang bomba sa ilog,
na pinigilan ang pagsabog at ang rebolusyon. Dahil sa mga bagay na ito, si Simoun ay
pinagisipang magpapakamatay sa pamamagitan ng pagkuha ng lason at nakahanap ng lugar kung
saan siya’y magpapatiwakal sa bahay ng isang pari, si Father Florentino, na nakakarinig ng
kanyang huling pagpapahayag at tinitiyak sa kanya na hindi lahat ng pag-asa ay nawala.
Sa kamatayan ni Simoun, si Father Florentino ay pinuri ang mga hiyas sa dagat, at
nagsasabi na ang mga hiyas na dating ginagamit sa suhol at korap na mga tao, ay inaasahan na
isang araw na magamit ang mga ito para sa isang makabuluhang layunin.

Konklusyon
Ang mga naranasan ng mga Pilipino sa ilalim ng Espanya ay maaaring makita pa rin sa
totoong buhay, tulad ng diskriminasyon at pagmamalupit ng mga Espanyol sa mga Pilipinas
Ang teoryang ito ay naka sentro sa mga tao at sa istorya, makikita na ang nobela ay
nagbibigay bg malaking pansin para sa mga Pilipino, para sa kanilang mga nararanasan at
ginagawa, kasabay naman ang pagbibigay pansin sa mga Espanyol at sa kanilang mga ginagawa
Ito'y matuturing Historikal dahil ang mga pangyayaring nangyari sa nobela ay maaaring
makumpara sa mga pangyayari ng Pilipinas noong unang panahon, tulad ng pagiging marahas
ng mga Espanyol sa Pilipino, and isa pang halimbawa ang rebolusyon na sinubugang gawin ni
Simoun.
Paglisan
ni
Chinua Achebe

Isang Pagsusuring Pampanitikan


Ipinasa ni:
Allen Javee B. Cartujano
Charen Mae Maximo
Cris John Isaran
Davie Cris D. Balpongo
Donnah May Villegas
Francis Panagsagan
French Torrecampo
Jacquelyn Delgado
Ma. Abigail M. Misa
McGilmoure Nexous Flores
Nicole V. Bermejo
Roman E. Calimutan
Ronel F. Asuncion
Ronelyn Carles

Ipinasa kay:
Gng. Anna Lorraine Amores
Pamagat
Si Chinua Achebe ay isang nobelista, makata, propesor at kritikong Nigerian. Ang
kanyang unang nobelang Things Fall Apart noong 1958 ay madalas na isinasaalang-alang bilang
pinakamahusay at pinaka-malawak na babasahing libro sa modernong Aprikano panitikan na
kanyang naiambag kaya ay nanalo siya sa Man Booker International Prize noong 2007.
Hindi siya nasiyahan sa mga aklat tungkol sa Africa na isinulat ng mga awtor na galing sa
Britanya at dahil sa nararamdaman niya na ang mga paglalarawan sa mga taong Afican ay hindi
naaayon at nakakainsulto kaya ito ay nag-uudyok sa kanya upang sumulat ng nobela habang
nagtratrabaho para sa Nigerian Broadcasting Corporation para sa kanyang unang likhang nobela
na "Things Fall Apart".
Ang Things Fall Apart ay isang nobela, akdang-buhay o kathambuhay na isang
mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang
mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng
hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila ng isang masining na
pagsasalaysay.
Ang layunin ng may akda nung isinulat niya ito ay para sa ating buhay na dapat hindi
tayo
magpadaig sa takot. Dapat ang mga problema ay hinaharap kahit gaano pa ito kabigat. Hindi ito
masososlusyunan sa pamamagitan ng pagtakas lalong lalo na ng pagpapatiwakal. Layunin din
nitong manghikayat sa mga mambabasa na tanggalin ang takot sa ating mga sarili at pinuin ito ng
katapangan sa bawat bagay na ating gagawin.

Panimula
Ang nobela ay tungkol sa pagpapahalaga sa kultura ng Bansang Nigeria, pag-unawa sa
mga tradisyon na nakapaloob sa kanilang bansa, pag-ahon sa pagkakalugmok at pagpapahalaga
sa mga aral na natutuhan mula sa mapapait na karanasan. Ito ay makabuluhan dahil nararanasan
natin ang mga ganitong sitwasyon sa ating buhay. Ito din ay napapanahon dahil lahat ng tao ay
nakakaranas ng mga ganitong sitwasyon.
Ang mga nilalaman ng mga pangyayari ay karaniwan ng makikita sa ating lipunang
ginagalawan. Wala ng kakaiba tungkol dito dahil maraming mga tao ang hindi nakakaunawa sa
mga tradisyon ng bawat bansa tulad nalang ng sa Africa. Masasabing luma na ang mga
pangyayari sapagkat noon pa man ay may mga hindi na pagkakaunawaan tungkol sa relihiyon at
kultura ng mga bansa.

Katawan
Si Okonkwo ay isang respetadong tao sa mga taong Igbo, ngunit namumuhay siya sa
takot na maging tulad ng kanyang tamad, duwag at kahiya-hiyang ama. Sa takot niya na maging
katulad ng kanyang ama, gumawa siya ng kanyang unang pinakamalaking kasalanan sa
pamamagitan ng pagpatay sa kanyang ampon na anak na si Ikemefuna. Di naglaon ay nakagawa
si Okonkwo ng kanyang ikalawang malaking kasalanan sa pamamagitan ng hindi sinasadyang
pagpatay sa isang kanayon at dahil dito ay kinakailangan na maabswelto siya sa pamamagitan ng
paglalaan ng pitong taon sa kanyang inang-bayan dahil sa pagpapatapon sa kanya.

Pagkatapos ng pitong taong pagpapatapon, bumalik siya sa Umuofia ngunit ang pagtanggap sa
kanya ay hindi kasing ganda ng inaasahan niya. Ito ay dahil dumating ang mga misyonero at
binago ang estilo ng pamumuhay ng Igbo. Naging mga kapatid laban sa mga kapatid at ang
pagpapatupad ng mga labag sa batas na pamahalaan at sistema ng hustisya ay lumaganap.
Kalungkutan at pagkagalit ang nararamdaman ni Okonkwo sa mga pagbabago na nakikita niya
na gawa ng mga puting kalalakihan kaya hinikayat niya ang mga pinuno ng Umuofia na
magsagawa ng agresibong aksyon laban sa mga misyonero. Si Okonkwo at iba pang mga lider
ng komunidad ay sinunog ang simbahan ngunit sila din ay nabilanggo at pinahiya ng mga puting
kalalakihan at dahil dito ay naghangad si Okonkwo ng digmaan, ang pagpatay sa isa sa mga
puting opisyal ng gobyerno. Noong napagtanto niya na ang Umuofia ay hindi kailanman
maghihimagsik laban sa mga mang-aapi, siya ay nagpapatiwakal.

Konklusyon
Sa pagsasalaysay, pinanatili ni Achebe na simple at direkta sa punto ang mga salita kaya
naman ay naging epektibo ang paraan ng pagkakagamit ng mga salita. Ginamit niyang estilo ang
kanyang layunin na paggamit ng wika upang ilarawan kung paano tinitingnan ng mga Ibo ang
kanilang mundong ginagalawan. Angkop na angkop ang antas ng pag-unawa dahil karaniwan na
ang mga salitang ginamit sa akda. Makikita mo rin kung saan-saan ang mga grupo ng mga salita
at parirala ng mga Ibo. Gumamit din si Achebe ng isang toneladang salawikain na
nagpapahiwatig ng tradisyunal na kasabihan ng kanilang kultura at mga maiikling kwento nila na
pinaliliwanag ang mga tradisyon at kasaysayan ng kanilang bansa dahilan ng pagiging masining
nito na nagbigay ng kulay sa kabuuan ng akda. Sa kabuuan ng nobela, nakagawa si Achebe ng
isang kamangha-manghang gawa ng sining kung saan ay nakuha niya ang diwa hindi lamang ng
kanyang mga katutubo ngunit pati na din ang kanyang mga mambabasa dahil sa wika ng mga
Igbo sa pamamagitan ng paggamit niya ng wikang Ingles.
Sa teoryang ito, ipinapakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may akda sa kanyang
lipunan.Sa teorya rin na ito maaring maihalintulad ang mga panyayari sa ating lipunan ngayon.
Nakapaloob sa akdang ito ang napakaraming dahilan para masabing ito ay teoryang realismo.
Tulad na lamang ng arugain ni Okonkwo at naging magkasundo sila ni Ikemefuna at itinuring
siyang ama nito pero nagawa niya paring patayin ang bata. Sa kasalukuyang panahon,
napakaraming mga tao ang mga nagtataksil. Sunod naman, ang ginawang pagtakas ni Okonkwo
ng mabaril nya ang anak ng yumaong nagpayo sakanyang si Ogbuefi Ezeudu. Mahahalintulad
din ito sa mga panyayaring pagtakas ng mga tao sa kanilang mga problema. At ang pinakamalala
sa lahat, ang pagpapatiwakal nito. Sa buhay, hindi sagot ang pagtakas sa mga problema lalong
lalo na ang pagkitil sa sarili, dahil hindi naman nito masosolusyunan ang iyong mga paghihirap,
bagkus ay lalo lamang palalalain.
Pinapakita din ang karanasan ng isang lipi ng tao na syang masasalamin sa kasaysayan at
bahagi ng kanyang paghubog.

You might also like