Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Ang Babae sa

Pagdaralita
ni
Joi Barrios
Isang Pagsusuring Pampanitikan

Ipinasa ni:
Allen Javee B. Cartujano
Charen Mae Maximo
Cris John Isaran
Davie Cris D. Balpongo
Donnah May Villegas
Francis Panagsagan
French Torrecampo
Jacquelyn Delgado
Ma. Abigail M. Misa
McGilmoure Nexous Flores
Nicole V. Bermejo
Roman E. Calimutan
Ronel F. Asuncion
Ronelyn Carles

Ipinasa kay:
Gng. Anna Lorraine Amores
Ang Babae sa Pagdaralita
Joi Barrios

Babae akong sinasakmal ng kahirapan.


Kahirapan na mistulang
ahas sa damuhan,
maliksi ang galaw,
nagbabadya ang nakasangang dila,
makamandag ang kagat.
Pumupulupot ang ulupong,
itong paghihikahos,
Likhaan
sa aking katawan,
at tumatakas ang lakas.
Nakatitig ang walang talukap
na mga mata ng sawa,
Nanlilisik,
pagkat batid na walang palya
sa paghatid ng lason
ang pangil ng pagdaralita.
Anong gagawin ng babae
sa kanyang karukhaan?
Tumawag kaya kay Darna?
Lipad, Darna, Lipad?
Kristala, Kristala, kami ay iligtas!
Zsazsa Zaturnnah,
Palayain kami, Mama!
Huwag, huwag.
Ang paglaya sa hirap,
ay wala sa bayani ng pantasya.
Nasa ating mga babae ang pakikibaka!
Kung paanong sa gabi at sa araw
ay wala tayong humpay sa paggawa,
Kung paanong magkasabay na lumalaban
at nag-aaruga,
Matibay ang dibdib pagkat mapagkalinga
ang ating pag-ibig.
Sulong at makibaka!
Tagpasin ang ulo ng sawa!
Ang kahirapan ay maiigpawan
Kung ipaglalaban, na ang pagbawi,
ang pag-angking muli,
sa yaman ng bayan.
ay ating karapatan.
Sulong, makibaka, lumaban

A. Pagkilala sa May Akda:


Ang tulang pinamagatang “Ang Babae sa Pagdaralita ” ay isinulat ng makata na si Joi
Barrios. Si Maria Josephine Barios ay ipinanganak noong Hunyo 26, 1962 sa lungsod ng
Quezon. Nakamit niya ang kanyang doktorado sa Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas noong
1998. Kilala rn si barrios bilang isang makata, aktiista, tagasulat ng senaryo, artista, translator t
guro.

B. Estruktura

I. Sukat, Saknong at Taludtod


Ang tulang “Ang Babae sa Pagdaralita” ay nasa malayang taludturan na kung saan ay
walang sinusunod na sukat at hindi isinasaalangalang ang tugma sa bawat taludtod.

II. Teoryang Pampanitikan


Ang tulang “Ang Babae sa Pagdaralita” ay may teoryang Feminismo sapagkat babae o
sagisag babae ang pangunahing tauhan. At layunin ng tula na ipakilala ang kalakasan,
kakayahang pambabae at iangat ag pagtinin ng lipunan sa mga kababaihan.
Nasa teoryang Marxismo din ang tulang “Ang Babae sa Pagdaralita” dahil ipinakita ditto
na ang tauhan ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-
ekonomiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika.

III. Paksa o kaisipang taglay ng akda


Ang tula ay tungkol sa mga kababaihang walang karapatang maging isang produktibong
mamamayan. Babaeng itinalaga na mamalagi na lamang sa tirahan para mag-alaga ng mga anak
at maing isang ilaw ng tahanan. Na isa naman sa hindi katanggap tanggap dahil sa pagwawalang
bahala sa katangiang tinataglay nating mga kababaihan. Kaya bilang isang babae huwag hayaang
mapasailalim na lamang parati, pantay-pantay kaya huwag tayong malumbay dahil sa ating sarili
nakasalalay ang ikauunlad ng ating buhay.

IV.Talinghaga
Ang tulang ito ay masasabi napakalaman at makahulugan na kung saan ang mga salitang
ginamit ay nagpapakita ng katangian ng pagigng matatag ng isang babaeng Pilipina na handing
ipaglaban ang kanyang karapatan.

V.Imahen o Larawang Diwa


Naipakita ng tulang ito ang tunay na katangian ng isang Pilipinang matatag at positibo ang
pagiisip sa kabila ng paghihirap na natamasa at naranasan sa buhay.
VI.Tono
Ang tulang ito ay may tono ng pagkadismaya sa pagtrato sa kababaihan at pagkapursigido na
matamo ang tinatamasang karapatan na daan sa pagunlad ng buhay.

VII. Persona
Ang persona ng tula ay isang babaeng naghihikahos sa mga karanasang sinasapit sa mundong
gnagalawan na kung saan ay hindi isinasaalang alang ang kanyang kahalagahan gayong siya ay
may katangiang tinataglay din naman na isa sa daan para maibsan ang kahirapan. Siya ay lalaban
para sa kanyang sarili at higit sa lahat para sa lahat.

VIII. Reaksyon/Komento
Ang tulang “Ang Babae sa Pagdaralita ” ay isang tula kakukuhanan ng aral ng isang babaeng
kikilos para sa hinaharap. Isa pa sa ikinaganda ng tula ay napapagalaw ang imahinasyon ng
mambabasa pagdating sa mga salitang ginamit sa tula.
Mapanglaw ang mga Ilaw
sa CALABARZON
ni
Pedro L. Ricarte
Isang Pagsusuring Pampanitikan

Ipinasa ni:
Allen Javee B. Cartujano
Charen Mae Maximo
Cris John Isaran
Davie Cris D. Balpongo
Donnah May Villegas
Francis Panagsagan
French Torrecampo
Jacquelyn Delgado
Ma. Abigail M. Misa
McGilmoure Nexous Flores
Nicole V. Bermejo
Roman E. Calimutan
Ronel F. Asuncion
Ronelyn Carles

Ipinasa kay:
Gng. Anna Lorraine Amores
Mapanglaw ang mga Ilaw sa CALABARZON
Pedro L. Ricarte

May bakas pa sa tubig ng mga pinitak


Ang mga huling silahis ng nakalubog nang araw
Hindi n asana siya nag-araro pa,
Hindi rin lamang tiyak na matatamnan
Ang lupang itong ipiagbibili ng mga dayuhan,
At may makakaparti raw siyang sandaang libo.

Nasisiyahan na siya. Siya nama’y kasama lamang.


Sobra pa marahil sa kanya ang tatanggaping pera.
Balo na siya, walang anak, walang bisyo.
Sang-ilan pa ba ang kanyang buhay?
Pero ditto na siya tumanda, sa lupang itong
Sinaka pa ng kanyang ama at ng mga magulang niyon.

Tumanaw siya siya sa gawing silagan:


Kaylawak ng lupaing itong pinagyayaman
Ng marami pang katulad niya
Ngunit ipinagbibili nan g may-ari.
May mga bukid na nasimulan ng tambakan.
Ang patubig ng gobyerno.

Wala siyang namumuwangan sa kabuhayang-bansa;


Hindi niya kayang gagapon kung bakit at papaano-
Nadarama lamang niya- ang malaking panghihinayang
Pangungulila sa pagkawala ng mga berdeng lupain
Na kaygandang pagmasdan , kay timyas bungkalin!

A. Pagkilala sa May Akda:


Ang tulang pinamagatang “Mapanglaw ang mga Ilaw sa CALABARZON” ay isinulat ng
manunulat na si Pedro Ricarte. Isa siyang kwentista, mananaysay, mandudula, manunuri at
makata. Isa siyang freelance writer, siya ay nabilang sa patnugutang ng Liwayway. Sa loob ng
sampung taon ang kanyang kaalaman ay naibahgi sa mga mag-aaral ng LCBA Graduate School
sa Calamba, Dela Salle University-Manila, Don Bosco at ibangunibersidad. Isa rin siya sa may
pinakmatalas na pag-iisip kaya masasabi din na siya ay isang kritiko ng ibang Pilipinong
manunula.

B. Estruktura

I. Sukat, Saknong at Taludtod


Ang tulang “Mapanglaw ang mga Ilaw sa CALABARZON” ay nasa malayang taludturan
na kung saan ay walang sinusunod na sukat at hindi isinasaalangalang ang tugma sa bawat
taludtod.

II. Teoryang Pampanitikan


Ang tulang “Mapanglaw ang mga Ilaw sa CALABARZON” ay may teoryang
Eksistensyalismo dahil ipinakita ditto na may kalayaan an tao na pumili o magdesisyon para sa
kanyang sarili na siyang pinakasentro na kanyang pananatili sa mundo.

III. Paksa o kaisipang taglay ng akda


Ang tula ay tungkol sa isang magsasakang nagsasaka ng lupain na ipinagbibili na ng may-ari
at siya ay hahatian sa perang makukuha sa lupa. Gayong matagal na siyang nagsasaka dito ay
masaya niyang tinanggap ang pagkawala ng lupain na lubusang napamahal ng husto sa kanya.

IV.Talinghaga
Ang tulang ito ay masasabi kong malaman at kapupulutan ng aral na kung saan ang mga salita
ay nagpapakita ng katangian ng isang magsasaka na hindi umalma sa pagbebenta ng lupaing
pinagsakahan bagkus siya ay nagpakita ng respeto at pagkatuwa sa perang kabahagi siya.

V.Imahen o Larawang Diwa


Naipakita ng tulang ito ang tunay na katangian ng isang magsasakang may paggalang at
respeto sa desisyon ng nakatataas sa kanya gayong may parte sa utak at puso niya na
tumataligwas dito.

VI.Tono
Ang tulang ito ay may tono ng pagkatuwa at panghihinayang. Pagkatuwa sa paraang masya
niyang tinanggap ang isandaang pisong kabahagi niya sa lupa.Panghihinayang sa dahilang
mawawala na ang lupaing kanyang pinagsakahan ng kay tagal.

VII. Persona
Ang persona ng tula ay isang taong nagsasaka sa isang lupain na iinagbebenta na ng may-ari.
Isang taong hindi kumokontra sa nakatataas sa kanya at rumerespeto sa desisyon nito kahit na
ang lupaing ito ay lubusang napamahal na sa kanya.

VIII. Reaksyon/Komento
Ang tulang “Mapanglaw ang mga Ilaw sa CALABARZON” ay isang napakagandang tula.
Napapagalaw niya ang imahinasyon ng mambabasa sa mga larawang at salitang giamit.
Kapupulutan ng aral ng pagkamabait ng isang Pilipino ang tulang ito.
Sandaang Hakbang
Papuntang
Malakanyang
ni
Frank Cimatu
Isang Pagsusuring Pampanitikan
Ipinasa ni:
Allen Javee B. Cartujano
Charen Mae Maximo
Cris John Isaran
Davie Cris D. Balpongo
Donnah May Villegas
Francis Panagsagan
French Torrecampo
Jacquelyn Delgado
Ma. Abigail M. Misa
McGilmoure Nexous Flores
Nicole V. Bermejo
Roman E. Calimutan
Ronel F. Asuncion
Ronelyn Carles

Ipinasa kay:
Gng. Anna Lorraine Amores
Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang
Frank Cimatu

Sandaang
Hakbang
Papuntang
Malakanyang
Dala ng
Nakabulang
Kartolinang
Nakapinta ng
“Pamahalaang
Swapang,
Kinawawang
Bayang
Walang
Kamuwang-
Muwang!
Nang
Biglang
Naalalang
Naiwang
Nakasalang
Ang
Sinigang
Sandaang
Hakbang
Nakikipilang
Makausisang
Manang
Nang
Bang!
Bang!
Bang!
Nakitang
Parang
Umilandang
Ang
Ilang
Kasamang
Hinahambalang
Ang
Iisang
Nakakalamang
Iilang
Rumaragasang
Kapulisang
Sindarang
Ang
Plutang
Maanghang
Pinagbabalutang
Magsasakang
Nakadalang
Sundang
Nagbubulagbulagang
Peryodistang
Walang
Itinitimbang
Ang
Kasamang
Kabalang
Pinuntang
Sasakyang
Nagwawangwang
Nagsisigawang
“Tang
Inang…”
Pinopompiyang
Habang
Ginigisang
Paratang
Nanghihinayang
Ang
Makatang
Walang
Natadyakang
Makapangyarihang
Sakang
Walang
Kaganang-
Ganang
Papuntang
Alabang
Hanggang
Maabutang
Inuwiang
Sinigang
Nagmistulang
Kamanyang.

A. Pagkilala sa May Akda:


Ang tulang pinamagatang “Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang” ay isinulat ng
isang tanyag na makata na si Frank Cimatu. Taong 1987, nanalo siya sa isang paligsahan sa tula
at nagkamit ng ikatlong gantimpala sa Galian sa Arte at Tula at nanalo din sa Pambansang
pagsulat. Bukod sa pagsulat ng tula ay nagsusulat rin siya ng mga maikling kwento na nagkamit
ng gantimpala sa Philippine Free press award taong 1994.

B. Estruktura

I. Sukat, Saknong at Taludtod


Ang tulang “Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang” ay nasa malayang taludturan
na kung saan ay walang sinusunod na sukat at hindi isinasaalangalang ang tugma sa bawat
taludtod.

II. Teoryang Pampanitikan


Ang tulang “Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang” ay may teoryang Sosyalismo
na kung saan ay ang layunin ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang
kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito and pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa
suliranin o kalagayan ng lipunan
III. Paksa o kaisipang taglay ng akda
Ang tula ay tungkol sa mga mamamayang tulad natin na isa sa naghihinagpis o umaalma sa
hindi pantay-pantay at tamang pagtrato ng nakatataas na administrasyon o gobyerno.

IV.Talinghaga
Ang tulang ito ay masasabi kong malalim at malaman ang mga salitang nagpapakita ng
katangian ng pagigng matapang ng isang Pilipino na kung saan ay ipaglalaban ang karapatan
kahit na anuman ang kahinatnan.

V.Imahen o Larawang Diwa


Naipakita ng tulang ito ang tunay na katangian ng isang Pilipinong matapang at malakas ang
paninindigan sa ipnaglalabang karapatan.

VI.Tono
Ang tulang ito ay may tono ng pagkadismaya na kung saan ay hindi pa rin matamo tamo ang
pilit ipinaglalaban kahit na anumang paratang, pagpoprotesta at pamimilit a iparating sa
gobyerno. Nauuwi lang sa wala ang lahat.

VII. Persona
Ang persona ng tula ay isang taong ipinaglalaban ang tama at nagpoprotesta sa maling gawi
ng nakatataas. Siya ang naglalahad ng mga pangyayaring nagaganap sa mundong ating
ginagalawan na kung saan ay walang pantay pantay na pagtrato sa kababayan.

VIII. Reaksyon/Komento
Ang tulang “Isang Daang Hakbang papuntang Malakanyang” ay isang napakagandang tula.
Napapagalaw niya ang imahinasyon ng mambabasa kahit na napakalalim at matalinhaga ang
mga salitang ginamit ay naunawaan parin ang diwang nais iparating sa mambabasa.

You might also like