Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

BUOD:

Nahahati ito sa tatlong bahagi:

1. Isang Peregrinasyon – Nagsimula ito kay Tano, isang magsasaka, at ang


manganganak na asawa nitong si Melang. Anak nila si Simon, ang pangunahing
tauhan sa nobela. Namatay si Melang ng isilang nito si Simon sa kadahilanang
ipinagkait ng mga Borja, ang pinakamayaman sa kanilang nayon, ang automobil na
hinihiram ni Tano upang maidala sana ang nagdidiliryong asawa sa hospital. Labis
na dinamdam ni Tano ang pagkamatay ng asawa kung kaya’t iniwan nito ang
nayon at nanirahan sa bukid kasama ang anak.

2. Pagtakas – Muling nagbalik si Tano sa nayon ng malaman niya na mayroon


siyang karamdaman – ang pagsuka ng dugo. Dito siya namatay at labis itong
ikinalungkot ni Simon. Nag-aral at kumayod siya sa Maynila sa tulong na rin ng
dalawa niyang kaibigan, si Duardo at Ador. Sa pagbalik nito sa nayon ay nadatnan
niya ang pagkababoy sa puntod ng kanyang mga magulang, tinabunan iyon ng ipa
sapagkat nabili na ng mga Borja ang lupang pinaglibingan ng mga magulang nito.
Iniwan niya ang kanyang nayon dala ang poot, muhi at ang pangakong
paghihiganti.
3. Pagbabalik – Nagbalik si Simon matapos ang matagal na panahon.
Naisakatuparan niya ang pangakong paghihiganti. Kinalaban niya ang negosyo ng
mga Borja at pinabagsak iyon. Ngunit sa kabila ng pinili niyang obligasyon, Hindi
niya kinalimutan ang sariling bayan. Pinagpatayo niya ito ng iskuwelahan para sa
mga magsasaka at tinulungan niya ang kaibigan, si Ador, na lumaban sa pagka
alkalde ng kanilang nayon sapagkat hindi naging makatarungan ang pamumuno ng
Borja. Ramdam na ang pagkatalo, walang babalang binaril ni Alejandro Borja si
Simon ng gabing nagtatalumpati ito sa harap ng maraming tao.

Ipinakikita ng nobelang ito ang kahalagahan ng edukasyon. Nais ng awtor na


magbago ang maling pananaw ng mga magsasaka na “ Ang pagsasaka ay hindi
itinuturo sa paaralan, kundi natututuhan sa bukid”. Marami sa mga ito ang hindi
tinatapos ang pag-aaral. Matuto lang bumasa at sumulat ay ayos na. Naipakita rin
dito ang kawalang katarungan sa ating bansa ( “ Ang hukom ay nabubusalan ng
mga mayayaman.” ) , kagaya na lamang ng pagkamkam ng mga
maykapangyarihan sa mga sakahan na matagal ng ina-araro ng mga kaawa-awang
magsasaka. Pinahihirapan at inaabuso ng mga may-ari ng bukid ang kanilang mga
kasama.
SETTING:

Ang setting ng nobela, ang bayan ng San Roque, ay gumanap ng isang


napakahalagang papel. Inihahayag nito ang gawaan ng mga magsasaka – ang
kabukiran. Mahalaga rin ang mga deskripsyon ng awtor sa setting upang lubos na
maiguhit ng mambabasa sa kanilang isipan at para makaugnay sila sa nobela lalung
lalo na sa mga mambabasang hindi pa nakararating o nakaoobserba ng mga
magsasaka. Ito ang dahilan kung bakit ito ang napili kong rebyuhin kaysa ibang
akda. Sapagkat tulad ng awtor, lumaki rin ako sa kabukiran. Naobserbahan ko na
ang isang magsasaka. May ilang ideya rin ako sapagkat may bukid ang aking ama.
Alam kong mahirap maging isang magsasaka lalo na kung isa kang mangmang o
walang pinag-aralan.

PANGUNAHING TAUHAN:
Simon – Maaring idolo ng karakter na ito ang pambansang bayani, si Dr. Jose
Rizal, sapagkat tulad nito ay kakikitaan din siya ng pagmamahal sa sariling bayan.
Pinatotoo niya ang kasabihang “ Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan
ay hindi makakarating sa paroroonan “ . Sinuman ay magugustuhan ang kanyang
karakter sapagkat ito ay masigasig. Naging mayaman ito dahil na rin sa pagtitiyaga
at pagpupursige. Ang kanyang karakter ay isang magandang modelo sa mga
kabataang tulad ko. Sa kabila ng magaganda niyang katangian ay kakikitaan mo rin
siya ng poot. Kinikimkim niya ang sama ng loob at ninais lang na makapaghiganti.

Duardo – interesante ang karakter niya. Siya ang nagustuhan ko sa nobela. Sa


simula ay kakikitaan ito ng kahinaan ng loob, tahimik, at minsang napagkamalang
duwag subalit ang totoo’y nasa loob ang kulo ng karakter na ito. Sa tingin ko’y
hindi mahalaga rito ang kanyang sarili kundi ang ibang tao, lalo na’t sariling
kadugo nito. Totoong kapatid ang turing nito sa kaibigan. Gayunpaman ay hindi ko
gusto ang takbo ng utak nito sa pagdedesisyon. Tumigil ito sa pag-aaral at mas
pinili ang pagbubukid. Naniniwala kasi ito na si Simon at Ador lamang, at hindi
siya, ang pag-asa sa kanilang nayon. Inilagay din nito sa kanyang kamay ang batas
sa paniniwalang hindi aayon sa kanya ang hustisya. Ito ang naging dahilan ng
kanyang kamatayan.
Ador – Masasabing kabaliktaran ito ng karakter ni Duardo. Siya ang pinaka ayaw
ko. Sa simula ay punum puno ito ng pag-asa. Nagsilbi ito sa kanilang nayon sa
paniniwalang matutulungan niya ang karamihan, subalit siya’y nabigo. Nalugmok
ito at nawalan ng pag-asa. Madali itong sumusuko. Subalit nanumbalik ang
kanyang determinasyon dahil kay Simon. Sa magkakaibigan ay siya lamang ang
natirang buhay sa nobela.

REKOMENDASYON:

Nagwakas ang nobela sa pagkamatay ng pangunahing tauhan, si Simon. Bakit


kailangan niyang mamatay? Napakalungkot ng katapusan nito. Marami ang
nagnanais ng masayang katapusan o Happy Ending. Ang nobela nama’y hindi
isang piksyon o makatutuhanang pangyayari. Alam naman nating sa totoong buhay
ay wala namang masayang katapusan o Happy Ending.
Sa umpisa pa lamang ng nobela (unang bahagi) ay inilantad na ang magandang
karakter ni Elena Regente., ang kapareha ni Simon. Mahal nila ang isa’t isa subalit
hadlang ang tadhana. Langit si Elena at Lupa si Simon. Mayaman si Elena at
Magbubukid lamang si Simon. Ikinasal si Elena kay Alejandro Borja, ang kaaway
ni Simon. Bakit kaya inilantad si Elena kung hindi rin lamang sila magkakatuluyan
ni Simon? Marahil kaya ay para lalong mapoot si Simon sa mga Borja?

Mahaba ang introduksyon ng awtor sa umpisa. Makulay ang deskripsyon sa setting


at sa mga magulang ni Simon. Bagamat naging mahaba ito’y kasalungat naman
ang pagwawakas. Hindi nito nabigyan ng malawakang pagpapahayag ang
katapusan ng kuwento. Nang mapatay si Simon ay madaling tinapos ng awtor ang
nobela. Hindi man lamang nito binaggit kung ano ang mga kasunod na pangyayari.
Maraming katanungan sa aking isipan na hindi nito nasagot. Naging matagumpay
ang binalak ni Simon na pagpapaunlad ng kanyang bayan? Anong nangyari sa mga
Borja? Kay Elena? Marahil nais ng awtor na ang mambabasa na mismo ang siyang
humusga kung ano sa kanilang pananaw ang maaaring maging katapusan ng
kuwento.
Ang pagiging maligoy ng nobela ay nagbigay sa akin ng pagkayamot. Marami
akong ninais na huwag basahin. Iyon bang walang katuturan at parang wala naman
itong kahalagahan sa nobela. Sa aking palagay ay paraan iyon ng awtor upang
humaba ang kanyang nobela. Ang kabataan ngayon, tulad ko, ay tamad ng
magbasa lalo pa’t mahahaba ang babasahin. Pero maaaring nais lamang ng awtor
na maging malawak at malikot ang imahinasyon ng kanyang mambabasa. Nais
lamang nito na magkaroon ng ideya ang mambabasa sa isang particular na bagay
na tinutukoy nito.

Ang titulong “Dugo sa Bukang-Liwayway”, saan kaya ito tumutukoy? Gabi naman
ng mapatay si Simon at hinintay lamang ng mga kanayon nito ang pagbubukang-
liwayway. Hindi ko maiugnay ang titulo sa aking nabasa. Marahil ay mas
interesante kasi itong pakinggan, o hindi kaya’y may malalim itong kahulugan na
hindi lamang maabot ng mga ordinaryong kagaya ko.

ARAL:
Edukasyon ang binibigyang diin sa nobela. Mahalaga ang edukasyon at ito lamang
ang tanging pamana ng mga magulang na hindi mananakaw ninuman. Subalit sa
bansa ay laganap ang kahirapan, ito ang dahilan kung kaya’t marami ang hindi
nakapag aral lalung lalo na sa mga magsasaka.

KARAGDAGAN:

Ang pinaka ayaw kong tagpo ay ang pagkamatay ni Simon. Para sa akin ay
nasayang ang lahat ng kanyang pinaghirapan. Sa huli’y siya pa rin pala ang
matatalo. Sana’y hinaluan ng awtor ng kaunting aksyon upang mas lalong maging
kapanapanabik ang bawat bahagi nito.
Ang bagay sa nobelang ito na hinding hindi ko malilimutan ay ang ginintuang aral
nitong iniwan sa ‘king puso’t isipan na habang buhay kong dadalhin hanggang sa
aking pagtanda.

https://docs.google.com/forms/d/e/
1FAIpQLSfvavv0WEI2gsvQyDyDzJPcrYpGniIkbftF3sOUP-dmrceDpw/
viewform?usp=pp_url

You might also like