Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Title : MAHALAGA BA ANG BIBLIYA?

Passage : 2 Timoteo 3:16-17


Date : April 21, 2024
Prepared by : Cerelyn Rambonga

I. INTRODUCTION
A. Opening Remarks:
● Magandang Hapon po sa bawat isa,maari po bang paki sabi sainyong katabi,
kaharap, kalikod, kanan o kaliwa na, PINAG PALA AKO DAHIL IKAW ANG
KATABI KO, ……. AT PINAG PALA TAYO DAHIL NANDITO TAYO NGAYON
SA ATING IGLESIA… KAYA MAKIKINIG TAYO.
● GUSTO ko po kunin ang pag kakataon na ito upang mag pasalamat sa
Panginoon, dahil sa totoo lamang po ay isang pribelehiyo ang tumayo dito sa
inyong harapan at mag bahagi ng mensahe ng Panginoon sa araw na ito, it’s
been a long time since the last time I stand here infront of you all po para mag
bahagi ng salita ng Panginoon. Si Pstr. Fred pa po ang Pastor ng mga panahong
iyon and for the past year ay nasanay lamang po ako tumayo sa harapan at mag
bahagi ng lesson sa school. Dahil bilang educ student po ay meron po kami
demo teaching at ngayon po ay nasa harapan nio po ako upang mag bahagi ng
salita ng Panginoon na lubos ko pong pinag papasalamat DAHIL maraming
bagay po ang pumaasok sa aking isip upang hindi ito matuloy at isa na po duon
ang HINDI KO ITO KAYA O HINDI AKO KARAPAT DAPAT ngunit dahil sa
biyaya ng Panginoon ay naatapos ko po itong mensahe na ito at nandito ako
sainyong harapan. Gayun din dahil sa pag tulong sa akin ni Pastor Christian para
sa pag ayos ng mensahe ngayong araw and sa tulong din ng aking bff since
elementary days si Angel. Papuri po sa Panginoon sa kataas taasan sa mga
bagay na iyon.
● Ayan, kung natatandaan po Ninyo nung nakaraang, nakaraang linggo April
7,2024. Si Pstr. Christian ang ating speaker at nag bigay sya ng series ng ating
mga mensahe for the month of April, and that day ang kanyang message ay
patungkol sa : KA-FAITH LANG, KAPATID itoy patungkol sa pananampalataya
na mayroon ang taga sunod ni Kristo at kung paano ito lalago.
● At nung nakaraang linggo naman po ang ating mensahera ay si ???(angel) at ito
ay patungkol sa ???(TARA NA AT MAG WORSHIP). Kung saan ay tinalakay nya
rito ay tungkol sa : Ang bawat mananampalataya ay tinawag para sumamba sa
Diyos at ang pag samba ay hindi lang ginagawa kapag may gawain kundi ito ay
isang uri ng pamumuhay ng isang Kristyano.
● At ngayong araw o linggo naman po ay ating pag bubulayan ang kahalagahan ng
Bibliya. Kung bakit nga ba mahalaga ang Bibliya?
B. Catching Attention:
● Story: Ano po ang gagawin at mararamdaman ninyo kapag may lugar na alam
ninyo na siguradong makakakuha kayo ng ginto? Syempre araw-araw ka
magbubungkal at lagi kang excited na pumunta sa lugar na ‘yon diba? Alam po
ninyo may lugar na tinatawag na Muruntau, Uzbekistan Gold mine na kung saan
ang lugar na ito ay nag lalaman ng napakaraming ginto. At sabi ng mga experts,
ang namimina ditong ginto ay umaabot taon-taon ng 2 Million ounces. At alam po
ba ninyo magkano ang 1 ounce ng ginto? Nasa 2 thousand US dollars lang
naman o sa pera natin ay nasa 100 thousand. So taon taon po nakakapag mina
ng ginto sa lugar na ito ng 200 Billion pesos. Wow! Excited siguro lagi pumunta
dito yung mga nagbubungkal ng ginto. Aaraw-arawin nila kase sigurado na may
makukuha sila eh.
● Transition: Alam po ba ninyo na pwede nating ihalintulad ang lugar na ito sa
Bibliya? Dahil araw-araw sigurado na makakahanap tayo ng “ginto” sa salita ng
Panginoon upang maging maayos ang ating pamumuhay at lumago tayo sa
pagkilala at pananampalataya sa Diyos. Amen po ba? Araw-araw ay
makakasiguro tayo sa mga panibagong aral na makukuha natin sa Bibliya na
siyang makakatulong sa transpormasyon ng ating buhay.
● Kaya naman po tayong lahat ay magsitayo upang basahin po natin ang verse na
pag aaralan natin ngayong hapon kung bakit mahalaga ang Bibliya sa buhay ng
isang mananampalataya.

II. BIBLE READING


2 Timoteo 3:16-17
16 Lahat ng Kasulatan ay isinulat sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Dios, at
mapapakinabangan sa pagtuturo ng katotohanan, pagsasaway, pagtutuwid, at sa
pagsasanay sa matuwid na pamumuhay, 17 para maging handa sa lahat ng mabubuting
gawa ang naglilingkod sa Dios.

III. OPENING PRAYER


(Pwede mo na dito ilagay ang magiging opening prayer mo nak. Pwede din hindi. Hehe)

IV. BACKGROUND/QUESTIONS TO BE ANSWERED


A. Ano nga ba ang Bibliya?
● Ang salita ng Diyos ay tinatawag din na Bibliya

● Ang Bibliya ay tinatawag din na small library o “maliit ng silid aklatan” dahil naka
paloob dito ang 66 books.
● Ang 66 books ay nahahati sa 2, tinatawag po itong OLD TESTAMENT AT NEW
TESTAMENT.
● Sa OLD TESTAMENT AY 39 BOOKS SA NEW NAMAN AY 27 BOOKS.
B. Tao lang ba ang sumulat ng Bibliya?
a. Ang Bibliya ay naisulat sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos.
Marami ang nagsasabi na “bakit ako maniniwala diyan eh tao lang din naman
ang sumulat niyang libro na yan.” Mga kapatid totoong gumamit ang Diyos ng
mga tao upang maisulat ang nilalaman ng Bibliya ngunit ang mga taong ito ay
ginabayan at pinatnubayan ng Diyos upang maisulat ang bawat pahina na
mayroon ito. Sa ibang translation nga ay sinabi na ang kasulatan ay kinasihan ng
Diyos. Kapag sinasabi ng mga tao na ang Bibliya ay “kinasihan ng Diyos,”
tinutukoy nito ang katotohanang ang Diyos ang gumabay sa mga taong sumulat
sa mga Kasulatan kaya't ang kanilang mga isinulat ay ang mismong Salita ng
Diyos. Sa konteksto ng Kasulatan, ang ibig sabihin ng kinasihan ay “hiningahan
ng Diyos.” Ang pagkasi ng Diyos sa Bibliya ay nagpapahiwatig sa atin ng
katotohanan na ang Kasulatan ay totoong Salita ng Diyos, at ito ang dahilan
kung bakit ang Bibliya ay kakaiba sa lahat ng mga aklat.
b. Makakaasa at mapagkakatiwalaan natin ang Bibliya sapagkat ito ay
nagmula sa Diyos. Ang Bibliya ay ang salita ng Diyos na kung saan ay
mababasa natin ang kanyang mga pangako, aral, pagtutuwid, babala, at
pagpapala. Maasahan natin ito at mapagkakatiwalaan sa lahat ng oras dahil ito
ay galing mismo sa ating Diyos na siyang tumutulong sa atin upang
makapamuhay ayon sa kalooban Niya.
c. Dahil ang Diyos ang pinagmulan ng mga salita sa bibliya makakasiguro tayo na
binantayan niya ang mga taong nagsulat nito para hindi sila magkamali. Hindi
natin kailangang piliin kung aling mga bahagi lang ng Bibliya ang paniniwalaan
natin. Dahil sumusunod tayo kay Jesus bilang ating Panginoon; tama lang na
ang ating pananaw sa biblia ay maging katulad ng Kanyang pananaw dito. Sinabi
ni Jesus:

Mateo 5:17-18
Huwag ninyong akalaing naparito ako upang ipawalang-bisa ang kautusan at
ang mga propeta. Naparito ako hindi upang ipawalang-bisa ang mga iyon kundi
upang tuparin. Tandaan ninyo: maglalaho ang langit at ang lupa, ngunit ni isang
tuldok o kudlit man ng kautusan ay di mawawalan ng bisa hangga't hindi
natutupad ang lahat.

V. POINTERS: ANO NGA BA ANG LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG BIBLIYA?


1. Pagtuturo ng katotohanan sa ating buhay:

 Alam niyo po ba kung ano ang trabaho ng isang architect? Napaka importante
ang parte ng isang arkitekto para maisagawa ang isang gusali o building. Siya
ang nag-iisip kung ano ang magiging disenyo ng isang gusali, ano ang mga
gagamitin na materyales, ano ang mga ekstatong sukat, paano gagamitin ang
bawat bahagi at parte ng gusali. Iniisip ng arkitekto kung paano mas mapapabuti
ang kabuuang gusali upang magamit ito ng maayos ng mga tao. Ang kabuuang
plano ng isang gusali ay nagmumula sa arkitekto kaya alam niya kung ano ang
dapat kalabasan nito.
 Ngayon mag isip naman tayo ng isang sitwasyon. Kunyari may isang architect
na nagtatayo ng isang gusali, tapos may isang tao na dumating na wala naman
siyang alam sa plano pero nag sabi siya na: “Sige, ako na gagawa ng building
na ‘to.” Sa tingin ninyo, ano ang magiging resulta ng gagawin niyang building?
Magagawa niya ba yung nasa plano ng arkitekto? Syempre hindi! Hindi niya
nga alam kung ano ang mga tamang sukat at ano ba ang disenyo o
kakalabasan ng ginagawa niya. Ngayon, kunyari madami na tayong naipon na
pera at magpapatayo tayo ng bahay. Mag titiwala ba tayo sa tao na magsasabi
na siya na ang gagawa ng bahay natin pero wala naman siyang alam sa plano
ng bahay?
 Ganoon din naman sa ating buhay, madalas hindi natin alam ang gagawin natin
sa ating buhay pero pinipilit pa din natin na gawin yung gusto nating mangyari
sa ating buhay kahit hindi ito ang plano ng Diyos sa ating buhay. Tayong
NILIKHA ay dapat dumako sa presensya ng MANLILIKHA. Alam ng Diyos kung
para saan ba ang ating buhay. Alam niya ang ating hinaharap. Huwag natin
ilagay ang pagtitiwala sa ating sarili bagkus ibigay natin ang lubusang
pagtitiwala sa Diyos na manlilikha na Siyang nakakaalam ng lahat.
 Ngayon kagaya ng arkitekto, ano ang ibinigay ng Diyos upang malaman natin
ang plano Niya sa ating buhay? Mga kapatid, ito ang Bibliya. Ito ang ginagamit
ng Diyos upang bigyan tayo ng gabay at patnubay kung paano natin dapat
isabuhay ang ating buhay ng ayon sa Kanyang kalooban.
 Kaya nga sabi sa
Kawikaan 3:5-6 ASND
“Magtiwala ka nang buong puso sa PANGINOON at huwag kang manalig sa
iyong sariling karunungan. Alalahanin mo ang PANGINOON sa lahat ng iyong
ginagawa at ituturo niya sa iyo ang tamang landas.”

 Sa Bibliya natin mababasa ang mga katuruan, gabay at nais ng Diyos na sabihin
sa atin. At bilang architect ganoon din ang Panginoon, inihanda na niya yung
guide o yung dapat nating sundan sa ating buhay. Sa bibliya ay makikita natin
ano ba ang mga bagay na TAMANG gawin, TAMANG isipin, TAMANG sabihin,
TAMANG sambahin. Malalaman natin yung plano ng Panginoon para sa atin,
ginagabayan tayo nito para maunawaan natin yung kalooban Niya para sa atin.
Maaaring sa kung saan ba ang lugar natin sa Kanyang kaharian, ano ba yung
mga katotohanan na dapat nating malaman bilang Kanyang mga anak o mga
alagad, at ano yung mga key features o maging yung katotohanan sa buhay
natin ayon sa kalooban Niya.

2. Pagsasaway at pagtutuwid sa maling kaisipan at gawain o mga kasalanan:


 Ang salita ng Diyos ay nag bibigay sa atin ng correction, tinuturuan tayo ng
Bibliya kung ano ang ating dapat gawin ayon sa kalooban ng Diyos.
 Kung kilala nyo po si David, si Haring David sa awit. Maraming beses nya po
sinabi na ang SALITA NG DIYOS AY KAILANGAN NYA SA KANYANG BUHAY
 Makikita po natin sa Awit 23:4
Kahit dumaan ako sa pinakamadilim na libis, hindi ako matatakot dahil kayo ay
aking kasama. Ang dala nʼyong pamalo ang sa akin ay nag-iingat; ang inyo
namang tungkod ang gumagabay at nagpapagaan sa aking kalooban.

 Ang tinutukoy nya po roon ay ang salita ng Panginoon na gumagabay sakanya,


kahit na nasa malalim o pinaka mahirap na sitwasyon sya ng buhay. Kilala po
naman po natin si David, sya isang pastol ng tupa , tinalo nya si goliath ….,
nagging hari sya nagging kalugod lugod po sa harapan ng Diyos ang buhay ni
David.

 Dahil sa kanyang pag ninilay ng Salita ng Diyos, kaya po si David grabe po ang
pag papahalaga o pag preprecious nya sa kanyang puso ng Salita ng Diyos
ginamit nya po ito upang mag tagumpay sa buhay. Ang sab isa sa Awit 119:11

 Ang salita mo'y aking iningatan sa aking. puso: upang huwag akong magkasala
laban sa iyo

 gaya ni David kineep nya, pinasok nya sa kanyang puso at inapply sa kanyang
buhay lahat ng inuutos ng Diyos at sinasabi ng Biblia. Sa ating pag ninilay o pag
aaral at pag babasa ng Biblia makita po natin ang ang patuturo at pag sasaway
ng Diyos satin at itoy isapuso natin. Hindi perpekto si David Nakagawa din sya
ng Kasalanan, natukso, naging sakim at makasalanan. Ngunit tulad ng taong
may sakit na ngangailangan ng Doktor ang Biblia ang nag silbing reseta ng
Diyos sknya sa pag sunod nya dito, hindi sya yung gumaling in a way na hindi
na sya sinner, but He learn to correct his wrong doings. Dahil ang salita ng
Diyos ay nag tatama at nagha hatid ay Buhay na walang Hanggan.

3. Pagsasanay sa matuwid na pamumuhay:

 Para sa ating pangatlong puntos, makikita rin natin na ang Bibliya ay


nagsasanay sa atin sa matuwid na pamumuhay.
 tayo po ay nilikha ng Diyos para sa mabuting gawain, upang gumawa ng
mabuting gawain para sa iba at nakaka luwalhati sa Diyos
 Awit 1:1-3
Mapalad ang taong hindi nakikinig sa payo ng masama, at hindi sumusunod sa
masama nilang halimbawa.Hindi siya nakikisama sa mga kumukutya at hindi
nakikisangkot sa gawaing masama.2 Sa halip, kasiyahan niyang sumunod sa
kautusan ni Yahweh.Binubulay-bulay niya ito sa araw at gabi.3 Katulad niya'y
punongkahoy sa tabi ng isang batisan,laging sariwa ang dahon at namumunga
sa takdang panahon.Ano man ang kanyang gawin, siya'y nagtatagumpay.. Sa
verse na ito makikita ang warning at promise ng Panginoon sa kanyang taga
sunod.Kung paano dapat tayo mamuhay at bakit dapat tayo mag aral ng Salita at
kung ano ang pag papalang makakamit natin kung tayo ay susunod o gagawin
nasa kanyang kautusan.
● kung ating titignan ang salitang kautusan ay minsan ang bigat isipin o tignan.
Kadalasan po kasi satin ang word na UTOS parang ikaw ay kinakawawa. Ngunit
kung titignan natin ito ay ang salita ng Diyos ay naglalahad ng kautusang nag
iinstruct sa atin
● ang salita ng Diyos ay nagtuturo o nag iinstruct saatin kung paano mamuhay
ayon sa kautusan nya na naghahatid sa atin nga pag papala at kasaganahan
● gayundin maraming beses tayong hinalintulad sa Punong kahoy, kayat madaling
mavisualized o mailalarawan ang punong pag aari ng Diyos. dahil ang punong
pag mamay ari ng Diyos ay mabunga at nakatanim malapit o nakatabi sa ilog ng
buhay.
● Ang isang tao ay mabunga sa mabubuting gawa na umaagos mula sa puso, at
doon nagmumula ang Tubig ng Buhay ayon kay Jesus Mismo: juan7:38
● Ang sumasampalataya sa akin, ayon sa sinasabi ng Kasulatan, ‘Mula sa
kanyang puso ay dadaloy ang tubig na nagbibigay-buhay.
● Ang biblia o salita ng Diyos ay naghahatid sa atin ng pagkatuto sa mga
dapat o tama nating gawin bilang isang taga sunod ni kristo

APPLICATION:
1. Maglaan ng tiyak na oras para sa pag-aaral ng salita ng Diyos.
2. Magkaroon ng Bible, notebook, at ballpen para isulat ang iyong napag-aralan.
3. Magkaroon ng excitement sa bawat araw dahil alam mong may sasabihin sa’yo ang
Diyos sa pamamagitan ng Kanyang salita.
4. Ito ay makakatulong na pattern para sa pag-aaral ng salita ng Diyos: SOAP

S - CRIPTURE
● Dito mo isusulat o ilalagay ang passage o verse/s na pag-aaralan mo.

O - BSERVATION
● Ano ang iyong mga natutuhan,napagtanto at ano nga ba ang ipinaparating ng
Diyos sa nabasa mong verse/s o passage?

A - PPLICATION
● Paano mo ba ito ma i aaply sa iyong sarili?

● Paano mo nga ba ito ma i sasabuhay?

● Ano ano ang iyong mga magiging hakbang matapos mapagnilayan ang mga
Salita ng Diyos?

P - RAYER
● Ano ang ipagdarasal mo sa ating Panginoon?

● Ano ang ipagpapasalamat,icoconfess at ipapangako mo sa ating Panginoon


patungkol sa pinagnilayan mong berso?

VI. CONCLUSION
“Ang buhay ng isang mananampalataya ay isang buhay na naka-angkla sa Kanyang salita.
Kaya naman sa bawat araw ay pagbulay-bulayan natin ito at patuloy na ma-excite at umasa
sa gagawin pa ng Diyos sa ating buhay.”

Josua 1:8
Josue 1:8 ASND
Huwag mong kalimutang basahin ang Aklat ng Kautusan. Pagbulay-bulayan mo ito araw at
gabi para malaman mo kung paano mo matutupad nang mabuti ang lahat ng nakasulat dito.
Kung gagawin mo ito, uunlad ka at magtatagumpay.

VII. CLOSING PRAYER

Panginoon, pinupuri kita at pina sasalamatan para sa araw/oras na ito, sa patuloy nap ag sama
at pag sentro sa aming Gawain at sa patnubay mo sa amin.

Nagpapasalamat kami sa iyo, Diyos, para sa iyong Salita. Nagpapasalamat kami na meron
kaming biblia. Nagpapasalamat kami sa iyo para sa gawain ng iyong Banal na Espiritu, na
nagbigay-inspirasyon sa napakaraming iba't ibang tao sa buong kasaysayan na isulat ang iyong
Salita sa paraang magagamit ito sa pagtuturo, pagsaway, pagwawasto, at pagsasanay sa amin
sa katuwiran ngayon, na ginagawa matuwid. at nagtuturo sa bawat mabuting gawa.
Nagpapasalamat kami sa iyo, aming Diyos, para sa iyong Salita. Tulungan mo kaming
pangalagaan itong mahimalang regalong ipinagkaloob mo sa amin. Hinihiling namin na bigyan
mo kami ng kasipagan at excitement sa pag aaral ng Salita mo, gabayan mo po kami sat wing
ay nag aaral ng salita at gawaran ng karunungan na nag mumula sayo ng saganon ay
maunawaan naming ang nais mong ituro sa main, at tulungan mo kami sa pagtanggap ng iyong
pagtutuwid at pagsaway.

Tulungan mo kaming tanggapin ang iyong tagubilin at pagsasanay sa katuwiran nang may
pagpapakumbaba.

Diyos, hinihiling namin na gamitin mo ang iyong Salita upang pagpalain at ma direct kami bilang
iyong taga sunod at bigyan kami ng mga kasangkapan na kailangan namin upang makagawa
ng mabubuting gawa sa buong araw. Diyos, sinasamba namin ang iyong Salita at hinihiling
namin na magkaroon ito ng ganap na epekto sa aming buhay. At hinihiling namin na tulungan
mo kami sa pagpapalaganap namin ng iyong Salitang ito sa iba.

You might also like