Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

DAG LI

“ ANG PAGMAMAHALANG KATHNIEL”

Sa mundo ng showbiz ay nag kakilala si Kathryn at Daniel. Nagkasama sila sa isang


proyekto kung saan sila ay gaganap na mag ka sintahan. Dahil sila ay palaging
magkasama, si Daniel ay nakabuo ng pagtingin kay Kathryn. Hindi niya masabi kay
Kathryn ang kanyang nararamdaman dahil ayaw niya masira ang kanilang
pagkakaibigan. Ngunit, hindi alam ni Daniel na nakakabuo na rin ng pagtingin si Kathryn
sakanya. Nag patuloy ang kanilang pag kakaibigan hanggang sa natapos ang kanilang
proyekto.

Isang araw, maka lipas ang isang taon, nag karoon ng lakas ng loob si Daniel na aminin
ang nararamdaman para sa dalaga. Inaya niya itong mamasyal at kumain sa labas.
Habang kumakain ay biglang nag salita si Daniel at sinabi ang nararamdaman nito.
Nagulat si Kathryn sa sinabi ng binata. Niligawan ni Daniel si Kathryn at makalipas ang
anim na buwan ay sinagot niya na rin ito. Sa ilang taon nilang pagsasama, isang araw,
mayroong mga nararamdaman si Kathryn na masakit sa kanyang katawan. Napag
desisyunan niyang mag pa konsulta sa doktor. Nang lumabas na ang result ana ginawa
ng doktor ay nagulat siya sa sinabi nito. Walang gamot o lunas ang makakapag
pagaling sa kanyang sakit. Hindi niya ito sinabi kay Daniel dahil sa takot at malapit na
ang kaarawan nito. Pag lipas ng ilang buwan ay pahina nan ang pahina ang katawan ni
Kathryn at napapansin na ito ng kanyang kasintahan. Nag karoon siya ng lakas ng loob
na sabihin sa binate ang kanyang sakit at mayroon na lamang itong ilang linggong
natitira. Nagulat at nalungkot ito sa kanyang nalaman ngunit ay ayaw niya sayangin ang
mga oras na kasama ang kasintahan. Sinulit nila ang bawat araw na mag kasama
hanggang sa huling hininga ni kath. Nangako si Daniel na babaunin niya lahat ng
masasayang alala at pag mamahal na iniwan ni Kathryn sakanya hanggang sa
kaniyang huling hininga.

You might also like