Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

Republika ng Pilipinas

Pamantasang Bayan ng Mindanao


Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Humanidades
Departamento ng Filipino at Iba Pang Wika
Lungsod ng Marawi

LIT152-Dd
Maikling Kwento at Nobelang Filipino

BUOD
DUGO SA BUKANG-LIWAYWAY

ROGELIO SIKAT

Ipinasa ni:
Sohaila M. Kiram

Ipinasa kay:
Prof. Angelito Flores Jr.

May 2024
DUGO SA BUKANG-LIWAYWAY
ROGELIO SIKAT

Nagsimula ito sa isang magsasaka na nagngangalang Tano at ang

manganganak na asawa nitong si Melang. Namatay si Melang ng isilang nito

si Simon sa kadahilanang ipinagkait ng mga Borja, ang pinakamayaman sa

kanilang nayon, ang automobil na hinihiram ni Tano upang maidala sana ang

nagdidiliryong asawa sa hospital. Labis namang dinamdam ni Tano ang

pagkamatay ng kanyang asawa kaya’t napagdesisyunan niyang manirahan na

lamang sa bukid kasama ang anak.

Nagtag-ulan at nagtag-araw, nagtanim at nag-anihan ay himalang

lumaki at nabuhay ang batang si Simon. Payat at sakitin noong una, ngunit

nang makababa na sa duyan, makagulong sa sahig, makapamaybay,

mahagkan ng araw, makalakad at makapanaog ng kubo, mahanginan ay

naging malusog at bumulas. Walang laruan si Simon subalit muling pumunta

si Tano sa nayon at nanghingi ng tuta. Ang tuta ang naging kalakalaro ni

Simon hanggang sa kanyang paglaki. Ang kasaysayan ni Simon mula sa ilang

nakakitang magsasaka ay humanga at nagpapasalamat dahil nabuhay siya ni

Tano. Pinag- aral ni Tano ang kanyang anak na si Simon dahil ayaw niyang

gawin sa anak ang ginawa ng ibang magsasaka sa nayon na kapag natuto ng

magbasa’t magsulat ay ayos na.


Nagkitakita sa paaralan sina Tano, Ka Tindeng at si Nazario. Matagal

nang hindi nakita ni Ka Tindeng si Simon simula noong dalawin niya sa bukid

at pinaghinalaan ni Tano na kukunin siya. Hinwakan ni Ka Tindeng si Simon

at sinabing ang laki na ng kanyang anak. Nagtaka si Simon at nanahimik.

Tinawag ni Ka Tindeng ang kasama nitong bata. Maitim din ito at nakatsinelas

din at tila’y hiyang hiya. Ang bata ay si Duardo. Sinabi ni Ka Tindeng na sila

ay magkapatid dahil sabay silang pinasuso nito. Pinakilala rin ni Nazario ang

akbay nitong bata na si Salvador. Maraming paalala si Ka Tindeng sa mga

bata lalo na ang wag silang mag-away.

Sa hindi inaasahan ay winasak ng bagyo ang kanilang palayan. Ginapas

nilang mag-ama ang palay. Nauuna si Tano sa paggapas ng palay at hindi

iniinda ang lakas ng ulan at ang lamig. Samantala si Simon ay nakakaramdam

na ng lamig at bigla rin niya nasugatan ang kanyang sarili. Tinawag niya ang

kaniyang Ama subalit tila wala itong nariring kaya bumalik na lamang si

Simon sa kubo at nagpainit ng salabat. Natatanaw niya ang kanyang ama na

patuloy sa paggagapas at hinahakot pa ni Tano papunta sa kubo. Tanghali na

ng pumasok a ng kanyang ama at pinainom niya ito ng salabat. Nanginginig

sa lamig si Tano. Sa gabing iyon ay inaapoy ng lagnat si Tano. Si Tano ay

kabilang sa magsasaka na nayon na nawala ang dating ipinagmamalaking

lakas.
Isang gabi, tinawag ni Tano si Simon at sinabi na babalik na sila sa

baryo. Nagtaka si Simon at naguluhan sa sinabi ng ama. Natuwa si Simon

dahil makakasama na nito si Ador at Duardo. Narinig ni Simon ang tuyot na

ubo ng ama. Nais umiyak ni Simon. Natutulog na ang kanyang ama at parang

nararamdaman niya siya ay mag-isa.

Kinabukasan, ng hapon ay naghanda na ang mag-ama sa pagbalik sa

nayon. Isinakay nila sa kareta ang kanilang mga gamit. Nauuna si Tano at

nakasunod naman si Simon at nasa hulihan ang kanilang aso. Paumad-umad

ang lakad ng kanilang kalabaw, lahat sila ay tila napapagal na umuwi mula sa

mandi’y ginawang peregrinasyon.

Nagbalik ang mag-ama sa nayon. Walang nakakaalam sa kanilang

pagbalik sa nayon kundi si Duardo lamang. Nang makita sila ng mga tao sa

kabayanan ay nagtaka sila. Binati sila ng mga matatandang magsasakang

kanilang nadadaanan. Si Simon naman ay nagpatuloy ng pag- aaral at

kumayod. Naging magkaklase si Simon at Elena Regente, ang bunsong anak

ng kanilang kasama sa bukid. Si Elena ay hindi katulad ng amang

mapagmataas. Maputi si Elena, mahaba ang buhok at mukhang hapis ma’y

lagi ring nakangiti. Pinagmamasdan siya ni Simon. Ang ganda ng kanyang

mga palad at mga mata at higit sa lahat ito ay mabait. Pinatawag ni Regente

si Tano at binalaan siya. Inutusan siya nito na pagbawalan si Simon sa pag-


ibig nito kay Elena. Siya rin naman sinunod ni Simon dahil wala siyang

magagawa sa kagustuhan ng ama.

Nasubrahan sa pagbubukid si Tano at bigla lamang siyang nahilo.

Pinilit niyang makabalik sa kubo. Nagsuka siya ng dugo, luminga-linga siya

baka may nakakita sa kanya at dali-daling tinabunan ng lupa ang dugo.

Pagdating ni Simon sa kubo ay naghanda na siya ng kanilang makakain subalit

nagtaka lamang siya ng hindi sumabay sa kanya ang ama. Nakita ni Simon

ang dugo. Hindi alam ng kanyang ama na kinuha ni Simon ang resibo ng

kanilang palay na nakatinggal sa kabayanan. Sumundo siya ng doctor at

binigyan ng gamut at sinabing hindi dapat maggagawa si Tano.

Si Simon ang nag-asikaso sa kanilang bukid. Pinagsasabay nito ang

kanyang pag-aaral at pagbubukid sa tulong ni Duardo at ilang mga kabataang

magsasaka. Pinatawag ulit si Tano ni Isauro Regente at sinabing babawiin na

nito ang bukid. Ibibigay na nito sa iba. Nanlumo si Tano sa narinig dahil

mawawalan na silang mag-ama ng kabuhayan. Maraming pumasok sa isip ni

Tano. Lumalim na ang gabi nang makita ni Simon na hindi na gumagalaw

ang kanyang ama. Tinawag niya ito at hindi sumagot. Hindi na pala huminga

ang kanyang ama, napaiyak na lamang siya.


Hiniling niya na sa tabi ng puntod ng kanyang ina ilibing ang ama.

Dinamayan siya ni Duardo. Makalipas ang maraming buwan ay dumating ang

araw na magtatapos si Simon ng haiskul kasama na roon si Elena at Andro na

anak ni Borja. Pagkatapos ng araw na iyon ay hinikayat siya ni Duardo na

lumuwas at mag-aral sa Maynila ngunit nag-aalinlangan si Simon. Sa tatlong

magkakaibigan ay si Ador at Simon lang ang nagpatuloy sa pag-aaral sa

haiskul. Ni hindi nakapagtapos ng elementarya si Duardo samantalang si Ador

kumukuha ng kursong pagtuturo sa Maynila. Kalaunan ay napagdesisyonan

niyang lumuwas at maghanap ng trabaho habang nakikituloy kay Ador.

Malapit na ang undas at naisipan ni Simon na bumalik sa nayon upang

ipagsindi ng Kandila ang kanyang mga magulang. Ngunit sa kasamaang palad

ay natabunan ang puntod ng mga magulang dahil sa pinatayong lagarian ng

matandang Borja. Nagalit si Simon at naisipan niyang maghiganti. Kaya agad

rin siya bumalik sa Maynila. Iniwan muli ni Simon ang nayon na may dalang

galit at pangakong paghihiganti.

Sumiklab ang digmaan, dumating ang mga hapong mananakop. Bawat

isa ay lumikas. Mga tagabayan at taganayon ay magkakasama sa bukid. Ayaw

iwan ni Isauro Regente ang kanyang bahay. Si Duardo ang naging

tagapagtanggol ni Elena. Maraming balita ang kanilang naririnig tungkol kay

Simon. Isa na roon na siya ay nasawi. Hinintay ng mga taga San Roque si
Simon sa kanyang pagbabalik ngunit ito’y hindi bumabalik. Maraming

bumalik, ngunit di bumabalik si Simon.

Labing anim na taon na ang lumipas. Maraming pagbabago sa San

Roque makalipas ang labing anim na taon. Sa kabayanan, kalat ang balita na

may isang lalaki ang nakabili ng malaking bahay ni Captin Martin. Maraming

tao sa lugar ang nagtaka. Marami silang agam-agam patungkol sa nakabili ng

bahay. Di nagtagal ay maraming lalaki ang dumating, inaayos ang mga sira sa

bahay at pinintahan ng putig-puti ang bahay. Mula sa mga lalaking gumagawa,

nabalitaan nil ana ang bahay ay gagawing paaralan sa pagsasaka. Sumunod na

nasaksihan ng mga taganayon ay ang pagdating ng trak-trak na kagamitang

pangkuntruksyon: bato, buhangin, yero, semento at kahoy. Binakuran ang

mga kagamitan, nilagyan ng “BAWAL PUMASOK” at hindi nagtagal,

pinatayuan nila ito ng bahay.

Mayaman na ngayon si Simon. Sa mga panahon ng digmaan ay nasa

Mindanao siya. Nagkaroon siya ng Negosyo, isang lagarian. Nagbunga ang

kanyang pinuhunang tiyaga at pagpapakasakit nang siya ay nagsisimula pa

lang. kasama niya si Manuel, nakatagpo niya sa Cagayan de Oro. Nag-aaral

ito ng agrikultura kaya maraming karanasan. Sumakay sila sa kotse ni Simon.

Nalibot nila ang población. Maraming naikuwento si Simon kay Manuel sa

nakaraan ng lugar. Nang maihatid ni Simon si Manuel sa paaralan ay pumunta


siya sa dati nilang bahay. Walang nakakakilala kay Simon. Nagbabalik-tanaw

siya sa nakaraan ng may marinig siyang tumatawag sa kanya at paglingon niya

ay si Ador. Nagkumustahan ang magkaibigan at naitanung ni Simon si Ka

Tindeng at Duardo ngunit sa kasamaang palad ay namatay na sila. Namatay

sa sakit si Ka Tindeng at nabaril naman si Duardo kasama sa nakabaril si

Andro. Si Elena naman ay naikasal na kay Andro. Napayuko si Simon sa

narinig. Pinagsisihan ni Ador ang kanyang sinabi. Hanggang ngayon ay mahal

niya pa rin si Elena. May nakilala si Simon na isang maestra sa Surigao nang

siya ay mapadpad rito. Nagsilbi itong sandalan ni Simon. Akala niya sa

pamamagitan nito ay makakalimutan niya si Elena.

Nagtayo ng isang higit malaking lagarian sa San Roque. Lumipat ang

mga tauhan ni Borja kay Simon dahil mas malaking sahod ang kanilang

natatanggap kay Simon. Binuksan na rin ni Simon ang paaralan ng pagsasaka.

Naging usapan ang paaralan sa buong nayon. Hinikayat nila ang mga

mambubukid patungkol sa pag-aaral at sianbing hindi lang patungkol sa

pagsusulat o pagbabasa ang ituturo nila kundi pagsasaka rin. Namulat ang

mga kabataan at nahikayat sa pag-aaral. Hindi na sila katulad ng kanilang mga

magulang na nasisiyahan na sa itinakda sa kanilang kapalaran.

Sa pagbabalik ni Simon, nakamit niya na ang kanyang minimithi sa

buhay, ang paghihiganti. Kinalaban niya ang negosyo ng mga Borja. Pero
hindi lamang paghihiganti ang nasa isip niya, hindi niya pa rin nakalimutan

ang nayon. Nagtipon-tipon ang mga magbubukid sa kapusuran ng población.

Marami ang kanilang bilang. Nakamasid lamang ang mga konstabularya at

pulis, pinapalakpakan ng mga nandun ang umaakyat sa tribuna. Nauuna si

Ador, sumusunod naman si Simon. Sumusunod sa kanila sina Manuel at

Santiago. Si Manuel naman ang tagapagpakilala. Habang nagsasalita si Simon

ay umalingawngaw ang isang putok sa pagitan ng tribuna at malaking bahay.

Natamaan sa sentido si Simon at natumba at muling umalingawngaw ang

isang putok at tinamaan siya sa dibdib. Nakita nila kung saan nanggaling ang

putok, at dali-dali siyang pumunta sa bahay na iyon malapit sa plasa. Dinakip

ng mga constable si Andro.

Iniuwi nila si Simon sa kanyang bahay sa tabing-bukid. Nagtipon-tipon

sila at hinintay ang pagbubukang-liwayway. Sa kanyang pagkamatay, ang

pangalang Simon ay hindi malilimutan ng mga tao sa nayon. Dahil si Simon,

ay isang magbubukid na di nakalimot sa kanyang pinagmulan

You might also like