Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Brgy.

Ranao-Ibaning,
Amai-Manabilang, Lanao del Sur

Ika-17 ng Oktubre, 2023

Prof. Pizimalao P. Macabanding


Principal
MSU-Wao Community High School
Brgy. Extension, Wao, Lanao del Sur

Mahal na Prof. Macabanding:


Magandang araw po. Nais ko pong mag-aplay bilang Guro sa Filipino sa inyong
paaralan. Nakapagtapos po ako sa MSU-Marawi Main Campus ng Bachelor of Secondary
Education Major in Filipino, isang 2023 Licensure Examination for Professional Teacher Board
Passer. Nais kong ipagkaloob ang aking kaalaman, kasanayan, at karunungan sa inyong paaralan.
Bilang isang lisensiyadong guro, ako ay nagtataglay ng mga kinakailangan na kaalaman sa
pagtuturo sa hindi lang sa larangan ng Filipino. Umaasa din ako na ang pakikipagtulungan sa iyo
ay patunay na isang magandang pagkakataon sa pagpapabuti ng aking mga kasanayan upang
maging mas angkop ako sa paaralan.
Sa pamamagitan ng aking kahusayan sa pasulat at verbal na komunikasyon, sa
pakiki-halubilo sa mga ibang tao, sa aking kumpiyansa, at sa aking pursigidong diskarte, nais
kong itaguyod ang inyong paaralan at ako’y nakakasiguro na ang aking mga kaalaman at
karunungan ay tunay na magiging benepisyo sa inyong paaralan.
Kalakip ng liham na ito ang aking bio-data. Maari po akong kontakin sa numerong
0951-195-8230 o sa pamamagitan ng e-mail: kiramsohaila@gmail.com. Maraming salamat po.

Sumasainyo,

SOHAILA M. KIRAM

You might also like