PLAGYARISMO

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

PLAGYARISMO

Ang plagyarismo ay pangunguha ng datos, mga ideya, mga pangungusap, buod at balangkas ng isang
akda na hindi kinikilala ang kanyang pinagkuhanan o pinagmulan ng datos. Ito ay isa ng uri ng
pagnanakaw at pagsisinungaling dahil inangkin mo ang hindi sa iyo.
Ito ay may sinusunod na etika/Code Of ethics:
Sa etika ng pananaliksik, itinuturing na napakalaking kasalanan ang plagyarismo.
Ito ay may kabigatang parusa
Ito ay magdudulat ng isang malaking kahihiyaan sa taong may pinag-aralan.
Noong 1996 si atienza at ang kanyang mga kasamahan ay nagtala ng ilang mga halimbawa ng
plagyarismo at kaparusahang maaaring ipataw sa plagyarista.
Kung ginamit ang orihinal na termino o mga salita, hindi ipinaloob sa pinipi o hindi itinala amg
pinangkuhaman
Kung hiniram ang ideya o mga pangungusap at binago ang pagkapahayag, ngunit hindi kinilala ang
pinagmulan
Kung namulot ng ideya o mga pangungusap mula sa iba’t ibang akda at pinagtagni-tagni ang mga ito
ngunit hindi kinilala ang pinagkuhanan
Kung isinalin ang termino, ideya o pahayag, at dahil nasa ibang wika na ay inangkin na at hindi itinala na
isalin ang mga ito
Kung ninanakaw ang bahagi ng isang disenyo, balangkas, himig at hindi kinilala ang pinagkuhanan ng
“inspirasyon” at
Kung ginamit ng isang mananaliksik ang mga datos na pinaghirapan ng iba at ipinalabas n’ya na siya ang
gumawa ng nakalap na datos

You might also like