Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

FINAL OUTPUT:

NOLI ME TANEGERE & EL FILIBUSTERISMO SUMMARY

Submitted by:

Eloisa Marie G. M anzano

Submitted to:

Ma’am Piel Grace O. Fortin

NOLI ME TANGERE SUMMARY


Ang Noli Me Tangere ay isang nobelang inilatha ni Dr. Jose Rizal. Naisulat ito dahil sa

adhikain ng manunulat na mabuksan ang kamalayan ng mga Pilipino sa totoong

pamamalakad ng pamahalaan at simbahan.

Mga tauhan ng kwento:

 Juan Crisostomo Ibarra- anak ni Don Rafael & kasintahan ni Maria Clara.

 Maria Clara - anak-anakan ni Kapitan Tiago at anak ni Pia Alba at ng paring si Padre

Damaso.

 Don Santiago Delos Santos ( Kapitan Tiago)- Ama-amahan ni Maria Clara.

 Don Rafael Ibarra- Ama ni Crisostomo Ibarra; mayaman kung kaya’t labis na

kinainggitan ni Padre Damaso.

 Padre Salvi- Kurang pumalit kay Padre Damaso; may lihim na pagtingin kay Maria

Clara.

 Padre Damaso-

 Tinyente Gueverra- Tinyente ng gwardiya sibil; kaibigan ni Don Rafael; nagkwento

kay Crisosotomo Ibarra tungkol sa sinapit ng kanyang ama.

 Doña Pia Alba - Asawa ni Kapitan Tiago; hinalay ni Padre Damaso; ina ni Maria

Clara.

 Sisa - Inang nabaliw sa paghahanap sa dalawang anak; asawa ni Pedro.

 Basilio at Crispin- Bunsong anak ni Sisa at Panganay na anak ni Sisa;

napagbintangang nagnakaw; tagapag-patunog ng kampana sa simbahan.

 Ellias - Nagligtas kay Crisostomo Ibarra; anak ng angkang kaaway ng mga ninuno ni

Ibarra.

 Tiya Isabel- Tiya ni Maria Clara at tumulong sa pagpapalaki dito; pinsan ni Kapitan

Tiago.
 Kapitan Heneral - Pinakamakapangyarihang opisyal ng Espanya sa Pilipinas.

Bago matapos ang buwan ng Oktubre ay nag pahayag si Don Santiago Delos Santos o

mas kilala bilang si Kapitan Tiago na may magaganap na handaan sa kaniyang bahay sa

Manila. Si kapitan Tiago ay isang lalaki bilugan ang muhka at kayumanggi ang kulay.

Mahusay siyang makisama sa lahat ng tao at isang mabuting tao. Bagama’t hindi nakapagaral

dahil sa kahirapan, sya’y naman natutu na mamasukan sa pareng Dominiko. Dahil sa angkin

katalinohan, pagtyatyaga, at husay, napangasawa nya si Doña Pia Alba, isang mayamang

dalaga. Sa anim na taon nag pagsasama ay na pagyabong nila ang kanilang mga kabuhayan,

ngunit sila’y naman kapuspalad sa pagkakaroon ng supling. Sa patuloy na pananampalataya

ay nag karoon sila ng anak na babae na pinangalanan nilang si Maria Clara. Na kasintahan ng
isang binatang si Crisostomo Ibarra. Anak ng malapit nakaibigan ni Kapitan Tiago na si Don

Rafael.

Makikita rin sa handaan ang dalawang paring Dominiko na sila Padre Sibyla na kura

ng Tawanan at Padre Damaso, ang dating kura ng San Diego. pati si Crisostomo Ibarra na

kagagaling lamang sa ibang bansa sa loob ng pitong taon. Dahil dito, natigilan si Padre

Damaso nang makita ang binata, at ng maka lapit ito sa kanila ay nag lahad pa ito ng kamay

upang pormal na mag pakilala. Subalit hindi nagustohan ni Padre Damaso ang ginawa ni

Ibarra sapagkat ani nya’y hindi naman sila mag kaibigan ng ama ni Ibarra. Napahiya si Ibarra

sa itinuran ng kura at kusa na lamang binawi ang kamay. Isang lalaki naman nakabihis ng

Barong Tagalog na may butones na brilyante ang nakangiting lumapit sa kaniya at nag

pakilala na si Kapitan Tinong, Taga-Tundo at malapit na kaibigan ni kapitan Tiago at Don

Rafael. Matapos ang paghahain sa hapag-kainan ay nag simula nang mag silapitan ang mga

panauhin. Dito makikita ang iba’t ibang mga muhka ng bisita. Nariyan si Padre Sibilya na

makikita ang kasiyahan at pagkagalak, kabaliktaran naman kay Padre Damaso na makikitaan

ng pag kainis dahil sa isang bisita. Nadagdagan pa ito ng maihain na ang tinolang manok,

kung kay Ibarra ay nakakuha sya ng lamang loob ng manok. Si Padre Damaso naman ay

nakakuha ng matitigas na parte na lalong ikinainis ng pare. Natuon ang usapan kay Ibarra,

kung saan nag tanong mga bisita kung ilang taon ito sa ibang bansa, nabanggit nya rin kung

ilang wika ang kaniyang natutunan nguting ayon kay Ibarra, ang wikang Kastila lamang ang

hindi nya masyadong nasasalita sapagkat mga konsulado lamang ang marunong mag salita.

Kinabukasan ay naglalakad si Crisostomo ng walang direstyong sa Liwasang Binondo

at sa hindi ina-asahang pangyayari ay bumati sa kaniya si Tinyente Gueverra. Ayon sa

Tinyente, isa siya sa mga kaibigan ni Don Rafael at may kaalaman sa pag kamatay ng ama ni

Ibarra. Sa munting pahayag na ito ay naitanong ni Ibarra kung ano nga ba talaga ang nangyari

sa kaniyang ama. Nag simula ang pagkwento ng Tinyente sa kaalamang na bilanggo si Don
rafael dahil sa isang trahedya. Ayon sa kaniya, mabait na tao ang ama ni Ibarra ngunit

madami ang may galit sa kaniya at karamihan doon ang mga kastila. Sya ay nabilanggo at

naakusuhan ang ama na erehe at pilibustero dahil sa hindi nito pagsisimba at

pangungumpisal. Sa paguwi ni Crisostomo doon nya lamang napagtanto ang lungkot at

pagod sa nalaman nyang katotohanan sa naging kalagayan ng ama. Sumunod na araw ay

dumalaw si Ibarra sa bahay ni Kapitan Tiago upang bisitahin ang kaniyang kasintahan na si

Maria Clara. Sa azotea ng bahay nil Maria Clara ay nag karoon ng pagkakataon ang

magkasintahan na muling basahin ang liham ni Ibarra bago ito umalis papuntang Europa. At

kinabukasan ay umuwi din si Crisostomo sa kaniyang inang bayang San Diego.

Sa kabila ng mapait na nangyari sa ama ni Ibarra ay hindi niya hinangad ang

maghiganti, sa halip ipinagpatuloy niya ang adhikain ng ama na makapagtayo ng paaralan.

Natuwa naman ang guro na siyang naging kasama ni Don Rafael na mag hatid ng edukasyon

sa mga bata. Ngunit ayon sa kanya, ay nawalan na rin ng interes ang mga bata dahil sa

kakulangan ng panghihikayat ng kanilang mga magulang. Naging suliranin din aniya ang

gusali sa pagaaral ng mga kabataan dahil noon ay sa gilid or harap sila ng kumbento nag aaral

dahilan upang sila’y minsang bulyawan ng mga kura. Dahil dito naisipan ni Ibarra na ipahatid

sa mga nakakataas ang kaniyang plano na pagpapatayo ng paaralan kanila namang

nagustuhan.

Malayo sa karaniwang buhay ng mga mayayaman sa San Diego, ang pamumuhay ng

isang mag-anak. Si Sisa, ang ina nina Basilio at Crispin. Mga sakristan ng simbahan. Sa

madilim na tore ay naguusap ang magkapatid, ayon kay Crispin ay napagbintangan syang

nagnakaw ng salapi at papatayin kapag hindi niya naibalik. Dahil sa kulang na kapangyarihan

ay kinuha si Crispin at tumakas naman si Basilio para humingi ng tulong. Sa kanilang bahay

ay hindi na rin mapalid ang kaba ni Sisa, ng biglang kumatok si Basilio. nang buksan ni Sisa

ang pintoan ay Tumanbad sa kaniya ang muhka ni Basilio na may sugat sa noo at bakas ang
matinding takot. Nagkwento ng bata sa nangyari at kinabukasan pumunta si Sisa sa kumbento

upang sana’y makuha si Crispin ngunit siya’y hindi pinayagan. Paguwi ni Sisa ay agarang

syang dinampot ng mga guwardyang sibil at kinulong.

Pagkatapos ng peista ng San Diego, natapos na din ang proyektong gusaling para sa

paaralan ni Ibarra gayon naghanda rin siya ng isang pananghalian pagkatapos ng

pagbabasbas. Muli na namang inasar ni Padre Damaso ang binata, ayon sa kanya isang

hamak na kakatawanan lamang ang isang paaralan na tinayo ni Ibarra at nariyan din ang

pagaasar nya sa pag kamatay ng kaniyang ama. Kaya’t sa pagkakataong ito, hindi na rin

nakapagpigil si Ibarra at kamuntikan na niyang saksakin ang pari kung hindi lamang siya

pinigilan ni Maria Clara. Madaling kumalat sa San Diego ang nangyari sa pagitan nila Ibarra

at Padre Damaso kaya’t sinamantala ni Padre Damaso ang pagiging ekskomunikado ni Ibarra

at inutusan si Kapitan Tiago na itigil ang pagpapakasal ni Maria Clara kay Ibarra at nagpasya

na ipakasal si Maria Clara kay Alfonso Linares. Sa labis na pagdaramdam ng dalaga ay

nagkasakit ito at labis na dinamdam ang disesyon ng ama. Sakto naman sa pagbisita ni

Kapitan Heneral sa bahay ni Kapitan Tiago, ay naroon din si Ibarra. Nag batian ang dalawa at

kalaunan ay nag usap. Ang konklusyon ng kanilang paguusap ay ang pagtulong ng Kapitan

Heneral napawalang bisa ang pagiging ekskomunikado ni Ibarra. Sa isang gabi sa kwartel,

kung saan nag sasayawan at nag sasaya ang lahat ay may hindi inaasahang pangyayari, may

mga taong sumalakay sa kwartel at si Ibarra ang pinagbintangan nito at kahit walang

kasalanan ay dinakip at binilanggo ang binata. Kalaunan ay nakatakas rin sa tulong ni Elias,

anak ng angkang kaaway ng mga ninuno ni Ibarra. Sa pagtakas na nangyari ay nabigyan

naman ng pagkakataon ang magkasintahan na makapag-usap bago gawin ang planong

pagtakas. Doon nalaman ni Ibarra na si Padre Damaso ang totoong ama ni Maria Clara kung

kaya’t tutol ito sa pagmamahalan at planong pagpapakasal ng dalawa kaya’t sa araw ng kasal

ni Maria Clara ay pinuntahan sya ni Ibarra at tuluyan ng pinalaya ang dalaga.


Gamit ang bangka ay tinakas ni Elias si Ibarra. Nakalagpas man sila sa ilang

gwardiya sibil nasundan pa din ang kanilang bangkang sinasakyan. Inisip ni Elias na iligaw

ang mga humahabol sa pamamagitan ng paglusong nito sa tubig. Sa pag-aakalang si Ibarra

ang tumalon ay hinabol at pinaputukan ng mga sibil hanggang sa magkulay dugo ang tubig.

Nawalan ng pag-asa si Maria Clara dahil pag-aakalang patay na si Ibarra. Napagdesisyunan

nitong pumasok sa kumbento upang maging isang madre. Napilitang pumayag si Padre

Damaso sa dalaga dahil magpapakamatay daw ito pag hindi ito pumayag. Noche Buena na

nang makarating si Elias sa gubat ng mga Ibarra na sugatan at nanghihina. Doon ay

natagpuan niya si Basilio at malamig na bangkay ni Sisa. Bago tuluyang bawian ng buhay ay

nanalangin si Elias. Mamamatay siyang hindi nakikita ang maningning na pagbukang

liwayway. Ngunit para sa mga makakakita, bilin niya na batiin ito at huwag ding

makakalimot sa mga nabulid sa dilim ng gabi.

Tuluyang pumasok sa kombento si Maria Clara samantalang nanirahan naman sa

Maynila si Padre Damaso na kalaunan din ay namatay dahil sa dinamdam nito ang kaniyang

paglipat sa ibang simbahan. Habang naghihintay na maging obisyo si Padre Salvi,

nanungkulan ito pansamantala sa kumbento kung sa Sta. Clara na pinasukan din ni Maria

Clara.

You might also like