Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Learning Activities

Name: Date:
Grade & Section:

Mother Tongue
Laging tandaan na ang pang-abay na panlunan ay nagsasabi ng pook o lugar na
pinangyayarihan ng kilos o kung saan naganap ang pangyayari. Ito ay sumasagot sa
tanong na saan.
1. Ang babae sa lansangan, kung gumiriy parang tandang? Nasaan ang babae?
Sa lansangan
2.Santo Niño sa Pandacan.
3.Puto seko sa tindahan.
4.pagdating sa Maynila ipagpalit ng manika.
5. Pagdating sa Malabon ipagpalit ng bagoong.
Ang mga pangungusap na hango sa awitin ay ginamitan ng mga pang-abay na panlunan.

Gawain 1
Bilugan ang mga pang-abay na panlunan.
1. Itapon ang dumi ng hayop sa kalsada.
2. Pinapanatili kong malinis ang alagang hayop sa kulungan nito.
3. Nag-aaral ang mga bata sa bahay.
4. Maraming iba’t ibang hayop sa Manila Zoo.
5. Magbabakasyon ang mag-anak sa probinsiya ng Leyte.

Gawain 2
Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot sa bawat
katanungan?
1. Maraming iba’t-ibang hayop ang nasa Manila Zoo. Alin dito ang pang-abay na
panlunan?
A. hayop B. nasa Manila Zoo C. marami
2. Namasyal kami sa Rainforest Park. Alin ang nagsasaad ng pook o lugar?
A. sa Rainforest Park B. namasyal C. kami
3. Maliligo kami sa dagat sa isang buwan. Alin ang nagsasabi ng panahon?
A. maliligo B. dagat C. sa isang buwan
4. Kumain ang mag-anak sa Jollibee. Alin ang pang-abay na panlunan?
A. kumain B. sa Jollibee C. mag-anak
5. Ang kaniyang klase ay magsisimula sa ganap na ika-7:00 ng umaga. Alin ang pang-abay
na pamanahon?
A. sa ganap na ika-7:00 ng umaga B. klase C. magsisimula

Filipino
1. Sina Lito, Roldan, Dina at Elen ang mga anak nina Mang Rufino at Aling Elena.
2. Si Lito ay gabay nina Roldan, Rona at Elen sa paggawa kapag araw ng Sabado.
3. Tinutulungan ni Roldan si Lito sa pagdidilig ng halaman sa bakuran.
4. Nililinis nina Rona at Elen ang kanilang silid tuwing araw ng Sabado.
5. Inihanda ni Aling Elena ang paboritong pansit ng magkakapatid.

Pansinin ninyo ang mga salitang may salungguhit, ano ang inyong napansin? Kailan
ginagamit ang pang-ukol na ni? Kailan naman ginagamit ang pang-ukol na nina?

Ang pang-ukol ay mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita sa
pangungusap. Ang ni at nina ay mga pang-ukol.
Ang ni ay ginagamit kung tumutukoy sa isang tao.
Samantalang ang nina ay ginagamit kung ang isang bagay o ang kilos na ginawa o para
sa dalawa o mahigit pang tiyak na tao.

Gawain 1
Punan ng tamang pang-ukol na ni at nina ang patlang.
1. Dinampot _________ Lito ang mga tuyong dahon upang maging pataba sa mga
halaman.
2. Malaki ang naitutulong __________ Elen, Lito at Roldan sa kanilang magulang tuwing araw
na walang pasok.
3. Tinulungan __________ ni Roldan na magtanim ng mga halamang gulay si Mang Rufino.
4. Hinayaan __________ Aling Elena na matuto sina Elen at Dina ng mga gawaing bahay.
5. Tunay na kahanga-hanga ang mga anak ___________ Mang Rufino at Aling Elena.

Physical Education
Ang tamang Postura sa pagbubuhat, pagtulak at paghila ay mahalagang malaman ng isang
bata na katulad mo. Ang tamang postura ng katawan ay nagdudulot din mabubuting
epekto sa kalusugan. Mga dapat tandaan sa tamang Pagbuhat:
● Tumayo nang malapit sa bagay na bubuhatin.
● Ilagay ang isang paa na bahagyang nauuna sa isa.
● Ituwid ang liko, bahagyang isubsob ang katawan sa harapan at ibaluktot ang mga tuhod.
● Ilagay sa dalawang paa ang bigat ng katawan.
● hawakang mabuti ang mga bagay na bubuhatin.
● Itulak pataas ang katawan sa pamamagitan ng malakas na kalamnan ng paa sabay
angat sa bagay na binubuhat.
Pagtulak at Paghila
-Ang Pagkakaiba ng paghila at pagtulak ay dahil sa direksyon ng puwersa na may
paggalang sa bagay na pinipilit.
-Ang ibig sabihin ng paghila (Pull) ay ang direksiyon ng puwersa ay papunta sa bagay na
nagpapatindi ng puwersa at ang pagtulak (Push) ay ang direksiyon ng puwersa ay papunta
sa bagay na pinaglalaanan ng puwersa.
-May iba’t ibang gawain na nagdudulot ng lakas at tatag ng kalamnan katulad ng
pagtulak p paghila ng mga bagay, pagbubuhat at iba pa
-Ang lakas ng kalamnan ay pagtataglay ng kakayahang makahila o makatulak ng mabigat
na bagay o pwersa.

Gawain 1
Lagyan ng masayang mukha (√ ) kung ito ay naglalarawan ng wastong pagbuhat,
pagtulak at paghila at ekis (X) kung hindi. Lagay ang sagot sa patlang.
1. Ilapat ng mabuti ang mga kamay sa mga bagay na itutulak.
2. Gamitin ang mga paa sa paghila ng mga bagay.
3. Tumingin sa lugar na pagdadalhan ng itinutulak na bagay.
4. Ang bigat ng katawan ay kailangang balance sa dalawang paa habang
pumupulot ng bagay.
5. Sa pagpupulot ng bagay kailangang ibaluktot ang tuhod.

You might also like