Professional Documents
Culture Documents
POETIKA
POETIKA
POETIKA
Arevalo, Analy T.
Bertulfo, Zia Marie P.
Bonus, Catherine P.
Cadile, Jonabeth B
Maminta, Princess Reeham D.
nagtatampisaw sa kalsada habang bumubuhos ang ulan. Ang kanilang mga yabag ay
humahampas sa mga naipong tubig, naglalabas ng tunog ng paghampas at pag tilamsik. Ang mga
patak ng ulan ay kumakalansing sa mga dahon at yero, nagiging himig na sinasabayan ng mga
masasayang tinig. Ang mga batang naglalaro ay tila isang koro ng kasiyahan, nagdadala ng
kanilang masasayang tawanan sa loob ng bahay. Habang sa loob ng bahay naman may mga
Welcome to MLBB Finals! “Ayusin ninyo ito ah! Kung hindi makakatikim talaga kayo sa akin!”
Wari ni Chris sa kanyang mga kaibigan “Esports lang Chris laro lang ito, tsaka MLBB
Tournament lang ito noh huwag masyado seryosohin diba Lloyd?” tugon naman ng kaibigan nito
na si Ray nakita niya ang mukha ni Lloyd na seryoso din sa laro “aba! kakasabi ko lang na
huwag seryosohin eh! Mukhang gusto din kunin ang badge ng MLBB Champion of the week!”
Sambit ulit ni Ray sa kaibigan. Mahigit isang oras na silang nag lalaro at mainit init na ang laban
“Lloyd, patingin nga ng map, kailangan nating mag-strategize ng maayos. Hindi pwedeng bara-
bara lang,” sabi ni Chris habang nakatutok ang mata sa screen. “Oo nga, sa susunod na team
fight, kailangan nating kontrolin ang Turtle at makuha ang Lord,” dagdag ni Ray na nakikita ang
kahalagahan ng objectives.
Habang lumilipas ang oras, lalong umiinit ang laban. Pumipintig ang adrenaline ng bawat isa sa
kanila. Sa wakas, nagkaroon ng crucial team fight sa mid lane. “Ultimate na, Lloyd! Ray, mag-
backup ka sa akin, kailangan natin ng full force dito!” utos ni Chris. Nag-synchronize ang
kanilang galaw, parang iisang isip lamang. Isa-isa nilang na pa tumba ang kalaban, at sa huli,
nakuha nila ang Lord. Nakapag-push sila nang dire-diretso sa base ng kalaban. “Guys, base na,
huwag na nating palampasin ito!” sigaw ni Ray na puno ng excitement. Sa isang malakas na
huling atake, bumagsak ang core ng kalaban. Napuno ng sigawan at palakpakan ang kwarto.
Dala na rin sa makabagong henerasyon ngayon, ang mga bata ngayon ay halos nasa loob
na lamang ng bahay at hindi na nasisinagan ng araw. Nauso ang paglalaro ng Mobile legend bata
man o matanda ay naglalaro na rin. Hindi ito ang mga larong mga nakagisnan dati gaya ng
patintero, luksong baka, tago-tago an at iba pa. Ibang- iba na ngayon ang mga kabataan gaya ni
Lloyd, Chris at Ray. Si Lloyd ay isang matangkad at atletikong batang lalaki na may
nakakahawang kasiglahan para sa mga laro. Mahusay siya sa basketball at madalas na nagdadala
kalooban sa court, magiliw at madaling lapitan siya, laging handang tumulong sa kanyang mga
pagbabasa at pagsosolve ng mga puzzle. Madalas siyang makitang may hawak na aklat, na
nagsusuri ng mga mundong nasa labas ng silid-aralan. Kilala siya para sa kanyang matalinong
kanyang mga guro sa panahon ng diskusyon sa klase. Habang si Chris ay isang malikhain at may
madalas na nakakakuha ng pansin ng kanyang mga kapwa at mga guro. Kilala si Chris para sa
maghapon sa kakalaro ng mobile legends, pag pe-peysbuk at tiktok mula umaga hanggang gabi
ay naglalaro ang tatlong bata. Nakakalimutan na nila ang kanilang kinahihiligan at ang silbi ng
kalikasan. Ginagawa ito ng mga bata sa henerasyong ito upang sila ay maaliw at ginawang
pampalipas oras, ngunit nakalimutan na din ng mga batang ito na ialiw ang kanilang sarili sa
paglalaro sa labas ng sikat ng araw. Ang mga bata ngayon ay hindi na mapakali kung hindi
labas kasama ang dalawang kaibigan na sina Ray at Chris, na agad din namang pinayagan ng
kanilang magulang. Simula noong na uso ang mga online games, si Lloyd ay hindi na sumasali
sa mga laro ng kapwa kabataan at maghapon nakatutok sa selpon. Nagtagpo ang tatlo sa kalsada
at napag isipan nilang sa computer cafe na lamang sila maglaro ng Call of duty. Habang
naglalakad ang tatlong magkakaibigan sa gilid ng kalsada, abala silang nakatutok sa kanilang
mga cellphone, hindi alintana ang paligid. Sa kanilang kawalan ng pansin, muntik na silang
makadunggo sa isang nakaparadang sasakyan. Ang isa sa kanila ay biglang napatigil, ang
kanyang kamay ay halos sumayad sa gilid ng kotse, habang ang dalawa pa niyang kasama ay
mabilis na napatingin at napahinto. Ang kanilang mga mata ay lumaki sa gulat, at saglit silang
nagkatitigan bago bumalik ang kanilang atensyon sa kanilang nilalaro. Patuloy silang naglalakad
sa tahimik na kalsada, napadaan sila sa isang eskinita napansin nila ang mga batang naglalaro
dito. Ang mga bata ay masayang tumatakbo at naghahabulan, ang kanilang mga tawa ay
umalingawngaw sa paligid. Ang ilan sa kanila ay naglalaro ng sipa gamit ang lata, habang ang
iba nama'y nagtatayo ng maliit na kuta gamit ang mga batong natagpuan nila. Sa kabila ng
simpleng laro, bakas sa kanilang mga mukha ang lubos na kaligayahan at kasiyahan, tila walang
anumang alalahanin sa buhay. Nang makarating sila sa Computer cafe, dahan-dahang binuksan
nila ang pinto at nararamdaman agad nila ang malamig na hangin mula sa air conditioning, at
maririnig ang mahinang hum ng mga computer na nag-o-operate. Ang ilaw ay malambot,
kalmado ang atmospera habang lumalakad sila patungo sa kanilang upuan. Naririnig rin nila ang
mga maliliit na kurot ng keyboard at ang hum ng mga mouse habang naglalaro o nagtatrabaho
ang mga tao sa paligid mo. Sinimulan kaagad nila Chris, Ray at Lloyd ang paglalaro ng Call of
Duty. Ang gabi ay natapos na masaya habang nagwawagi sila sa laro ng Call of Duty. Naglipana
ang tawanan at sigawan sa kanilang tagumpay. Alas 12 na ng gabi ng matapos sila sa paglalaro
ng Call of duty, tahimik at madilim na ang daan tanging ang mga ilaw ng poste na lamang ang
nagbibigay ng kaunting liwanag sa kanilang dinaraanan. Ngunit marami rin naman ang bahagi ng
kalsada ang natatakpan ng anino. Bihira na ang mga sasakyan at halos walang tao, kaya't tanging
mga tunog ng kalikasan ang kanilang naririnig. Dinig na dinig din ang mga ungol ng aso na
nakakadagdag sa kakaibang atmospera ng gabi. Ang kanilang malalim at mababang mga ungol
gabi. Kaya sina Ray, Chris at Lloyd ay kinalibotan at na alerto. Mula sa tahimik na gabi
nakarinig sila ng mahinang sitsit mula sa madilim na bahagi ng kalsada. Ngunit binalewala na
Kinabukasan, nagising na lamang si Lloyd dahil sa ingay ng kanyang ina “Loyd! Anong
oras na! Late ka na naman!!!” Sigaw ng kanyang ina mula sa labas ng kanyang silid. “ Opo
mama! maliligo na po” sigaw din naman niya sa kanyang ina. Pagbaba niya, bumungad kaagad
sa kanya ang masarap na pagkain na inihanda ng kanyang nanay. “ kumakain ka na anak at late
ka na” saad ng kanyang ina. “Mama wala po akong gana kumain” sagot niya sa kanyang ina.
“Nako anak! Dahil na yan sa kaka celpon mo! Kailan nga ulit yung field trip ninyo sa sikyop?”
tanong ng kanyang ina. “Sa biyernes na po iyon mama, aalis na po ako ma! ” sagot ni Lloyd
Pagpasok niya sa kanyang silid aralan bumungad kaagad sa kanya ang bawat sulok ng
silid, nakikita niya ang mga kapwa mag-aaral na nakayuko, nakatutok sa kanilang mga screen.
Sa halip na maglaro sa mga palaruan, karamihan sa kanila ay abala sa kanilang mga cellphone,
naglalaro ng mga mobile games o nakikipag-chat sa kanilang mga kaibigan. Sa mga pasilyo,
habang naglalakad, may ilang mag-aaral na tila walang pakialam sa paligid dahil nakafocus sila
sa kanilang mga gadget. Sa mga upuan at lamesa, lalo na sa mga pahingahan o tambayan ng mga
estudyante, halos lahat ay may hawak na cellphone lalo na kanyang kaibigan na sina Ray at
Chris. Kapansin-pansin din na mas kaunti ang mga batang nag-uusap nang harapan, at mas
marami ang tila abala sa pakikipag-usap sa pamamagitan ng kanilang mga device. Sa mga oras
ng recess o lunch break, imbes na magkumpulan para magkwentuhan, karamihan ay nasa kani-
kanilang mundo, kausap ang mga taong nasa kabilang dulo ng linya o kaya naman ay naglalaro
nang mag-isa at hanggang sa matapos ang araw ay ganun pa rin ang scenario sa kanilang silid
aralan.
Biyernes ng umaga, araw na ng Field trip nila papunta sa sikyop. Sa loob ng bus, makikita
ang bawat isa sa kanila na nakayuko at nakatutok sa kani-kanilang mga cellphone. Ang iba ay
naglalaro ng mga video game, ang ilan ay nagme-message, habang ang iba naman ay nanonood
ng mga video o nagbabasa ng mga social media posts. Maririnig ang tunog ng mga laro at
notipikasyon mula sa kanilang mga gadgets. Sa likuran ng bus, may mga estudyanteng
magkakatabi pero tila walang pakialam sa isa't isa dahil lahat sila ay abala sa kani-kanilang mga
cellphone. Ang bus ay puno ng ingay ng mga tawa at sigawan tuwing may nananalo o natatalo sa
laro at sa mahabang biyahe ay nakarating na sila sa Sikyop, nag uunahan kaagad na bumaba ang
bawat mag-aaral.
Ang Sikyop, isang lugar sa bundok na puno ng kagubatan at likas na yaman, makikita ang
sumasayaw sa simoy ng hangin. Ang pagdating nila sa Sikyop ay parang paglalakbay sa kaharian
ng kalikasan, kung saan ang mga talon na umaagos ay umaawit ng kanilang sariling awitin at ang
mga ibon na nagliliparan ay bumabalik sa kanilang mga tahanan sa mga palma at puno. Ang
ingay at gulo ng mundo. Ang tatlo ay nabighani at dahil dito kinuha nila ang kanilang mga
selpon at kinuhaan nila ng litrato ang magagandang tanawin sa Sikyop at nilagay sa kanilang
facebook, dahil sa inip nila at kawalan ng interes sa kalikasan ay nakapag desisyon ang tatlo na
maglaro na lamang ng mobile legends, kesa pakiramdaman ang kalikasan. Habang tutok na tutok
sila sa paglalaro, dumadagundong din sa paligid ang kanilang sigawan at murahan dahil sa saya
at pagkasabik sa paglalaro. Sa kabila ng pag -iingay nila, narinig din nila ang isang mahinang
sitsit sa bahagi ng kagubatan, unang sitsit ay hindi nila ito pinansin dahil sa intense ng laro at
malapit na silang manalo “You have slain the enemy!” Wari ng laro “Double kill! Triple kill!
Maniac! You have been slain” inis na umalis si Chris dahil sa hindi nakuha ang savage at
parang naglalakbay sa isang pinto tungo sa ibang mundo. Bawat tapak niya ang kaniyang mga
paa, naririnig niya ang palakpak ng dahon, ang kalmadong huni ng ibon, at ang mahinang sitsit
mula sa malayo. Ang paligid na puno ng buhay at lihim na kuwento. Ang tuwid na daan na
rin siya sa pagsunod sa isang sitsit, ngunit ng dumating na siya sa dulo ng kakahuyan napatitig
siya sa isang malaking kahoy na may butas sa mga ugat nito, makikita ang isang malalim na
butas, parang isang pintuan patungo sa kung saan. “Hoy!” napapitlag si Chris sa dalawa kaibigan
“Ano ba kayo para naman kayong ano jan!” sabi ni Chris habang nakatitig parin siya sa butas
“Eh bakit ka ba kasi biglang umalis ang ganda na ng laro natin oh” sagot naman ni Ray “hala ano
yan?” tanong na sabi ni Lloyd. Nakarinig nanaman sila ng malakas na sitsit na nagmula sa butas,
dahan-dahan silang lumapit sa butas kung saan nagmula ang sitsit. At biglang may lumitaw na
isang maliit na liwanag na unti-unting lumalaki at nakakasilaw na tila ba naging isang pinto ito
patungo sa loob ng isang makapal na kagubatan. Dahil na rin sa kuryosidad ay walang pasubali
biglang napasok sila sa isang kakaibang dimensyon. At bumungad kaagad sa kanila ang
kakaibang mga nilalang at ang lugar na pamilyar na sa kanila, napagtanto kaagad nila na ang
kanilang kapaligiran ay hindi pangkaraniwang kagubatan kundi isang malaking arena na katulad
Sa pagdating nila, hindi sila naging mga karakter sa Mobile Legends. Sa halip, sila ay
naka tsinelas, nakasuot nang shorts at simpleng t-shirt na lamang. Inikot nila ang kanilang
paningin sa lugar nang makita nila ang isang malaking screen na ipinakita ang iba't ibang larong
pambata sa Pilipinas, ngunit wala silang ideya kung ano ang kanilang pinapanood. Nang mag
lakad lakad sila ay nakita nila ang mga batang naglalaro na para bang nag-iisip ng estratehiya at
nagpaligsahan sa pagiging mabilis at maingat. Nakita nila ang ayos ng mga lata na pangtumbang
preso sa gitna ng kalsada upang magsilbing target. May isang bata naman na naglalakad pabalik-
palayo mula sa target habang sinusubukan ng iba na tumbahin ito sa pamamagitan ng pagtapon
ng isang tsinelas.
Pamilyar na sa kanila ang larong ito, sapagkat palagi nilang nadadaanan ang mga batang
naglalaro sa gilid ng kalsada. Ngunit, hindi nila alam kung paano ito laruin pero tumambad sa
kanila ang mga bata na masaya at punong-puno ng enerhiya sa paglalaro nito. “Nasa arena tayo
ng mobile legend!” saad ni Lloyd sa kanyang mga kasamahan, “paano tayo makakalabas dito?”
tanong ni Ray, “kailangan natin makahanap ng lagusan bago mag gabi at baka hindi na tayo
Nilibot nila ang buong paligid at wala silang makitang lagusan. Tanging mga matatayog
na haligi at tower lamang ang kanilang nakikita. Sa paglilibot nila, nakita nila sa madilim na
sulok ang isang matandang lalaki na nakatayo at nagmamasid sa mga batang naglalaro.
“ Manong! Manong! Manong!” sigaw ng tatlo sa matanda, “ano ang maipaglilingkod ko mga
iho?” tanong ng matanda “tulungan niyo po kaming makalabas sa lugar na ito, parang awa niyo
munang mag tanda bago kayo makalabas sa lugar na ito”. saad ng matanda. “Ngunit paano po
Biglang tinawag sila ng isa pang bata at pinasali sa laro kahit na nababahala sila kung
paano nga ba sila makakalabas sa lugar na ito ay sumali nalang kaagad sila sa laro. Sa pagsali
nila sa laro, kahit na walang alam ang tatlo, agad silang naging masigla at nagpakita ng interes sa
mga patakaran at mekanismo ng laro. Sa unang tiklop ng lata, maaaring nahirapan sila sa tamang
teknik at diskarte, ngunit habang tumatagal, unti-unti nilang naiintindihan ang mga galaw at
diskarte ng tumbang preso. Makikita mo silang nagtutulungan at nagbibigayan ng tips sa isa't isa,
bihasa sa larong ito, ang kanilang determinasyon at pagiging bukas sa bagong karanasan ang
nagdala sa kanila sa pagiging bahagi ng masayang mundo ng mga bata sa lansangan. Nagtagisan
naman sila sa pagtakbo, pag-iwas, at diskarte sa pagtawid sa mga guhit ng kalaban. Makikita mo
silang nagmamadaling tumakbo habang binabasa ang mga galaw ng kalaban at nag-iisip ng mga
estratehiya para magtagumpay. Ang kanilang mga mukha ay puno ng determinasyon at saya, lalo
koponan. Sa bawat takbo at galaw, ipinapakita nina Lloyd, Chris at Ray ang kanilang husay at
Kahit na wala silang kaalaman sa laro, ang kanilang pagiging bukas at handang subukan
ang bagong karanasan ay nagdudulot ng ligaya at kasiyahan sa kanilang mga puso. Ang pagsali
sa larong ito, kahit na hindi nila ito naunawaan agad, ay nagbibigay sa kanila ng bagong
damdamin ng pagiging kabataan. Natapos ang laro, ang mga mukha ng mga bata ay pagod at
pawisan ngunit may saya naman sa bawat puso. “Alam ko na ang buhay bata ay ang kasiyahan at
Unti-unting naglaho ang larawan ng arena ng mobile legends at muli silang bumalik sa
kagubatan ng Sikyop, nadama ng tatlo ang pagbabago sa kanilang kapaligiran. Ang hangin ay
naging mas malamig naririnig nila ang tunog ng huni ng mga ibon at ang amoy ng sariwang
damo na sumasama sa hangin. Bumalik uli sila sa daan at nakita nila ang kanilang mga kaklase at
ang bus na sinasakyan nila na malakas bumubusina bilang senyales na kailangan na nilang
sumakay sa bus. Habang nasa biyahe ay ramdam parin ng tatlo ang kakaibang saya sa kanilang
dibdib, nang makarating sa kani-kanilang bahay ay kukunin na sana ni Chris ang kaniyang
selpon ng mapagtanto na mas mabuti na lumabas na muna. Habang naglalakad lakad ay rinig
niya ang pamilyar na mga boses sa kanto, boses ito ng mga batang masayang naglalaro unti
unting humakbang si Chris ng makita ang mga batang nakalaro niya sa loob ng arena ng mobile
legends “Ang mga batang ito?” Tanong niya sa sarili na may halong pagtataka at pagkagalak.
Tinawag siyang muli ng isang bata na para bang na dejavu ito dahil ang batang iyon ang
tumawag sa kaniya nang makapasok sila sa loob ng arena ng mobile legends. Ang mga batang
nakita niya ay yun din ang mga batang nakalaro nila sa loob ng arena, “hali kana Chris maglaro
na ulit tayo!” nagulat naman si Chris sa sinambit ng bata. “Kakagaling mo lang dito kanina, buti
bumalik ka kaagad” sambit ulit ng bata “Ha?” Ang tanging naging sagot nalang ni Chris.
Wakas..