Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region ____
Schools Division of ______________________
_____________________ District
___________________ ELEMENTARY SCHOOL

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP 2


S.Y. 2023-2024

TALAAN NG ISPESIPIKASYON

COGNITIVE PROCESS
DIMENSIONS
N
o.
of
N R
o. e
D U
of Item
Most Essential Learning ay m nd A
It A Cr Placem
Competencies s
e
e er na Ev
ent
T pp al ea
m m sta ly
au lyi ua tin
s be nd zi
gh ng tin g
in ng
t
ri g
g
n
g

6,7,
Nakapagpapakita ng ibat- 8,9,
16,1
ibang paraan ngpagpapasalamat 1,2, 10,1
7,18
sa mga biyayang tinanggap, 15 20 3,4, 1,12 1-20
,19,
tinatanggap at tatanggapin mula sa 5 ,13,
20
Diyos 14,1
5

Nakapagpapakita ng
pasasalamat sa mga
kakayahan/talinong bigay ng
Panginoon sa pamamagitan ng:
23.1. paggamit ng talino at 21,2 26,2
kakayahan 2,13 7,28
15 10 21-30
23.2. pagbabahagi ng taglay na talino ,24, ,29,
at kakayahan sa iba 25, 30,
23.3. pagtulong sa kapwa
23.4.pagpapaunlad ng talino at
kakayahang bigay ng Panginoon
EsP2PD-IVe-i– 6
Total 40 30 10 15 5 30

Republic of the Philippines


Department of Education
Region __
Schools Division of ______________________
_____________________ District
___________________ ELEMENTARY SCHOOL
IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP 2
S.Y. 2023-2024
Pangalan: _________________________________________ Iskor: ______________
Baitang: ___________________________ Petsa: _____________

I. Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa patlang
bago ang bilang.

______1. Isang umaga, naghihintay ka ng dyip patungo sa paaralan. May nakasabay kang isang batang
pilay na naghihintay din ng sasakyan. Ano ang gagawin mo?
A. Uunahan ko siyang sumakay sa dyip.
B. Titingnan ko siya kung paano siya sumakay.
C. Aalalayan ko siya sa kaniyang pagsakay.
D. Hihintayin ko nalang na makasakay siya ng dyip.

______2. Gutom na gutom ka galing ng paaralan. Nakita mong nakahanda na ang hapag-
kainan para sa hapunan. Ano ang gagawin mo?
A. Uupo ako at kakain agad.
B. Hihintayin kong makumpleto ang pamilya bago kumain.
C. Titikman ko ang pagkain habang naghihintay sa ibang kasapi ng pamilya.
D. Magsasabi ako kay nanay na mauna na akong kumain.

______3. Nakaramdam ka ng antok habang ginagawa ang iyong takdang -aralin. Ano ang gagawin mo?
A. Tatapusin ko muna ang aking takand aralin bago pupunta ako sa kuwarto at magdasal bago
matulog.
B. Alisin ko ang gamit sa study table at doon muna ako matutulog.
C. Pupunta ako sa sala at doon ako matutulog.
D. Pabayaan ko nalang ang aking takdang aralin.

______4. May pumuntang mga pinuno ng barangay sa inyong paaralan. Nanghihingi sila ng tulong para sa
biktima ng bagyo. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi ako magbibigay ng tulong dahil mababawasan ang aking baon.
B. Magbibigay ako ng tulong kahit mabawasan ang aking baon.
C. Manghihingi ako sa aking kamag-aral para hindi mabawasan ang aking baon.
D. Hindi nalang ako magbibigay dahil marami naman akong nakitang nagbigay.
______5. Nakalimutan ng iyong kuya na pakainin ang alaga ninyong aso. Ano ang
gagawin mo?
A. Papakainin ko dahil baka ito ay mamatay sa gutom.
B. Pababayaan ko nalang na magutom ang aso.
C. Makikipaglaro ako sa aming alagang aso.
D. Hihintayin ko na lang bumalik ang aking kuya para siya ang magpakain.
______6. Nagdarasal pagkagising sa umaga at bago matulog sa gabi si Monica.
A. Tama B. Mali C. Depende D. Wala sa nabanggit

______ 7. Itinatapon ko ang balat ng kendi sa loob ng pook-sambahan.


A. Tama B. Mali C. Depende D. Wala sa nabanggit

______ 8. Hindi nagpasalamat si Lucas sa natanggap na relief goods na ibinigay ng


pamunuan ng kanilang barangay.
A. Tama B. Mali C. Depende D. Wala sa nabanggit

______ 9. Nagbibigay ng libreng sopas ang buong mag-anak sa komunidad pagkatapos ng


pagsamba.
A. Tama B. Mali C. Depende D. Wala sa nabanggit
______ 10. Tinutupi at inilalagay ni Diana sa kabinet ang natuyong damit.
A. Tama B. Mali C. Depende D. Wala sa nabanggit

II. Panuto: Tingnan ang larawan sa ibaba at sagutin ang mga katunungan. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa patlang.

______11. Ano ang iyong nakikita sa larawan?


A. Mga pamilya na nagtutulungan sa paglilinis ng paligid.
B. Mga pamilya nagkakalat ng basura sa paligid.
C. Pamilyang nagsisimba.
D. Pamilyang hindi nagkakaintindihan at nag-aaway.

______12. Kailan dapat magpasalamat sa mga biyayang natanggap?


A. Buwan- buwan B. Linggo-linggo C. Araw-araw D. Taon-taon

______13. Bakit kailangan nating magpasalamat sa biyayang natanggap?


A. Dahil inutos ng Diyos C. Upang magalit ang Diyos
B. Upang matuwa ang Diyos D. Upang masaya ang Nanay

______14. Paano ka magpapasalamat sa mga biyayang natanggap?


A. makipag-away C. magdasal at magsimba
B. magdamot ng pagkain D. magdadabog

______15. Ano pa ang ibang paraan ng pasasalamat sa Diyos.


A. Putulin ang mga puno C. Maging mabuti sa kapwa
B. Dumihan ang paligid D. Magbigay ng pagkain sa mga hayop

III. PANUTO: Iguhit sa patlang ang masayang mukha kung tama ang ginagawa at malungkot na
mukha naman kung mali.
______16. Mahusay si Lito sa pagpipinta kaya malimit siyang sumasali sa mga paligsahan.
______17. Magaling kumanta si Lita, pero ayaw niyang kumanta sa harap ng ibang tao dahil nahihiya
siya.
______18. Tinutulungan ni Mario araw-araw ang kanyang nanay sa paglilinis sa kanilang bahay.
______19. Hindi tinuturuan ni Sam ang mga kamag-aral na nagpapaturo sa mga aralin na hindi nila
maintindihan.
______20. Kinakantahan at tinutugtugan ni Andrew ng gitara ang kanyang pamilya para mapasaya sila.
III. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa patlang bago ang bilang.

_____21. Napili kang sumali sa paligsahan sa Science Quiz Bee.


A. Tatanggi ka.
B. Tatanggapin at magsasanay na mabuti.
C. Tatanggapin ngunit hindi na magsasanay.
D. Tatanggapin ngunit magdadabog kapag hindi na kaharap ang guro.

_____22. Mahusay kang sumayaw. Pinasasayaw ka ng bisita ng nanay mo.


A. Magtatago sa silid. C. Sasayaw nang maluwag sa kalooban.
B. Iiyak sa sulok. D. Magdadabog ako sa harap ng bisita.

_____23. Mahusay ka sa spelling.


A. Magyayabang sa klase. C. Hindi na magsasanay ng palagian.
B. Tuturuan ang kaklase. D. Hayaan nalang ang guro na magtuturo.

_____24. Magaling ka sa pagguhit. Nakiusap ang kaklase mo na tulungan siya.


A. Tutulungan C. Tutulungan pero hihingi ng kapalit.
B. Hindi papansinin D. Sasabihan ko na magpaturo sa iba.

_____25. Marunong kang maglinis ng bahay. Nakita mong marumi ang silid-aralan.
A. Magwawalis at magpupulot ng basura nang kusang -loob.
B. Uutusan ang kaklase.
C. Hihintaying mag-utos ang guro.
D. Magkukunwari akong hindi marunong magwalis.

_____26. Tinutugtugan ko ng gitara ang aking bunsong kapatid para siya ay makatulog.
A. Tama B. Mali C. Depende. D. Wala sa nabanggit

_____27.Hahayaan ko ang aking nakababatang kapatid na gumuhit mag-isa.


A. Tama B. Mali C. Depende D. Wala sa nabanggit

_____ 28. Hindi marunong magbasa ang aking nakababatang kapatid, hayaan ko na lang sina nanay at
tatay ang maguturo sa kanya.
A. Tama B. Mali C. Depende D. Wala sa nabanggit

_____ 29. Makikisali ako pag may paligsahan sa pagpinta.


A. Tama B. Mali C. Depende D. Wala sa nabanggit

_____ 30. Hindi ko sasabihin sa aking mga magulang kung anong sports ang hilig ko.
A. Tama B. Mali C. Depende D. Wala sa nabanggit
Republic of the Philippines
Department of Education
Region ____
Schools Division of ______________________
_____________________ District
___________________ ELEMENTARY SCHOOL

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP 2


S.Y. 2023-2024

SUSI SA PAGWAWASTO

1. C 11. A 21. B
2. B 12. C 22. C
3. A 13. B 23. B
4. B 14. C 24. A
5. A 15. C 25. A
6. A 26. A
16.
7. B 27. B
17.
8. B 28. B
18.
9. A 29. A
19.
10.A 30. B
20.

You might also like